Descargar la aplicación
77.77% Lucky Me / Chapter 49: LUCKY FORTY NINE

Capítulo 49: LUCKY FORTY NINE

CHAPTER 49

KENNETH'S POV

"LUCKY HINAHANAP KA NI KENNETH!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Ytchee. Napalingon si Andi at Marlon sa gawi ko. Buti na lang nasa loob na ng CR si Wesley. Sa taranta ko napasunod ako sa kanya sa terrace.

"Oh, hinahanap mo daw ako?" Biglang bungad sa akin ni Lucky paglapit ko sa kanila sa terrace. Hindi ko alam kong papaano ako titingin o kung papano ko sasagutin ang tanong niya. Naiilang ako ngayong nasa harapan ko na siya naalala ko na naman kasi ang lahat ng ginawa namin kanina sa loob ng giant inflable.

Para akong tatakasan ng katinuan sa ginawa ko sa kanya dun kanina. Hindi ko naman sinasadiya na pumatong sa likod niya. It just happened ng hilahin ko siya sa paa niya. Kasalanan niya yun dahil bigla siyang tumayo. Nang magdikit ang katawan namin sa ganung posisyon biglang nagwala ang buong sistema ko. Kasabay ng pagkawala ng katinuan ko..

Aksidente akong napayakap sa katawan niya dahil pareho kaming nakayuko sa loob ng crawl through lane. Galit na galit si Kenneth Ang Jr. ng madikit siya sa likuran ni Lucky. Hindi ko sinasadyang idiin sa kanya ang galit na galit na hinaharap ko, nagkusa ang katawan ko ng madikit ako sa kanya. I've lost control but i kinda like it. Gusto ko siyang kagatin sa likuran niya kanina sa sobrang gigil ko buti na lang naisip niyang dumapa at humarap sa akin kaya napaupo naman ako sa ibabaw niya. I'm embarassed.

"Bakit naman kita hahanapin?" pinipilit kong magsungit para mapagtakpan ang hiya at pagkailang habang kaharap ko siya.

"Dahil nawawala ako?" pa inosenteng sagot niya at natawa naman si Ytchee sa tabi niya.

'Who care's?'

"Tss, kahit maglaho ka pa ngayon sa harap ko hindi kita hahanapin." Sumandal ako sa terrace at iniwas ang paningin ko sa kanya.

"Ako kapag mawala ka hahanapin kita.." sinserong sagot niya habang naka tingin sa malayo at ibinubuga ang usok.

Hindi ko alam pero parang may humahaplos at kumikiliti sa puso ko ng marinig ko ang sinabi niya.

'Talaga hahanapin niya ako? Bakit naman? Psh, hindi ko kailangan ang isang kagaya niya.'

"Wow, ang sweet naman ni Inday." At dahan dahan siyang sinisiko ni Ytchee sa tagiliran na ikina ngiti niya pero umikot din ang mata.

"B-Bakit mo naman g-gagawin yun? " nauutal na sagot ko habang nakatingin ng derecho sa kanya.

"Wala lang bakit masama ba?" derechong sagot niya. Sumandal siya sa terrace at parang lalaking humihithit ng sigarilyo.

"Walang dahilan para gawin mo yun hindi naman tayo magka ano-ano." Inis sa sambit ko sa kanya.

"Don't worry hindi naman Ikaw ang dahilan kung bakit ako tutulong na hanapin ka kapag nagkataon." Binigyang diin talaga niya yung salitang "IKAW" lumapit siya sa akin ng dahan dahan kaya napaatras ako kahit wala na akong maatrasan.

"Eh bakit tutulong kapa kung hindi naman pala ako ang dahilan mo?" kunwaring galit na sagot ko.

"I'm after dun sa reward na perang ibibigay nila kapag mahanap ka, hindi dahil sayo. He he" at bigla silang tumawa ni Ytchee ng malakas.

'Asar, pinagti-tripan na naman nila ako.'

"Gusto ko yan sali ako search and rescue mission!" sang ayon ni Ytchee sa sinabi niya.

'Kahit kailan walang ka kwenta kwentang kausap tong dalawa to.'

"L-LUCKY!!!" Sabay sabay kaming napalingon kay Wesley na biglang umakap kay Lucky. Napalingon nalang ako sa malayo dahil nailang ako sa ikinikilos ng pinsan ko sa harap nila. Nagkatinginan kami ni Ytchee na parang nagtatanong, napakibit balikat lang ako.

"Hoy, Ongpauco wala pang 7 hours nung huli kayong magkita kung maka yakap ka naman wagas!" pang aasar ni Ytchee sa pinsan ko ng maghiwalay yung dalawa.

"7 hours lang ba yun? Feeling ko buong araw na eh." At saka umakbay kay Lucky na parang balewala lang ang ginagawang pag yakap ni Wesley sa kanya.

'Bakit ba hindi siya tumatanggi kapag may yumayakap sa kanya? Hindi man lang siya nahihiya sa mga kaibigan niya?'

Nakaramdam ako ng konting pagkairita dahil parang okay lang sa kanya na yakap yakapin siya kahit hindi naman niya boyfriend. Pero hindi naman ako nalalandian sa ginagawa niya dahil wala naman akong nakikitang ganung reaction sa tuwing ginagawa yun ni Wesley sa kanya. Sa tingin ko komportable lang talaga sila sa isa't isa. Kumbaga walang halong malisya parang yumakap lang ang isang malapit na kaibigan niya.

"Amoy sigarilyo ako yakap ka ng yakap baliw ka talaga." At hinawi niya ang pag kaka akbay ng kamay ni Wesley sa balikat niya.

"Okay lang yun basta ikaw ang kayakap ko." At kinurot niya sa pisngi si Lucky. Gusto kong matawa sa ka kornihan ni Wesley. Hindi ko alam na may ganitong side siya. Nawawala talaga siya sa sarili niya kapag si Lucky ang kaharap niya. In love na nga siguro tong mokong na to. Sigh.

"Mamaya na magligawan nakahanda na yung foods, lafang na tayo!" biglang sulpot ni Marlon sa pinto. Nauna na kaming pumasok n Wesley sa loob habang tinatapos pa nila ang paninigarilyo.

"Anong dessert?" napaangat ako ng tingin ng magsalita si Lucky sa tabi ko.

"Oh no, i forgot to order dessert!" natatarantang sagot ni Wesley sa tabi ni Andi.

"No, its okay Wesley. Nagbibiro lang naman ako okay na ako." Nag peace sign pa siya dito. Mabilis namang lumabas sina Wesley at Andi papunta sa terrace dala ang wireless phone ng hotel para umorder.

'Tss, masiyado siyang nag papa impress..'

"Okay lang nandiyan naman yang mag pinsan sila nag gawin nating desserts, bet mo ba Lucky?" nagkatinginan sila ni Ytchee.

"Ano bang gusto mo? Drinks or Desserts?" si Marlon.

"O-Okay lang kahit ano pero nag crave ako ng "BJ" ngayon." Napakagat pa siya ng labi habang nag uusap sila ni Ytchee.

"Ayy, bet ko rin yun Inday namiss ko." Mabilis na sagot ni Marlon. Palipat lipat ako ng tingin sa kanila habang nag uusap.

'Ano raw gusto niya? "BJ" Geez, ganun naba sila kabubulgar mag usap ngayon? Hindi ba nila napapansing nasa harap kang nila ako?'

"Kailan ka ba huling nag "BJ" Lucky?" nagtatakang tanong ni Ytchee kay Lucky.

"Yung huli ko pa ata nung kami pa ni Jasper favorite niya yun eh." Mahinang sagot niya at sabay lagay ng pagkaen sa plato niya.

'WTF are they talking about? For Pete's sake nasa harap kami ng pagkaen. Ugh.'

"So namiss muna?" natatawang sagot ni Ytchee at napalingon pa sa akin.

"S-Sobra, sarap kasi nun lalo kapag nasa bibig ko na, so sweet!" Napalunok ako sa sinabi ni Lucky. Pakiramdam ko namutla ako sa pinag uusapan nila. Naramdaman kong nag init ang tenga ko sa sinabi niya.

Parang gusto kong lumayo at mag walk out. Holy Shit!

One time narinig kong pinag uusapan ng mga ka team mates ko sa boys locker room about sa BJ na yan. Nanunuod sila ng sex scandal ng isang sikat na local celebrity, magaling daw kasi mag "BJ" sa partner niya kaya tuwang tuwa sila panuorin ito. Napalunok ako ng malalim sa maduming bagay na naiisip ko. Si Lucky while giving his ex boyfriend a--- ARGGH! I don't wanna think about it.

"Will you guys talk about something else?" naiiritang saway ko sa kanila. Nakita kong bumulong si Marlon kay Ytchee. Natawa naman si Lucky habang nakatingin sa akin.

"Bakit namumutla ka?" nagtatakang lumapit si Lucky sa akin at hinawakan ako sa noo at leeg.

"D-Don't touch me." Hinawi ko ang kamay niya. Para akong nakuryente ng madikit ang kamay sa leeg at noo ko.

"Ano ba kasing ini-imagine mo kanina at bakit ka biglang namutla?" nagtatakang tanong ni Ytchee.

"H-Hoy hindi ako nag i-imagine nalalaswaan ako sa pinag uusapan niyo!" inis na sagot ko sa kanilang tatlo.

"Kung ano ano kasing ini-imagine palibasaha manyak." Mahinang bulong ni Lucky sa tabi ko pero hindi siya nakatingin sa akin. Sa inis ko kinurot ko siya ng mahina sa pisngi sa gigil ko.

"Ikaw ang manyak!" ganting bulong ko bago bitawan ang pisngi niya.

"Ano ba! huwag kang magulo kapag matapon tong pagkaen ko ikaw ang kakainin ko!" naiinis na sagot niya.

"Naayy, naunang nag dessert na si Inday oh!" pang aasar ni Ytchee.

"Ano bang malaswa sa pinag uusapan namin?" si Marlon habang naglalagay ng rice sa plate niya.

"Y-Yung B-B-BJ" nauutal na sagot ko sa kanila at napayuko ako sa hiya.

"PLUUK!" nagulat ako ng biglang may kumaltok sa ulo ko.

"ARAY!" mabilis akong nag angat ng tingin at nagtama ang paningin namin ni Lucky. "Bakit ka ba nananakit?" napakamot ako bigla sa ulo sa kati.

"Ikaw ang malaswa siraulo! Alam mo ba nag BJ, HA?" singhal niya sa akin at tumango ako ng dahan dahan sa harap nilang tatlo.

"Ano?" sa inis umikot pa itaas ang mga mata niya.

"Ayoko nasa harap tayo ng pagkaen oh." Depensa ko sa kanila, tingin pa lang nila parang lalapain nila akong tatlo.

"Ibulong mo na lang kay Lucky." Si Ytchee. Sinenyasan ako ni Lucky na lumapit sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. Sigh. Saka ko ibinulong ang nalalaman ko.

"PLUUK!" bigla na naman niya akong kinotongan.

"Nakaka dalawa ka na ah!" hinila at kinurot ko na naman ang pisngi niya sa inis.

"BUKO JUICE YUN ENGOT KA!" sigaw niya sa mukha ko ng bitawan ko ang pisngi niya.

"B-Buko Juice yung B-BJ?" utal utal na sagot ko sa kanya.

Tumawa silang tatlo ng malakas na parang ako na ang pinaka nakakatawang nilalang sa lahat. Nagiinit ang tenga ko sa kahihiyan. Parang gusto kong magtago sa CR sa nalaman ko. Ano bang iniisip ko at ang green minded ko naman ata.

"Hindi yung B-Blow—" hindi ko na natapos yung gusto kong sabihin ng biglang takpan ni Lucky ng kamay niya yung bibig ko. Kahit na kagagaling lang niya manigarilyo kanina hindi ko maamoy ang sigarilyo sa kamay niya. Medyo matigas nga lang at malaki ang palad niya. Mas mukha pa ngang babae ang kamay ko kesa sa kamay niya, pero yung pakiramdam na nasa mukha ko ang kamay niya yun ang kakaiba.

"Ungas ka talaga huwag mo ng ituloy ang dumi ng utak mo nakakadiri ka." Iiling iling na sagot niya saka niya tinggal ang kamay niya at ipinunas sa sleeve ng jacket ko.

"Nagmalinis kala mo naman virgin ang bibig niya." Pang aasar ni Marlon kay Lucky. Gumana na naman ang maduming imagination ko sa sinabi ni Marlon.

"Inggit ka lang. Dahil virgin pa ako." Nang aasar na turo niya sa mukha niya habang unti unting natatawa.

"Pakyu ka, dumi dumi daw? Huwag kang mag malinis oy!" singhal ni Marlon.

"Bakit ang dumi dumi naman talaga nun ah tapos isinusubo niyo, Yuck!" at biglang nanlaki ang mata ni Marlon at sinabayan ni Lucky at Ytchee ng malakas na tawa. Muntik na rin akong matawa sa sinabi niya.

"Eh di ikaw na ang may pahalang na kepay impakta ka!" bigla niyang hinabol si Lucky at naghabulan sila na parang mga bata sa loob ng suite.

Habang kumakaen kami napansin ko pagiging extra sweet ni Wesley kay Lucky. Palagi siyang naka alalay sa kung anong kailangan ni Lucky. Mag abot ng tubig, lagyan ng food ang plato niya kapag nauubos na.

Alam kong napapansin din ito ng mga kaibigan niya dahil palihim ko rin silang inoobserbahan sa kakaibang closeness ng dalawa. Si Andi at Marlon ang madalas kong mahuli na nakatingin sa dalawa at magbubulungan ng palihim. Si Ytchee naman parang walang pakialam parang si Lucky panay lang kwentuhan nila habang kumakaen.

Ang nakakainis hanggang ngayon wala parin siyang ka finesse finesse kumaen. Nagkakamay lang at kahit may laman pa ang bibig susubo ito hanggang mapuno ang bibig. Maya't maya ang pagtawa at nagsasalita kahit may laman pa ang bibig niya. Hindi ba siya naiilang sa ikinikilos niya habang katabi niya si Wesley? Napaikot ang mata ko ng makita kong subuan ni Lucky si Wesley ng chicken gamit ang kamay niya. Tuwang tuwa naman yung loko.

"Hindi mo yan makukuha sa patingin tingin lang." natatawang bulong ni Ytchee sa tabi ko.

"Tss, hindi ako nakikipag agawan."

"Tanga yung ulam yung tinutukoy ko. Anong nakikipag agawang pinagsasasabi mo?" biglang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Dinampot ko agad yung bottled water sa harap ko.

"Huh? Yung ulam ba, sige lang meron pa naman." kunwaring sagot ko at sumenyas sa laman ng plato ko.

"Hmm—Alam ko na ang tinutukoy mo."

"Shut up, Ytchee kumaen na lang tayo please." Seryosong sagot ko at tumawa lang siya.

Matapos ang masarap na dinner namin, walang katapusang asaran at harutan naman ang ginawa nila sa kwarto. May dala din si Andi na Magic Sing na nabili daw nila ni Lucky sa Mall kay awalang humpay ang kantahan nila. Tamang tama lang din ang pagdating ng dessert na inorder ni Wesley kaya lahat kami nakasalampak sa sahig at parang mga batang nagkwentuhan habang masayang kumakaen. Nagigitnaan namin ni Wesley si Lucky. Katabi ko si Ytchee at magkatabi naman si Marlon at Andi.

"Hoy, may tira pang wine ubusin na natin sayang naman." Dinig kong bulong ni Ytchee kay Lucky.

"Weh? Inumin din natin yung nabili nating straberry wine." Excited na sagot niya rito.

"Ayy. Bet ko yan Inday!" sabay tayo ni Andi at pumunta sa mini bar at kinuha ang dalawang Straberry Wine na naka ribbon pa.

"Kailan niyo binili yan?" nagtatakang tanong ni Wesley.

"Kanina bago kami umuwe after ng tour may nadaanan kaming store." Kwento ni Marlon.

"Pano itong si Ytchee at Lucky nasarapan sa free taste kanina kaya bumuli kami ng dalawa." Natatawang kwento ni Andi.

"Buksan na yan, lumalalim na ang gabi!" sigaw ni Ytchee kay Andi.

"Habang umiinum maglaro naman tayo ng spin the bottle." Yaya ni Marlon habang hawak ang isang bote ng wine na kalahati na ang laman.

"Ubusin muna natin ang laman niyan tapos yan na ang gamitin mong bote." Suggestion ni Ytchee.

Unang uminum si Lucky na parang uminum lang ng juice sa baso. Parehong pareho sila ni Ytchee bara bara kung kumilos. Well, birds of the same feathers flock together.

"Don't start the game without me." Tumayo naman si Wesley para mag CR. Sinundan ko siya ng tingin.

"Panay CR ni Ongpauco Lucky ah, anong ginawa mo dun?" maangas na tanong ni Ytchee kay Lucky pag alis ni Wesley.

"Malay ko close ba kami ng pantog niya?" pambabarang sagot ni Lucky kay Ytchee.

"Eh bakit ngayon ayaw mo siyang samahan sa CR diba tiga pagpag ka nun?" singit ni Andi at nag high five pa sila ni Marlon.

"Eh kung ipagpag ko sa ulo niyo yang bote?" inis na sagot niya sa dalawa at hindi natapos ang asaran nila.

Inumpisahan naming inumin ang natirang wine nila at masaya kaming nagkwentuhan about sa game at sa nangyari tour nitong umaga. Sa tuwing lilingon ako kay Lucky at Ytchee sila parati ang umiinum. Nagpapaka lasing ba sila? Sa bagay sa lamig ng klima sa Baguio hindi ko rin halos mararamdaman yung iniinum ko.

Nagulat ako ng magkasabay na isubo ni Ytchee at Lucky ang isang buong sausage at sabay silang tumawa dahil sa sagwa ng hitsura nila.

"Tsk. Sanay na sanay ah." Mahinang bulong ko at nagulat ako ng bigla siyang natawa at sumabog yung kinakaen niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa ginawa niya dahil alam ko namang hindi niya yun sinasadiya.

"LUCKY!!" mahinang sigaw ko at bigla siyang tumawa pati ang mga kasama niya.

"S-Sorry sorry. Ang alat kasi ng sausage eh." Bigla niyang kinuha ang kung anumang malagkit sa mukha ko at pinisil pisil niya yung pisngi ko pagkatapos. Naalala ko tuloy kung gaano kalambot ang pisngi niya nung pinisil pisil ko yun sa field kanina.

"Ang sweet naman kaiingget." Birong hirit ni Ytchee habang inaabot kay Andi ang baso.

"Shut up, marinig ka ni Wesley ihahagis ka nun sa labas." Natatawang sagot ni Marlon.

"Bakla!" singhal niya.

"Tivoli!"

"Anong t-tivoli?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Shiboler, Shiboli, Tiburcio, Tumbang preso, Tom Babauta or Tivoli ice cream means tomboy or lesbian." Mabilis na sagot ni Ytchee at saka hinampas si Marlon sa braso.

"Ahh, ang daming terms naman nun." Napakamot ako sa batok sa nalaman ko.

"Oh ubos na start na tayo!" masayang announce ni Marlon at sakto naman ang dating ni Wesley at mabilis na umupo sa tabi ni Lucky.

"Oh Lucky ikaw ang unang mag spin ng bottle." Inabot ni Ytchee ang empty wine bottle kay Lucky.

"Luh, bakit ako?" Ngusong sagot ni Lucky.

"Dahil ikaw ang huling uminum, dami pang tanong nito!" Pagsusungit niya dito at ngumuso lang ulit ito paharap kay Wesley.

Bumulong bulong lang siya ng hindi ko maitintindihan saka niya inikot ng may kalakasan ang bote. Muntik ng tumapat sa akin yung neck ng bote ngunit huminto ito kay Andi.

"Yun! Ang swerte mo ses!" pang aasar ni Marlon kay Andi at inismiran lang siya nito.

"Truth or Dare?" Maangas na tanong ni Lucky.

"Truth." Seryosong sagot ni Andi at bahagyang napalingon sa side ko. Napansin ito ni Lucky kaya napangiti ito sa kanya.

'Tss, ano na naman kayang pina plano nito?'

"Crush mo ba si Kenneth Ang?" Malakas na bigkas ni Lucky sa harap ni Andi. Mabilis na nagtakip ng mukha gamit ang kamay si Andi. At nagsimulang tumawa sila Marlon at Ytchee.

"Dare na lang pala Inday." Mahinhing tugon niya.

"Sige gawa ka ng love letter ngayon para kay Kenneth na umaamin kang may gusto ka sa kanya."

"O-Oo na punyemas ka. Crush ko siya matagal na." Malakas na sagot niya. Lalo silang natawa sa reaction niya ng tapik tapikin ko siya sa balikat.

"And when did that started?" nakangiting tanong ko sa kanya at nagulat ako dahil sabay tumili si Ytchee at Marlon.

"Nung first day ko sa Carlisle nakita kita sa parking lot na bumaba sa kotse mo." Nahihiyang paliwanag niya.

"I see.." tumango tango ako sa lalo siyang nahiya.

"Ano masaya na kayo?" at hinablot ang bote sa gitna at pinaikot.

Huminto ito kay Ytchee.

"Ngayon shibuli, Truth or Dare?"

"Truth!" Itinaas niya ang baso at sabay uminum.

"Mag dyowa na ba kayo ni Bonnie ng Four Eagle?"

"Oo, mag tu-two months na bakit? Mainggit ka wala kang dyowa." Singhal nito kay Andi.

'Seriously sila na talaga? Whoa. Diba kakabalik lang niya sa Carlisle ang bilis naman ata?'

"Really? lesbian si Bonnie ng Eagle?" Hindi makapaniwalang sagot ni Wesley at lahat sila napalingon sa kanya.

"Bisexual siya. Bakit hindi ba halata?" Natatawang tanong ni Ytchee.

"I have no idea, actually maraming nag kaka crush na team mates ko sa kanya kasi ang astig niya pumorma." Iling na sagot niya halatang hindi parin makapaniwala sa nalaman.

"Pagsabihan mo yang mga team mates mo, na sa iba na sila mag ka crush kung ayaw nilang ma comatose ng 3 months!" Banta ni Ytchee at sabay kaming natawa ni Lucky. Inikot niya ang bote ng dahan dahan.

"Ongpauco! Ihanda mo yang kaluluwa mo. Truth or Dare?"

"Dare.." Mahinang sagot nito at tumingen kay Lucky na abalang kumakaen.

'Grabe to walang kabusugan. Tsk tsk tsk.'

"Hmm. Halikan mo in 3 seconds sa pisngi si-----" Pambibitin ni Ytchee at lumawak ang pagkaka ngiti ni Wesley sa narinig at humarap kay Lucky.

"Anong problema mo?" Ang tibay kahit puno ang bibig niya nagawa parin niyang makapag salita.

"Halikan mo in 3 seconds sa pisngi si-----MARLON!" sabay sabay kaming tumawa.

Bigla namang tumayo si Marlon at nagtatakbo sa loob ng suite at nagtiti tili na parang babae.

"Hoy, Marlon huwag kang umarte hindi ka kasing ganda ni Lucky." Sigaw niya dito at bigla itong huminto sa pagtakbo at bumalik sa amin. Natawa namin kaming mag pinsan sa kanila.

"Alam ko kaya nga idinaan ko na lang sa kilig. Litsi ka!"

"Are you ready sweety?" Natatawang tanong ni Wesley at kinagat kagat pa ang lower lip niya kaya parang nangisay sa kilig si Marlon. Lumapit si Wesley at humalik sa cheek niya.

"Three.. Two.. One." sabay sabay naming bilang. Bumalik siya sa tabi ni Lucky na tatawa tawa.

"Ikaw gusto mo din ng kiss?" umakto siyang hahalikan si Lucky.

"Pass.." hinawakan niya sa noo at mahinang itinulak ang pinsan ko.

Kinakabahan tuloy ako bigla dahil baka kung ano ang ipagawa nila sa akin kapag turn ko na.

Muling inikot ang bote at bigla nga itong tumapat sa akin. I'm dead.

"Aherrm." Malakas na tikhim ni Wesley at pinagdampi at pinag kiskis pa ang dalawang palad niya.

"Umayos ka Wesley." Banta ko sa kanya pero nginisihan niya lang ako.

"Truth or Dare cousin?"

"Truth." Tinatamad kasi akong kumilos mamaya ma dare akong halikan pa ang isa sa kanila.

"Do you still have feelings for Amber?" Seryosong tanong niya.

Natahimik silang lahat at nakatingin sa akin. Sigh. Sasabihin ko ba ang totoo sa kanila?

"I don't have feelings for her. I never had and i never will." Maiksing sagot ko.

Walang nagsalita sa kanila at parang nag aantay pa sila na may idudugtong ako sa sinabi ko.

"I'm sorry Kenneth, diba ex girlfriend mo siya?" paglilinaw ni Marlon sa akin.

"Nope. Hindi din naging kami. I don't wanna explain it more further coz i don't wanna talk about it anymore." Mahinahong sagot ko. Kinuha ko ang bote at inikot ko ito sa gitna.

Wala ng nakapagsalita sa kanila. Nagkatinginan lang silang lima na may halong pagtataka.

'Bahala kayo mag isip. Sinagot ko ang tanong kaya makuntento kayo sa sagot.'

"Truth or Dare Marlon?" napakagat siya bigla sa daliri niya habang nag iisip.

"T-Truth." Napapikit na sagot niya.

"Hmmm." Nag isip ako ng may ibinulong si Andi sa tenga ko na ikinangiti ko. Sinamaan kami ng tingin ni Marlon.

"Crush mo ba si ang pinsan ko?" Turo ko sa pinsan ko na biglang nagliwanag ang mukha at lumawak ang pagkakangiti ng marinig ang pangalan niya.

Tumingin muna saiya kay Lucky. "Y-Yes" Mahinang sagot niya at tumakbo papuntang terrace. Sabay sabay kaming tumawa ng malakas dahil sa ginawa niya.

"Arti ni Inday Marlon! Kagandang bata sarap ibitin sa labas ngterrace" Sigaw ni Ytchee. Bumalik din ito pero hindi ito makatingin kay Wesley. Inikot niya ang bote at dahan dahan itong huminto sa tapat ni Wesley.

"Now my turn. Be honest with your answer Wesley. Matagal na kaming naku curious eh." Naiilang na tanong ni Marlon. Tumango lang bilang sagot si Wesley.

"Do you like Lucky Gonzaga? You know what i mean right?" Tahimik kaming lahat habang nag aantay ng sagot ni Wesley.

Nakatingin lang si Lucky sa kanya. Sa titigan nilang yun pakiramdam ko nagkakaintindihan na sila. This is it, i guess wala na siyang magagawa kundi ang umamin sa kanila.

'Maswerte ka Lucky Gonzaga.'

"Yes." Derechong sagot habang nakatingin kay Lucky. "Actually, i told him this morning how i felt about him. That i really really like him." Seryosong sagot niya . At biglang nagtayuan ang mga kaibigan niya at nagtatatakbo sa loob ng suites.

"KYYYAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" Malakas na sigawan nila Andi, Marlon at Ytchee.

'Seriously? Sinabi niya na kay Lucky? Bakit wala naman siyang binabanggit sa akin kanina. Ano pang silbi ng pinag usapan namin kanina sa suite namin kung umamin na pala siya? Tokshit ka Wesley.'

"Kahit kelan ang o-OA ng mga to." Dinig kong bulong ni Lucky at hinila siya ni Wesley papalapit sa kanya at hinalikan siya sa noo na lalong ikinalakas ng sigawan ng tatlo ng makita ang eksena nilang dalawa.

"Ano ba nakakahiya." Naiilang na saway ni Lucky kay Wesley at tinawanan lang niya.

'Bakit ba anong masama?"

Para akong natuklaw ng ahas sa nakita ko. Hindi ako makapagsalita o maka kibo. Naubusan ako ng lakas para makapag react sa nangyayari.

Pakiramdam ko literal talaga akong natuklaw ng ahas. Mainit sa pakiramdam nakakapanghina ng katawan at nakakaubos ng lakas.

Napangiti lang ako sa harap nilang dalawa. Nagising lang ang diwa ko ng magtanong ulit si Marlon kay Wesley.

"So kayo na?" Halos magyakapan na sila ni Andi dahil sa kilig sa dalawa. Tumabi ng upo si Ytchee sa akin at palihim na hinimas himas at tinapik tapik ang likuran ko.

"Hindi pa pero sa tingin ko konting push nalang malapit na." Ngiting sagot niya at nagtago sa likod ni Lucky. Tahimik lang si Lucky at seryosong nakatitig kay Wesley.

'Tss, ngayon pa ba siya mahihiya kung kelan nasabi na niya?'

LUCKY'S POV

"Actually, i told him this morning how i felt about him. That i really really like him."

Hindi ko alam kung papaano ako magre-react sa sinabi niya. I mean kung anong isasagot ko sa sinasabi niya. Natulala ako ngayon sa harap niya. Seryoso siya, ramdam ko yun sa paraan ng tingin niya. So may sense din naman pala yung pagiging assumera ko. Iniisip ko kasi dati pa na ganyan talaga ang ugali ni Wesley sa lahat. Very sweet, caring at bubbly ang personality niya.

'Bakit ako? Alam niya ba yung sinasabi niya?'

Nataranta ako sa reaction ng mga kaibigan ko na parang mga timawa na nagkakagulo sa loob ng suite namin.

"So kayo na?" Halos magyakapan na sila ni Andi at Marlon sa ka o-OAhan.

"Hindi pa pero sa tingin ko konting push nalang malapit na." Ngiting sagot niya at nakuha pang magtago sa likod ko sa hiya. Ngayon paba na broadcast muna, tae!

Para akong ginigisa sa malaking kawa at hindi ako mapakali sa mga salitang narinig ko sa kanya. Hindi ako maka upo ng maayos dahil parang umiinit ang pwet ko. Gusto kong mag sindi ng sigarilyo at ibuga ang usok sa ere ng pabilog na parati kong ginagawa kapag na stress ako o nag iisip ako ng malalim.

Sa loob ng kwartong to mukhang si Andi, Marlon at Wesley lang ang natutuwa. Si Ytchee kanina oo, pero ng nilapitan niya si Kenneth parang nagbago ang mood nila pareho. Hindi ko na binigyan ng pansin yun dahil na agaw ni Wesley ang atensiyon ko ng lumapit siya sa gitna at inikot ang bote ng wine.

Napakamot ako ng ulo ng tumapat sa akin ang bote. Hiling ko lang sa pagkakataong to na maglaho ako sa harap nila. Dalhin ako lahit saan kahit sa kwarto pa ng baliw na si Mj ayos lang huwag lang akong ma stock sa pagkakataong ito na ako ang tatanungin nila. Pero alam ko namang imposible yun. Kailangan kong harapin ang problema ko isa isa dahil nagsasawa na akong magtago at takasan sila.

"Truth?" halos sabay sabay nilang sambit ng matapat ang bote sa harap ko.

'Luh? Truth agad? Diba may DARE din na option?'

Si Kenneth lang ata ang hindi nagsalita wala akong mabasa sa itsura niya ngayon kundi blangkong expression niya.

Sigh. "Truth." Kinakabahang sagot ko. Nakita kong biglang nagseryoso ang itsura ni Wesley at hinawakan ng mahigpit ang bote.

"Do you like me? If yes may chance ba ako?"

"KYYYYAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" sinapian na naman sila Andi at Marlon.

'KINGENANG TRUTH OR DARE TO BAKIT PA INIMBENTO SA PLANETANG 'TO!'

Wala akong mahagilap na tamang isasagot sa kanya. Mas mahirap pa yung tanong niya kesa sa quiz namin sa Math nung isang araw.

Oo masaya ako na malamang gusto niya ako ng isang Wesley Ongpauco. Hello?!?!?! Si Wesley Ongapuco yan kung si Andi o Marlon siguro ang nasa posisyon ko baka magsibulaan na ang mga bibig nila sa kilig. Kinikilig ako sobra pero naghahalo halo yung nararamdaman ko. Mas nangingibabaw yung kaba kesa sa kilig na dapat nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit. Ito ba ang epekto ng isang failed relationship? Naduduwag ako ng bigtime. Hindi pa man traumatize na ako sa isang relasiyon or masiyado na ata akong kinaen ng bitterness nitong last summer.

Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon. Nagpapatong patong na lahat sa utak ko at nabibigatan na ako kung alin ang uunahin ko.

"Lucky. Please answer the question." Mahinang sambit ni Kenneth. Nag angat ako ng tingin pero hindi ko parin alam kung anong isasagot ko.

Paulit ulit ko lang kinakagat ang dila ko. Wala naman akong choice kundi ang sagutin ang tanong ni Wesley.

"Y-Yes, i like you." nakita kong kumislap ang mga mata niya. "But not the way you want me too." Mahinang sagot ko.

Nanginginig ang kamay ko. Naiinis ako kung bakit sinabi ko pa yun sa harap niya at harap ng mga kaibigan ko. Hindi ako kagandahan at lalo't hindi ako babae para mag pabebe at tanggihan ang isang Wesley Ongpauco.

Walang nakapag salita kahit isa sa kanila. Parang may dumaang kampon ni Satanas sa harap namin at pare pareho kaming natulala. Huli na parang pagsisihan o bawiin ang sinabi ko.

Nagulat ako ng bitawan ni Wesley ang bote. Bigla itong tumayo at naglakad papuntang terrace.

Mabilis kong dinampot ang kaha ng sigarilyo sa mesa at sumunod ako. Hindi ko alam kung papaano ako magpapaliwanag o kung papaano idedepensa ang sarili ko. Nagtama ang mata namin ni Kenneth hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko.

'Buwisit na to, bahala na!'

Pagdating ko sa terrace nakita ko siyang nakaupo. Nakataas ang paa sa mesa habang nakatulala.

"W-Wesley." Kinakabahng tawag ko at dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Hindi siya umiimik at malayo lang ang tingin. Ginawa niyang unan ang parehong braso na parehong nasa batok. Galit siya. Salubong ang kilay at nanunulis ang mapupulang labi niya.

"Let me explain Wesley."

"That you like me, but you don't feel the way like i do? What the fuck did you mean by that?" inirapan niya ako. Aminado naman ako sa pagkakamali ko. Sino ba ako para tanggihan ang kagaya niya? Hindi ako babae para umarte ng ganito sa harap nila.

"Its complicated okay." Para akong praning na paulit ulit na tinutuktok ang lighter na hawak ko sa mesa dahil sa kaba.

"I like you, you like me. Why does it have to be so complicated?" napipikong sagot niya.

"Wesley please intindihin mo naman ako."

"Psh, sana pinatay mo nalang ako." Garalgal na sagot niya. Bigla siyang napasinghot.

"Believe me Wesley, your exactly my ideal type of guy." Hinawakan ko siya sa braso.

"Yun naman pala eh. Then what would be the problem?"

"Me. Ako ang may problema.. I have this— this fear. Fear of not being good enough."

I've learned my lessons. Ayoko ng maulit ang nangayari sa amin ni Jasper noon. Yun ang greatest fear ko, mamatay na lang ako kesa lamunin na naman ako ng depression.

"Well, perhaps your imperfections make us so perfect to each other Lucky." Humarap siya bigla sa akin.

"No. Your too perfect for me Wesley and that's scares me." Kinakabahang sagot ko. Dinampot ko ang kaha ng sigarilyo at mabilis akong nagsindi ng isang stick.

"Hindi ba sapat ang kagaya ko para mawala ang mga bagay na kinakatakutan mo?" nagsusumamo ang boses niya and it really hurts me. Ayokong nahihirapan siya dahil sa akin at sa mga negatibong bagay na tumatakbo sa utak ko ngayon.

"I swear you got everything i love Wesley. But the thing is.. everything i love never loves me back." Unti unti na rin akong napapasinghot sa kakapigil ko sa nararamdaman ko.

"Lucky please.."

"You deserve someone better Ongpauco. Hindi ang tira tirang kagaya ko."

Ayoko ng mag mukhang loser dahil kahit saang anggulo ako naman palagi ang talo. Ganito na nga talaga ang tadhana ko. Mukhang fairytale lang sa umpisa pero horror story pala. So sino pang gaganahan umisa?

"Dahil ba yan sa gagong ex boyfriend mo?" nagulat ako ng bigla niyang pukpukin ang mesa gamit ang sarili niyang kamao.

Hindi muna ako sumagot. Napa buntong hininga ako ng malalim.

"I know it takes time. Hindi ganun kadali yung pinagdaanan ko Wesley. Halos mabaliw na ako noon."

"Look, i don't care about your past Lucky, all i want to know is if there's a place for me in your future."

"Look at me. Do you think we have a good future? Its a dead end Wesley. Wala kang mapapala sa kagaya ko. Maraming dyang mas deserving kesa bumagsak ka sa isang katulad ko." Parangkang sagot ko.

I need to be honest with him at kailangan kong magpakatotoo. Its the only way para maintindihan niya ang side ko.

"Lame excuses. Just tell me Lucky. Mahal mo ba ako?" Napanganga lang ako sa tanong niya.

Ang kulit kulit talaga. Isang bagay na nagustuhan ko sa kanya, para siyang si Jasper. They are so much alike at yun ang iniiwasan ko. Ang gustuhin siya at ulitin ang mga pagkakamali ko.

"Mahal mo ba ako?" Muling tanong niya sa harap ko. Gusto ko siyang pang gigilan ngayon sa kakulitan niya.

"Mahal--" tipid na sagot ko.

"Mahal lang? " Naiinip na sagot niya.

"Mahal—" singhal ko. "Mahalaga ka sa akin okay." Napalunok ako ng todo sa kagagahan ko. Gusto kong daanin sa biro ang usapan namin dahil masiyado siyang seryoso.

"Ewan ko sayo!" Natatawang sagot niya at napakamot ako ng ulo.

"Honestly, you remind me of him. Maybe that's the reason why i like you."

"Huwag mo akong ikumpara sa tae na yun kung ayaw mong magalit ako sayo." Matalim siyang tumitig sa akin.

"Alam mo bang iniisip ko kanina? Kung pagbibigyan ko ang gusto mo magiging masaya naman talaga tayo.." Bigla siyang lumingon sa sinabi ko.

"S-Seryoso?"

"Pero hanggang saan? Mag aaway at magkakahiwalay lang tayo sa huli. Hindi tayo mag uuusap at magpapansinan. Friendship over."

"Pero hindi pa natin sinusubukan naduduwag kana." Mariing sagot niya at alam kong hindi parin siya susuko.

"Nasubukan ko na at hindi ako naging masaya. Sa friendship natin ako mas nanghihinayang. Sa tingin ko mas tatagal tayo kung magKAIBIGAN lang tayo kesa magKA-IBIGAN tayo." Makahulugang sagot ko.

"Ayaw mo lang talaga sa akin ang sabihin mo." Inirapan niya ako at sumandal ako sa balikat niya.

"Hello?! Gusto kita engot ka ba, choosy pa ba ako sa ganyang kagwapo?" pinindot ko ang pisngi niya.

"Di tayo na gusto mo pala ako eh." Inakbayan niya ako habang tumatawa.

"Gusto kita kaso marami akong kaagaw sayo at hindi ko ugaling makipag agawan." Ngiting tugon ko.

"Sino namang nagsabing magpapa agaw ako?" mayabang na sagot niya.

'Mag pa agaw o hindi, hindi ko ugaling maki pag kumpitensiya sa iba Ongpauco.'

"Ang weird mo alam mo ba yun?"

"Luh? Bakit naman?"

"I don't know. This." Itinaas niya ang magkabilang kamay. Alam ko namang ang sitwasiyon namin ngyaon ang tinutukoy niya.

"Sorry. I swear hindi ko intensiyon na ipahiya o saktan ka."

"I know pinipilit kung intindihin ka kahit mahirap para sa akin intindihin ang sinasabi mo."

"Intindihin mo na ako magulo talaga ako kausap." Nakangusong sagot ko at kinurot niya ako sa lips.

Yumakap ako sa kanya ng patagilid. "Ikaw at ang kuya ko lang ang nakakayakap at nakakahalik sa noo ko Ongpauco." seryosong kwento ko.

"Talaga? Walang ibang nakakagawa nun sayo kundi ako lang at Kuya mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Opo, cross my heart hope to die!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko at nakita ko na naman ang matamis niyang ngiti na paboritong paborito ko.

"I know i believe in you." Mahinahong sagot niya at lumapit pa lalo sa tabi ko. Mabilis na yumakap at humalik sa noo ko.

"Ito sinabi ko lang na siya at si Kuya ang nakakahalik, humalik na kaagad. Tsk tsk!" Biro ko sa kanya at natawa siya kaagad.

"Kasalanan mo yan, binasted basted mo ko eh."

"Hoy, hindi kita binasted noh." Singhal ko.

"Ano lang na FRIEND ZONE?" sarkastikong sagot niya at wala akong nagawa kundi tumawa.

"Bakit ba kasi ako ang pinili mo? Ang dami namang iba diyan na magaganda, seksi at malalaki ang boobs diba yun naman mga gusto niyong mga lalake sa babae? Wala akong kahit isa sa mga yun haler?" Pang aasar ko sa kanya.

"Anong magagawa ko? Tinamaan na ata ako sa iyo unang araw pa lang."

"Utot mo! Ako ang unang tinamaan sa ating dalawa hindi ikaw!"

"Talaga tinamaan ka rin sa akin kelan yun?" Natutuwang sagot niya.

"Sa field, nakalimutan pinatamaan mo ako ng bola ng soccer sa ulo Ongpauco!" nanggigigil na sumbat ko sa mukha niya.

"Hindi naman sinasadya yun." Mahinang sagot niya.

"Ang gwapo mo nun sobra, sarap mong gawing daing at ibilad sa field." at madiing kinurot siya sa tagiliran at tumawa siya ng malakas.

"Hindi ko makakalimutan yun. Yun ang umpisa ng kalbaryo ko kakaisip sa yo. Siguro dati pa inlove na ako sayo. He he" at mahigpit niya akong niyakap.

"In love mukha mo! Ang arte arte mo pa dati patampo tampo kapa. Kundi pa kita pupuntahan sa piano practice mo wala ka pang balak kausapin ako."

"Ganun talaga kailangan ko rin minsan mag pa hard to get para habul habulin mo ko."

"Pakyu ka!" At natulala siya. "Charot lang!"

"Siya nga pala, what's going on with you and my cousin?" Seryosong tanong niya.

Kinabahan ako bigla. "Nothing. Why are you asking?" Maang maangan ko. Tinitigan niya lang ako na parang natatawa.

"Okay you don't have to say anything. Actually its written all over your face." Sumenyas pa siya ng pabilog malapit sa mukha ko.

"Tantanan mo ko Ongpauco!"

"HAHAHAHAHA!" malakas na tawa niya. Hindi ko siya ma gets kaya hindi ako tumawa. Pinag sasasabi nito?

"Tss korni mo."

"Nakita ko kayo kaninang umaga sa loob ng giant inflatable. I think you guys have something." Pormal na kwento niya.

'Fuck, so siya pala yung narinig namin kanina na parang tumalon sa kabilang part ng wall. Sinasabi ko na nga ba may ibang tao dun bukod sa amin eh.'

"Oo, something evil!"

"No, its weird pero i never seen Kenneth laugh like that. I swear, magkasabay kaming lumaki and i know what i'm talking about." Natulala ako sa sinabi niya.

'Seriously? Ano yun sinasapian lang siya kapag kasama ako?'

"W-what do you mean?"

"Kenneth actually doesn't hang out with anyone else other than me or her sister. He never smiles the way he smiles at you. He rarely laughs and when i saw him laughing back there, its like he's head gonna fell off." Natatawang kwento niya.

"So, what are you trying to imply?"

"I-i think he likes you." Seryosong sagot niya at kinurot ako sa pisngi.

"No way! Alam mo bang siya ang nagdadala ng malas sa buhay ko?" Galit na sagot ko.

"Just saying honey. Yun lang ang observation ko." Napakibit balikat lang siya at isinandal ang ulo sa ulo ko.

"Shut up Wesley. Babastiden kita paulit ulit tandaan mo!" Napasindi ulit ako ng sigarilyo dahil sa mga sinabi niya.

"You like him do you?" Nakangiting tanong niya. Hindi ako makasagot. Nagtitigan lang kami habang subo ko sa bibig ang sigarilyo.

"Does it matter?" umapoy ang lighter na hawak ko at nagsindi ako.

"It does." Nakita ko sa mga mata niya ang nalungkot dahil sa sinabi ko. Kahit hindi ko direktang inamin ang nararamdaman ko alam kong yun din ang epekto nun sa kanya.

"HELL NO!" mabilis kong sagot.

"I told you Lucky, its better na si Kenneth ang magustuhan mo kesa ibang guys sa Carlisle lalo na mayabang na Marlon na yun!" Napalingon ako sa kanya.

'Luh nAalala niya pa yung sinabi niyang yun kanina?'

"So pinamimigay mo na agad ako? Magaling Ongpauco, magaling! Bravo, ang titino ng lahi niyo!"

"Ito naman hindi na mabiro!"

Kinakabahan ako ng sobra. Para ko naring inaming kay Wesley na si Kenneth ang gusto ko.

Hindi ko din ine-expect yung mga nalaman ko ngayon about kay Kenneth. Parang may kakaibang excitement akong naramdaman dahil sa sinabi niya. Ilang linggo ko naring iniiwasang isipin na baka, baka lang may nararamdaman akong iba para sa payatot na yun.

Parang alkansiya lang daw yan, kapag iniipon mo lumalago dahil nadadagdagan.

Kakaiba kasi siya sa mga lalaking nakilala ko. Madalas pa atang mag birthday yung kapitbahay namin kesa mag usap kami ng seryoso. Lagi nalang may asaran sakitan at nitong huli napapaiyak niya pa ako. Pinapakulo niya ang dugo ko sa twing kasama ko siya.

"Lucky may problema ba natulala kana?" Pukaw sa akin ni Wesley habang nakatulala akong naninigarilyo.

"W-Wala wala may naisip lang ako." Ngusong sagot ko sa kanya at kinurot niya ako sa ilong.

"Lucky, do you really like me?" nakangiting tanong niya. Alam kong nangungulit lang siya. Kaya lumapit ako at kinurot siya sa ilong.

"I like you more than LUCKY ME Noodles, and I really realy like LUCKY ME NOODLES."

"I hate you Gonzaga!" pero sa itsura niya mukhang kinilig siya.

Ang mapait na katotohanan.

I like him more than i like you..

'KAMOOOOOTTTEEEE QUEUE!

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C49
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión