Hindi nakasagot agad si Rain. Nakatitig lang siya sa babae, katulad niya medyo makinang ito tingnan.
"K-kilala mo ko?" Naninindig balahibo niya. Hindi naman ito nakakatakot tingnan, kagaya niya din, normal lang. Pero ngayon lang siya nakapagsalita sa tulad niya.
"Of course, Rain!" Masiglang sambat ng isa pang babae. Nakalapit na pala ang iba sa kanila. Nagtataka ang mukha ng mga ito. "Sikat ka kaya, pati ang grupo mo. At saka, nandito lang kami sa paligid kaya alam namin ang mga nangyayari at kung sino kayo." Malaki ang ngiti nito sa kanya.
"Pero pano ka nga ba naging isa samin?" Tanong ulit ng unang lumapit sa kanya.
Isa-isang tiningnan ni Rain ang mga mukhang nakatutuk sa kanya. Iba-iba din ang itsura ng mga to, ang iba ay parang galing pa sa 1990's ang ayos.
"Rain, sino yung nasa katawan mo? Pano ka nya napalitan?" Dagdag tanong ng iba.
"Di ko rin alam kung pano yun nangyari." Sumagot na rin siya. "Kakambal ko ang nasa loob ng katawan ko."
Umugong ang bulungan sa mga kapwa niya. Nagsimula na siyang maglakad ulit at hinayaan ang mga to. Lumapit na siya sa kambal niya at tumabi dito. Kahit walang nakapansin sa kanya sa barkada ay nakikinig nalang siya sa mga ito. Nakita niya ang sariling kumakain ng spaghetti. His nose wrinkled and he shook his head. Paborito ni Raimer ang spaghetti.
"Bro, hindi ako kumakain niyan, alam yan ng barkada. Nagpapahalata ka ba?" Tanong niya dito. Wala naman siyang inaasahan na sagot kaya nagkibit balikat nalang. "Tsk! Tsk! tsk!" Umiiling pa siya. Tumingin siya sa unahan, don sa counter. Nakita niya agad si Faith, wala ng estudyanteng nakalinya. Nagbabasa nalang ito sa notebook. Malamang nag-aaral, sinisingit nito iyon sa tuwing wala ng pumipila.
Tumayo siya at nagtungo dito. Nang nasa harap na ay tiningnan niya ang binabasa nito sa notebook. Syempre nakabaliktad sa kanya kaya binalik niya ang tingin sa mukha ng dalaga. She's reading intently. Hinawakan niya ang ibabaw ng counter, hindi lumagpas kamay niya. Napangisi siya, tumalikod at inangat ang sarili para makaupo don. Hindi naman siya nakakaharang kay Faith dahil hindi siya nito nakikita o ng mga totoong buhay. Pero dahan-dahan siyang umusog sa gilid para hindi siya madaling malagpasan ng iba. Alam na rin siguro ng Diyos na gusto niyang maupo kaya nakakaupo siya don. Kitang-kita niya ang kabuoan ng cafeteria, ang mga estudyante na kumakain sa tables, nag-iingay at ang iba ay naglalaro pa.
Lumingon siya sa likuran para tignan ulit si Faith, pero nagulat siya nang wala na ito doon. Kumunot ang noo niya habang hinahanap ito sa ibang counter. Pero wala na siyang makita ni anino nito. Nasan na yun? Bumaba siya at sinubukang lumagpas sa counter. Nakalagpas nga siya, dumiretso siya hanggang sa loob ng kusina, wala ito doon, tapos may isa pa siyang pintuan na nakita. Humakbang siya at akmang lalagpas don nang biglang bumukas ang pinto at tumama sa mukha niya. Malakas ang pagkabangga niya don dahil napasalampak siya sa sahig.
"Shit! Ang sakit non!" Impit niya habang hawak ang ilong at bibig. He feels like his nose cracked. Nang masigurong hindi naman dumugo yun ay lumingon siya kung sino ang nagbukas ng pinto. Nakita niya si Faith na papalabas ng kusina, halatang nagmamadali, natataranta ata ito. Tumayo na siya. "Fuck! Ang sakit pa rin." Umiling siya at ininda na lang ang sakit. Napaisip kung pano yun bumangga sa kanya. Dapat lumagpas yun, nalilito na naman siya. Winaksi na muna yun sa isip at sinundan si Faith.
"Fudge! Anong nangyayari?" Tanong ni Faith sa sarili. Nasa labas na siya ng cafeteria, hinihingal sa pagtakbo. Nakatago siya sa isang poste ng building na malapit lang don. Tiningnan niya ang Rain na nakaupo kasama ang grupo nito, as usual, nakadikit si Michell dito.
She turned away, sumandal ulit sa poste at napaisip. Hindi siya maaaring magkamali, si Rain ang kaluluwang lumapit kanina at umupo pa mismo sa ibabaw ng counter. Nong nangyari yun ay nagbabasa lang siya, lumapit ito. Alam niyang si Rain yun kahit hindi pa niya tignan dahil sa amoy palang ng pabango nito, with a hint of alcohol. Pero napaisip siya dahil nakita niyang buhay ito at nakausap pa. Wala muna siyang ginawa habang nakaharap ito sa kanya, pero nanginginig na buong katawan niya. Mabuti hindi siya nito hinawakan. Tumalikod ito at umupo sa counter top. Nang nakaupo na ito ay saka lang inangat ni Faith ang tingin at tinignan ang likuran nito. Hindi siya nagkakamali, si Rain nga talaga, pero si Raimer yung namatay. Yun ipinagtaka niya. Lumingon siya sa grupo nito at nakita ang buhay na Rain don, kumakain ng spaghetti. Sobrang gulo na ng isip niya kaya umalis na siya sa pwestong yun. Baka magtangka pa si Rain na hawakan siya. Pumunta siyang locker, at kinuha ang gamit para makalayo don. Pagbukas niya ng pinto palabas ay alam niyang nabangga niya ng pintuan si Rain. Pero wala na siyang pakialam at tumakbo nalang. Hindi na nga siya nakapagpaalam sa incharge ng cafeteria, mag-iisip nalang siya ng madadahilan sa susunod.
Bumuntong-hininga siya na nakasandal sa poste. Bakit ba kasi nangyayari ang mga to? Panibagong gulo na naman.
"Nandiyan ka lang pala." Tumindig ang balahibo ni Faith nang marinig yun, kilala niya ang boses na yun. "May kasalanan ka pa sakin."
Hindi na ito tinignan at tumakbo na naman siya palayo, di alam kung san pupunta. Dinala siya ng mga paa niya sa gate. Ayaw niya tumingin kung sumusunod pa ba ito dahil mabuboking lang siya.
"Faith! Bakit ka ba tumatakbo?" Nag-aalalang tanong ni Rain, may emergency siguro ito sa bahay nito. Pero nakasunod pa rin siya dito.
"Manong may iniutos lang po sakin si Mrs. Perez." Sigaw niya sa guard, ilang hakbang nalang malapit na siya sa gate. Hindi na siya huminto dahil pinagbuksan na siya agad nito. Dinahilan niya yun dahil utusan din siya ng mga guro minsan. Kaya hindi na siya haharangin ng guard.
"Ingat, iha." Pahabol nito.
Paglabas niya ay may bus agad siyang nasakyan. Nagpapasalamat siya dahil don. Umupo agad siya sa pinakahulihang pwesto, walang masyadong pasahero yung bus. Pagkaupo ay pumikit agad siya at nagdasal na sana hindi siya nasundan nito. Nagpapanting sa utak niya ang kabog ng puso at pawis na pawis pa siya. Gusto na niyang umuwi para don na siya makapag-isip ng maayos. Ramdam ni Faith na may tumabi sa kanya, naaamoy ang pabango ni Rain. Lalo niyang dinikit ang sarili sa bintana, iniiwasan na hindi siya madikit dito. Nanatiling nakapikit ang mata niya, sinandal ang ulo sa bintana at hindi namalayang nakatulog siya.
Tinignan ni Rain si Faith na nakatulog na sa kanyang tabi. "Hey, baka lumampas ka sa hihintuan mo." Sabi niya dito kahit hindi naman siya naririnig. Hinayaan nalang niya ang dalaga na matulog at tumingin sa sinakyan nila. Pangit na ang itsura ng bus, napupunit na din ang mga upuan niyon. Tapos may mga basura pang nakakalat sa sahig. Nandidiri siya sa kinalalagyan niya. Tumingin uli siya kay Faith. "Buti hindi ka nagkakasakit, ganito parati ang sinasakyan mo, madumi." Himbing na himbing pa rin ito sa pagtulog. Napapangiti nalang siya sa pagtitig dito.
"Bwesit!" Rain exclaimed ng biglang huminto ang bus dahilan na kinagulat lahat ng pasahero. Muntikan ng mahulog si Rain sa kinauupuan. Napatingin siya sa dalaga, ayos naman ito pero gising na. Pinikit lang din nito ulit ang mga mata. Umayos ng upo si Rain at sinigawan ang driver kahit wala naman itong maririnig. "Huy! Bus driver, ayusin mo yang pagmamaneho mo ha, ayaw pa naming mamatay!" Gigil niyang usal dito. Saka lang narealize na kaluluwa na pala siya. "I mean, alam kong ayaw pa nilang mamatay. Baka may masamang mangyari pa dito sa katabi ko, mumultuhin talaga kita." Hindi alam ni Rain kung bakit lumabas pa yun sa bibig niya pero hinayaan na lang.
"Ingay.." Sambit ni Faith habang nakapikit. Masakit ulo niya dahil sa biglaang paggising. Tapos may maingay pa sa tabi niya.
Napalingon agad si Rain kay Faith. Alam niyang ito ang nagsalita. Naririnig kaya niya ako? Ako lang naman ang nagsasalita dito. Pero imposible, yung ingay siguro sa labas tinutukoy nito.
Humarap na ulit si Rain sa unahan. Di alam kung saan sila hihinto.
Hindi na makatulog si Faith kahit anong pilit niya. Iminulat nalang ulit ang mga mata at tumingin sa daan. Malapit na rin pala siya sa bababaan niya. Hindi niya tiningnan ang katabi, di rin niya alam kung ano ang gagawin dito. Malamang susundan siya nito hanggang sa tinitirhan niya. Ano ba kasing balak nito..
"Manong, dito lang po." Sabi niya at tumayo na. Agad namang tumayo si Rain para padaanin siya. Nagulat pa siya sa ginawa ng binata. Malamang nakalimutan nitong kaluluwa na at pwedeng lagpasan. Pero buti nalang talaga at ginawa nito iyon, dahil pagdating sa kanya, mababangga siya dito. Sa madaling salita, parang nagiging normal ang mga kaluluwa pag malapit sa kanya. Siya pa rin naman ang nakakakita pero pwede na itong makahawak at bumangga sa mga bagay at tao. Parang nagkakaroon ng mortal na katawan pero hindi lang nakikita.
Binigay ni Faith ang pasahe sa konduktor at bumaba na. Nakasunod si Rain sa kanya. Hindi naman nakadikit, nasa likuran lang, nakabuntot.