Descargar la aplicación
77.61% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 52: Mosquitoes and Colds

Capítulo 52: Mosquitoes and Colds

Shamari's POV

One thing I hate about parties? It's the atmosphere.

Ang daming magkaka-partner sa dance floor na may sariling mga mundo, may mga grupo din ng mga babae na halatang nagpa-plastikan at nagpapayabanagan lang. Some took this opportunity to flaunt their wealth and beauty. At mas lamang naman ang mga estudyante na halatang sanay na sanay sa ganitong mga party.

Tapos na ang program para sa gabing ito at ang natitirang oras hanggang madaling araw ay bahala na ang mga participants sa gusto nilang gawin.

Lumabas ako ng hall at pumunta sa balcony. It's one in the morning. At nag-init na naman ang ulo ko dahil naalala ko na naman na hindi ako sinipot ng escort ko.

That jerk! I should know better!?

Hindi ako dapat naniwala kay Zilv dahil siya ang lalakeng hindi kahit kelan magseseryoso lalo na sa 'kin! Damn him! Karmahin sana siya kung nasan man siyang kandungan ng sinumang babae!

Huminga ako nang malalim at babalik na sana 'ko sa loob nang may mahagip ang paningin ko. Kaninang alas-otso ng gabi ko pa siya nakita doon, hindi ko nga lang pinansin.

Hmn... It seems na hindi lang ako ang hindi sinipot ng escort.

I smirked. Men! Dapat sa kanila tinatalupan ng buhay at pinapagulong sa asin!

^^^^^^^^

Dollar's POV

"C'mon, Viscos, umuwi na tayo."

Nilingon ko ang nagsalita.

Si Shamari pala. She's stunning pero mukhang bad trip.

"A-Ayoko pa. Nag-eenjoy pa 'ko dito." Hinubad ko ang sapatos ko at pinatong sa tabi ko.

"Nag-eenjoy saan? Sa pakikiusap sa mga lamok na wag kang kagatin?"

Psh! Narinig niya pala ang ginawa ko kanina.

"Bakit uuwi ka na? Mukha namang masaya sa loob ah." tanong ko sa kanya.

"It bores me to death! Ano? Sasabay ka ba?"

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig at umiling. "M-May hinihintay pa 'ko." bulong ko pero mas gusto kong umiyak na lang.

"Are you nuts? Hindi na dadating si Rion, ilang oras ka na bang nandito? Four? Five hours?"

Five hours and twenty-seven minutes to be exact.

"Dadating siya. Hanggang four am pa naman ang party di ba?"

"You're crazy! Kahapon ko pa siya hindi nakikita sa bahay. He has a town house somewhere pero sinong makaka-alam na doon pa siya manggagaling papunta dito? Tinawagan mo na ba?"

I sighed. Iyon na nga ang problema. May number nga niya ako pero wala naman akong load. Hindi kasi naka-plan ang cell phone ko at hindi din ako mahilig magtext kaya nakalimutan kong mag-load.

"T-Tinawagan ka na ba niya?" tanong pa ni Shamari.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan. Wala. Kahit message man lang wala, puro promo lang ng Smart ang nasa inbox ko.

"Let's go, umuwi na tayo."

"I-Ikaw na lang."

"Hindi na nga siya dadating! Wag ka ngang tanga!" she yelled.

Tumungo ako para hindi niya makita ang pag-iyak ko. Pero narinig naman niya ang pagsinghot-singhot ko. Naramdaman ko na lang na umupo din siya sa bench at nagmumura ng pabulong at sinusumpa ang mga lalake.

Kahit hindi siya umiiyak ramdam ko din ang bigat ng emosyon niya. Ewan ko lang kung ano ang dahilan niya. We're two pathetic creatures here, with a happy crowd in the background.

Wala masyadong mga estudyante na pumupunta dito. At nangingibabaw ang tugtog mula sa loob.

"Shamari... dapat ba talaga lalake ang nagyayaya sa babae para tototohanin niya talaga? Bawal ba talaga na babae ang magyaya dahil hindi iyon totohanin at seseryosohin ng lalake?"

"Tss! No one wrote that rule. Tanga lang talaga sila. And promises are made to be broken di ba, 'yan pa kayang mga pagyayayang iyan!"

Pinahiran ko ang luha ko at tinanaw ang main gate ng school. Lahat ng mga sasakyang dumadating tinitingnan ko at inaabangan dahil baka isa doon ang kay Rion. Pero parang tama nga si Shamari, hindi na dadating si Rion. Hindi ako galit sa kanya. Ayokong isipin na sinadya niya talagang hindi pumunta dito. Malay ko ba kung may nangyaring masama sa kanya at nawala ang cell phone niya kaya hindi niya ko matawagan?

Hindi ako galit... malungkot lang. Sobra.

Naalala ko na pinahiwatig ni Vaughn na hindi daw sisipot si Rion. And thinking about that man, nasan siya ngayon? Sabi niya willing siyang pumalit kay Rion. No!

Kahit nandito pa siya, hindi niya kayang palitan ang taong gusto kong maksama ngayon...

Tinapos ko ang pag-iyak ko at nilingon si Shamari.

Kung sasabay ako sa kanya pauwi, magtataka si Uncle kung bakit nasa bahay na agad ako samantalang ala-cinco ng umaga ang paalam ko sa kanya. Pero kung hihintayin ko naman ang oras at maglalakad ako pauwi....I don't think that would be a better idea. Lalo pa't ang taas ng heels ko.

"Thank you, Shamaw ha?"

"For what?"

"Ewan. For always yelling at me?"

She just rolled her eyes.

Sabi ko na nga ba, mabait talaga siya, ayaw niya lang aminin. Sa loob ng ilang oras na paghihintay ko dito, siya lang ang nakakita sa'kin at nagyayang ihatid ako.

"Tara na, idadaan na kita sa inyo." yaya niya ulit at tumayo na.

Sinuot ko ulit ang sapatos ko at nakita ko ang mga kuko ko. Ang ganda ng nail art na ginawa sa mga kuko ko, iyon nga lang... Tumayo na agad ako nang matapos kong isuot ang sapatos ko at sabay kami ni Shamari na naglakad papunta sa kotse niya.

Nilingon ko muna ang buong paligid bago pumasok. Still hoping... Ugh! Ang arte ko talaga!

Ilang minuto lang at malapit na kami sa bahay namin.

"Dito na lang ako, Shamaw."

"Are you sure? Wala pang bahay dito ah?"

"Oo, sige salamat! Ingat ka!"

Bumaba ako ng sasakyan niya at tinunton ang alam kong shortcut dito sa gubat. Malapit na 'to sa Al's Billiards at sa halip na sa bahay ako tumuloy, ang daan papunta sa laboratory ko ang pinili ko...

(T_T)


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C52
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión