Descargar la aplicación
31.15% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 229: Marvin’s Counterattack

Capítulo 229: Marvin’s Counterattack

Editor: LiberReverieGroup

Bumuntong hininga si Deceiver, "Tulad ng sinabi ko, magtatagumpay pa rin siya."

"Siguradong makukuha niya ang Rainbow Stone."

Sumimangot si Marvin. "Anong sinasabi mo? Basta ilayo moa ng Rainbow Stone kay Diggles, hindi niya makukuha ang gusto niya."

Umiling si Deceiver. "Hindi iyon ganoon lang kasimple."

"Pero wala na akong oras ipaliwanag ang lahat sayo."

"Magkasundo tayo. Sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo tungkol sa kapatid ko at ibibgay ko sayo ang Rainbow Stone."

"Sa tingin mob a makakatakas ka sa akin?" panunuya ni Marvin.

Seryosong tiningnan ni Deciever si Madeline. "Wizard? Hangga't hindi ka isang Legend, ang mga ganitong klase ng pananalita ay hindi kapani-paniwala."

"Pupunta ako kung saan ko gusto. Hindi mo ko mapipigilan."

Biglang nagalit si Madeline at aatake n asana nang bigla siyang pinigilan ni Marvin.

"Sa katunayan, kahit hindi mo ibigay sa akin ang Rainbow Stone, sasabihin ko pa rin sa iyo ang tungkol sa kapatid mo," tapat na sabi ni Marvin. "Ayoko lang magamit ni Diggles 'yan."

"Sino k aba talaga? Alam kong pareho tayo ng bloodline, pero parang is aka sa mga prophetic bloodline." May pagdududang tanong ni Deceiver.

"Hindi ako isa sa kanila, nagkataon lang na marami akong nalalaman."

"Ikaw at ang kapatid mo, lumaki kayo sa kanlurang karagatan, tama?" Mabilis na tanong ni Marvin.

Makikita ang gulat sa mukha ni Deceiver bago ito tuluyang tumango.

"Dahil sa isang aksidente, hinabol kayo ng mga katutubo at napasok kayo sa isang space-time crack. Nang magising kayo, nasa Decaying Plateau na kayo. Kaya naman ang buong akala mo ay nasa kamay ni Diggle sang kapatid mo, tama?" Dagdag ni Marvin.

Natigilan si Deceiver.

Kuhang-kuha ni Marvin ang mga nangyari sa kanya!

"Ituloy mo lang!" umaasang sabi nito.

"Sa katunayan, hindi siya nahulog sa Decaying Plateau kasama mo. Buhay pa siya sa kanlurang karagatan."

Tiningnan siya nang matagal ni Marvin. "Kung gusto mo siyang mahanap, kailangan mong maniwala sa akin, pumunta ka doon."

"Kahit na tinatawag ng mga tao ang lugar na iyon na [Dead Area], alam nating pareho na maraming mga pamilya ng mga sinaunang race ang nakatira doon, tama?"

Huminga nang malalim si Deceiver.

Matagal siyang nag-isip, hanggang sa binato na niya ang Rainbow Stone kay Marvin.

Nasalo naman ito ni Marvin at nakahinga na nang maluwag.

"Naniniwala ako sayo."

"Dahil pareho tayong Numan, binabalaan lang kitang hindi susuko su Diggles."

"Maghanap na kayo ng pagtataguan niyo. Dahil baka hindi ang kalaban niyo mismo ang kumilos."

Pagkatapos niyang sabihin ito, tiningnan niyang muli si Marvin, tila kinakabisado nito ang mukha ni Marvin, hanggang sa tuluyan na itong nawala sa loob ng kweba.

Nagulat si Madeline.

Kahit pa isang 4th rank Sorcerer lang si Deceiver, hindi alam ni Madeline kung anong spell ang ginamit nito.

At tulad ng sinabi niya: Kung gusto niyang tumakas, hindi isya mapipigilan ni Madeline at Marvin.

"Totoo ba o hindi ang stone na iyan?"

Tiningnan ni Madeline ang Rainbow Stone na hawak ni Marvin. "Deceiver ang palayaw niya, wag kang papalinlang sa kanya."

"Hindi niya ko lolokohin," kampanteng sabi ni Marvin.

"Kailangan na nating umalis."

Hindi pa man siya tapos ay may isang sinag ng liwanag ang lumitaw!

Nakakatakot ang presensyang naramdaman nila. Sa isang iglap, nakaramdam ng kakaibang presensya sina Marvin at Madeline!

"Pucha!"

Biglang naalala ni Marvin ang babala ni Marvin. "Baka hindi ang kalaban niyo mismo ang kumilos."

Lalo pa at ang paparating ay ang White Deer Holy Spirit.

Mabilis na pumunta sa kweba ang White Deer Holy Spirit. Sa isang iglap ay lumitaw ito sa harap ni Marvin.

Kumalat ang liwanag sa katawan nito hanggang sa unti-unti itong maging isang lalaki.

"Ibalik niyo ang kayamanan ko," Utos ng White Deer Holy Spirit.

Nagpigil ng hininga si Madeline. May makikitang bakas ng takot sa mga mata nito. Isa siyang Half-Demon, at ang kaharap nila ay isang Heavenly Legend na nilalang, kaya natural na magkalaban ang dalawa.

Kapag nabwisit sa kanya ang White Deer holy Spirit, baka dispatyahin siya nito.

Lalo pa at muhkang masama ang timpla nito ngayon.

Inayos ni Marvin ang kanyang sarili at hinawakan nang mahigpit ang Rainbow Stone habang sinasabing, "Sir Lorant, hindi kami tututol sa pagbabalik ng isang bagay sa tunay na nagmamay-ari nito."

"Pero gusto ko lang malaman, anong nangyari?"

"Anong nangyari? Tinatanong mo pa sa akin 'yan?" Panunuyang tanong ng White Deer Holy Spirit.

"Nanghimasok kayo sa kweba ko, at nagnakaw ng kayamanan ko… Kung hindi lang dahil sa pagprotekta mo sa mga anak ko, binawi ko na ang mga 'yan!"

Biglang napunta ang mata nito sa spear na balot ng tela sa likod ni Marvin.

Hindi nagbago ang reaksyon ni Marvin. "Gusto kong malaman kung ano ang nangyari pag-alis ko."

"Ibigay mo sa akin ang Rainbow Stone, wag mo kong piliting kunin 'yan sayo ng pwersahan." Galit na sabi ni Lorant.

"Wag mong isiping hindi ko alam kung ano ang plano mo. Pareho lang kayo ng mga Evil Spirit na may mga masamang intensyon."

"Iba kami sa mga Evil Spirit. Ayaw naming may lumitaw na Disaster Door sa Feinan." Sagot ni Marvin.

"Kaya gusto kong malaman. Anong nangyari pag-alis naming?!"

Nagngalit ang ngipin ng White Deer Holy Spirit.

At biglang may liwanag na lumabas mula sa mga mata nito.

Makikita ang White Deer Cave mula sa liwanag na lumabas.

Nakikita niya ang lahat ng nangyari.

Tiningnan mabuti ito ni Marvin.

.

Matapos manipulahin ni Diggles si Deceiver para nakawin ang Rainbow Stone, agad na sinundan nina Marvin at Madeline ito.

Muling naging payapa ang kweba.

Pero hindi ito tumagal. Isang bitak ang biglang lumitaw sa harap ng mga White Deer at ng Holy Maiden!

"Plane's Mark?" kinikilabutang sabi ni Marvin.

Noon ang White Deer Cave ay isang lihim na lugar. Bago pumasok si Deceiver at nag-iwan ng plane's mark, kahit makapangyarihan si Diggles ay hindi niya mahahanap ang lugar na ito.

At ang maliit na bitak ay naging isang malaking butas. Hanggang sa isang nabublok na Knight ang lumabas mula sa bitak.

Inatake niya ang mga kaawa-awang mga White Deer.

Hindi na nagawang gumalaw ng mga White Deer at ng Holy Maiden dahil sa nakakatakot na presensya nito. Lahat sila ay ipinasok sa bitak.

"Heaven…" kinagat ni Marvin ang kanyang labi. "Hinuli sila at dinala sa Decaying Plateau."

'Sandali!'

May isang bagay na pumasok sa isip niya, tiningnan niya ang White Deer Holy Spirit, tila gulat ito. "Kinausap ka ni Diggles?"

Malungkot na tumango si Lorant.

"May kasunduan kayo?" Tiningnan siyang mabuti ni Marvin, "Personal mong ibibigay sa kanya ang Rainbow Stone kapalit ng mga anak mo?"

"Ganoon na nga. Wala na akong ibang magagawa." Makikita ang kawalan ng pag-asa sa mukha ng White Deer Holy Spirit.

"Kailangan ko ang Rainbow Stone na iyan para iligtas ang mga anak ko."

"Hindi!" Direktang sagot ni Marvin, "Nababaliw ka na."

Biglang sumama ang tingin ni Lorant, "Kung susubukan mo kong pigilan, hindi kita uurungan!"

Sa Decaying Plateua, sa trono.

Ang Head Knight na si Douglas ay naglalakad mula sa malayong karagatan.

"Nakahanda na ang lahat, Lord."

"Hindi sila makaktakas. Walang ibang nakaka-alam tungkol sa lihim na kulungang ginawa ninyo."

"Walang makakahanap sa kanila, kahit pa si Deceiver," sabi ni Douglas.

Isang kuntentong ngiti ang makikita sa mukha ni Diggles.

"Mabuti, gusto ko lang buksan ang Disaster Door para maglabas ng galit, pero hindi ko inaakalang may iba pa akong makukuha."

"Mahalagang-mahalaga kay Lorant ang mga nak niya. Parang bumababa ang loob ng mga Heavenly na nilalang kapag namuhay na sila nang mahabang panahon sa mundo ng mga tao.

"Pero hindi na mahalaga iyon. Nagkataon lang na wala akong masakyan."

"Hintayin moa ng pagdating niya sa Decaying Plateau, sasalubungin ko siya nang malugod hahahahaha…"

Deathly Silent Hills, sa loob ng White Deer Cave.

Unti-unting nawala ang tensyon.

Mukhang epektibo ang mga sinabi ni Marvin. Hindi mangmang si Lorant, pero pumayag lang siya sa kondisyon ni Diggles dahil wala na siyang ibang magagawa.

Sa katunayan, alam niyang walang magandang idudulot ang pagpunta niya sa Decaying Plateau.

Makapangyarihan si Diggles, Halos kasing lakas ng isang maliit na god, at ang Decaying Plateau ang kanyang mundo. Humihina ang kapangyarihan ng ibang tao sa lugar na iyon. At maipapamalas niya ang lakas niya nang walang limitasyon.

At tulad ng sinabi ni Marvin, kahit pa ibigay ni Lorant kay Diggle sang Rainbow Stone, hindi siya pakakawalan ni Diggles pati na ang mga anak niya.

Dahil ang mga Evil Spirit ay gahaman at kailanman ay hindi nakuntento.

"Mayroon pang tatlong araw bago ang palitan sa pagitan niyo ni Diggles. "

"Sapat na ang tatlong araw na ito para makabuo tayo ng plano."

"Kailangan mong magtiwala sa plano ko. Hindi ka mag-isang lalaban," tapat na sabi ni Marvin kay Lorant.

Bumalik si Madeline sa River Shore City. Dahil bilang isang Heavenly na nilalang si Lorant, hindi maganda ang tingin niya sa isang Succubi.

Si Marvin naman, dahil sa ilang espesyal na rason, tila wlang problema sa kanya ang kaunting Devil bloodline.

Tiningnan ni Loran tang walang lamang epasyo sa tahimik na kweba at napabuntong hininga, "Wala akong masyadong kaibigan, pero mayroon naman akong isa o dalawa."

"Pero hindi ko alam kung dapat ko pa ba silang idamay."

Mapagmataas ng kaunti ang Heavenly Deer, at bibihira itong humingi ng tulong mula sa mga kaibigan niya. At nakikita ito ni Marvin.

"Ang kailangan lang natin magawa ngayon ay mailigtas ang mga anak mo pati na si Miss Muse, tama?"

Inabot niya ang Rainbow Stone kay Lorant. "Kung sa tingin mo mas makakabuti ang pakikipagpalitan mo kay Diggles, malaya kang gawin iyon ano mang oras."

Tahimik na nag-isip si Lorant habang hawak nag Rainbow Stone bago nagtanong, "Kung hindi tayo makikipagkompormiso, anong gagawin natin?"

Ngumiti si Marvin. "Susugod tayo."

"Hindi ba masyadong aktibo si Diggles noong mga nakaraan?"

"Marami akong kaibigan. Wala naman sigurong problema sa kanila ang pagdispatya ng ilang Evil Spirit."

Tumango si Lorant. Makikita sa mga mata niya na nakapag desisyon na siya.

"Sige, susugod tayo!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C229
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión