"Keeyo,tumingin ka sa akin." ani Brave at hinawakan ang baba ko't iniangat para matingnan ko sya.
"Nahihiya ako. Pati ikaw..Pati ikaw.." at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulhol ako bigla. Hindi ko alam na ganito na talaga kabigat ang dinadala ko at ganito na ako katakot na mahusgahan at mareject.
Naramdaman ko na lang ang biglang pagyakap ni Brave. Damang dama ko ang init at kaligtasan. Damang dama ko yung tunay nyang nararamdaman.
"Huwag kang umiyak. Pasensya ka na kung nagtanong pa ako. Hindi kita huhusgahan,mahal kita Keeyo." aniya kaya lalo akong napaiyak. Kung wala siguro si Brave,baka hindi na ako nakatayo mula sa pagkaka dapa. "Tanggap ko kung ano ka diba? Minahal pa din kita sa kabila ng pagkasino mo. Ibig sabihin tanggap ko ang nakaraan mo. Tulad ng sabi ko,kung ang lahat ay tinalikuran at iniwan ka,ako hindi. Hinding hindi ko gagawin iyon."
"Brave.." at mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng kapitbahay. Ang mahalaga sa akin ay yakap ko ang taong nagsisimula ng sumakop sa puso ko.
Matapos nun ay muli kaming pumasok sa bahay ni Brave. Nagdesisyon na lang kaming manood ng TV,tutal hindi kami nakakanood nung nasa Lian pa kami.
Bumukas ang pinto at pumasok si Edge,nakipag high five pa kay Brave.
"Sumilip ako sa kumpanya nyo at sa bahay nyo. Everyone is doing okay. Yun nga lang,ikaw lang ang kulang." ani Edge,naupo at nakinood ng Tv.
"Bakit mo ginawa yon?" gulat kong tanong.
"Kailangan alam mo ang lahat,Keeyo. Hindi naman kami papayag na ikaw lang mag isa ang kikilos." ani Edge.
"Nalulungkot lang kasi ako pag nababanggit sila." ang sabi ko.
"Tama si Edge,dapat tayong magtulungan dito. Nung una mag isa ka lang,pero ngayon hindi na." dagdag pa ni Brave.
"Tama! At saka,anytime pwede mo silang makita o sila ang makakita sayo. Tandaan mo,hindi pa sila tapos sa paghahanap sayo."
"Gusto kong harapin muna si Lourd." sabi ko. Syempre kasama na dun yung babaeng hitad,silang dalawa ni Lourd ang may kagagawan ng lahat.
"You have Haven and Dane to thanks later." nakangising sabi ni Edge na ipinagsalubong ng mga kilay ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong. "Bakit pati sila ay nasali?"
"Basta! Well si Dane,palihim na kumukuha ng mga info bout Lourd,he's whereabouts,pati mga plano. He's good at that,frustrated detective and frustrated secret agent ang isang iyon." at tumawa si Edge. "Para malaman natin ang mga plano ni Lourd at mapaghandaan natin."
"Baliw ka talaga! Dinamay mo pa sila! Eh si Haven?" ani ko,napapailing na lang din si Brave.
"Pinamamatyagan ko sa kanya si Kaze at ang asawa nito. Alam mo na,kanina ko lang umaga napagtagpi tagpi ang lahat."
"This is not a good idea." ani ko at napailing.
"Paanong hindi? Everything was planned Keeyo. At ang makakalaban mo ay hindi lamang si Lourd,kundi pati ang asawa ni Kaze na hindi basta-basta." biglang dating na sabi ni Haven,bigla akong naguluhan.
"Plus! Lourd is really searching for you. Hindi ko pa alam ang rason ngayon pero malalaman din natin." dagdag ni Dane.
"Mas lalo atang gumulo." sabi ni Brave at pinatay na lamang ang Tv.
"In short. We have to be careful. Lalo ka na Keeyo. Kaya dapat handang handa ka na pag nakaharap mo sila. Don't worry about your family. Ako ang bahala sa kanila." pagsingit ni Edge.
Napakurap ako ng ilang beses. Para atang mas bumigat ang pangyayari?
Pagkatapos nun ay pumasok na sina Haven at Dane sa kwarto nila kaya bumaling ako kay Edge.
"Saan mo nakilala ang dalawang iyon? At saka ano,uhm couple ba sila?" ang mahina kong tanong.
"Actually hindi ko din alam kung couple ba yang dalawang iyan. Kita mo naman,open naman sa sexuality nya si Dane,si Haven naman ay hindi ko din maintindihan,pero agad kong nakasundo ang dalawa ng ma meet ko sila sa highway. You know,masalimuot ang buhay nila pero hindi na ako nagtanong." mahabang sagot ni Edge.
"Sa highway?" sabay naming sabi ni Brave. Parang ang weird naman na sa highway sila nagmeet?
"Oo! Malakas ang ulan nun,nagtaxi ako pauwi,hanggang sa may nakita akong kotse na nakabangga sa puno,ayun sila pala ang sakay,mga sugatan at walang malay kaya dinala namin nung taxi driver pauwi,malakas pa naman ang ulan nun."
Bigla akong napaisip. Hindi lang pala talaga ako ang may mabigat na problema,hindi lang ako ang may pasan pasan ng krus. Kaya dapat huwag akong panghinaan ng loob.
Hindi ako masyadong lumabas ng bahay sa nakalipas na tatlong araw. Kaya ng sumunod pang araw ay hindi na ako nakatiis at niyaya ko si Brave na mag mall kami. Hindi naman pwedeng hindi kami mag relax,isa pa ay gusto kong ma enjoy ni Brave ay maynila.
"Nakakawili dito,kaya lang nakakahiya,halatang probinsyano ako." ani Brave habang nagwi-window shopping kami.
"Ano ka ba? Hindi ka dapat nag iisip ng ganyan. Naku pag nagkatrabaho na tayo,makakabili ka din ng kung anong meron ka." sabi ko at ako na ang nag intertwined ng mga kamay namin. "Plus,mas gwapo ka naman sa kanila."
"Huwag mo akong pinupuri,Keeyo. Baka dito pa lang makagawa na ako ng milagro." nakangisi nyang sabi kaya medyo naalarma ako.
"Gusto mo bumili tayo ng phone? Yung mura lang? Para matawagan natin si Nanay Neth?" ang suggestion ko sa kanya ng nasa harap na kami ng cellphone shop.
"Sige,medyo malaki naman ang naipon ko." aniya at pumasok na kami sa loob.
Low class android lang ang binili namin. Ayaw nga ni Brave dahil touchscreen,pero sabi ko okay na yan kesa naman keypad,mananakit ang daliri nya.
Pagkatapos ay naglibot ulit kami. Hanggang sa sinabi ni Brave na kailangan nya munang mag Cr,ako din naman ay ganon. Nauna syang natapos at hihintayin ako sa labas.
Paglabas ko ay naabutan ko syang tulala at mukhang malalim ang iniisip.
"May problema ba Brave?"
"Huh? Wala naman. Parang may nakita lang ako na pamilyar na tao." ang sagot nya na hindi tumitingin sa akin.
"Sino naman? May kakilala ka dito sa maynila?"
"Ewan. Hindi ako sigurado. Pabayaan mo na." aniya at hinawakan na ako sa kamay. Nagkibit balikat na lamang ako at niyaya syang sa foodcourt kumain.
Habang kumakain at nagkekwentuhan kami ni Brave sa foodcourt ay natigilan ako. Kitang kita ko na naglalakad sila palapit sa amin,pero biglang may binulong si Kaze sa babae at agad umalis.
Hindi nya ako nakita.
Lumakas ang tibok ng puso ko,para akong hindi makahinga. Hindi nga ako nagkamali ng hinala.
"Nice seeing you here? Naka recover ka na ba sa kahihiyang ginawa mo?" sabi nung babae,sya yung dikit ng dikit kay Kaze. "Oh?! I see you have a new boylet."
"Excuse me? Sino ka para makialam sa buhay ko?" ang inis kong sabi. Agad tumayo si Brave at tumabi sa akin. Nagpupuyos ang damdamin ko,pero hindi ako pwedeng gumawa ng ikakapahamak ko.
"Well,Im Kristy,ang asawa ng pinakamamahal mong si Kaze. Ako lang naman ang sumira ng buhay mo. Akala ko nga nag suicide ka na eh." mataray na sabi nito. Tingnan mo nga naman,ang sumira sa akin ay ngayon ko lang nalaman ang pangalan. "Hindi ka kasi bagay kay Kaze,kaya gumawa ako ng paraan. Para sa akin lang kasi sya. Mas nag e-enjoy sya sa akin,mas enjoy sya sa butas ko kesa sa butas mo,yuck!"
"Miss,dahan dahan ka sa pananalita mo. May pinag aralan ka naman siguro? Huwag mong ipakita sa mga tao na hindi ka karespe-respeto." ang pagsingit ni Brave na ikinanganga ni Kristy kaya nagsalita din ako agad.
"Hindi naman nasira ang buhay ko. And hello? Si Kaze? Edi sayo na sya. Hindi ko naman sya hahabulin,kahit ipasok mo pa ang kamao nya sa butas mo,wala akong pakialam!"
"Walang modong bakla!" galit na sabi ni Kristy,nagulat na lang ako ng isaboy nya sa akin ang softdrink na nakapatong sa mesa.
Agad kong dinampot ang Calamansi juice na iniinom ni Brave kanina at ibinuhos din sa kanya.
"Oh ayan! Patas na tayo!" at agad kong hinila si Brave palayo.
"Umuwi na tayo. Kailangan mong maligo." ani Brave ng papalabas na kami ng Mall. "Yun yung asawa nung dati mong boyfriend? Yun din ang may pakana ng video at pagbagsak ng kumpanya nyo? Tao pa ba yon?"
"Hindi na. Atleast,ako amoy matamis,sya amoy maasim."
"Sayang yung Calamansi juice ko." biglang sabi ni Brave.
"Magtimpla na lang tayo sa bahay." sabi ko at natahimik na habang nag aabang kami ng taxi. Iniisip ko yung mga sinabi ni Kristy.
Siguro nga,hindi na talaga ako mahal ni Kaze. I really need to let go,kailangan namin ng closure. Kailangan naming makapag usap para mapakawalan ko na ng tuluyan ang damdamin ko para sa kanya,para hindi na ako nasasaktan ng ganito,at para hindi na din ako maging unfair kay Brave.
"Alam ko na,ikaw na lang ang didilaan ko,tutal lasang softdrink ka na." ang biglang sabi ni Brave na nagpawala sa mga iniisip ko.
"Adik!" natatawa kong sabi. Ang laki ng pinagbago nya,naging vocal na sya sa mga gusto nyang sabihin.
"Adik sayo. Humanda ka pag uwi. Mata mo lang ang walang latay ng dila ko."