Nung gabing yun, huminto din naman ang ulan kaya umuwi na ako. Bago ako umuwi ay magkasundo na kaming dalawa ni Celine. At ngayon nga ay papunta na ako sa unit nya para sunduin sya. Sa hallway ay nakasalubong ko na sya.
"Oh bakit nandito ka na? Diba may usapan tayo na susunduin kita?" lumapit sya sakin ng nakangiti.
"Yap, I know. Kaya nga sinalubong na kita eh para hindi ka na mapagod sa pagakyat.!"
Napakasweet nya talaga. Iba talaga ang sweetness nya sa lahat.
"Hmm so let's go??" Nagnod ako at kinuha ko na ang gamit nya. At dahil alam kong hindi sya naka-uniform kaya motor ang dinala ko. But this time dalawa na ang helmet
"Sakin ba ang helmet na to?" I nodded.
"I bought it earlier para dalawa na tayong nakahelmet.!"
"You bought this earlier?? You mean, gumising ka ng maaga to bought this helmet?"
Ano bang nakakagulat sa sinabi ko??
"Well actually inorder ko na yan kagabi nung umuwi ako. Kanina ko lang dinaanan. C'mon let's go. Baka malate pa tayo" i said and she smiled at me. Her smile completed my day. Makes me so happy.
This time,hindi na sya naiilang pang yumakap sakin habang umaandar ang motor. At mas natutuwa ako sa nangyayari.
Habang naglalakad sa campus, hawak ko ang kamay nya pati na din ang gamit nya. Lahat nakatingin samin. Ang iba nakangiti ang iba naman ay iniirapan si Celine. Maybe because they're all jealous but i don't care. All i care now is Celine. Our relationship that i wanted to last forever.
"Babe, sakin ka sasabay sa break time!" Napatingin sya sakin. Para bang nagulat pa sya. Ano naman ang ikakagulat nya e halos kahit noon naman ay magkasabay kami sa break time.
"What is that look??" I asked.
"Oh nothing. Ok. Will wait for you here at the break time.!"
"Okay, i love you.!" Pagkasabi ko non ay mas lalo pa syang nagulat pero ngumiti din naman sya. Then i kissed her on her forehead bago ako pumasok sa klase ko.
Masaya ko ngayon. Ganito pala ang pakiramdam na naipapakita mo na mahal mo yung pagmamahal mo sa isang tao. At ginagawa ko to para sa kanya. Para sa relasyon namin. Dahil ayoko syang mawala. Dahil mahal ko sya.
Sinundo ko na nga si Celine pagtapos ng klase. At gusto nya isabay si Carla samin kaya pumayag na ako. Sabi ko nga, gagawin ako ang lahat para makabawi sa kanya. Kasama na din don ang makabawi sa taong nagmamahal sa kanya na alam kong nasasaktan ko sa tuwing nasasaktan ko si Celine.
"Ako na ang bibili sa counter. Dito na lang kayo.!" Sabi ko sa kanila at saka ako umalis para bumili sa counter.
"Wow, is this real? Ikaw na ngayon ang bibili ng pagkain nyo ni Celine.?
Si Zia. She's at my side now.
"Hi babe.!" Sabi nya at kumapit pa sya sa braso ko. Agad kong inalis ang kamay nya dahil baka makita pa sya ni Celine at ano pa ang isipin nya.
"Pwede be Zia tigilan mo na ako. At kung maaari lang,wag mo kong tatawaging babe. Baka marinig ka pa ng iba lalo na ni Celine!"
"And so?? Why? I thought you're not afraid na malaman nila ang nangyari sa--- ahh!!"
Bigla kong syang hinila sa sulok at hinawakan ng mahigpit sa braso. Yun tipong gusto ko ng baliin ang kamay nya.
"Nasasaktan ako Xander ano ba!!?" Nagpupumiglas sya pero hindi ko pa din sya binitawan
"Subukan mong ituloy ang sinasabi mo and swear babaliin ko ang braso mo!" I'm serious!! Hindi ako nagbibiro. Kaya kong gawin ang bagay na yun kahit pa kasuhan nya ako. Wala akong pakialam.
"I'm warning you Zia. Don't you dare to tell to anyone about that coz i swear I'm gonna kill you!" Pero hindi takot ang nakita ko sa mga mata nya. Galit at panghahamon.
"You're mine Xander. Only mine. !" Alam kong hindi sya magpapatalo kaya iniwan ko na sya at kinuha na ang inorder ko sa counter at saka bumalik sa table kung nasan si Celine at Carla. Tiningnan ko si Zia at nakatingin pa din sya sakin habang hawak ang braso nya na mahigpit kong hinawakan. Kahit sa malayo,kita kong galit sya at hinding hindi sya magpapatalo. G*go ka talaga Xander!! Bakit sa Zia pa na yan ikaw pumatol!! Inilagay ko lang ang sarili ko sa bitag. Pero hindi ako magpapatalo sa isang katulad nya. Hindi sa isang babae na kagaya nya.
"Xander? Are you alright?" I looked at Celine na kanina pa pala nakatingin sakin habang kumakain.
"Oh yeah I'm fine." Lintik na Zia !! Xander, hindi ka dapat magpaapekto sa babaeng yun. Hindi isang Zia ang sisira sa inyo ni Celine.
"Wow naman. Xander? For real na ba yan?" biglang tanong ni Carla. Ano bang ibig nyang sabihin?
"What do you mean!?"
"I mean yung pagbabago mo? Nagsasalita ka na ngayon oh. Nakikipagusap ka na sa kanya at kahit sakin." At ngumiti pa sya.
"Yes, for Celine.!" Para kay Celine magbabago ako. Napansin kong napatungo si Celine at parang namula. Ang cute nya.
"Nice naman. So mahal mo na talaga si Celine?"
"Carla ano ka ba!!"
At pinalo ni Celine si Carla sa kamay para patigilin si Carla.
"Oo, i love her. So much.!" At don napatili ng mahina si Carla sa kilig. Parang batang binigyan ng chocolate. At si Celine naman ay nakatingin lang sakin. I smiled at her and then i softly kissed her on her forehead. Bakit hindi sa lips? Co'z Celine is a kind of girl na kailangan irespeto at hindi katulad ng ibang babae that even in public place ay nakikipaghalikan. Iba sya sa lahat. Ibang iba.