Kasabay sa ritmo ng buhay ang pag-agos ng mga kaisipan, tiyempo ng kasaysayan, at kumpas ng karanasan. At ang lahat ng iyon ay maaaring maging saksi ng ating pag-unlad habang tayo ay patuloy na namumuhay. Ito ay maaaring magsimula sa loob ng bahay, opisina, o maging sa paaralan. Pero katulad ng mga tipikal na estudyante, aking masasabi na sa paaralang ito nagsimula ang lahat. Sabi nila, dito raw nahuhubog ang kanilang pagkatao. Pero iba ang dating sa akin, dito ko nahanap ang katotohanan.
Ang Stanford School ay may apat na sangay at isang main. Itinayo ito ng aking ina, dalawang dekada na ang nakararaan. Ang kinalalagian ko ngayon ay nasa kanluran. Kilala ito sa tawag na West Stanford. Habang ang natitirang sangay ay nasa Batanes, Bicol Region, at Davao City. Ang Stanford Main School ay nasa Baguio, pero twelfth grader at colleges lamang ang pumapasok doon. At hindi ko maikakaila na sa Stanford Main School nagsisimula ang totoong pagsubok. Gayunpaman, ang kinahaharap ng West Stanford ay hindi simple. Sino'ng mag-aakala na ang perpektong paaralan kung tignan sa labas, na may matatalino at dalubhasang mag-aaral, ay may tinatago palang mabahong sikreto?
"Kanina ka pa?" Lumingon ako sa gawi nang pinanggalingan ng boses. Inilapag ko ang hawak kong ballpen at tumigil sa paggawa ng balita na kailangan ko nang ipasa mamayang alas-syete.
"Yes, I actually got here before anyone else," sagot ko kay Shion.
Ibinaba niya ang kaniyang bag sa katabing upuan at umupo sa lamesa nito. "Kumusta lagay mo? May nangyari ba?" Nakatingin siya sa aking ulo na pinalilibutan ng puting bendahe. Nagkibit-balikat ako. "Is it about your mom?" tanong niya. Hindi ako nagsalita.
Nagsimula siyang tumayo sa aking harapan. Utay-utay niyang ibinaba ang kaniyang mukha sa lebel ng aking ulo. "Anong ginagawa mo?" madepensa kong tanong. Ngumisi siya.
Akala ko ay may binabalak siyang gawin, ngunit inayos niya lang ang pagkaka-butones ng aking kuwelyo. At dahil sa kaniyang posisyon ay napuri ko ang istilo ng kanilang damit.
Siya ay nakasuot ng payak at puting di-buton na kamiseta, pinapatungan ng itim na V-neck jumper at walang manggas na chaleko. Mayroon din siyang kurbata— o necktie sa ingles, na ginuguhitan ng kulay kahel at itim. Sa ibaba naman ay isang itim na iskirt at abot-tuhod, kulay-uling na stockings at katad na itim na sapatos. Parehas lang ang uniporme ng mga babae at mga lalaki, ang kaibahan lang ay hindi kami nagsusuot ng iskirt dahil kami'y naka-pantalong kulay abo. Sila rin ay may suot na roba na kulay kahel sa loob at itim naman sa labas.
Samantalang ang mga lalaki ay nakasuot ng ibang klaseng balabal na may kaparehang kulay, na nabibilang sa Tiger's house. Ang kulay na aming nire-reprisenta ay kahel at itim. Sa Wolf's House naman ay bughaw at itim. At kung makakakita ka ng mga estudyanteng may ibang kulay na kurbada, marahil ay miyembro sila ng Student Board, Campus Police and Patrol Students, o Student's Minor House.
"Mukhang hindi ka natulog. Hindi maayos ang pagkakasuot ng kamiseta mo," wika niya na sinusundan ng tawa. Napansin ko ang kulay rosas niyang lipstick.
"Mula nang mangyari iyong aksidente, hindi na ako nakatulog nang tama." Ngumiti ako nang mapait at tumungo. Naramdaman ko ang pagka-walang sagot ng aking kasama.
Nagsimulang dumating ang iba ko pang kaklase na nagdadala ng iba't ibang uri ng ingay. "Teka! Saan ka?" hiyaw niya dahil sa pagmamadali kong paglabas ng silid.
"Restroom." Matipid kong sagot na hindi nagagawang lumingon. Pero kabaligtaran sa aking salita, tumungo ako sa gitnang gusali ng campus.
"Usual, miss," wika ko sa kahera. Kanina, habang gumagawa ako ng balita ay narinig kong kumalam ang sikmura ko. Hindi ako kumain sa bahay, dahil ayaw kong makausap si mama, ni-ayaw ko ring makita. Habang nakatayo ay nag-iisip ako ng linya para sa aking report. Kailangan ko na siyang matapos.
Hindi ganoon katagal ang paghihintay ko sa pagkain. Marahil nakita nila ang suot kong pin na may nakalagay na tigre na nagsasabing "Tiger Student" ako at dahil sa matingkad na kulay ng aking balabal. Ang kulay ng roba at balabal ng mga mag-aaral ang siyang nagsasabi kung nasa'ng posisyon ka sa paaralan. Kaya hindi rin maikakaila na ang paaralang ito ay may social classes; "Student Level" ang tawag dito. Ang Stanford ay gumagamit ng leaderboard na naka-display sa pamamagitan ng projector. Dito mo makikita kung sino ang pinakang magaling kapag pinagsama ang dalawang bahay. Bahay ng mga tigre o bahay ng mga lobo.
Hindi rin man sa pagmamayabang ay kabilang ako sa nangungunang lima na may pinakamataas na puntos. Kailangan mo lang maging aktibo sa lahat ng oras, maging huwarang mag-aaral, magpakitang-tao, ganoon lang ka-simple at makakakuha ka na ng mataas na punto.
Pero iyon ay hindi nangyari sa akin. Aktibo lang ako sa Club na News and Report— para lang siyang journalism –pero pagdating sa klase ay tinatamad ako. Nadala lang marahil ng impluwensya ng aking nanay— direktor ng Stanford.
Inabot ng kahera ang pagkain ko kasabay ng paglalahad ng aking bayad, ngunit hindi niya ito tinanggap. "It's on the house." Ngumiti siya.
Matipid akong nakangisi, naningkit din ang mga mata ko dahil sa gulat. "You're a student, right?" May ngiti kong wika.
"Yes, same house. I'm Angela." Inilahad niya ang kaniyang palad, inabot ko ito at nakipag-kamay.
"Class hours ngayon, what are you doing there?" tanong ko. Nanatiling nakatayo sa harap ng kahera kahit na may dapat tapusin na report.
"I skip classes, mas gusto ko rin dito kesa pumasok sa boring na philosophy." Tumawa siya.
"Kay Sir Francis?" tanong ko, tumango si Angela.
"I'm not supposed to have a talk when I'm working, later na lang," kaniyang sambit.
Tinalikuran niya ako at saka pumasok sa kusina. Ngumiti ako dahil sa sinabi niyang "later." Ibig sabihin ata ay magkikita ulit kami.
Humanap naman ako ng bakanteng lamesa para kumain at makagawa ng report. Ang dating mapait na lasa ng sopas at matigas na laman ng baboy ay nagbigay ng bagong tekstura sa aking dila. Siguro'y dahil libre kaya ganoon na lang ang pagbabago ng lasa nito. At habang abala ako sa pagsubo at pagsulat ng balita, mayroong dumagil sa aking upuan.
Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nagwika, "Ang lawak ng daan. Nagawa mo pang banggain ang silya ko?" tanong ko.
Ngumisi siya. "Logan, matalik kong kaibigan," taimtim niyang wika habang nakapaskil pa rin ang kaniyang ngiti sa mukha, "hindi ako ang nakabangga sa iyo— iyong kasama ko. Tama ba Nicole?"
Tumango si Nicole at ngumiti sa lalaking may pangalang Enrico, kilala rin bilang EJ. "Oops! Hindi ko sinasadya, sadyang hindi ko lang nakita ang existence mo rito." Kumuyom ang aking kamao dahil sa sinabi ni Nicole.
Si Enrico ay kaibigan ko mula bata, malapit lang ang bahay namin sa isa't isa kaya naging matalik kaming magkaibigan. Subalit, hindi ko siya kaklase noong nasa elementarya kami. Pagtapak naman ng High School ay naging kaklase ko siya noong fourth year. Magkasama kami sa iisang section nang isang taon dahil sa eleventh grader lang naman ang pumipili ng houses.
Pero hindi ko alam kung bakit nagbago bigla ang ihip ng hangin. Hindi niya na ako kinakausap nang magsimula ang balik-eskuwelahan ngayong taon. Nagkaroon naman kami nang maayos na relasyon bilang magkaibigan, pero may nangyaring aksidente kaya nanatili ako sa ospital at hindi kami nagkausap. Paggising ko, hindi na siya nagpakita. Si Shion na lang ang matalik na kaibigang natira sa akin.
Isa siyang Wolf Student. Dahil tipikal sa kaniya ang pagiging masama ang ugali at pagiging matalino, mas pinili niya ang Wolf's House
"Enjoy your food, Logan. Kita na lang tayo mamaya," si Enrico habang nakapamulsa.
"Yup, see you on the performance night next next week. Una na ako, may practice pa kami sa Theater," si Nicole.
Tinalikuran ako nang dalawa at nagpatuloy sa paglakad matapos bumili ng isang boteng tubig. Magpapatuloy pa sana ako sa pagkain, kaso nag-iba ang pakiramdam ko. Bumalik iyong mapait na lasa ng pagkain sa Cafeteria.
Dahil sa hindi ako nakapag-pokus sa pagkain, itinuon ko na lang ang atensyon sa ginagawang report. Kinuha ko ang cellphone at nag-search sa contacts kung sino'ng pwedeng tumulong sa akin ngayon. "Hey," bungad ko.
"Logan?" tanong ng kausap ko, si Khen, "how can I help you?" Walang pagbabago ang boses niya, pantay ito at nagpapakita nang pagkawalang-interes.
"Magpapa-balance lang sana ako sa 'yo. May ginagawa akong financial report ng mga clubs, at ikaw lang ang kilala kong makakatulong sa akin. Math Prodigy ka, e." Pilit akong tumawa sa huli. Tahimik lang siya at 'di sumagot.
Narinig ko siyang magbuntong-hininga. "Send it. Quickly," wika niya. Mabilis kong ni-send ang mga detalye. At hindi pa man nakalalagpas ng sampong minuto ay nakapag-reply na siya.
Naging abala ako sa paggawa ng report. Mabilis ang pagsulat ko, ang bawat salitang ginagamit ay may dating. At ngayon ay handa na akong umakyat sa ikalawang palapag para pumunta sa club room. Habang naglalakad ay nag-vibrate ang aking cellphone.
Shion: Where are you?
Logan: Restroom.
Shion: Stop lying, I can see you.
Napalinga-linga ako sa paligid. "Restroom? Second floor? You're in front of the Theater." Nakita ko si Shion na naka-sandal sa puting ding-ding, kalapit ng pintuan na may naka-paskil na "Theater."
Lumapit ako sa pwesto niya. "Akala ko nasa classroom ka?"
"Akala ko rin," sagot niya sa akin, "have you forgotten already? May rehearsal kami these coming weeks. Hindi siguro ako makakapag-focus sa studies ko. Pero in-assure naman ng direktor na hindi ito makaka-apekto sa grades."
"For what? August pa lang, 'di ba? Matagal pa ang Concert niyo," naguguluhan kong tanong.
"We are in the Senior High. This is a tradition—like our debut as being part of the Senior Theater Club." Malawak siyang ngumiti. Hinawi niya ang kaniyang kulot at kulay blonde na buhok na abot hanggang balikat.
"What are you going to play? And what's your role?" Sunod-sunod kong tanong. Masaya lang ako na makita siyang nagagawa ang gusto niya. Tama lang ito para sa kaniya, naging mabuti siyang mag-aaral— dahil kailangan niya para ma-maintain ang offered scholarship ng Stanford.
"Ngayon palang i-a-announce. Don't be too excited." Muli kong nakita ang maputi niyang ngipin dahil sa pag-ngiti. Nagsalita ulit siya, "But, may I ask you? Anong ginagawa mo rito?"
Itinaas ko ang hawak kong notebook. "Report," wika ko.
"So, you're skipping classes?" kaniyang sabi. Humagikhik siya.
"Research skill is my asset in this school. I don't have to attend Research Class." Nagkibit-balikat ako.
May tumawag sa pangalan ni Shion sa likuran kaya nagpaalam siya sa akin. Ako naman ay nagpatuloy sa pag-lakad. Mabilis kong tinahak ang daan makarating lang sa patutunguhan. Pagkarating ko ay inaasahan ko nang abala ang aking mga kasamahan.
May mga naka-gusumot na papel, nagkalat na mga libro, diyaryo sa sahig, mga computer sa nakahanay na lamesa. "News and Report" Pangalan pa lang ay alam nang seryoso at abala ang mga tao.
Pero nagkakamali sila, gumagawa lang kami ng mga kuwento sa loob ng campus— walang pake kung may masisiraan. Nagbibigay ng impormasyon, walang kinikilingan. Madami na rin ang sumubok na pabagsakin ang Club na ito dahil sa nagiging mapanirang-puri kontra sa iba't ibang Club. Pero matagal na itong nakalatag sa lupain ng Stanford kung kaya't nagiging mahirap para patalsikin kami. At wala kaming magagawa, ang mga reports namin ay base sa katotohanan.
Nagiging usapin lang kung paano kami nakabubuo ng kuwento. Kung paano namin nalalaman ang dakila nilang sikreto.
"Logan, hinahanap ka na ni Sir," bungad ni Angelyka, "nasa office siya." Itinuro naman niya ang opisina ng aming News and Report Adviser na nasa dulo ng silid na ito. Ang Club Room namin ay nahahati sa tatlo— sa Study, sa Rest, at sa Office. Kami lang nagbigay taguri dito base sa kung ano ang madalas naming gawin sa lugar na iyon. Tumango ako kay Angelyka.
"You're two minutes late for your report," madiin ang pagkakasabi ni sir Willie sa akin.
Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong hindi ako mananalo sa pakikipagtalo sa kaniya. Inabot ko ang notebook at ang aking cellphone upang makita niya ang sources at 'raw data' ko, inilapag ko naman ang Flash Drive na kung saan andoon nakalagay ang final report.
Tahimik niyang binasa ang mga nakasulat. Mukha namang hindi masama ang gawa ko dahil siya ay walang-imik. Ganoon naman talaga rito, katahimikan kung maayos ang gawa, at matinding pangangaral kapag hindi maayos. Masyadong istrikto, masyadong organisado. At ito ang nagpapatatag sa Club, dahil natuturuan kami ng disiplina at tamang asal sa ginagawang pananaliksik.
"You may go out," sabi niya. Lumabas ako at umupo sa aking cubicle. Tinignan ko kung ano'ng oras na pero wala pang alas-otso. Ayaw ko namang pumasok sa klase kaya dito na muna ako magtatagal.
Ilang minuto akong nakasubsob sa lamesa ko. Habang abala iyong mga kasamahan ko sa pag-tipa, biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni sir. Napaayos kaming lahat ng pagkaka-upo.
Nasa unahan siya habang seryosong nakatingin sa labing-anim na miyembro ng News and Report Club. "Kung makikita niyo, ang Editor in Chief ng ating newspaper ay wala na sa club. Ganoon din ang Assistance EIC at Managing Editor. Dahil do'n ay magsasagawa tayo ng aktibidad."
Napangiti ako nang marinig ang salitang aktibidad. Sa tuwing sinasabi niya ito ay alam kong magiging masaya ang gagawin namin.
"We will choose our new Newspaper Board by the number of articles that will be passed by each journalist. But not just a simple article… it's something that can release the secret of Stanford— The hidden and darkest secret. So, what you need to do, as a researcher, a journalist, a writer, find something worth reading and that will pique everyone's interest."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"Can't we just have a votation, sir?" tanong naman ni Jeff. "Votation? Really? Look at our country, being ruled by some stupid politicians and legislators who have been doing nothing ever since they were elected. They were just given a position by the votes of people who are blinded yet they felt so superior. Look, walang nangyari. Kung may nangyayari 'man ay mukhang scripted. Dapat ang mga nahahalal ay siguradong may napatunayan na," sagot ni Sir Willie.
"What do you mean, sir? Scripted? In what form… in what way?" tanong ni Angelyka.
"They create their own mess, then, they will clean it. Ipapamukha lang nila sa tao na may nagawa sila kahit na ang mga iyon ay planado." Mapait na ngumiti si sir.
"I see." Dinig ko namang sabi ni Oliver. "You just gave me an idea."
Napalingon kaming lahat sa kaniya. Nakangisi lang siya na para bang may masama siyang pinaplano. "Don't dare." Pagbabanta ng aming Adviser.
"You guys took my words the other way around," panimula niya, "can you remember the incident that happened before the election of New Student Board? March 22, 2020: The Logan Case." Ang mata naman niya ay pumunta sa gawi ko. Ang kaniyang kaliwang braso ay nakapatong sa kanan, habang ang mukha niya ay walang buhay na nakatingin sa akin. Naningkit ang mga mata ko.
"What are you trying to infer?" Nagsara ang parehas kong panga habang pinanlilisikan siya ng tingin.
"How about we put the introduction this way: "Logan, Head Student candidate who was found unconscious last March appeared to be fake and was part of his plan in order to disparage the other party." That would play really well, wouldn't it?" Ang boses ni Oliver ay pantay pa rin kahit na sobrang nakaiinsulto ang kaniyang mga sinasabi.
Sasagot sana ako nang biglang magsalita si sir. "That's good. You have now your assignment." Tumingin ako kay sir dahil sa kaniyang winika.
Nagkibit-balikat lang ang matanda. Bumalik naman ang tingin ko kay Oliver na ngayon ay nakangisi habang ang mata niya ay walang buhay.
***
"Why are you doing this?" Hinawakan ko ang kuwelyo ni Oliver nang magkatagpo kami sa loob ng CR.
"Are you pleading guilty?" tanong niya.
"Hindi!" wika ko, "I'm not guilty. I won't ever be."
"How can you be so sure? Hindi ba at nawalan ka ng 'ala-ala'? O baka naman arte lang iyan?" Walang buhay ang boses niya. Mas humigpit pa ang hawak ko sa kaniyang kuwelyo.
"What are you trying to prove?" aking tanong.
"Do you want to know?" May pang-aasar niyang wika. Pinanlisikan ko lang siya ng mata. Lumapit naman ang kaniyang mukha sa bandang tenga ko at bumulong, "I want to prove everyone that the famous Logan, son of the director, is behind all the incidents in Stanford."
Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Incidents? What incidents? Wala namang nangyari!" hiyaw ko. Mabuti na lamang ay kami lang dalawa ang nasa loob ng restroom.
Pinagpagan niya muna ang kaniyang damit nang tagkalin ko ang pagkakahawak sa kuwelyo. Inaayos ang suot niyang balabal, hinahawi ang buhok paitaas at saka pinunasan ang salamin ng kaniyang mata.
"May sinabi ba akong nangyari na? Malay mo, magsisimula pa lang." May mabilis na ngisi ang kumawala sa kaniyang labi. Napatulala at napatigil ako sa aking pwesto, binangga niya ako habang siya ay papalabas.
Nananatiling misteryo ang pagkahulog ko sa hagdan, na siyang dahilan upang makalimutan ko ang ilang mahahalagang bagay. Kasagsagan ng eleksyon noon para sa bagong Student Board, madaming naninira, madaming peke, madaming may galit.
Naniniwala ako na hindi basta aksidente ang pagkahulog ko. May munting tinig ang nagsasabi sa akin na ang lahat ay intensyonal na isinagawa. At kung meron mang tao ang kayang gumawa noon, ito ay walang iba kung hindi si Mateo— ang aking naging katunggali sa pagka-Head Student. At para pagbintangan ako bilang taga-plano ng sarili kong aksidente ay hindi makatuwiran. Alam ko sa sarili na nagsasabi ako ng totoo. Na inosente ako.
Pero sa sinabi ni Oliver, nagbukas siya ng panibagong silid para sa pagdududa.
(More)