"What should I do? What should I do?" Mangiyak-ngiyak na ani ni Al kay Valerie habang nasa canteen sila ng school.
"Why? What's going on?" Nagtataka namang tanong ng kaibigan.
"I can see your brother everywhere! He's stalking me." Bulong niya dito saka sinulyapan si Troy na na nakaupo sa may di kalauyan kasama ang mga barkada nito ngunit panay ang sulyap sa kanya.
"Baka nahalata niya na may gusto ka sa kanya." Bulong ding ani ni Valerie na sinulyapan din ang kapatid.
"That's impossible. Lagi ko kaya siyang sinusungitan." Ani naman niya.
"That's it. That's the reason. Hindi sanay si kuya na sinusungitan ng babae. Kaya siguro naku-curious siya bakit iba ka sa kanila. But well, success ang strategy mo kung ganoon dahil napapansin ka ng kapatid ko, my friend." Panunudyo naman nito.
"Stop it. Hindi pwede iyon. Hindi niya ako pwedeng mapansin!" Mangiyak-ngiyak naman niyang giit.
Napatawa naman si Valerie sa sinabi niya.
"Ayaw mong mapansin ka ng crush mo? Are you kidding, Al?" Naiiling na wika nito.
"Exactly. Gusto ko 'yung parang hindi ako nag-eexist sa paningin niya. Para hindi ako nakakaramdam ng pagkailang or something. I can freely look at him unnoticed." Paliwanag naman niya.
Napakagat siya ng labi ng makitang tumayo si Troy at mukhang lalapit sa kanila.
"You're brother is approaching us now." Bulong niya kay Valerie na may langkap ng inis. Pilit niyang pinadilim ang mukha at tila naniningkit ang matang sinalubong ang matiim na titig ni Troy na kasama ang isa nitong barkadang matikas din katulad nito.
"Can we join you?" Masiglang tanong nito.
"No. We, girls, need time alone." Masungit niyang sagot na nakapagpaawang sa bibig ni Valerie na namimilog ang matang napatitig sa kanya.
Napatawa naman si Troy sa pinapakitang pagsusungit ni Al. Lalo tuloy siyang nagkakaroon na interes.
"Hi! I'm Will Marcus." Pakilala naman sa kanya ng kasama ni Troy na hindi pinansin ang pagsusungit niya.
"Al." Maikli niyang sagot saka ngumiti dito at tinaggap ang nakalahad nitong palad. Will Marcus is the team captain ng football team nila. Kahit na medyo nangitim na ang balat nito dahil sa training, hindi maikakaila ang malakas na dating nito.
Napawi naman ang masiglang mukha ni Troy maging ang kanyang mga matatamis na ngiti ng makita ang magandang ngiti ni Al para kay Will na hindi nagawang ibigay sa kanya ng babae mula ng una silang magkakilala.
Nakuyom niya ang mga kamao at madilim ang mukhang bumaling kay Will.
"Let's go, pare." Wala ng siglang wika niya saka siya tumalikod at iniwan ang dalawang babae. Agad naman siyang sinundan ni Will.
"I like her." Ani ni Will habang papalabas sila ng canteen.
"I like her, too, Will. She's the first woman I am attracted to." May babala sa tinig niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit isinama pa niya si Will papalapit sa kapatid at kay Al. Nagkaroon pa tuloy ito ng interes sa babaeng ngayo'y nagpapagulo ng isip niya.
"O-oh..sorry, pare." Nabigla namang ani ni Will dahil sa pag-amin niya. Bingyan lamang niya ito ng isang mapait na ngiti.
"So don't ever bother her. She's mine." Hindi malaman ni Troy na sobra siyang nakaramdam ng pagiging possessive na ngayon lang nangyari sa kanya. Na-attract naman siya sa mga babae. In fact, alam niyang madali lang niyang napapasagot ang kanyang mga girlfriend ngunit wala pa siyang naramdaman na sobrang kagustuhang maging sa kanya lang.
"O-ok." Natatawa namang ani ni Will.
"I'll just help you na lang, in case your charisma will fail?" Pagpapatuloy na wika ni Will. Marahil ay ramdam din nito na hindi katulad ng mga naging girlfriend niya si Al. Ang mga naniningkit nitong mga mata at matatalas na tingin ay tila nagbabanta na walang sinumang makakalapit dito.
"Let's see." Sagot naman siya saka nilalala ang sandali niya sa swimming pool sa mansion kasama ito- kung paano nito tinakpan ang mukha ng makita ang kanyang paglapit dito na naka-swimming trunks lang. Sa isiping iyon ay napangiti siya. Alam na niya kung ano ang gagawin upang mapaamo ang babae.