March 15, 2021 mag aalas tres na ng hapon...
Sa kasalukuyang panahon at oras,
Namimingwit si Kelly ng isdang tilapia sya lang mag isa at nakatulala sa kawalan hanggang sa gumalaw ang fishing rod niya kaya bigla itong naging alerto...
"Oh... may nahuli na ata ako."
At nung iaangat na niya ang fishing rod nakawala yung isda niyang nahuli kaya sa inis niya tinapon niya yung pang huli.
"Bwiset! Kanina pa ako dine wala pa rin akong nahuhuli!!!! Ayoko na."
"Bakit naman? Kadarating ko lang ayaw mo na?"
Napalingon si Kelly sa likuran niya dahil may pamilyar na boses syang narinig at boses ito ng lalaki.
"Ku— Kuya Kim?"
"Aye! Kamusta naman ang bunsuan?"
Nagtatakbo si Kelly at niyakap niya ng mahigpit ang kuya niya.
"Oh... Oh... wag kang iiyak bagong palit lang ang damit ko. Baka mapuno ng sipon mo."
"Ehhhh... kuya naman eh bakit di mo sinabi na pupunta ka dito? Buti nakapasok ka lockdown eh."
"Oo naman ako lang sakalam. Hahahaha..."
"Sakalam? Alam mo yon?"
"Bay oo naman sa tagal rin ba namang nasa bahay lang syempre nagamit din naman ang kuya mo ng mga social media account no."
"Wow!"
"Bakit naman parang gulat na gulat ka?"
"Syempre ako lang sakalam. Hahaha..."
Naupo yung mag kuya sa may gilid at nag patuloy sa pamimingwit ang naiinis na si Kelly "Kamusta ka naman dito? Halos mag isang taon na rin nung huli tayong magkita. Hindi ka ba naging pasaway?"
"Hindi nuh! Mabait kaya ito! Tanong mo pa sila Lolo at Lola."
"Sus... edi syempre pag tatakpan ka ng mga yon spoiled ka sa mga yon eh."
"Pero hindi nga kuya promise na busy kasi ako mag sulat di ba na sabi ko yun sa inyo nila kuya nung nag zoom meeting ekek tayo?"
"Oo nga pala about dun sabi mo kumikita ka na don? Paano?"
"Uyyy... interesado Hahahaha...."
Pinisil ni Kim ang pisnge ni Kelly at sinabing "Ang dami mong alam! Syempre curious ako baka mamaya ilegal yan wala kaming ipangtutubos sayo bahala ka."
"Hahahha... okay lang may na ipon naman na ako halos 1year na rin bago ang pandemic na ito pero nabawasan na din kasi nga lockdown. Walang masyadong nabili ng baboy o baka kahit nga isda kaya nag try nalang ako mag sulat. Yun kahit papaano may kinikita naman nakaka 20k naman ako kada one month pede ng pambili ng gamot nila Lolo at Lola."
"Wait, 20k? Per month?"
"Um... Depende pa yun kuya minsan pag na achieved ko yung goal ko I mean pag maraming nag basa at nag unlocked ng mga blocked chapters ko nakakaipon ako ng 60k kada month lang yun ah. Pinakamababa na ang 10puk."
"What the? Mas malaki pa ngayon ang kinikita mo samin? Dahil sa pandemic online class ngayon kaya bumaba ang rate namin minsan nga wala pang klase pero depende naman yun sa paaralan pero ngayon nasa 15k nalang sahod ko a month."
"Eh? Grabe naman di ba nag papadala pa kayo sakin nila kuya ng tig 2k? Per kinsenas niyo? Luh! Dapat pala di na kayo nag papadala ako pala dapat mag padala sa inyo."
Bineltukan siya ni Kim "Sira! Syempre kami ang kuya mo responsibilidad ka namin kahit ba graduate ka na at may sarili ka ng trabaho well, wala pa pala pero ayos yan isa ka ng novelist kahit na malayo sa kinuha mong course. Mas okay naman na yan kesa dito sa farm."
"Ay! Kuya di ba sinabi ko na sainyo hindi dapat ni lalang lang ang pag papa farming dahil sa probinsiya mahalaga ang ganireng trabaho hindi porket nasa siyudad kayo eh mamaliitin niyo na kaming nasa probinsiya minsan nga kung wala kaming nag papa farming paano na kayo? Sino na ang bibilhan niyo ng mga baboy, manok, at kung anu ano pang nasa farm lang. Bakit aasa nalang kayo sa mga instant foods? Hindi naman di ba? Kaya dapat hindi lang ni lalang ang farming. Dahil dito ako yayaman. I mean kaming nag fafarm."
Kim pat Kelly's head "mukhang ang dating isip bata naming kapatid ay isa na ngayong ganap na dalaga at matanda na." Tinanggal naman agad ni Kelly ang kamay nito sa ulo niya.
"Anong matanda? Bata pa ako noh! 21 palang ako at may sarili ng ipon."
"Sus! Oo na proud naman kami sayong mga kuya mo kaya pautang naman diyan. Hahahaha..."
"Ayoko, pero kung utang man yan dapat may interes."
"Ay grabe sya."
Tumawa si Kelly at niyakap ang kuya niya "Syempre joke lang yun kuya hayaan niyo tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa inyo nila mama na ako gagastos kapag nag around the world na tayo."
"Totoo ba yan?"
"Opo, kasi magiging gurang na kayo at magkakapamilya kaya tag hirap na kayo kaya ako na ang mag tutustos sa inyo. Hahahaha..."
"Siraulo! Anong akala mo naman samin pabi?"
"Pabi?"
"Pabigat akala mo dyan marami akong alam na millennial words."
"Halata nga."
"Pero tama yan bunsuan mag ipon ka para sa kinabukasan mo yung gusto mong milk tea shop tutulungan ka namin ngmga kuya mo para maituloy mo kahit pandemic."
"Eh? Pero pano lockdown nga eh. Tsaka mahirap makisalamuha sa tao ngayon eh kaya isasantabi ko na muna yun pansamantala mag susulat muna ako. Mag basa ka kuya ha?"
"Oo naman. Pero we're really proud of you baby girl kahit na iba ang landas na tinahak mo napatunayan mong kahit na matigas ang ulo mo nag tagumpay ka sa buhay. Sana lang pag dating sa love maging wise ka rin."
"Wala! Walang ganyan kuya mag mamadre ako pag dating ng 25."
"Ano? Totoo ba yan?"
"Binabalak ko palang wag mo muna sasabihin kila kuya ah lalo na kay mama. Nag search na ako about sa ganun eh 25years old ang pinaka ideal na age para pumasok sa kumbento."
"Kelly, nababaliw ka na? O baka anxious ka dahil pandemic? Naluluka ka na bakit naman bigla nalang gusto mong mag madre? Kaya pala mga post mo sa fb eh puro tungkol sa mga bible verse at kay Papa Jesus. Ahm... hindi naman masama yon pero bakit? Anong trip mo?"
"Wala naman kuya naisip ko lang na baka hindi ako meant sa tao baka kay Lord talaga."
"Ano? Kelly na babaliw ka na."
"Siguro nga pero ito talaga ang gusto ko ang mag madre."
"Kelly, buang ka na talaga. Dapat ata di ka namin pinayagan na mag stay dine kung anu-ano na yang nasa isip mo."
"."
Hindi nakatiis ang kuya ni Kelly na si Kim na hindi sabihin kila Kian ang balak ng bunso nilang kapatid kaya nung gabi ring iyon vinideo call niya ang mga kapatid para kausapin patungkol kay Kelly.
"Ano? Gusto ni Kellang mag madre? Baliw na ba sya?" Ang sabi ni Keith habang pinapadede sa bote si baby Tum-Tum.
"Oo nga yun nga yung sabi sakin ni Kelly sabi ko nga eh nababaliw ba ka ko sya. Sabi niya hindi naman daw."
"Baka stress lang sya kasi di sya nakakalabas ngayong pandemic alam n'yo naman yan happy go lucky rin minsan." Ang opinyon naman ni Kian.
"Sinabi ko nga rin yun sa kanya kuya baka ka ko dahil lang sa pandemic kaya anxious sya at kung anu-ano na ang iniisip."
"Kevin, wala bang nabanggit sayo si Kellang? About don?" Sabi ni Kian.
"Wala naman pero nakalimutan niyo nung 8years old sya may nag Punta sating isang madre at talagang namangha sa kaniya si Kelly."
"Ahhh... Oo yung kapatid yun ni tito Arnel di ba?" Ang sagot naman ni Keith.
"Oo yun nga at di ba naalala niyo ang sabi ni Kelly gusto niya pag laki niya maging ganun din. Pero hindi niya nabanggit kung bakit."
"Oo naalala ko yon kinausap niya yung madre at ang dami niyang tanong at ang sabi niya pa sino si Lord?" Ang sabi ni Kian.
"Oo at ang sagot ni sister Elisea basahin daw ni Kelly ang buong bible at maiintindihan nya raw at mapapalawak rin daw nito ang kaalaman niya sa salita ng diyos. Kaya kinabukasan ay hinde kinagabihan humingi siya kay kuya Kim ng bible para mag basa."
"Oo at naalala ko baka isang araw sya sa pag babasa at may na saulo na agad siyang verse."
"Hmmm... paano kung totoo nga yung sinabi ni Kelly na mag mamadre sya?" Ang sabi ni Keith.
"Hindi pwede!" Ang sabi ni Kevin.
"Well, sakin naman ayos lang at least mapapalapit sya kay Lord." Ang sabi ni Keith.
"Andun na yung point kuya pero..."
"Ayos lang din naman sa akin kung yun ang gusto ni Kelly susuportahan ko sya." Ang sabi ni Kian at sumangayon na rin si Kim.
"Pero hindi talaga pwede!" Ang nag pupumilit na si Kevin.
"Ano bang problema mo Kevin? Hindi ba dapat ikaw ang unang pumayag dahil sa ating apat ikaw ang malapit kay Kellang. Kasi naiintindihan mo sya kaysa samin tapos ngayon ikaw naman ang tumututol sa ikasisiya niya?" Ang seryosong sabi ni Kian.
"Oo nga may awayan ba kayo ni Kelly?" Ang sabi ni Keith.
"Wa— Wala naman kuya."
"Eh bakit ganyan nalang ang inaasal mo ngayon?" Ang sabi ni Kim.
"Ah...Eh... kasi..."
Sa isip-isip ni Kevin "Paano ko sasabihin na hindi naman talaga pwedeng maging madre si Kelly dahil kasal na ito. Pero paano ko rin naman sasabihin sa kanila na kahit si Kelly ay hindi iyon alam? Ang laking gulo nito kapag nalaman nilang ang bunso naming 21years old lang ay sapilitang ikinasal. Hayyyyssss... pati ako malilintikan kila kuya eh. Bukas na bukas kailangan kong makausap si Ma'am May para alam ko ang gagawin ko ang hirap ng ganito mga tigre at lion pa naman ang mga ito kapag nagalit. Bwiset ka talaga Patrick!"
"KEVIN!!!" Ang sigaw nung tatlo sa kaniya kanina pa habang sya ay nag iisip.
"Ku— Kuya..."
"Ano ba ang nangyayare sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?" Ang sabi ni Kian.
"Ha? Hi— Hindi naman."
"Yan! Sabi ko naman sayo wag ka na muna mag duty diyan sa DLRH delikado ngayon baka mamaya may symptoms ka na ng Covid ha!" Ang sabi naman ni Keith.
"Wala! Malayo naman ako sa ward ng mga covid sa ibang patient ako naka assign at di doon."
"Pero mabuti pa rin yung nag iingat. Kung di mo naman na kaya o toxic na tumigil ka na mamaya pati kami mahawa na din delikado ang mag trabaho ngayon sa hospital may binabalak kami ni Keith na gawin eh habang andito lang naman sa bahay at work from home." Ang sabi ni Kian.
"Ano yon tol?" Ang sagot agad ni Kim.
"Keith ikaw na nga tutal kayo naman ni Faith ang naka isip niyan."
"Okay kuya. Ganito kasi mga tols dahil mahilig naman si Faith na mag bake balak naming mag tayo ng bakery dito sa may garahe natin well not typical na bakery parang stall lang para na naman pwede tanggalin kapag lalabas yung sasakyan at papasok.
"Ohhh... Oo nga magaling mag bake si Ate Faith, G ako diyan. Pag umuwi ako mag papa order ako dito sa mga kasamahan kong nurse para ako na din mag deliver pag balik ko dito."
"Oo nga Kevin magandang idea yan. Tapos ako na munang bahala dine sa prinsesa natin tutal matatagalan pa din naman ang balik ko diyan lockdown na naman di ba?"
"Oo nga eh mag ingat kayo diyan nila Kelly at nila lolo at lola."
"Oo naman di naman sila nalabas dine tsaka medyo safe din dine kasi wala naman daw cases dito ngayon kaya nga nakapasok ako eh."
"Pero kuya ingat padin."
"Oo na umandar na naman yang pag ka nurse mo ikaw nga dapat mag ingat kasi iba't ibang tao nakaksalmuha mo diyan."
"Ahm... nga pala hindi ako nag pa schedule ng pag papà vaccine mahirap na kasi eh kaya kayo wag na muna babalitaan ko nalang kayo."
"Sige basta mag ingat ka." Ang sabi ni Kian.
"Oo kuya may mga vitamins naman ako dine kayo rin mag ingat pag lalabas ang hirap may dalawang bata pa naman satin."
"Oo ginagawa naman namin ang bilin mo kapag lalabas nga ang isa samin ni Keith naliligo na kami agad sa likod para malinis na pag papasok at yung pinamili dinidisinfect naman namin."
"Good yan kuya doble ingat talaga dahil punuan ang mga hospital ngayon nako."
"Basta ikaw ren wag mo pababayaan ang sarili mo." Ang sabi ni Keith.
"Oo wag kayong mag alala malakas ako."
"Oo dapat lang dahil lagot ka kay Kelly kapag nag kasakit ka." Ang sabi ni Kim.
"Oo sabihin mo dyan sa babaitang yan mag online di nag babasa ng mga chat eh."
"Oo sige alam niyo naman tamad yun mag online hina rin kasi ng signal dine."
"Sya sige na gabi na rin mag pahinga na tayong lahat lalo ka na Kevin." Ang sabi ni Kian.
"Oo kuya sige good night na sainyo mga tols."
"Sige goodnight. Kim si Kelly ha?"
"Oo kuya ako ng bahala."