Descargar la aplicación
74.11% No More Promises / Chapter 209: Chapter 8: Homesick

Capítulo 209: Chapter 8: Homesick

Alas dyes ng umaga ang flight ko. Hinatid ako ng buong pamilya sa airport. "Mag-iingat ka duon ha?." Si Mommy ang nagsabi nito. Mangiyak ngiyak pa.

"Mom. Di na ako bata.." nguso ko sa kanya. Pinisil nya ang pisngi ko na parang bata. Humagikgik si Bamby sa likod ko. Naiwan si Jaden sa bahay. Dahil kanina pa umiiyak si Knoa. Gusto nya ring sumama sakin.

"Kahit na.." ngiwi pa ni Mom. Dinig ko tuloy ang pagsinghap ni Daddy sa gilid.

"Kaya hindi nagkaroon ng anak yang anak mo eh.. masyado mong binababy.." may ngiti sa labi si Daddy. Nanlaki lang din ang mata ni Mommy sa kanya. Kulang nalang umusok ito.

"Hahahahahaha.." tawa ni Bamby. Hinila pa nito si Joyce upang marinig pa ng mabuti ang bilin ng aking mga magulang. "Did you hear that?. Hahaha.."

"Ha?. Ang alin?." di ko alam kung bakit at kung paanong hindi nya ito narinig. Ang lapit nya lang naman. May iniisip ba syang iba?. O baka may tinitignan na isa?. Eh.. duon ako sa una. AYOKO sa pangalawang opinyon ko. Baka kapag iyon ang pinaniwalaan ko. Siguro pag-upo ko palang ng eroplano mamaya ay bababa na ako't hindi na tumuloy pa. Ayoko syang iwan na mag-isa. Baka mabaliw lang ako kakaisip sa kung anong gagawin nya.

"Hay naku.. ewan sa'yo." pinaikutan sya ng mata ng kapatid ko. Ugali talaga nito. Mabuti nalang magkaibigan na sila dati pa. Dahil kung hindi. Baka hindi nito makasundo ang isa dahil sa iba ang ugali nito.

"Basta Kuya, balitaan mo ako ha.."

"Saan naman?."

"Kapag maraming gwapo duon.. hahaha.." tumawa pa ang loko.. Agad naman syang kinurot ni Mommy sa tagiliran na napahiyaw pa ito ng bahagya. Pinagtinginan din tuloy kami ng mga taong nasa paligid.

"Ikaw na bata ka.. Hindi tumatanda.. hindi ka ba nakuntento sa asawa mo ha?. May anak ka na't lahat.." idiniin pa ni Mommy ang salitang anak dito. Imbes maasar ay humagalpak lamang ang kapatid.

Nagtalo ang dalawa. Kasama na rin si Daddy sa kanila. "Ingat ka dun.." mahina ngunit may halong lambing itong ikinalabit ng asawa ko sakin.

"Ikaw ang mag-iingat dito, hmm?.."

"Tsk.. marami naman kami dito.. Ikaw ang alagaan mo ang sarili mo duon.."

"I know.. just promise me that, you should take care of yourself.. pati na rin yang baby natin.."

"What?.." nabigla ito. Alam ko. At ramdam ko na baka sa susunod na linggo ay magsasabi ito sakin na buntis sya. Sinagad ko eh. Imposbleng hindi pa sya mabuntis dun.

Niyakap ko sya't hinalikan ang noo at maging ang tuktok ng kanyang buhok. Mamimiss ko tong amoy ng buhok nya. Parang laging bagong ligo. Nakakaadik masyado. "Basta.. balitaan mo ako kapag tama ang hinala ko ha?."

"Ano bang?.." natigilan sya. Napaisip. Na maaari. Maaaring, tama nga ako. Who knows. Nobody knows. "Wag kang mag-alala. Kung magkakatotoo man na magbunga ang mga gabing iyon.. Ikaw ang una kong pagsasabihan nito.." I gave her a long tight hug. Simbulo ng pasasalamat ko sa pagdating nya. Sa lahat ng sakripisyo nya. Sa presensya nya. At sa pagmamahal na binigay nya sakin.

