"Troy Villas the sixth, do you take Alaire Rotchielle Bellafranco to be your lawfully wedded wife?" Tanong ng church minister kay Troy na kakaiba ang kislap ng mata habang kaharap si Al.
"Yes, I do." Masayang tugon ni Troy.
"Alaire Rotchielle Bellafranco, do you take Troy Villas the sixth to be your lawfully wedded husband?" Tanong naman sa kanya.
"Yes, I do." Sagot naman niya na sinulyapan si Troy ngunit napakunot ang noo niya ng makitang wala na ang ngiti sa mga labi nito.
"Stop this wedding!" Biglang sigaw ni Troy.
"Troy?!" Naguguluhang bulalas ni Al. Kasabay nito ang pag-alingawngaw ng mga bulungan.
"You just want your company, Alaire. You don't love me!" Singhal sa kanya ni Troy.
"No, Troy! Listen to me!" Pigil niya dito habang naglalakad na ito sa aisle palabas ng simbahan.
"Troy! Troy!" Umiiyak niyang sigaw ngunit patuloy lang sa paglalakad palabas ang lalake.Pilit ang paghabol niya dito hanggang sa marating niya ang pinto at bumungad sa kanya ang sobrang nakasisilaw na liwanag.
"Troy!" Sigaw niya.
"I'm here, babe. I'm here." Umiiyak sa tuwa na ani ni Troy nang magkamalay na si Al matapos na ma-comatose ng halos isang linggo.
"Troy?!" Lumuluha ring ani ni Al saka niyakap ang lalake.
"Al, anak!" Mangiyak-ngiyak ding ani ng ina na naroon din pala.
"Ma." Niyakap din niya ito.
Lumapit din ang umiiyak na ina ni Troy, si Valerie, Trina, ang sekretarya niya na si Beatriz, at si Matt.
"Guys." Maluha-luha ngunit nakangiti niyang bati sa mga ito.
"Tinakot mo kami, girl! My brother almost got insane." Nakangiti ngunit lumuluhang biro sa kanya ni Valerie. Lahat naman ay napatawa.
"Babe, today is supposed to be our wedding day." Nakangiting pagpapaala sa kanya ni Troy habang pinupunasan ang luha niya. Napapatitig naman siya dito. Hindi niya alam kung gusto pa rin ba siyang pakasalan ng lalake.
"Will you marry me, Alaire?" Nakangiting tanong nito.
"Yes." Sagot naman niya.
"I love you." Sambit ng lalake.
"I love you, too." Wika niya saka siya napapikit ng sakupin ng lalake ang labi niya. Nagpalakpakan naman ang mga kasama sa loob.
"I can't wait to have you as my wife, Alaire, so..." Masayang wika ng lalake saka sumulyap sa pinto kung saan iniluwa ang paring magkakasal sa kanila.
Kakaibang kislap naman sa mata ang sumilay kay Al saka muling niyakap si Troy. Napalawak lalo ang ngiti niya ng iabot sa kanya ni Trina ang bouquet of flowers na para sa isang bride.
"Troy Villas the sixth, do you take Alaire Rotchielle Bellafranco to be your lawfully wedded wife?" Tanong pari kay Troy habang hawak ang Bibliya.
"I do, Father." Mabilis na sagot ng lalake.
"Alaire Rotchielle Bellafranco, do you take Troy Villas the sixth to be your lawfully wedded husband?" Tanong naman sa kanya ng pare.
"Yes, I do." Masaya ding sagot niya.
Saka nila nilagyan ng singsing ang isa't isa mula sa basket na dala ng ina.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Ani ng pare saka niya sinalubong ang labi ni Troy kasabay ng pagpulupot niya ng braso sa leeg nito.
Napapikit si Al. Iba ito sa bangungot na naalala. Ngayon ay masayang nakatunghay sa kanya si Troy. Wala siyang galit na nababakas dito.
Napahinga siya ng malalim. Kasabay ang muli pang paghinga. At naging tila hinahabol na niya ang paghinga.
"Troy?!" Nanlalaki ang matang ani niya na tila kinakapos siya sa paghinga.
"Shhh..I am just here, my wife. I love you." Mapupungay ang matang ani ni Troy habang inaalalayan siyang makahiga sa hospital bed.
"Why am I feeling this way?" Nanghihinang wika niya. Tila lumalabo ang kanyang paningin.
"You will just go to a place where you love to go." Bahagyang gumaralgal ang boses ni Troy. Maging ang mga kasama nila ay sabay-sabay ding napaiyak.
"Is it our home, baby?" Tila nahihirapang tanong ni Al.
"Yes." Umiiyak namang tugon ni Troy.
"No hate. Just pure love?" Muling tanong ni Al habang nakapikit.
"Yes, babe. No hate. Just love." Pagsang-ayon niya dito saka binigyan ng maliit na halik ang pisngi ng nakapikit na dalaga kasabay ang masaganang pagtulo ng kanyang luha ng tuluyang manlupaypay ang katawan nito at maging isang linya na lang guhit sa monitor.