Descargar la aplicación
24.44% One Night Stand - Season 1 / Chapter 11: ( Final Exam)

Capítulo 11: ( Final Exam)

Kinabukasan

Nagising na lamang ang dalaga sa isang tapik mula sa bintanang tinulungan niya.

Bubungad sa dalaga ang mainit na kapeng inihanda sa kaniya, " bangon na Ms. Santos para makapag refresh ka pa ng utak mo. " sabi ng binatang nakaharap sa salamin habang hinahawi ang mga buhok nito.

Titigan na lamang siya ng dalaga na takang taka, " inumin mo na yang kape mo saka nilagyan ko yan ng gatas puro kasi black coffe. " sabi pa nito at tumungo sa kusina. Napakamot na lamang ang dalaga at susuklayin ang buhok nito.

Bababa sa kama at kukunin ang mainit na kape na nakapatong sa drawer.

" sir, anong oras kayo nagising? " tanong ng dalaga sa sir Carllex niyang bihis na bihis na.

Nginginitian na lamang siya nito at magbabati sa dalaga. " good morning Jen, musta ang tulog mo nang makatabi mo ang poging ito? " ngising tanong sa dalaga habang papalapit ito.

" bakit pogi ka ba? Hindi naman eh, " snob ng dalaga rito at itinuon na lang ang pansin sa libro niyang hawak. Kaagad namang kukukin ang atensiyon niya ni Carllex na tila aasarin niya ang dalaga. " psst Jen, " sitsit niyang tawag sa dalagang nagkakape habang nagrerefresh ng utak nito.

" sir Carllex naman, nagrereview ako eh! Pag ako talaga bumagsak dito hindi na kita papansinin. " aniya ng dalaga na tila seryoso. Ngingisi na lamang ang binata at saka kukunin ang isang bagay na nasa bag niya.

Dahan dahan niyang ilalabas ang isang kahon at ilalapag sa harap ng dalaga. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Jen sa nakita, " for you Jen para matawagan muna ang family mo sa province. " ani Carllex at biglang umalis na may dalang bag na tila papasok na sa trabaho nito.

Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa ibinigay sa kaniya ng binata. Huli nang magwika ang dalaga dahil wala na roon ang binata at nakaalis na ito. " ay loka ka Jen hindi ka man lang nakapagpasalamat sa kaniya. " sambit ng dalaga.

Jen Pov's

Si sir Carllex talaga may pa gift pang nalalaman.

Brand ng mahal na phone pa ang binili niya.

" hala realme! " sambit ko ng makita ang name nito at my gosh nasa loob ng kahon ang resibo niya. Oh gosh, 11+K ang halaga nito. Si sir Carllex talaga hindi naman ako nagpapabili ng phone sa kaniya.

Binuklat ko pa ang laman ng box ng may nakita akong nakatuping red paper sa loob nito.

May note itong nakasulat;

" Hi jen, enjoy your new phone saka pumunta ka sa rest room mo. Binilhan kita ng new feminine wash. Hindi na ako nakapag paalam sayo kasi papasok na ako sa trabaho. Good luck sa exam!"

                   --Carllex--

Si sir takaga oh, ang dami na niyang tulong. Kahit nga isa hindi pa ako napagpasalamat sa kaniya. Ang bait bait niya sa akin. Siguro naman wala siyang hinihinging kapalit.

Tumayo na lamang ako at pumunta sa kusina.

Nang biglang may naabutan akong nakatakip na tela sa may mesa.

Hinawi ko na lamang ito ng bumungad ang nakahandang pagkain.

" si sir talaga, " sabi ko na lamang na tila na touch ang heart ko.

May pa flowers pa siyang nalalaman at mayroon na namang note na nakadikit sa mesa.

Note: "Hey pangit mag almusal ka at kainin mo yong leafy vegetable na niluto ko para sayo. I know na wala kang time para magrecess kaya I'll prepare something healthy. Sandwich yan na may leafy vegetable topings and mayonaise. Enjoy your breakfast! " may pa heart emojie pa.

Nahihibang na talaga si sir Carllex parang papa ko lang eh.