"I have to go.." paalam ko dito. Nag-init ang mata ko. Sinubukan ko itong pigilan subalit hindi ko kaya. Napaluha nalang ako sa harapan. Tuloy bago ako pumasok sa loob ay binigyan nila pa ako ng isa isang mahigpit na yakap.

Isa iyon sa baon ko hanggang sa paglapag ng eroplano sa US. Kumuha ako ng isang apartment malapit sa school at duon maninirahan hanggang sa matapos ko ang kurso.

Kung bakit ba kasi naisip ko pang mag-aral?. Hays..

"Hindi ba pangarap mo yan?. Kaya dapat lang na magtiis ka na malayo sa piling nila.." kinakausap ko ang sarili habang inaayos ang mga gamit sa apartment. Dito sa tinutuluyan ko ay may mga Pinoy. Pasalamat ako't binati nila ako ng kabayan. Tsaka. May kasama din akong mag-aaral din sa Harvard. Babae. Hula ko'y kaedad lamang ni Bamby.

Nauna ako sa school at nilibot muna ito ng mag-isa. Bawat nilalakaran ko ay kinukuhanan ko ng larawan saka diretso padala saking asawa o di kaya'y sa group chat namin ng pamilya. Si Bamby ang gumaaa nito at syempre sya rin ang unang magrereact dito. "Huy! Mapapasana-all nalang talaga ako.." nagreact si Kuya Mark sa mensahe ng natatawa. Then he replied to her. "Kaya mo namang pumunta duon. Ayaw mo lang.."

"Kaboom!.." sang-ayon ko din sa sabi ni Kuya. Di naman sa wala itong pera. Siguro. Ang sa kanya ay, mas gusto na nitong mag-ipon kaysa gumastos. Ganyan naman yan. Nuon pa. Mas mahalaga sa kanya ang ipunan ang baon nya kaysa ibili sa mga bagay na kailangan. Saka lang nya gagalawin ang perang hawak nya kapag kailangan nya talaga o di kaya'y para sa boy Jaden nya. Hay.. Di na nagbago.

"Anong kaya?. Sponsor mo naman ako please.." nagmakaawa pa. Kita nyo na?.

"Hahahahahaha... Jaden daw?. Kailangan ng sponsor ang asawa mo.. reply namna dyan.."

Maya maya ay nagseen si Jaden. At nagreply naman ng, "Sure thing baby.."

Nakakasuka!.

Sows! Para namang di mo tinawag ng ganun ang asawa mo?.

"What about me?." hayan na si Kuya. Di na nagseen si Jaden. "Jaden?. Nasaan ka na?." wala ulit Jaden na nagparamdam. "Boy Jaden!!.."

"Busy na sya. Sorry ka nalang.. hahaha.." si Bamby ito.

"Ano?!.."

"Nasaan ba kasi asawa mo?." humalakhak ako sa mensahe nyang ito. Akalain mo nga namang naibalik nya pa iyong tanong kanina ni Kuya?. Kakaiba talaga sya.

"Bamby!!!..." may diin nang reply ni Kuya sa bunso namin.

"Hahahahahaha... ako lang kasi ang may kailangan ng sponsor.. di ka kasale.. hahaha.."

Sumakit ang ulo pati ang tyan ko sa kakatawa sa bangayan nilang dalawa. Hindi na sumagot pa si Jaden sa kanila. Alam nya rin sigurong si Bamby na ang bahalang sumagot sa Kuya namin. Alam kasi ng lahat na walang palag si Jaden kapag si Kuya Mark na ang nagsalita o di kaya ay humingi sa kanya ng tulong ba. Ako man din. Ganun si Jaden sakin. I guess saming lahat. Subalit kapag si Bamby na ang sumapaw at wala na ang anino nya. Wala na. Wag ka ng umasa na magbibigay ng sagot yung isa.

This is my first day at inaamin kong gusto ko ng umuwi at makasama muli sila. Hay... buhay abroad nga naman. Homesick.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C209
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión