Descargar la aplicación
16.66% My Brave Pilot Beauty / Chapter 4: Chapter 3

Capítulo 4: Chapter 3

"Halika matulog ka na muna, tatawagan ko sina Russell para makauwi ka na,"

Sa kwarto nito , mismo pinatulog si Jack , nagising si Jack ay alas dyes na ng umaga , nagpa linga linga siya nasaan ako? Sa isip niya nang may biglang pumasok sa kwarto babae yong babaeng nangulit kay Robert kahapon,"

"Sino ka ? tanong nito sa kanya anong ginagawa mo dito sa kwarto ng fiance ko?"

Bigla namang pumasok si Robert pagkakita nito kay Robert ay ito ang hinarap nito" ,

"Walanghiya ka Robert taksil ka, ikakasal na lang tayo nagloloko ka pa,"singhal nito kay Robert,"

"Hoy! Anjie hindi pa tayo kasal at hindi ko gusto na maging fiance ka, kayo lang nina mommy ang may gusto ng kasal na yan, dahil ako iba ang mahal ko,  siya si Jack siya ang mahal ko,"

Pagka rinig nito ay biglang umalis na ang babae.

"Jack mag ayos ka na, ihahatid na kita, kadarating lang kasi nina Russell ngayon lang isinauli ang kotse ko hindi daw nila naibalik kagabi kasi nalasing daw sila, sabi sa kanya ni Robert,"

"Mabuti na lang ay sabado ngayon walang pasok, sabi ni Jack kay Robert, oo nga sagot nito sa kanya,"

"Papasok na sila sa dining ng mahagip ng mata niya si Russell masama ang tingin nito sa kanya at parang galit,"

"Kumain muna tayo Jack bago kita ihatid"

"Hindi na sa amin na lang ako kakain",

"Hindi ka ba pagagalitan sa inyo? yang hindi ka nakauwi kagabi?" tanong sa kanya ni Russel,"

"Wala na akong kasama sa bahay , Ang nag aalaga sa akin noon ay ang lolo ko, iniwan daw kasi ako ng nanay ko ng mamatay ang tatay ko sa isang enkwentro sa Mindanao, army kasi ang tatay ko, Nang mamatay ang lolo ko ay si Tito Tony na ang nangalaga sa akin kaso nito lang  isang buwan ay namatay naman ang Tito ko , kaya nag-iisa na lang ako ngayon sa bahay, Ang tanging nangangalaga sa akin ngayon ay ang mag asawang kaibigan ng Tito ko, kaso, May bahay din silang sarili kaya ako lang ang tao sa bahay na naiwan ng lolo ko. Sige,uuwi na ako sabi ni Jack, akinang susi ng motor ko Robert tutal umaga na naman ,"

Hindi pinakikinggan ni Robert si Jack ,

"Akin na ngang susi anuba! Robert nakikinig ka ba?"

"Ako na nga ang maghahatid sayo  sabi ni Robert,"

"Ako na lang Rob sabi ni Russell nandyan pa sa labas si Anjie baka sabunutan pa niyan si Jack,"

"Para wala ng gulo sabi naman ni Mandy , isa rin sa barkada nina Robert, tayo ng lahat ang maghahatid sa kanya,"

"Okey , dyan kayo sa kotse, sa motor ako,"sabi ni Jack,"

"Oo nga"good idea yan Jack, sabi naman ni Clark."

"Ay wala ng kokontra ikaw Clark imaneho mo ang motor, tayo ay sa kotse na lang ,"

Iyon na nga ang nangyari,sa restaurant lang nagpahatid si Jack,

Lunes na, may pasok na, hinahanap ni Robert si Jack pero hindi niya ito mahagilap, nung

Linggo pumunta siya sa restaurant, pero hindi daw ito pumasok, nagpunta siya ng gym doon niya nakita si Jack, naglalaro na ito.

"Magaling siyang maglaro "sa isip ni Robert"

Hinintay niya ito pero ng matapos itong maglaro ay nakita niya palabas na ito, at ang bag nito ay hawak na ni Russell at sabay na ang dalawa sa paglalakad sobrang galit ang naramdaman ni Robert ng mga sandaling iyon, pero nagpigil lang siya. Hinabol niya ang dalawa, hindi na siya nakatiis kaya hinila niya ang kamay ni Jack, biglang hinto si Jack sa paglalakad at napakapit siya sa balikat ni Russell napadiin ang pagkakahawak niya dito kaya nilingon nito si Jack, tingin niya ay parang natakot ito,

"Oy ,Rob sabi ni Russell, iyon ang tawag nila kay Robert nandito ka pala?,"

Hindi ito sinagot ni Robert, bagkus ay tinanong nito si Russell.

"Bakit magkasama kayo?"tanong nito kay Russell,"

Si Jack ang sumagot,

"Bakit masama ba?,"

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Jack, yang kaibigan ko ang tinatanong ko, Russell inuulit ko bakit magkasama kayo?"

"Nakita ko lang siya dito, kaya sabay na kaming umalis, kasi pareho kaming wala nang pasok yung teacher niya ay may seminar, ako naman ay talagang vacant ko na kaya ihahatid ko na siya pauwi sabi ni Russell, tayo na Jack sabi dito ni Russell ,"

Dala din nito ang motor kaya pareho sila ni Jack na naka motor, hindi nila alam, sinusundan na pala sila ni Robert, hangang sa Restaurant, hindi lang ito nagpahalata mahina lang ang pag pa andar nito ng kanyang sasakyan nang makita nitong paalis na ang motor ni Russell,, ay pumasok na ito sa restaurant, nakita niya si Jack nagse serve sa isang table mga kabinataan din ang mga ito,, ng pumunta si Jack sa kusina ay sinundan ito ni Robert, at hinila sya nitong palabas,

"Robert anuba?, may trabaho ako, wag kang istorbo,"

"Hindi halika sumama ka sa akin,may sasabihin ako sayo,  sabi nito kay Jack,"

"Teka nga muna, ka ano-ano ba kita?, kasi kung maka utos ka sa akin ay wagas to the max ah, umalis ka na nga dito, kung hindi hintayin mo na matapos ang duty ko mga 11:30 pa yun , kaya maiinip ka lang, kung ako sayo umuwi ka na lang,  sigaw nito kay Robert ,"

"Sige pa order na lang ako ng beer para mahintay kita," sabi nito kay Jack.

" Aba! mag tyatiyaga ka ba sa ganung oras?,"

"Oo kahit umagahin pa ako dito ,"

"Ewan ko sayo Robert nakaka inis ka na,"

Naka tatlo ng beer si Robert, kaya nagpaalam na siya kay ate Dory kasi baka maparami pa ang mainom nito at malasing kulitin na naman siya, sinamahan niya ito palabas at tinanong kung anong sasabihin nito, sinabi nito na pumunta muna sa bahay ni Jack at doon nito sasabihin ang lahat, ayaw ni Jack na malaman nito kung saan siya nakatira, kasi baka lagi siya nitong puntahan at kulitin araw-araw.

"Ano na? Pumunta na tayo sa bahay ninyo ,"

"Ayoko nga baka kung ano pa ang gawin mo dun,"

"Kung ayaw mo doon na lang tayo sa amin   sabi ni Robert."

"Sige kukunin ko muna yong motor ko, pero sandali lang tayo ha"sabi ni Jack dito.

"Huwag mo ng kunin ang motor mo dito ka na lang sa kotse ko sumakay , halika na pumasok ka na ng makaalis na tayo ,"

Pag dating nila sa bahay ay nagpabili pa ito sa maid ng lima pa uling beer, uminom lang ito ng uminom wala namang sinasabi kay Jack , kaya siya na lang ang nagtanong dito.

"Anong sasabihin mo sa akin?, ayan papagabi na paano mo pa ako maihahatid nyan lasing ka na,"

"Dito ka na lang matulog," sabi nito,

"Anu? bakit ka ba ganyanRobert,? anong sasabihin mo sa akin?, para huwag ng humaba ang usapan natin,", pahingi na lang ng cell number ni Russell, tatawagan ko siya para sa kanya na lang ako magpapahatid, hindi ka na kasi pwedeng mag drive lasing ka na,

"Di ba sabi ko nga sayo, dito ka na matulog, At yang Russell na yan , ayoko nang makitang sumasama ka pa dyan Jack, makakapatay ako ng tao,

"Bakit ba? utang na loob Robert, pauwiin mo na ako sobra kang pasaway,"

"Gusto kitang maging Girlfriend Jack, o kung kaya magpakasal na tayo , dalawa lang ang pagpipilian mo Jack", Kasal O Girlfriend "

"Ano? gulat na tanong dito ni Jack ,

Si Robert ay nakangiti pa ito sa kanya "

"None of the above",sabi naman niya "

"Wala yan sa pagpipilian Jack,sabi nito naaawa kasi ako sayo Jack, kung girlfriend na kita kahit hindi ka na magtrabaho ako na lang ang bahala sayo , sabi nito sa kanya,"

"Kung ganyan ang pananaw mo Robert mas lalo akong hindi pipili sa dalawang iyon, kaya kong pag aralin ang sarili ko, may pension akong nakukuha yong kay papa sa army, at may naiwan din sa akin ang tito ko bago siya namatay, may hati din ako sa income ng restaurant dahil kasosyo ang tito ko sa restaurant na yon 45% ng income ang hati ko doon kasi sa amin ang lote na kinatitirikan ng restaurant kaya hindi ko kailangan ang pera mo,"

"O"di sige magpakasal na lang tayo para obligasyon na kita, obligasyon ko na pag aralin ka, "

"Ano ka ba Robert ",sabi ni Jack ,"hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko sayo, ayoko nga" sabi niya dito.

Sa galit nito ay hinila siya papunta sa kwarto nito, nakita niya ang picture nya 40 by 40 ang laki nasa may uluhan ito ng kama ni Robert .

"Saan mo nakuha ang picture kong iyan?" tanong niya dito, kinuha ko ang picture na yan noong isang araw,"

"Oo nga aalala na niya yong naka short na maong lang sya at red blouse ang suot niya ,"

Hindi niya nahalata may hawak na palang baril si Robert, itinutok nito sa sintido nito ang baril ,

"Sabihin mo Jack na wala kang pipiliin dyan sa dalawa, mamamatay ako dito sa harapan mo ngayondin, sabi ni Robert,"

"Huwag naitaas pa ni Jack ang dalawa niyang kamay ,"oo"na girlfriend mo na ako, sabi nito kay Robert.

"Okey dito ka na matulog kasi hindi na kita maihahatid baka madisgrasya pa tayo medyo may tama na ako naparami kasi yong inom ko,"

Kinabukasan ay sabay na silang pumasok sa paaralan,


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C4
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión