Descargar la aplicación
53.6% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 208: Thank God

Capítulo 208: Thank God

"Umalis ka dito!" Muling sabi ng Lola ni Martin ng di ako sumagot.

Kaya kahit ayaw ko napilitan akong umalis kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

"Hatid na po kita Ma'am!" Offer ni Mang Kanor sakin.

"Salamat po!" Pinilit kong ngumiti para mabawasan ang pag-aalala sakin ni Mang Kanor.

"Doon niyo nalang po ako hatid sa Pad ni Martin, may kailangan lang po akong kunin." Sabi ko habang naka upo ako sa likod ng kotse.

"Okey po!" Sagot niya sa akin.

Pagsakay ko ng elevator papunta sa Pad ni Martin di ko na napigil yung pagtulo ng luha ko at dun ako humagulgol ng iyak. Di ko nga namalayan na nakauwi na ko sa bahay namin at nagkulong lang ako sa kwarto.

Buti nalang naintindihan ako ng mga magulang ko at di sila ngatanong ng kahit ano man ang nirespeto nila yung desisyun kong mapag-isa.

Gabi na ng tumunog yung cellphone ko, indicating na may nag text.

"Okey na si Martin, stable na yung lagay niya pero wala pa siyang malay," Text sakin ni Lucas.

"Thanks!" Tanging nasabi ko, Yun lang talaga yung gusto kong balita at pasalamat talaga ako at binigay yun sakin ni Lucas. Marahil nalaman na rin niya yung nangyari kay Martin.

"Update na lang kita pag nagising na siya." Muli niyang reply.

Di na ko nagreply kasi naiiyak nanaman ako paano sa ganung sitwasyon sana gusto ko andun ako sa tabi ng lalaking mahal ko pero wala akong magawa.

"Tok...tok!" Narinig ko kaya agad akong nagpunas ng luha.

"Nak!" Tawag ni Mama.

"Ma!" Mahina kong sagot.

Itinulak ni Mama ang pinto at tuluyang pumasok.

"Nag-away ba kayo?" Tanong niya sa akin habang umupo sa tabi ko sa gilid ng kama.

"Di po Ma!" Sabay sandal ko sa balikat niya. Kung nag-away sana baka mas okey pa ko pero hindi eh.

"Ano nangyari?" Maingat na tanong ni Mama sakin.

"May sakit si Martin,Nasa ospital po siya ngayon!" Sagot ko habang muling pumatak yung luha ko.

"Ha? Tara punta tayo!" Mabilis na sagot ni Mama at tumayo, nahalata ko sa boses niya yung pag-aalaa. Sa halip na sumunod ako sa kanya umiling ako. Kumunot ang noo ni Mama dahil sa reaksyon ko.

"Andun yung parents at grandparents ni Martin, kaya na po nilang bantayan siya saka isa pa po nagtext naman na sakin si Lucas. Stable naman na daw po yung lagay niya."

"Kahit pa, dapat andun ka din kasi fiancee ka niya!" Kaya muli akong hinila ni Mama para tumayo.

"Ma!"

"Anong problema Michelle?"

"Kasi....!"

"Kasi ano, pinagtabuyan ka ng pamilya niya?" Matigas na tanong ni Mama sakin.

Wala akong nagwa kundi tumango nalang kasi di ko alam kung paano papaliwanag yung sitwasyon.

"Hays! Yan nga din inaalala ko pero sabi ni Martin bago kayo makasal maayos niya yan. Ilang buwan na lang pero ganyan ka parin ituring ng pamilya niya." Pailinghg-iling na sabi ni Mama.

Nanatili akong naka yuko, kasi alam ko naman nag e-effort si Martin na ilapit ako sa pamilya niya sadya nga lang si Elena ang bet nila para sa kanya dahil sa status sa buhay.

"Tama na yan! Kumain ka na, baka mamaya ikaw naman magkasakit!" Sabi ni Mama sakin habang tinatapik ako sa likod.

"Opo! Sagot ko naman at tuluyan na kong tumayo at sumunod kay Mama pababa.

Mabilis na lumpipas ang araw pero di parin nagkakamalay si Martin ayon iyon kay Lucas na nagbabalita sa akin tungkol sa sitwasyon.

Pinaiimbistigahan na daw nila kung sino yung posibleng naglagay ng drugs sa inumin ni Martin pero hanggang ngayon di pa daw nila matukoy yung suspect.

Di naman ko nag comment tungkol dun kasi nga kahit si Elena yung pinagdududahan ko wala naman akong ebidensya at di ko naman siya nakita, at baka isipin lang nila na may galit lang ako sa isa kaya siya yung tinuturo ko.

"Lucas, pwedi mo ba kong tulungan para sana makita ko si Martin?" Sabi ko sakanya sa telepono. Kasulukuyang lunch break namin sa office at kahit si Martin ang laman ng utak ko need ko paring magtrabaho kasi tumatambak na yung pending job ko.

"Tingnan ko pa Michelle, nagpapalitan kasi si Lola at Tita sa pagbabantay kay Martin. Pag may change tawag kita kagad ha!" Paliwanag niya sakin.

"Salamat!" Tanging nasagot ko.

"Wag ka ng malungkot,pag gising naman niya ikaw din kagad hahanapin kaya wag ka ng mag-alala ha!" Masiglang sabi ni Lucas.

"Alam ko yun!"

"Yun naman pala! Sige na tawa ka na!"

"Ewan ko sayo!"

"Haha...haha..., Sige na! Balitaan kita uli! Ingat ka!"

"Ikaw din, salamat!" Paalam ko kay Lucas.

Muli kong isinubsob yung sarili ko sa trabaho. Malapit na uwian at alam ko naghihintay si Mang Kanor sa akin sa baba, kahit kasi nasa ospital si Martin di parin ako nakakalimutang ihatid at sunduin nito.

Ang sabi ko nga minsan di na niya kailangang gawin yun pero sabi niya sakin tiyak daw na magagalit si Martin kapag di niya yun ginawa, Isa pa daw wala naman daw inuutos sa kanya kaya wala daw problema.

Pumayag narin ako kasi baka need din nung tao na magtrabaho para kumita kaya hinayaan ko nalang. Palabas na ko ng elevator ng mag ring yung phone ko.

Unknown number yung tumatawag, Di ko sana sasagutin kaya lang naka limang miss call na siya sakin.

"Hello!"

"Bakit ang tagal mo sumagot?" Garalgal na boses na sabi ng tao sa kabilang linya pero kahit garalgal yun kilala ko siya.

"Hon!" Naiiyak kong sabi.

"Pumunta ka dito sa ospital!"

"Right away Hon!" Kaya patakbo akong pumunta sa parking lot.

"Andiyan ba si mang Kanor?"

"Oo, kaya diretso na kami diyan!"

"Good, hintayin kita!"

"I love you, Hon!"

"I love you too!"

Binaba ko na yung tawag kasi alam ko mahina pa si Martin. Hinihingal pa ko ng sumakay sa kotse pero di mo ko makikitaan ng pagod kundi exitement.

"Kuya, ospital tayo!" Masaya kong sabi.

"Gising na si Sir?" Masaya ring tanong niya sa akin.

"Opo!"

"Buti naman, Thank you Lord!" Wika ni Mang Kanor at nag sign of the cross pa siya bilang pasasalat sa may Kapal sa paggaling ni Martin.

"Yes, Thank God!" Usal ko din.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C208
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión