"Hihingi na kaagad ako ng tawad para sa mga gulong pwedeng ko idulot sa mga buhay natin."
Ang maikling sinabi ni Wei Liao ay nagdulot ng sigawan mula sa mga manonood.
Si Jiang Xiaowei ay isang mapagmalaking babae na may maikling pasensya pero biglang tumulo ang mga luha sa mga mata niya pagkarinig sa mga sinabi ni Wei Liao…
Hindi siya sinuyo nito gamit ang mga mabubulaklak na salita na ginagawa ng ibang mga lalaki at hindi rin ito nagsabi ng hindi naman totoo na mamahalin kita panghabang buhay.
Ang tanging sinabi niya lang ay: "Hihingi na kaagad ako ng tawad para sa mga gulong pwedeng ko idulot sa mga buhay natin."
Pero ang mga sinabi niyang ito ay sobra ang ibig sabihin para sa kanya…
"Maniwala ka sa akin, hinid kita bibiguin..." Pinakitaan siya ni Jiang Xiaowei ng naiiyak na ngiti.
Ang lahat ay nagsimulang pumalakpak…
Parang baliw na pumalakpak si Huo Mian kaya sumakit na naman ang injury niya…
"Ah… ang sakit."