Descargar la aplicación
70.83% Heart's Desire / Chapter 17: Fascinated by Enemy - Chapter 1

Capítulo 17: Fascinated by Enemy - Chapter 1

Ang paghihiganti ay palaging mapait... Ganito ang natuklasan ni Zander nang pairalin niya ang poot niya kaya buong balasik na nagplano ng paghihiganti. Sa kasamaang-palad, isang inosenteng dalaga ang naging biktima – si Kate.

Ang palaso raw ni Kupido ay walang pinipiling patamaan basta't puso lang ang palaging target. Kahit na nakatikim ng kalupitan sa kamay ng isang estranghero, nakuha pa ring umusbong ng pag-ibig sa puso ni Kate para kay Zander.

* * *

Humagikhik ang isa sa dalawang aninong papatalilis.

"Ssh!" saway naman ng kasama nito. "Huwag kang maingay! Kanina ka pa tawa nang tawa. Gusto mo bang mahuli nila tayo?"

"I'm sorry. Ngayon lang kasi ako gagawa nang ganito ka-daring na bagay," paliwanag ng babae. "Kaya mo ba talagang paliparin ang eroplanong 'yan kahit na madilim?"

Agad namang napawi ang pagkayamot sa tono ng lalaki. Nabahiran ng paghahambog.

"Ha! ha! Hindi lang ganito ang kaya kong gawin, mahal ko! Kayang-kaya rin kitang dalhin sa mga lugar na hindi mo pa nararating."

"Oh, hindi ako nagkamali nang piliin kong sumama sa 'yo. Ngayon pa lang ay labis mo na akong pinaliligaya!"

"Ikaw lang, e. Inayaw-ayawan mo pa ako nung diskartehan kita," panunumbat ng lalaki.

"Nandito na naman ako ngayon, a?" pang-aalo naman ng babae. "Nakakabigla naman kasi ang istilo ng panliligaw mo, e."

Tumawa nang papilyo ang lalaki. "I bet, your boring fiance had never kissed you like that. 'Yong muntik nang mapugto ang hininga mo?"

"Pilyo ka! At ipinaalala mo pa!"

"Aray! May kiliti ako diyan," saway ng lalaki pero nagtatawa.

"Huwag kang maingay! Akala ko ba, hindi dapat maingay?"

"Malayo na tayo sa bahay. Hindi na nila tayo maririnig." Paanas na iyon.

"J-jeremy--"

"I have to have you, Sonia."

"H-here?"

"Yes! Here and right now..."

"Oh, Jeremy! Not here, please! Baka may mga langgam ditooo...!" Nauwi sa mga ungol at halinghing ang protesta ng babae.

Naghari uli ang katahimikan ng gabi sa bahaging iyon ng malawak na hardin habang sumasaliw ang mga munting ingay na likha ng nagkikiskisang mga balat.

Ilang minuto pa muna ang lumipas bago nanumbalik ang normalidad sa pag-uusap ng dalawang anino.

"C'mon, we've wasted enough time," hingal ng lalaki matapos paigtad na bumangon matapos mairaos ang init ng laman.

"S-sandali lang." The woman's voice was still husky and aroused. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ni hindi ito nakahabol sa kasukdulan.

"Halika na sabi. Baka may nakaalam na sa pagtakas mo!" Hinila ng lalaki ang babae palayo sa lugar na iyon.

"Jeremy, naiwan ko ang bra ko!"

Ngumisi ang lalaki. "Good, good! Tiyak na mauulol sa matinding selos ang syota mong tarantado! Sorry ka na lang, Zander Soriano! Ha! ha! I have your most important possession right now!" he gloated triumphantly.

"P-possession?"

"Yes, my dear Sonia. Isa ka lang sa mga kasangkapan ni Zander. It's time to produce an heir to all his worldly goods. Papatanda na siya, e," Jeremy explained tauntingly.

"P-pero pakakasalan mo ako, hindi ba?"

Tumawa ang lalaki habang nagmamaniobra ng maliit na eroplano. Patuya ang tunog na iyon. Singlamig ng gabing nakapalibot sa kanila.

"Are you crazy, Sonia? Marriage isn't on my list!"

"Oh! Walanghiya ka! Walanghiya ka, Jeremy! Niloko mo ako, niloko mo ako!"

"Aray! Huwag kang manghampas, Sonia! Hindi kita niloko."

"Sinabi mong mahal mo ako!" hagulgol ng babae. Hindi pa rin humihinto sa pag-atake sa lalaki.

"Damned shit! Stop attacking me, you crazy woman! Gusto mo bang mag-crash tayo?"

Umigkas ang isang kamao nito. Pinatama sa panga ni Sonia.

"Ugh! S-sinuntok mo ako. Sinaktan mo ako," daing nito habang hinihipo ng nanginginig na mga daliri ang pumutok na labi.

"Ikaw naman ang naunang manakit, a?"

Humikbi ang babae. "Ang sabi mo, mahal mo ako," ulit nito. "Pinabayaan mo akong umasa na pakakasalan mo ako."

"Hah! Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Sonia. Ano ka, nahihilo? Tira-tirahan ka na lang ni Zander, ano?" pang-uuyam ni Jeremy.

"Walanghiya ka talagaaa!" Akmang kakalmutin ng babae ang lalaki.

Ngunit maliksing nakailag si Jeremy. Isang suntok sa sikmura ang iginanti nito.

"Kapag hindi ka tumigil, ihuhulog kita, Sonia!" pagbabanta nito.

Hindi sumagot ang namimilipit na babae.

Matagal-tagal ring namayani ang katahimikan sa loob ng masikip na sasakyang panghimpapawid.

Si Sonia ang unang nagsalita. Kalmado na uli ito. Tinanggap na marahil ang sitwasyon.

"Bakit galit ka kay Zander?" untag nito.

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. "I hate him. Hindi siya nararapat maging kasapi ng alta-sosyedad. Isa lang siyang pahinante sa bodega namin noon."

"Hindi niya ipinagpipilitan ang sarili sa alta-sosyedad, Jeremy," pagtatanggol ni Sonia. "He was widely accepted because he had become a super-rich tycoon!"

"'Yon nga, e! Kailan lang siya nagkaroon ng pera! Kahit na gaano kamahal ang mga damit na suot niya, nasa kanya pa rin ang amoy ng anak-pawis na katulad niya!"

"Naiinggit ka sa kanya!" pang-aakusa ng babae.

"Oo! Naiinggit ako sa kanya! Nagagalit ako dahil nasa kanya ang lahat ng mga bagay na ginusto kong mapasaakin!" His vehemence was terrifying. Jeremy looked maniacal.

Napatulala si Sonia. "Pero may pera din ang pamilya mo, hindi ba?"

"Ang pamilya ko, oo. Pero ako ay wala! I have to reach the damned twenty-five years of age before I can get my hands on filthy trust money!"

"Bakit pati ako ay idinamay mo?"

Tumawa nang tumawa si Jeremy.

"Hindi kita idinamay, Sonia dear. Kasama ka talaga sa mga plano ko."

"Tapatin mo na nga ako, Jeremy. Ano ang mapapala mo sa pang-aagaw mo sa akin mula kay Zander?" There was an eerie calmness in Sonia's low voice.

"My dear naive girl," tugon ng lalaki sa marahan at mahinang tinig. Para bang sintu-sinto ang kinakausap. "This is not an elopement. This is kidnapping -- or fiancee-napping -- for ransom!" Sabay halakhak nang malakas. Umalingawngaw sa lahat ng sulok ng munting sasakyan ang mala-demonyong pagtawa ni Jeremy Saldivia.

Walang nagawa si Sonia kundi ang panawan ng malay-tao, sanhi ng matinding sindak.

Nilamukos ng kamao ni Zander ang kulay rosas na papel. It was a perfumed stationery paper that bore bad news for him.

Ilang ulit na niya itong binabasa mula nang ipadala ng mga in-laws-to-be sa opisina kahapon. Saulado na nga niya ang nilalaman.

"Dear Zander," anang sulat-kamay ni Sonia. "Forgive me for leaving you on the lurch. I just realized that I don't love you enough to marry you. Si Jeremy Saldivia ang mahal ko. Sa kanya ako magpapakasal! Paalam, Sonya."

"Fool!" bulalas niya. "You're a fool, Sonia! That bastard is not the marrying kind!" singhal niya sa bintanang salamin na nasa harapan.

Zander strode around the room with lithe gracefulness. He had a big muscular built and a thick mane of jetblack hair.

His features were ruggedly fascinating. His personality was magnetic and enigmatic.

His moneyed existence was man-made. Galing sa dugo at pawis niya.

He was a child beggar and a teenage laborer who became a self-made millionaire. A billionaire, actually, but it was a best-kept secret.

Zander Soriano had a personal motto learned early from harsh experiences: Keep a low profile, so that the chin won't hang to the clouds.

Ganoon ang patakaran niya sa sarili para hindi dumami ang mga kaaway.

Gusto niyang manatiling normal ang takbo ng buhay. Ayaw niyang magkaroon ng ere.

Kaya nga nang piliin niya si Sonia bilang magiging kabiyak, hindi na niya sinukat ang natitirang yaman ng mga magulang nitong nalugi sa negosyo dahil sa kapabayaan.

Sonia was not that pretty. She had a pale skin and even a paler character.

Zander liked her obedient and submissive nature. He thought them as her most appealing qualities.

But he was wrong.

Bumigay agad si Sonia sa unang kaway ng tukso!

Kaya nga naglalatang ang loob niya sa sobrang galit. Gusto niyang hanapin ang walanghiyang lalaking umagaw sa kanyang nobya.

Gusto niyang durugin si Jeremy Saldivia!

Gusto niyang bawiin si Sonia!

Ngunit saan niya hahanapin ang dalawang lumipad sakay ng isang munting eroplano at umalis nang walang paalam?

Tiyak na nagpakalayu-layo na ang mga ito sa loob ng tatlong araw na lumipas.

Naputol ang pagdaloy ng mabangis na imahinasyon nang may kumatok sa pinto ng library.

"Tuloy!" he barked at it ferociously.

"Master Zander?" anang boses ni Majordomo.

Huminga nang malalim si Zander at isinuot ang enigmatikong maskara bago humarap sa punong utusan ng kanyang marangyang mansiyon.

"Ano'ng kailangan mo?"

Yumukod muna ang bagong dating. Iniabot ng dalawang kamay ang isang cellular phone. "May tawag po para sa inyo."

Tinanggap ni Zander ang telepono. His large worker's hand almost swallowed the small instrument.

"Hello?"

"Ha! ha! The devil himself answered, at last!" A reedy male voice slurred from the other end of the communication line.

"Saldivia!" he roared sharply when he identified the caller. Nagsalubong ang mga kilay niya. Mistulang mabalasik na leon ang larawan niya nang mga sandaling iyon.

Tumawa na naman ang kausap. "Cool ka lang, Soriano. Ibabalik ko naman sa 'yo ang reproduction machine mo, e. Pasensiya ka na lang kung medyo ginagamit ko muna. 'Slightly used' naman na nang hiramin ko. Hindi na 'brand new'. He! he!"

Gigil na gigil si Zander. Ngunit nagpigil siya. Alam niyang sinasadya ni Jeremy Saldivia na magpuyos siya nang husto sa matinding galit.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C17
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión