"Shocks!" Nawindang ako sa usad ng mga pangyayari. How very unusual for him to do this kind of gesture. Ikamamatay pa ata ng puso ko ang mga pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Rukawa ngayon.
Masyado siyang straightforward compared sa unang pagkikita namin sa eskwelahang ito. Inabot niya sa akin ang mga palad niya para tulungan akong makababa sa higaan ko. It almost resembles Sakuragi's hands in terms sa measurement pero it feels cold; baka dahil iyon sa lamig ng aircon sa clinic at huwag naman sana iyon para sa feelings niya sa akin, hopefully it's not the case.
Delusions aside, until now ay lagi pa din akong starstrucked sa taong nasa harap ko. Paano ba naman kasi ako hindi maloloka, he begins to open-up himself more sa ibang tao ngayon at ang swerte ko naman na first hand experience ang ipaparanas sa akin ni Rukawa.
"Hoy! Ano pang tinutunganga mo dyan? May tuliling ba sa tenga mo kaya hindi ka makaimik?!" He was still grumpy at some point pero who cares?! Sino ba naman ako para magreklamo eh napapangiti niya pa rin ako kahit anong gawin niya.
I never checked the time sa wall clock pero ilang segundo din ata ang itinagal before I realize na hindi pa pala ako tumatayo sa pinaghigaan ko. "Ay sorry hehehe... Lutang lang ako sa kakaoverthink sayo." sabi ko sa kanya at hindi na ako nagpakahard to get dahil sa posibilidad na baka magbago ang desisyon niya the last minute na mainis siya sa weirdness ng utak ko about him.
"Bakit naman?" I was caught off guard nang tanungin ako ni Rukawa ng ganun. Naglalakad na kami palabas sa clinic as of this moment at diretcho lang ang tingin niya sa harap, not even bothered to look at me.
"Hindi mo naman kailangang mag-abala para sa akin. Unexpected lang kasi na ikaw mismo ang mag-aayang lumabas kasama ako." nahihiyang paliwanag ko sa kanya.
"Pero pumayag ka naman sa alok ko kaya ka nga nakabuntot sa akin kung saan ako pupunta." katwiran nitong pahayag sa mukha ko. May tama nga naman siya pero this hit me so hard 😳.
Why do I keep stating the obvious? Kaya nga naman kami kakain sa labas dahil sinusundan ko siya. Hay nako... alam ko naman na reality na ito at hindi isang panaginip, pero andami ko pa ding iniisip na random thoughts. Behave ka nga muna self.
Nang mapadpad kaming dalawa sa parking area, agad niyang inayos ang mga gamit namin at nilagay niya iyon sa basket na nakakabit sa harapang bahagi ng kanyang bisikleta. "Angkas na." mariing utos niya sa akin kaya hindi na ako umimik pa.
Pag-upo ni Rukawa sa bike niya ay dumiretso na ako sa rear seat sa likod niya at doon ako pumwesto. "Thank you nga pala at hindi mo ako iniwan doon mag-isa." sabi ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan.
I'm not sure what has gotten into him pero bigla siyang nawalan ng gana na kausapin ako. "Nananadya ka ba? Ayusin mo nga iyang paghawak mo sa akin. Kung hindi ka masusundo ni Akagi ng ganitong oras, magiging responsibilidad ko pa kung may mangyaring masama sa'yo pag-uwi mo." His statement only proves that love can also make people foolish just like me.
"Nakahawak naman ako sa balikat mo. Hindi mo naman siguro sasadyain na magpabangga sa poste." I told him what I know at kinakabahan na din ako sa trip niya sa buhay.
"Tsk! Masyado kang madaldal." Naiinis niyang turan sa opinion ko at nakuryente ang mga kamay ko dahil sa bigla niyang paglipat ng mga ito sa kanyang abdomen - where all his fresh pandesal lives effortlessly.
"S-sinabi mo na b-ba k...kay kuya ang t-tungkol dito?" Ako lang ito. The nerves were already wrecked inside me. I don't even know what I must feel dahil pati utak ko tumitibok na din sa sobrang hiya ko kay Rukawa.
"Alam niya naman siguro na manager ka ng basketball team ngayon. Baka hindi pa nun maisip na nakauwi ka na sa inyo dahil ginagabi naman talaga ang team bago ang interhigh tournament dahil sa practice." paliwanag niya sa akin para lang siguro mawala ang aking pag-aalala sa mga walang katuturang bagay.
"Sabagay, madalang na lang din siya tumatawag sa bahay mula sa dorm niya ngayon." I blurted this out all of the sudden and guess what, he never said a word or did any unusual body language towards me habang nagkukwento ako sa kanya.
In the first place, Kaede Rukawa as a low-key, mysterious, and nonchalant introvert na may significant ambag sa karangalan ng Shohoku High puts himself on the pedestal dahil sa kasama nitong si Haruko Akagi. Mahirap mang tanggapin ng kanyang kalooban ngunit ang plano ni Rukawa na magsolo ngayong gabi sa isang kainan na wala masyadong nakakakilala sa kanya ay naglaho na lang na parang bula.
"Hmpp... Such a pain in the ass. Ano ba itong pinasok ko?!" bulong ni Rukawa sa kanyang sarili habang nagpapadyak ng bisikleta patungo sa pinlano niyang destination para sa kanilang dalawa ni Haruko.
Imbes na ako lang dapat ang makinabang sa sarili kong allowance ay napilitan pa akong magdala ng isang palamunin sa lugar na ito. Kahit iyon naman talaga ang silbi ng isang fast food resto sa mga tao, sadyang hindi lahat ng plano ay umaayon sa dikta ng pagkakataon.
Ayaw ko munang makita si ante Roannes ngayong gabi kaya mas mainam na siguro na may kasamang kumain sa labas kaysa magtiis sa pakikinig ng bangayan nilang dalawa ni ante Roannes at ng asawa niya na walang katapusan.
Nabanggit ko naman na din dati na ayoko sa madramang usapan pero heto ako ngayon, nagsama pa ng babae sa fast food resto. "Baba ka na dyan. Andito na tayo." sabi ko sa kanya at tinatapik ko pa ang kamay ni Haruko para lang magising siya sa katotohanang wala itong malisya.
I need her to do something for me para naman hindi masayang ang pinunta namin dito. Nahikab pa siya ng konti bago siya magsalita. "Wendy's?! Ang dami kong naaalala dito..." Tuwang-tuwa pa siyang nagninilay habang ako naman ay paubos na ang tolerance sa small talks na minamanifest niya kahit hindi pa kami nakaorder ng pagkain.
Pumasok na kami sa loob ng establishment pagkatapos kong iparada ang bisikleta ko sa labas. "Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya. Kahit nasa dulo pa kami ng pila ay mabilis lang nakukuha ng cashier ang mga order ng customer na nauna sa amin.
"Hindi kasi ako makapili kung ganyang nakakatakam lahat ang mga pagkain nila dito." komento ni Haruko na nalilito pa din kung saan ba dapat siya lumugar sa mga oras na ito.
I'm the one na nagmamagandang-loob sa kanya ngunit ginagawa niyang kumplikado ang sitwasyon ko. "Alam ko naman iyon pero sigurado ka bang wala kang any specific meal na gusto?" Inulit ko sa kanya ang tanong ko dahil baka hindi niya naiintindihan ang gusto kong malaman.
"If pasta kasi baka hindi kaya ng budget dahil wala pa akong extra money na nadala. Tataba ako lalo sa burger and fries at mas lalo namang sasakit ang lalamunan ko kapag uminom pa ako ng malamig na inumin..." Hay nako! Mga babae talaga ang hirap ninyong kausap 😑.
"Pero kung ano ang usual meal na inoorder mo dito, ganun na lang din ang akin." Her latest response gave me a nice idea.
"Sigurado ka na ba? Wala ng bawian ito." sabi ko sa kanya at sa wakas! Salamat naman at nagkaintindihan din tayo Haruko.
"Oo. Curious din kasi ako kung ano ang mga paborito mong pagkain." Sige... sabi mo eh.
Dala ang mga gamit namin, hinayaan ko si Haruko na pumili ng table namin bago pa maging catatonic ang lahat ng nasa paligid niya at ako ang pumila sa cashier para mag-order ng pagkain naming dalawa.
Ten minutes have passed at ito na ang pagkakataon ni Rukawa to fulfill the desires of their stomach. "Welcome sa Wendy's! Ano po ang order nila?" The cashier lady politely asked her customer in line.
"Sa dine-in, meat sauce pasta for two (¥850*2). Lakihan niyo ang servings. High roasted tea latte at Supernal Matcha latte (¥450*2). Then, para naman sa take-out, dalawang teriyaki burger (¥620*2), at dalawang order din sa DIP potato M set (¥570*2) na fries with drinks." That was the longest important sentence na nabanggit ni Rukawa ngayong araw and it was already draining for him kung ipapaulit pa iyon sa kanya mula sa simula.
Just for clarification ay idinictate ulit ni cashier lady ang sinabi ni Rukawa sa counter. Nang mapagtanto nila na kumpletong naencode sa computer ang order ng customer ay agad na silang nagsettle ng transaction payment.
"Total of 4980 yen po." sabi ni cashier lady at nag-eexpect ng pera mula sa customer ngunit iba ang kanyang natanggap.
"Valid pa naman po itong mga gift cheque niyo hanggang ngayon diba?" tanong ni Rukawa sa cashier while staring blankly at her.
"Y-yes po. Here's your change po. Iseserve na lang po namin sa table nyo ang orders niyo. Thank you po." aligagang saad nito kay Rukawa dahil bihira lang sa kanilang branch ang makatanggap ng ganung klase ng perks as mode of payment mula sa customer and after all the bickerings a while ago, lahat pa din ng mga putaheng nabanggit ni Haruko kanina ang nasunod sa order list ni Rukawa.
Narito pa kami sa eskwelahan ng 6:30 pm at kakatapos lang naming maghapunan sa night market. "Bakit pa tayo bumalik sa eskwelahan, Hanamichi? Panigurado naman akong nakauwi na si Haruko sa kanila sa mga oras na ito." Lagi talagang kontra sa akin itong Takamiya na ito kahit kailan.
"Oo nga naman. Nagsayang na naman kami ng pamasahe." Isa pa itong Noma na ito na kung makareklamo eh dinaig pa nanay niya.
"That's right!" Wala ka na bang ibang matinong sasabihin bukod dyan, Ohkusu?
"May ginastos kayong pamasahe? Talaga ba? Nakiangkas lang naman kayong apat sa scooter ko gaya ng lagi niyong ginagawa. Kahit pang gas lang sa motor ko hindi ko na siningil dahil meron pa din namang hindi magbabayad ng ambag sa inyo eh." Pasensya ka na Mito pero ikaw lang kasi ang maaasahan ko sa ganoong pagkakataon.
"Tsk! May nakalimutan nga ako kaya ako bumalik." Pagdadahilan ko sa kanila.
"Si Haruko iyan panigurado." sumabat pa itong amerikanong hilaw sa usapan.
"Hindi kaya!" paninigaw ko sa mga dugyutin nilang pagmumukha.
"Kung ganun naman pala eh bakit tayo nasa tapat ng school clinic ngayon?" tanong ni Noma sa akin at nakataas ang kilay ng mga asungot na ito habang kinakausap ako. Mga bastos! pero tama naman talaga sila tungkol sa sadya ko dito.
Nag-aalala talaga ako kay Haruko mula pa kaninang bumalik kami sa next subject namin pagkatapos ng PE. Kahit wala akong maintindihan sa sinasabi ng maestro ay pinilit ko pa din magsulat ng lecture para sa kanya.
"Kita niyo naman, hawak niya pa din yung notebook niya na ngayon lang nasulatan ng matino sa buong buhay niya." sabi ni Noma na libangan talaga na pagtripan ako.
"Pfft!! Hahahahaha... Wag mo naman ipaalala sa akin iyong ginawa niya kanina. Mababaluktot talaga dila niya sa kakasalita ng Pranses na mali-mali pa ang pagkakabigkas." Sige lang... tumawa ka hanggat gusto mo Takamiya.
"Isang sample nga galing sa iyo?" paghahamon ko sa kanya at nanahimik din naman ang tabachoy na iyon sa isang tabi.
"Masyado ka namang seryoso Hanamichi. Nagbibinata ka na talaga." komento naman ni Ohkusu sa tabi ko.
"ANONG IBIG MONG SABIHIN?!" Matatambangan ko na talaga ang mga ito sa labas kapag hindi pa sila tumigil sa pang-iinis sa araw na ito,
Inawat na ako ni Mito mula nang tapikin niya ako sa balikat para makuha ang aking atensyon. "Teka! Nakakandado na ang pinto. Baka wala na talaga sila dito ni Haruko." sabi ni Mito habang sinusubukang buksan ang naturang pinto.
"Bukas mo na lang iyan ibigay kay Haruko." payo sa akin ni Noma. Paalis na sana kami doon pero pinagalitan pa din kami ng school nurse na nakaduty sa araw na ito.
"What the heck are you loitering around here? Umuwi na kayo! Hindi na ako tatanggap ng pasyente sa oras na ito." Iyong bunganga talaga niya ay umaalingasaw pa din sa kadiliman ng gabi
"Hindi naman kami magpapagamot o magpapakonsulta sa inyo. Bakit ka na naman galit Madam Rurika?" Banat naman ni Takamiya sa panenermon sa amin ng school nurse.
"Ganun ba? Akala ko kasi mga pakawala kayo sa mental hospital at nagkukumpulan kayo dito. Ano ba ang sadya niyo at naparito pa kayo?" Nakakainis talaga ang school nurse na ito sa totoo lang
"Yung pasyente niyo kanina na dinala namin dito, okay na ba siya?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Nakita ko nga siyang naglalakad pauwi kasama ang boyfriend niya." Kinukutuban ako ng masama mula sa sinabi ng nurse sa amin.
"B-boyfriend? Sino?" Magwawala talaga ako sa eskwelahang ito kapag hindi niya sinabi sa akin ang nalalaman niya.
"Boyfriend niya nga ba iyon? Basta matangkad ang lalaki na iyon at umangkas ang tinutukoy mong pasyente sa bisikleta ng lalaki." Tsk! Epal talaga ang soro na iyon.
"Alam niyo po ba kung saan sila pumunta?" Tanong ni Mito sa masungit na nurse.
"Aba malay ko!" Kita niyo na...
"Osya! Uuwi na kami. Ingat kayo sa daan Mito." Nagpaalam na ang tatlong itlog na bugok sa amin samantalang hindi pa din ako mapakali.
Baka nagtanan na ang dalawa kung saan at wala na akong mukhang maihaharap kay Haruko dahil madudungisan siya ng maruming kamay ng Rukawa na iyon. Hindi ako makapapayag.
"Gusto mo pa bang maglibot, Hanamichi?" tanong sa akin ni Mito nang makaalis na ang mga asungot sa buhay ko.
Napansin ni Mito na hindi ako mapirmi sa isang pwesto kaya naman agad akong sumama sa kanya para hanapin si Haruko sa buong siyudad. Kung paano man kami magsisimula sa paghahagilap ng bisikleta ng mayabang na iyon, just leave that to my genius brain. May konting bali ang harapang bahagi ng bisikleta niya bilang palatandaan dahil tinadyakan ko iyon kaninang lunchbreak sa sobrang inis ko sa kanya.