Di bale, kainin ko daw eh di kakainin. Mukhang masarap ata tong prinipare niya para sa akin.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong naligo at nag ayos.

Haysst, kaya mo yan Jen! Go Jen para sa pamilya mo.

Uuwi akong may dalang diploma na isasabit sa wall of knowledge.

I make my mama proud at hindi ko siya bibiguin.

Even iniwan na niya kami ni papa at mananatili akong matatag.

" Fight ng Fight! " sabay sambit sa harap ng salamin.

Niyakap ko muna ang picture nina mama at papa sabay sabing, " I miss you both! " sabay halik dito. Mis na ko na talaga kayo mama at papa. I wish na sana pagdating ko sa probinsya ay sasalubungin ako ng mahigpit na yakap nina lolo at lola.

" ma, pagdating ko agad diyan ay dadalawin ko kayo sa puntod niyo. " sabi ko habang tinititigan si mama.

Para ito lahat sa inyo mama at papa. Matutupad na ho ang pangarap niyo para sa akin.

Pangarap na hindi niyo na makikita mama. Hindi niyo na ako mayayakap pa sa pag uwi ko.

Pero naniniwala akong lagi kayong nasa tabi ko at ginagabayan niyo ako.

Mahal na mahal ko kayo mama at papa.

Hintayin niyo ako sa pag uwi ko sa isla.

Hintayin niyong iuwi ko ang aking diploma ng pagtatapos.

Matapos kong mag ayos sa sarili ay agad kong isinuot ang aking uniporme.

Teacher Jen, handa kana ba sa final exam?

Kung ganun, tara na! At harapin na natin ang huling sandaling pagsubok na aking haharapin patungo sa pangarap kong inaasam asam.

Tiningnan ko muna ang bag ko at binaon ko ang sandwich na ginawa ni sir para sa akin.

Im so thankful at nakilala ko si sir Carllex.

Sana magkakilala pa kami pag alis ko dito sa San Veneracion.

" thank you sir, sana makabawi ako sa lahat ng tulong niyo. " sabi ko ng bahagya habang iniisip si sir Carllex na parang adik. Panay ang ngisi sa harap ko pero ang cool niya kanina sa suot niya. Ano ba Jen! Stop thinking him baka mabrain wash ka pa mamaya at sa halip na sagot ang isulat mo ay pangalan niya ang maisulat mo mamaya.

Nagdasal muna ako bago lumabas ng pintuan at siniguradong naka lock ang pinto. Dahan dahan akong lumakad dahil pointed ang suot kong shoes at black slacks blouse na kulay peach. Ang pormal pormal ko sa suot kong uniform habang nakatali yong buhok kong hindi kaitiman. Pangit talaga ako at walang nakakagusto sa akin dahil sa hitsura kong ito. Medyo maputi na ewan kung saan pinaglihi.

Papalabas na ako ng iskinita at maglalakad lang para makarating sa eskwelahan. Malapit lang kasi itong unibersidad ng San Veneracion saka pangalawa sa may pinaka mataas na degre sa unibersidad ng San El Vador at San De la Vega. Sa unibersidad ng san de la Vega at San El Vador ang pinakamahal ng tuition saka mayayaman lang ang nag aaral doon at advance ang pagtuturo doon. Pangarap ng lahat na doon magtapos dahil may nakaabang agad na trabaho kapag nagtapos ka. Pero mahirap ang buhay kaya ito nagtitiis sa scholarship para lang makapagtapos.

Habang naglalakad ako sa daan may bigla nalang tumawag sa akin.

" Jennalyn Santossss! " sigaw ng bou kong pangalan. Ay naku kapag minamalas nga naman. Ang bestfriend kong parang speaker ang boses. Kaibigan ko siya sa Isla at andito kami para mag aral tulad ko din. Scholarship kami ng isang company sa probinsya kaya ito goal talaga naming makapagtapos.

" bakit Dona? Mis mo agad ako? " ask ko sa kaniya habang hagard na hagard na agad ang face niya katatakbo. Siya nga pala si Donabel Manalo, ang bestfriend ko since bata pa kami. Kapitbahay ko siya sa probinsya at magkaibigan ang mga parents namin. Ewan ko ba rito at saan pinaglihi. Ang lakas lakas mg boses niya daig pa speaker eh.

" besh," sabay tulak sa akin. Anak ng pating ganiyan siya magbati eh tulak talaga ng malakas. Alam niya namang naka pormal ako. Sasabunutan ko talaga ito, " alam mo besh, arghhh! Ang pogi noong magbibisita sa atin mamaya. Siya daw yong top leading Business students sa San de la Vega University. " diba, chismosa rin siya. Ito siguro ang dahilan kung bakit ako sinigawan ng maaga. Basta talaga gwapo, trip niyang kiligin sabay tulak saa akin.

" ano naman ang maganda doon? " pataray kong tanong sa kaniya. Aga aga sira na ang good mode ko eh. " alam mo kasi Jen, idol siya ng lahat at heto pa may sarili siyang company at mula sa de la Vega family. " dagdag pa niya. Kinabahan na lamang ako bigla. Pumasok sa isip ko ay si sir Carllex. Ay naku Jean! Erase! erase!

" halika ka na besh at kapag nakita natin yong poging guest ay tulakin mo ako. " loko niyang sabi sa akin.

" paano kapag napahiya ka? " sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung anong gusto niyang ipagawa sa akin basta daw itulak ko siya.

" besh, bilyonaryo yon at heto pa mabait at magalang sa mga babae. Alam mo na basta mula sa pamilya de la Vega ay magagalang at mababait. Tinuruan sila at pinalaki ng maayos kaya lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kaniya. " grabi no, alam na alam talaga niya. Walang tatalo sa bestfriend ko. Siya na talaga!

Papasok na kami ng gate ng biglang may humarang, " your ID mga beautiful lady. " singil ng guards sa gate. Ang sungit ng manong guard na to at hindi ka niya papasukin hangga't wala kang ID na pinapakita. " sir, " sabay pakita namin ni Donabel. Tssk! Ang sungit palibhasa walang jowa kaya di marunong maawa.

Magtatawanan na lamang kami ni Donabel. Ang dami ng mga students sa hallway ay abala ang mga ito sa pagrereview. Hinatak na lamang ako ni Donabel patungo sa Teacher Education Department. Trip niyang manghatak at mangtulak kaya lagi akong handa sa mga moves niyang ganiyan baka matisod ako bigla.

At Teacher Education Department Building

Apat na room na malalawak na para sa mga studyante at isang hiwalay na building para sa administration namin.

Papasok na kami ng classroom at marami na ang nandoon. May hawak na mga notes para sa final namin.

Pag upo na pag upo ko mismo ay agad akong bumuklat ng libro at nagbasa din.

Kaya ko to! Si Jennalyn ata ito!

Makalipas ang apat na oras

" haystts, " bulalas naming lahat habang papalabas ng pintuan ng room.

Natapos rin ang kalahating araw ng final exam.

Uwian na at masyado pang maaga kaya hinay hinay muna ang paglalakad habang kinakain ang sandwich na ginawa ni sir Carllex.

Ang sarap kaya saka masustansiya. " psst! " sitsit sa akin. Napalingon na lamang ako sa kabilang banda kung saan may narinig akong pagsitsit.

Hala, mukhang adik si sir Carllex nakahood pa at may pasitsit pang nalalaman. Ayan na siya parang may tinataguan, " hi Jen, musta ang exam? " tanong niya agad habang nakisabay sa paglakad sa akin. Ano kaya ang ginagawa niya dito?

" sir, bat kayo nakahood? " seryoso kong tanong sa kaniya. Mukha kasing may tinataguan siya.

" ano kasi tumakas ako sa mga bodyguards ko. " sabi niya sa akin habang nagtatago sa hood niya.

Tatawa na lamang ako, " sir Carllex baka mag alala na naman yong mama niyo. " sabi ko sa kaniya habang naglalakad papaliko na sa iskinita.

" hayaan mo sila basta magkasama tayo. " ngisi niyang sabi sa akin. Hala, nakahithit nga si sir Carllex parang ano eh. Parang nakadrugs talaga ano nalang ang pinagsasabi.

@YhunaSibuyana


next chapter
Load failed, please RETRY

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión