Descargar la aplicación
36.73% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 270: Opportunity

Capítulo 270: Opportunity

Editor: LiberReverieGroup

Dumagundong ang boses ng Dragon mula sa Lion Town at umabot pa sa Hope City!

Makikita ang saya sa mukha ni Lorie sa itaas ng city wall!

"Nagtagumpay siya!"

"Woosh! Woosh!"

Dalawang anino ang biglang dumating.

Ang Ace Assassin na si Xiu at ang Fiend Sorcerer na si Daisy.

Hindi makapaniwala ang dalawa habang nakatingin sila sa Lion Town.

Ganoon pala talaga kalakas si Robin?

Nagawa niyang patayin ang Aposltle ng Black Dragon God, kahit pa nakagawa na ng pagkakamali si Xiu?

Hindi makapaniwala si Xiu!

Pero dahil galing mismo sa bunganga ng Black Dragon na si Clarke ang impormasyon, hindi na niya ito maaaring kwestyunin!

Namatay na si Tess!

Namatay siya sa kamay ng isang baguhang Assassin, kaya naman hiyang-hiya si Xiu sa kanyang sarili.

Nag-init ang mukha niya habang iniisip ito.

Kinuyom niya ang ngipin niya sa inis. "Nagawa nga niya."

"Dahil diyan, tutuparin ko ang pangako ko! Libre kong gagawin ang tatlong misyon para sa [Three Sisters]."

Hindi rin maipinta ang mukha ni Daisy.

Hindi naman sa hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Marvin, pero sa lahat ng 4th rank na advance class, ang Ace Assassin ang pinakamahusay sa pag-assassinate.

Naisip na niyang kakayaning makabalik ng ligtas ni Robin mag-isa pero hindi niya inakalang mapapatay nito si Tess!

At nagawa niya ito sa loob lang ng isang oras!

Ni hindi pa tapos ang oras ng itinakda para sa kanilang misyon!

Sa Hope City, agad na nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ng Apostle ng Black Dragon.

Nabuhayan ang mga ito at nagkaroon sila ng pag-asa.

Kung kayang patayin ang Apostle ng Black Dragon God; posible na rin siguro ang kahit ano para sa Hope City?

Sa city wall, tanging si Jessica lang ang nanatiling mahinahon. "Anong nangyayari?"

"Sinong pinadala mo para patayin ang Apostle ng Black Dragon God?"

Makikita ang pagkapanatiko sa mga ata ni Lorie. "Ang Great Hero na si Sir Marvin."

"Marvin?" Natigilan sina Daisy at Xiu. "Hindi ba si Robin?"

"Aaaah… Hindi na mahalaga iyon, patay na si Tess."

Napansin ng batang babae na nadulas ang kanyang dila at agad na sinubukang baguhin ang usapan.

Ang Fiend Sorcerer at ang Ace Assassin ay nagdududa. Nasaksihan rin nila ang usap-usapang [Magic Marvin], pero si Robin ay ibang-iba ang itsura!

Tanging si Jessica lang ang nanlumo. "Hindi maganda ito."

"Mabuti sana kung kanina 'to nangyari, noong kalaban ko pa si Clarke. Wala pang ibang mas malakas kay Tess sa mga Dark Race."

"Pero ngayon, hindi lang nakabalik si Black Dragon Clarke, nakahanap pa ito ng mga katulong para lusubin ang Rocky Mountain."

"Nasa panganib ang taong iyon!"

"Kailangan natin siyang iligtas" pag-aalalang sabi ni Lorie.

Huminga nang malalim si Daisy. "Babalik ako."

Pero makikita pa rin ang takot sa mga mata nito.

At iyon ang takot sa Dragon.

"Hindi na kailangan!" Itinaas ni Jessica ang kanyang kamay. "Ako na ang pupunta!"

Pagkatapos sabihin ito, lumutang siya at tumingin sa Lion Town.

"Sasama ako sayo!"

Hirap naman na lumipad si Ding. Kinuha naman siya ni Jessica at mabilis an lumipad sa dilim ang dalawa!

Kasabay ng pagsigaw ng Dragon, may ilusyon na lumabas sa harapan ni Marvin.

Nakakita siya ng isang malaking ulo ng Dragon, pinagmamasdan siya.

Gaya ng sabi ng Black Dragon…

'Nakita niya ako!'

Nanlamig si Marvin.

Si Black Dragon Clarke ang anak ng Black Dragon God sa Feinan at konektado ito kay Tess.

Pagkatapos patayin ni Marvin si Tess, hindi lang siya nakakuha ng napakaraming experience, kusa rin siyang nakakuha ang kaunting Divnity!

Ito ang ikinagulat ni Marvin. Kung ginamit ni Tess ang Divinity na ito at nagpursigi, marahil naging isa na itong Legend o kaya isang Half-God!

Hindi naman naapektuhan ng Divinity ang anim na pangunahing stats ni Marvin.

Pero mas tumaas ang kanyang Resistance. Halimbawa na lang dito ay ang dark magic resistance at ang poison resistance.

Makikita rin ang iba pang benepisyong nakuha niya.

Ang False Divinity na ibinigay sa kanya ni Endless Ocean ay kayang maglaman ng limang bahagi ng Divinity at kayang maglaman ng Divinity mula sa iba't ibang pinanggalingan.

Ang mga Divinity ni Marvin ay nagmula sa mga tinalo niyang kalaban. Ang una ay ang World Ending Twin Snakes, at ngayon naman ang Black Dragon God, ang pinakamapagsik sa henerasyon na ito.

Pero kahit na magandang bagay ang mga Divinity, konektado pa rin ang mga ito.

Kaya naman napansin ni Clarke ang taong pumatay kay Tess, si Marvin.

Papunta na si Clarke sa pinaroroonan ni Marvin!

Sa bilis ng paglipad ng Black Dragon, hindi lalampas sa tatlong minuto ang aabutin para makarating sa bodega.

Kaya naman dapat nang tumakas si Marvin.

Magkahiwalay na pinto lumabas si Marvin at Raven.

Nang marinig ng mga rumorondang Dark Elf ang sigaw ng Black Dragon, nagualt sila at agad na nagtungo sa bodega.

Inasahan na ni Marvin na mangyari ito.

Iniwasan nila ni Raven ang mga ito, saka niya tinanggal ang Stealth at tumakbo nang napakabilis.

At syempre, tumakbo si Marvin patungo sa Hope City!

Sinunod naman ni Raven ang utos ni Marvin at maghanap muna ng matutuluyan sa paligid.

Lalo pa at wala na siyang pupuntahan sa ngayon. Alam na siguro ng mga Dark Elf ang tungkol sa pagtataksil nito at hindi naman posibleng tanggapin ng mga tao ang isang Dark Elf!

Habang mabilis na tumatakbo si Marvin, hindi niya kinalimutan na tanggalin ang telang bumabalot sa [Weeping Sky] at inilabas ito mula sa espesyal na storage item!

Dahil nailigtas ni Marvin ang mga White Deer, hindi na kinuha ito ni Lorant sa kanya at iniregalo na lang ito sa kanya.

Handang-handa si Marvin para sa gabing ito!

Kung hindi maging maayos ang lahat, handa siyang lumaban!

Mas mahina ang mga Black Dragon kumapara sa iba pang mga Chromatic Dragon, pero iba si Clarke, dahil siya ay anak na babae ng Black Dragon God. Hindi magandang ideya ang direktang paglaban sa kanya.

Pero alam naman ni Marvin na may parating na tulong.

'Sabi ni Lorie, tinutugis ni Jessica si Clarke.'

'Siguradong maririnig ng Fate Sorceress ang pag-atungal ng Black Dragon na iyon, at siguradong pupuntahan niya ito.'

'Kapag dumating na ang tamang oras, hmph…'

Dala ni Marvin sibat na Weeping Sky sa kanyang likuran, at nagsimula na siyang magplano habang tumatakbo!

Ang Dragon Slaying ay isang bagay na hindi maaalis ng isang tao!

Naalala niya ang pakiramdam nang mapatay niya ang Red Dragon noon!

Ni hindi niya alam ang pangalan ng kaawa-awang Red Dragon na iyon.

At ang Black Dragon na si Clarke ay siguradong mas malakas kumpara sa Red Dragon.

Kung mapapatay niya ito, hindi lang siya makakakuha ng napakalaking battle exp, pero makakakuha pa siya ng ibang mga benepisyo mula dito!

Nasasabik si Marvin habang iniisip ito.

Pero paulit-ulit niya pa ring pinapaalala sa kanyang sarili na hindi niya ito kakayaning gawin nang mag-isa. Kahit na hindi siya tablan ng Dragon Might, isa lang siyang 4th rank!

Hanggang pangarap lang ang pagpatay sa ganitong uri ng Dragon nang hindi siya isang Legend.

Hindi man lang niya kayang tapatan ang Dragon's Breath. Ang isang pag-atake lang nito gamit ang kanyang mga kamay ay siguradong mapipira-piraso na si Marvin.

Kaya kailangan pa rin niyang mag-ingat.

Noong mga oras na iyon, isang dumadagundong na pag-atungal ang umalingawngaw sa kalangitan, "Peste ka, hindi ka makakatakas!"

Sumikip ang dibdib ni Marvin, si Clarke!

Pero kasabay nito, isang metatag na boses ang sumagot, "Hindi ka na makakatakas, butiki ka!"

Nakahinga ng maluwag si Marvin!

Tumalikod siya at mahigpit na hinawakan ang sibat, makikita ang kaunting pagkasabik sa kanyang mga mata.

Ito na ang pagkakataon!


next chapter
Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C270
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión