SUMMER CLOUD POV
"GUMAWA ka ng paraan Laura! gusto ko nang makaalis dito nababagot na ako dito sa bahay!"singhal ko kay Laura.
"P- Pero Ms. S Wala ka namang appointment baka kase tanungin ng dady mo tapos wala akong masagot." pagdadahilan nito.
"I don't care! Just do something make some bluff excuses Laura! Use your F**ckin brain will you?" Inis kong sabi dito.
Napasilip pa ako sa bintana nang aking kwarto. Nakita ko parin yung Bodyguard ko sa labas na nakabantay parin. Ilang araw na akong nakatambay dito sa bahay. At swear bagot na bagot na ako.
"Okay Ms. S gagawan ko nang paraan."
" Make it quick! Don't wait me too long Laura ayaw ko ng babagal bagal" Saka inis ko siyang pinatayan ng tawag.
Pumasok ako sa banyo saka naligo na. Hindi na ako makapghintay na makaalis dito sa bahay. Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako.
Naka black cocktail dress na ako at nakablack heels saka naglagay ako ng konteng make up at pabango.
Bumaba na ako at nadatnan ko si Dady na kumakain ng agahan. Sinulyapan ako nito saka muling ibinalik ang paningin sa kinakain.
"Where are you going Ihaj?"
"Im going out Dad, kasama si Laura he's on his way now."
"San kayo pupunta?" tanong nito na di manlang tumingin sa akin.
"Shopping dady, kailangan kong bumili ng mga bagong damit for my photoshoot." pagsisinungaling ko pero ang totoo gusto ko lang gumala at hindi ko isasama si Laura kahit magpapakita pa yun dito.
"Bring Parker with you."
"W- What? Dad naman Lakad ko to! Bakit gusto mong kasama ko palage yang Bodyguard ko na yan? At isa pa magmamall lang naman ako, Hindi ko siya kailangan." protesta ko.
"Then stay here, hindi ka aalis kong di mo kasama si Parker, alam mo naman kong gaano kadelikado sayo ang paglabas mag isa."
"Your just being paranoid dady! Wala naman segurong papatay sa akin habang nagmamall ako diba?"
"My decisions is Final Summer, kong ayaw mo sa suggestions ko better to get yourself out to my house."
Pigil siya sa inis habang nasa harap siya ng ama. Ayaw nyang magkasagutan na naman sila kaya pinipigilan niyang magalit dito. Pero gusto na niyang singhalan ang ama at kwestyunin.
"Why your doing this to me dady? bakit mo ko ginaganito? I can even explain my side dahil ang gusto mo ay yang sayo palage ang masusunod! Mahirap bang intindihin ang sinabi ko na kaya ko ang sarili ko ha dady? Dahil lang sa insidinteng iyon ay ganito na ang mangyari sa buhay ko?"
Mahabang sabi ko kay dady.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Nabasa ko ang lungkot at pag aalala sa mga mata ni dady kaya napayuko ako. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ngayon naguguilty ako sa mga sinasabi ko.
"Nag iisa ka lang na anak ko Summer, tayong dalawa nalang, at hindi ko kayang mawala ka sakin, sana naman maintindihan mo ang pangamba ko bilang Ama mo, ang nais ko lang naman ay maging ligtas ka at hindi mamemelegro, alam kong nahihirapan kana dahil hindi naman ito yung nakasanayan mo pero hanggat wala pa tayong naipakulong na may sala sa nangayari sayo hindi ka malayang umalis mag isa." Mahinahon na sabi ni dad.
"I'm sorry dady, Im sorry, i know your worried pero sabi ko naman sayo diba? Kaya ko naman ang sarili ko, pagkatiwalaan mo naman ako." Pakiusap ko kay dady.
Natigil ang pag uusap namin ng lumapit ang Bodyguard ko at may binulong kay Dady. Pagkatapos ay agad ding bumalik sa pwesto nito.
"Nandyan na sa labas si Laura, pwede ka nang umalis, susunod parin si Parker pero sa malayo lang siya magmamasid at magbabantay sayo, pero sana naman Anak, hindi kana gagawa ulit ng bagay na ikakapahamak mo." Ngumiti ako sa tinuran ni dad. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo saka nagpaalam.
"Akala ko ba Ms. S magpapaalam ako sa dady mo?"
"Hindi na, dahil gumawa na ako ng alibay." Sagot ko.
"So san tayo?"
"Sa mall san pa ba? At may asungot akong bubuntot sa atin kaya di ako pweding pakampante ayaw kong atakehin si dad sa katigasan ng ulo ko."
Mabilis kong dinukot ang cellphone saka tinawagan si River.
"Babe? hindi kana busy?" masayang tanong nito sa akin.
"Yes babe, magkikita tayo etetext ko sayo ang location ko see you."
Mabilis ko ring ibinaba ang phone saka humalukipkip.
"Ms. S hindi ka ba natatakot sa nangyari sayo non?"
"Fucos on driving Laura wag kang tsismosa!" inis kong sabi dito at saka pinaikotan ko siya ng aking mga mata.
Di ko feel magkwento sa kanya dahil for sure kong saan- saan na naman aabot ang napag usapan namin.
Nakahinga ako ng maluwag ng maramdamang hindi na nakasunod samin ang Bodyguard ko. Kaya malaYa akong nagsusuot sa gusto kong puntahan.
Bumili ako ng makain saka naupo sa bench. Inayos ko pa ang suot kong baseball cap para walang masydong makakilala sa akin. Nagsisi tuloy ako kong bakit naka heels at cocktail dress ako.
Nasira tuloy ang outfit ko.
Ilang oras din akong naupo dito ng dumating si River. Gwapo itong nakasuot ng itim na longsleeve naka tupi hanggang siko.
"Bakit ang tagal mo? kanina pa ako naghihintay sayo?" inis kong tanong dito.
"Im sorry babe,na traffic ako may banggaan kanina kaya nahihirapan akong lumusot, kumain na tayo."Aya nito sa akin.
"Okay, san tayo kakain?"tanong ko.
"San mo gusto?" Nakangiti nitong tanong.
"Kahit san lang babe basta ikaw ang kasama." nakangisi kong tugon dito.
Dinala niya ako sa 5th floor ng mall at doon kami kumain sa isang italian restaurant. Nag eenjoy ako sa kinakain ko habang siya naman ay panay kwento.
"Kumusta na pala ang pag commercial mo babe?"
"Ayun, pinalitan ako pero okay lang di naman sila kawalan may mga upcoming fashion shows ako at commercial babe."
"Wala ka bang balak na magseetle down kasama ako?" seryusong tanong nito sakin.
"Babe, hind pa ako handa, hindi ko pa na eenjoy ang buhay ko , at ayaw kong magmamadali tayo , darating din tayo jan babe."
Tumahimik agad si River. Pag ganito kaseng usapan ay hindi ko siya pinapatulan. Masyado pa akong bata para mag asawa hindi pa ako handa.
Nagulat nalang ako ng may humila sa braso ko. Napaangat ako ng tingin at agad sumabog ang inis ko ng makita kong sino iyon.
"Bitawan mo nga ako!" at marahas kong binawi ang braso ko ngunit mahigpit niyang hinawakan iyon. At nanginig ang kalamanan ko bumulong siya sa akin.
"May sniper sa kabilang building at ikaw ang inasinta kong hindi ka Aalis dito baka bukas paglamayan kana kaya tumayo kana jan at magpaalam." Malamig na saad nito sabay bitaw sa braso ko.
Agad akong napatayo at naguluhan namang nagpapalit palit ng tingin si River samin.
"Babe, I have to go its an emergency tatawag nalang ako okay ?"
Hindi kona hinintay na makasagot si River at naglakad na ako palabas sa restaurant habang hawak ng Bodyguard ko ang siko ko.
Kinakabahan ako habang tinatahak ang daan palabas ng mall. Wala akong lakas na magtaray pakiramdam ko kase hindi nagbibiro itong bodyguard ko sa sinasabi nito.
Mabilis akong sumakay sa sasakyan at ganon nalang ang sigaw ko ng may nagpaputok.
"Yuko Summer!" tarantang utos ni parker sakin.
Agad akong yumuko at subrang takot na takot. Mabilis niyang pinapaharurot ang sasakyan.
Hindi parin nawala ang kaba at takot sa dibdib ko.
Hindi ako mapakali at napaisip kong bakit may gustong papatay sa akin? Ano bang kasalanan kong nagawa sa mga taong yun?
Hindi kona makita ang nanatili akong nakayuko saka takip takip ko ang dalawang teynga ko gamit ang dalawa kong kamay sabay pikit.
Rinig ko din ang panay mura ni PArker.
"Were safe as of now!" pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa.
Saka pa ako dumilat at umupo ng maayos. Nangingig parin ang mga kamay ko at tuhod.
Itinigil niya ang sasakyan sa isang masukal na gubat saka tumingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin dahil naguguilty ako sa ginawa kong paglabas labas ng bahay.
"Are you okay?"tanong nito.
"Sa nangyari kanina? Itatanong mo sa akin kong okay lang ba ako? NAg iisip ka ba? MAlamang hindi! Sino bang matinong tao na magiging okay matapos ang nangyari ha?"singhal ko dito sa subrang inis.
"Iba ka rin no? Nakuha mo paring magtaray kahit namemelegro kana? Ibang klase ka talaga ." Iling nitong sabi.
Hindi na ako nagsalita at iginala ko ang aking mga mata sa labas ng binatana ng sasakyan. Puro matatayog na punong kahoy ang nakikita ko sa paligid pakiramdam ko nasa labas na kami ng maynila.
"Hindi muna kita iuuwi sa inyo yan ang habilin ng dady mo sakin bagokita sinundo kanina."
"Iuwi muna ako ayukong makasama ka!" singhal ko dito.
"Mas ayaw kitang kasama! Pero hanggat nagtatrabaho ako sa inyo hindi mo ako maiiwasan, dahil lage akong bubuntot sayo at susulpot sa harapan mo Kailangan mo man ako o hindi!"
"Babayaran kita magkano ba? PAra kusa ka nang aalis sa buhay namin ha?"
Napatitig ito sa akin, wala akong nabasanh emosyon sa mga mata niya at napakalamig ng aura niya.
"Hindi mababayaran ng salapi ang utang na loob ko sayong Ama summer! Wag mong hilingin na aalis ako dahil kusa akong aalis pag maseguro kong wala nang peligro sa buhay niyo."
Napatitig lang ako sa kanya at naguguluhan sa sinabi niyang utang na loob niya kay Dady.
Ang ibig ba nitong sabihin ay matagal na silang magkakilala ni dady?