Kung sana kaya kong ibalik ang oras. . . ginawa ko na.
Kung sana pwede ring isulat ang gusto nating love story. . . ginawa ko na.
Na sana nahahawakan din ang sakit na kapag hindi mo na kaya ay puwede mo na ring bitawan para hindi ka na masaktan.
Pero hindi. . .Walang gano'n.
Ang mapait na realidad ay hindi natin hawak ang kapalaran, hindi natin puwedeng isulat lang ang gusto nating maging buhay at pagdaka'y makakatotoo.
Hindi rin natin kayang pigilan o indain lang din ang sakit.
Hindi na natin kailangan man mababago ang nakasulat na.
Hindi natin kailan man maibabalik pa ang oras.
Kahit gaano ka pa kalugmok hindi hihinto sa pag-ikot ang mundo, hindi hihinto ang lahat ng tao para punasan ang luha mo at hinatayin kang makabangon sa pagkadapa mo.
Ang lahat ay magpapatuloy; ang batis ay magtutuloy sa pag-agos ang oras ay magtutuloy sa pag-takbo ang mga bulaklak ay matutuyot at ang lahat ay paulit ulit lang na mangyayari. Walang kuwenta ang lahat.
Pero ito kasi ang katotohanan. Katotohanang wala tayong ibang magagawa kundi ang tanggapin ito.
Kailangan nating sumabay sa daloy upang hindi tayo mapag-iwanan.
Ito ang gusto niya kaya tatapusin ko, magpapatuloy ako. . . at sana samahan ninyo ako.
-
In every books their is a person behind, a reason. . . an Author who writes the plot and twist, but what if the book have it's own story? An Untold story.
Are you ready to find it out?
If yes, keep reading. Let's find out what is the story behind this book.
Behind her smile behind her diary.
This story is for my wife.
༺༻
Copyright © 2017 all rights reserved.
No part of this publication may be
reproduced, dustributed, or transmitted in any form or by any means, photocopying, recording, or any electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and centain other noncommercial uses permitted by copyright law.
༺༻
Edited version•••
Fb account: Painter Pen