Descargar la aplicación
28.16% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 207: Legend Ogre

Capítulo 207: Legend Ogre

Editor: LiberReverieGroup

Ang Iron Ogre ay namumukod tanging uri ng Ogre.

Ang ganitong uri ng mga Ogre ay napakalakas sa mga melee battle, at mayroong napakatibay na katawan.

At ang Ogre na naroon ay malinaw na isa sa mga ito.

Legend Ogre!

Sumimangot si Marvin. Alam na niyang mayroong Legend sa tribo ng mga Ogre, pero inakala niyang isa itong Ogre Mage. Hindi niya inasahang isa pala itong Iron Ogre!

Ang nilalang na ito ay napakalakas ng attack power. Kilala rin ito bulang "King of the Battlefield"!

Sa loob lang ng ilang segundo, nasira na nito kaagad ang dalawan trebuchet!

Hindi rin nito pinalampas ang mga sundalong nasa tabi ng mga trebuchet

Ang Ogre na ito na bumagsak mula sa kalangitan ay napakalakas, ikinagulat namang ng iba ang nakakatakot na lakas nito.

Bigla nang nakakakitaan ng pakakawatak-watak ang hukbong binuo ni Marvin.

'Sinira ng Legend Iron Ogre na ito ang lahat ng trebuchet!'

'Pero siya baa ng nakaisip nito o may nag-utos sa kanya?'

Determindaong hindi umalis ng bundok na ito ang mga Ogre na ito. Gusto nilang ang mga tao ang umakyat.

Kung ang Iron Ogre na ito ang kanilang pinuno, may pagakakataon pa silang manalo. Basta matalo nila ito, siguradong mawawalan na ng kaayusan ang iba pang mga Ogre.

At kapag nangyari iyon, sigurado na ang tagumpay ni Marvin.

Pero kung hindi pa ito ang kanilang pinuno, malaking problema ito.

Hindi na matagalan ni Marvin ang mga naging pagbabago sa labanan, kaya naman agad itong nagdesisyon!

Kahit ano pang mangyari, kailangan mapiglan ang Legend Ogre na ito!

Bigla itong sumigaw at sumigaw, "Ivan!"

Sa sunod na sandal, ang mala-atletang anino ni Ivan ay tumalon mula sa isa pang bundok sa gilid.

Mas malakas pa ang talon nito kumpara sa Iron Ogre!

Mas banayad ang mga kilos nito kesa sa Ogre. Sa isang iglap ay sinugod niya ang Ogre!

"Bang!"

Agad naman itong napansin ng Iron Ogre, lumingon ito at sinuntok si Ivan.

Pero ang hindi sinalubong ng Elven Saint ng suntok ng Ogre ng isa pang suntok. Inilihis niya lang ang kanyang katawan habang nasa ere at hinawakan ang kamay ng Ogre.

Kasabay nito, inikot nito ang kanyang katawan, muling umikot sa ere bago tuluyang umapak muli sa lupa.

"Rawr!" Singhal ng Iron Ogre.

Hindi pa rin nagbago ang mukha ni Ivan. Ginamit niya ang pagkapit niya sa braso ng Iron Ogre para ihagis ito sa pamamagitan ng pagbalibag dito!

Initya niya ito sa isang lugar na walang naninirahan sa dakong Norte.

Nauunawaan niyang mabuti ang gustong mangyari ni Marvin, at iyon ang ilayo ang Iron Ogre sa labanan!

Hindi nila maaaring hayaang ipagpatuloy ang mga trebuchet!

Dahil bukod sa magic, ito lang ang tanging paraan para mapilitang bumaba ang mga Ogre.

Matagumpay naman ang ginawa ni Ivan, dahil daang metro ang layo ng nilipad ng Iron Ogre. Hindi na nito hinintay na makabangon ito at agad na inatake ito.

Kahit pa isang Legend ang Iron Ogre na ito, hindi mapapantayan ng fighting ability nito ang Elven Saint.

Sa kanilang laban, agad na naging dehado ang Iron Ogre at muling tinumba ng suntok ni Ivan.

Sa ilang saglit lang, pinatalsik ng ilang kilomterong layo ito ni Ivan, malayong- malayo sa labanan at hindi na makakabalik pa.

"Siya ang Elven War Saint, Sir Ivan!"

"Diyos ko, mayroon pa lang ganitong uri ng taong ka-alyansa si Lord Marvin. Kaya naman pala malakas ang loob niyang magpalabas g isang wilderness clearing order."

Nabigla ang lahat sa kanilang nakita.

Nagkaroon ng kaunting pag-asa ang mga tao dahil sa paglitaw ni Ivan.

Muling nabuhayan ng loob ang mga tao.

"Ituloy niyo lang ang pagtira!" Seryosong sigaw ni Marvin.

Noong mga oras na iyon, isang grupo ng mga gwardyang mula sa River Shore City at isang grupo ng mga Knight mula sa Silver Church ang tumao sa mga trebuchet.

Alam nilang ang tatlong natitirang trebuchet ay hinding-hindi na mawawasak ng mga Ogre.

Hindi rin sila naniniwala na mayroong isa pang Legend Iron Ogre ang tribo ng mga Ogre na ito!

Hindi lang basta takot ang nararamdaman ng mga sundalo.

Ang mga sundalong nakasama nilang lumaban ay nadurog ng isang Iron Ogre sa isang iglap lang.

Hindi ito ang uri ng dagok na kakayanin ng isang pangkaraniwang tao.

Mabuti na lang at ang mga pinadlaang sundalo ni Madeline ay mga elite pa sa mga elite.

Sa mga ganitong sitwasyon, ano man ang kanilang nararamdaman ay nagpupursigi pa rin silang tapusin ang kanilang misyon.

Pinagpatuloy nilang gamitin ang mga trebuchet.

Sunod-sunod ang mga batong sumasabog sa barikadang itinayo ng mga Ogre. Sa pagkakataong ito, mukhang hindi na makapagtimpi ang mga ito.

Nagsimula na silang magalit at hindi na nila iniiwasan ang mga bato.

Ang ilan sa mga ito ay ginamit pa mismo ang kanilang mga kamao para wasakin ang mga paparating na bato. Pero kahit na matibay ang katawan ng mga ito, mapipinsala pa rin sila dahil sa mga lumilipad na naglalagablab na mga bato.

Maraming Ogre ang nagsimulang umatungal nang malakas.

Pinagmasdang mabuti ni Marvin ang mga ito at sinabi sa kanyang sarili, "Hindi ako naniniwalang kakayanin pang tiisin ng mga Ogre ang ganitong klase ng sitwasyon.'

Base sa kanyang naranasan, ang mga aroganten at mainiting ulo na mga Ogre ay bumaba na dapat kanina pa.

Ang ganitong uri ng mga nilalang, kahit na alam nilang mas makakabuting depensahan lang nila ang kanilang kinalalagyan, mas pipiliin pa rin ng mga ito ang isang direkta at mano-manong laban sa mga tao. Ito ang istilo nila sa pakikipaglaban..

Siguradong mayroong pumipigil sa mga ito.

At base sa mga pangyayaring ito, hindi ito ang Iron Ogre.

'Hindi kaya…'

'May isa pa silang Legend?!'

Bigla na lang pumasok sa isip ni Marvin ang ideyang ito, nang may isang pulang ulap ang namuo sa ibabaw ng tatlong trebuchet!

'Pucha. [Burning Firerain] 'yan!

'Wala man lang sariling pagkakakilanlan ang mga Legend Wizard na ito. Kahit mga Ogre mage ay pareho lang sa kanila!'

Agad namang nakaramdam ng pagkabigo si Marvin. Iuutos n asana niyang tumakbo ang mga sundalong nasa mga trebuchet. At kahit na alam niyang iposible nang makatakas ang mga ito, kailangan pa rin niyang subukan na mailigtas ang lahat ng taong makakaya nilang iligtas.

Isa itong mas pinaliit na uri ng Bruning Firerain, at mayroong lang itong iisang pakay, at iyon ay ang wasakin ang natitirang mga trebuchet!

Para mai-cast ang spell ng ganito kalayo at ng ganitong porma nang ganoon kabilis… marahil isang Legend ang nag-cast nito!

Kahit ang mga Wizard ng Three Ring Tower ay hindi mapipigilan ang pag-cast na ito!

Pero nang mga oras na iyonm isa namang maitim na ulap ang lumitaw sa isang sulok ng kalangitan!

Dumikit ang itim na ulap sa pulang ulap, at sa halip na isang tunog ng pagsabog, naghalo ang dalawang ulap at bigla na lang itong tumigil.

Ang dalawang ulap na nagsama at naging isang pangkaraniwang ulan na lang ang dapat na Burning Firerain.

Narinig ni Marvin ang hindi maunawaang boses na umaangil na nagmumula sa tuktok ng bundok.

Tiningnan niya ito at nakita niya ang isang mas maliit na Ogre. May hawak itong mahabang setro sa kanyang mga kamay. Makikitang may takot sa mga mata ng mga Ogre na nasa tabi nito.

'Iyon ang pinuno ng mg Ogre!'

Napagtanto ito ng lahat.

Pero anong nangyari sa pumalyang Burnng Firerain?

Natuwa naman si Marvin habang nakatinging ito sa dakong timog.

Isang magarang karwahe ang makikitang dumating na walang nakapansin. Hindi nangahas na lumapit ditto ang mga adventurer na malapit ditto.

Mayroong ring isang Knight sa tabi ng karwahe.

Si Daniela.

Siya ang napadala ng itim na ulap.

Noong mga oras na iyon ay nakalutang ito sa tuktok ng karwahe, may isa pares ng pakpak na gawa sa yelo ang nasa kanyang likuran na dahan-dahan namang bumuka.

Nagkaroon ng kaunting pagbabago ito. As naging seryoso ito, at ay mga yelong gumagalaw at nagpapalipat-lipat ng pwesto sa kanyang katawan.

'Ito na baa ng Ice Angel Shape?'

Nabigla rin si Marvin.

Bahagyang taglay na ni Daniela ang kaunting presensyang mayoon siya noon siya ay naigng Ice Empress. Bilang isang taong nagmamanipula ng yelo, madali lang para sa kanya ang pagpigil sa Bruning Fire Rain.

Pasasalamatan n asana siya ni Marvin pero bago pa man niya ito magawa, tumalikdo ito at lumipad pa-norte nang walang sinasbai.

Sa lugar na iyon, isang babaeng nakasuot ng isang azure na damit ang papalapit.

Si Bamboo!

Inasahan naman na ni Marvin na hindi magiging simple ang kanilang laban ngayon.

Pero hindi niya inasahang ganito na kaagad karami ang mangyayari kahit na nagsisimula pa lang ang kanilang laban

Kaharap ni Bamboo ang Iron Ogre, habang tahimik naman na paparating ang muling ipinanganak na si Bambo. Kung hindi dahil kay Daniela, hindi niya pa sana ito mapapansin.

Pinanindigan ng kanyang nakababatang pinsan ang mga sinabi nito. Kapag nakita niya si Bamboo, hindi siya titigil hanggang sa mapatay niya ito.

Binalot ng Ice Angel ang kalangitan ng nyebe at walang habas na sumugod patungo kay Bamboo. Ngumisi naman si Bamboo at nagpakawala ng napakalakas na Divine Power.

Magisismula na ang isang hindi kapani-paniwalang labanan.

Lahat ng nasa likuran ni Marvin ay pinanuod lang ang mga naganap.

Kahit ang maraming karanasan at maraming nalalaman na si Collins ay hindi mapigilang pilit na ngumiti.

Napukaw ang atensyon ng napakaraming Legend at Half-Legend ang isang simpleng wilderness clearing order. Paano ng aba makaka-apekto sa kalalabasan ng labanang ito ang mga 2nd rank at 3rd rank na sundalo?

Mabuti na lang at marami ring taong sumusuporta kay Marvin.

"Grambol!"

Noong mga oras na iyon, sinamantala ng Ogre Mage ang pagkakataon, habang ang lahat ay nakatuon ang atensyon kina Bamboo at Angel Daniela, at nagpadala itong ng ilang Lightnings para tuluyan nang masira ang mga natitirang trebuchet!

Mukhang determinado talagang hindi umalis ng bundok na ito ang Ogre na ito.

Nagngalit naman ang ngipin ni Marvin at inilabas ang maleta ng Brilliant Purple.

Dahil umabot na sa untong ito ang laban, hindi na niya inalala ang perang magagastos niya.

Hindi sila makakalaban ng maayos kapag hindi bmaba ng bundok ang mga Ogre. Hindi siya pwedeng pumalya!

Nang biglang may isang pares ng kamay ang biglang humawak sa maleta.

"Ako na."

Si Constantine.

Kinuha niya ang maleta kay Marvin at binuksan ito. Nagulat ang lahat dahil sa loob lang ng ilang segundo, nabuo na niya ang [Brilliant Purple]!

Ang nakakatakot na sandatang ito ay nakatutok sa Ogre Mage.

'Hayaan niyo pasabugin ng Legend na ito ang bundok. Tingnan na lang natin kung hindi bumaba ang mga iyan." Panunuyang sabi ni Constantine na handa nang tumira.

Pero tila naramdaman ng Ogre Mage ang panganib na ito.

Biglang tinutok nito ang kanyang magic staff kay Constantine. Saka ito nag cast ng tatlong magkakasunod na Dissociation na spell kay Constantine!

Instant Casting, Long Distance Casting, Multi Casting!

Tatlong makapangyarihang Legendary Specialty!

Nag-alala si Marvin. Mas malakas pa pala ang Legend Ogre Mage na ito kesa sa kanyang inaakala.

Masyadong malayo ito, pero nagawa pa rin nitong mag-cast ng tatlong Dissociation!

Nagulantang rin si Constantine. Agad niyang binuhat ang Brilliant Purple kasabay ng pag-iwas nito.

"Bang!"

Noong mga oras na iyon, isang matangkad na anino ang lumitaw mula sa kawalan, at humarang sa harap ni Constantine.

Tumama ang tatlong Dissociation spell sa katawan ng taong ito.

Pero hindi man lang nasaktan ang humarang dito.

Tumawa ang taong ito saka umikot at sinabing, "Ano ba naman 'yan, Constantine."

"Medyo nakaka-asar ang Legend Ogre na ito ah."


next chapter
Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C207
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión