Descargar la aplicación
71.42% Color Game "The Bloody Beginning" / Chapter 5: CHARTER 4: THE MYSTERY MAN

Capítulo 5: CHARTER 4: THE MYSTERY MAN

NAGMULAT ng mga mata si Rue na sapo ang kanyang ulo. May maliit na bukol din siyang nakakapa sa kanyang noo.  Bahagya itong kumikirot na sanhi ng kanyang pagkahilo. Idagdag pa ang masakit sa matang liwanag na nagmumula sa tila sumasayaw na ilaw sa kesame.

Sandali siyang muling napapikit at pilit na nilalabanan ang kirot.

Huli na lamang niyang napagtantong nakakulong siya sa isang rehas na gawa sa bakal. Maliit lang iyon na sadyang pang-isang tao lamang.

Napayuko siya at pilit na inalala kung ano ang mga nangyari. Ngunit, bago pa man niya lubusang maalala ang lahat, agad na niyang napansin ang kakaibang kasuotan. Hindi na ang pares ng ripped short jeans at black tube ang suot niya ngayon kundi isang white whole suit na gawa sa silk at leather.  

Hapit iyon na lalong nagpalitaw sa magandang kurba ng kanyang katawan.

Agad na gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. Tumayo siya at tinangkang buksan ang pinto ngunit naka-locked iyon.

"Hello! Hello!" sigaw niya. "May tao ba riyan? Buksan niyo 'tong pinto!" Malakas niyang kinakalampag ang pinto upang may makarinig sa kanya.

Mayamaya pa'y natigagal siya sa kinatatayuan nang mapansin ang kanyang paligid. Hindi lang siya nag-iisa. Inilibot niya ang paningin sa abot ng kanyang tanaw sa loob ng malaking silid na iyon at napagtantong marami silang nakakulong doon. Lahat ay nakalagay sa tig-iisang rehas kagaya niya—paikot sa buong silid ang desenyo niyon.

"W-what the hell is... h-happening here?" anas niya. Ang mga salitang iyon ay tila hangin na lang na lumabas sa kanyang bibig dahil nag-uumpisa na siyang makaramdam ng takot.

Nakita niya ang unti-unting pagtayo ng iba pang mga nakakulong. Malamang ay nagising niya ang mga ito sa ginawa niyang pagsigaw kanina. Pamilyar sa kanya ang karamihan sa kanila.

'Sa party! Tama.' Nasabi niya sa sarili. Doon nga niya nakita ang mga ito.

Napansin din niyang magkakapareho sila ng kasuotan—white whole suit. Naagaw din ang atensyon niya ng dalawang partikular na mukha na naroon. Si Jack at ang babaeng nakaengkwentro niya sa party ni Alicia.

'Anong lugar 'to? Bakit kami narito? Sinong may gawa nito? At ano ang gagawin nila sa amin?' Iyon ang mga katanungang sunod-sunod na pumasok sa isipan ni Rue.

Gulong-gulo siya sa mga nangyayari. Ang huli niyang natatandaan ay may umatake sa kanilang dalawa ng kaibigan niyang si Alvin. Maging ang pagkawala ni Carl, at ngayon nama'y nakakulong sila!

"Natatandaan mo ba kung paano ka napunta rito?" Isang mahinang tinig ng babae ang narinig niya sa katabing selda.

Agad siyang napalingon sa kinaroroonan nito. Nakita niya ang isang babaeng tulalang nakaupo sa sulok at mukhang may iniindang sakit sa katawan. Nangingilid din sa luha ang mga mata nito.

"I… I'm not sure. Ang alam ko lang... may umatake sa'min ng kaibigan ko. Pagkatapos no'n wala na akong ibang maalala," sagot niya. "How about you?"

Ngunit, hindi na nagsalita pa ang babae. Isang mapait na ngiti lamang ang nasilayan niya sa mga labi nito. Tila may labis itong kinatatakutan na parang kahit na ang pagsasalita ay isa ng kasalanan.

"A-ahm, okay lang kung ayaw mong sabihin sa'kin ang… ang nangyari. I know, it was a bad idea to recall it back," agad naman niyang bawi. "By the way, I'm Ruella. You don't have to say your name in response… It's okay. Nagpapakilala lang naman ako." Pilit niyang nilangkapan ng ngiti ang mga salita upang iparamdam sa babae ang prisensya niya't hindi nito kailangang mag-alala at matakot ng husto.

Hindi niya alam kung para nga ba talaga sa babae iyon o sa sarili niya. Dahil maging siya'y nakakaramdam na rin ng pangingilabot sa lugar na ito. At inaamin niyang natatakot na rin siya.

SA KABILANG banda, nagkukumahog na napatayo si Carl nang marinig ang pamilyar na boses—ang boses ng nobyang si Rue. Agad itong lumapit sa pinto at hinanap siya.

"Rue! Rue!" Pilit niyang hinahanap ang nobya sa bawat seldang naroroon. Pagkasabik at pag-aalala ang nararamdamn niya ng mga oras na iyon para kay Rue.

"Carl? Carl!" Hindi niya inasahan na maririnig ang boses ng nobyo sa lugar na iyon. Kaya naman nagkukumahog niyang hinanap ang seldang pinagmumulan ng tinig nito.

"Rue, I'm here!" Hindi naman nalalayo ang selda ni Carl. Katabi lamang iyon ng selda sa kanyang harapan.

Napahinto siya at maluha-luhang napatitig dito. Sa kabila ng kalagayan nila nagpapasalamat pa rin siya sa panginoon dahil walang nangyaring masama sa nobyo at muli niya itong nakita.

"Rue, are you okay?" Bakas din ang pag-aalala sa mukha ni Carl.

"Yeah, I'm okay. Ikaw? Saan ka nagpunta? Bakit bigla ka na lang nawala sa party?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi ito ang tamang panahon para sa interrogation pero gusto niyang malaman dahil sobra talaga siyang nag-alala para rito.

Pinilit alalahanin ni Carl kung ano nga ba talaga ang nangyari ng nagdaang gabi sa party ni Alicia.

Nagpadala siya sa emosyon at sensasyong ipinapadama sa kanya ni Alicia. Dala na rin ng kalasingan kaya hindi na niya nagawa pang pigilan ang babae, maging ang kanyang sarili. Lalaki lamang siya at inaamin niyang katulad ng ibang mga kalalakihan o karamihan sa kanila, ay madaling bumigay sa tawag ng laman.

Dinala siya ni Alicia sa isang kuwarto na malayo sa pinagdarausan ng party. Mapusok ang paghahalikan nila na tila ba sabik na sabik sa isa't isa. Alicia was very wild and hot at that moment. At hindi na siya nito binigyan pa ng pagkakataong magprotesta. Kakaibang sensasyon ang dala ng mga halik nito sa kanya na siguradong kahit na sinong lalaki ay hindi makakatanggi.

Tuluyan na silang naging malaya at inangkin ang isa't isa.

Matapos ang lahat ay bigla na lang nag-iba ang mood ni Alicia at walang anu-ano'y pinusasan siya nito sa kamay at ikinabit iyon sa head board ng kama.

"Hey, what are you doing?" nagtatakang tanong niya. Nagulat siya sa ginawa nito. "Is this some kind of your trick?" Kalmado pa rin siya sa pag-aakalang paglalambing pa rin iyon ng babae.

"Bakit hindi mo tanungin ang taong sinusundan mo ng yapak? I bet, he knows why!" mariing sagot ni Alicia. Seryoso ang mukha nito at matatalim ang titig na ipinupukol sa binata habang nagsusuot ng undies.

Ngayon ay alam na niyang hindi ito parte ng trick ni Alicia. "What are you talkin' about?" kunot-noong tanong niya.

"Don't worry. You'll know soon… But, for now, you have a very important visitor. I'm sorry kung nadatnan ka niya sa ganitong sitwasyon… Alam mo na, ng nakahubo't buhad," natatawang saad nito. Pagkuwa'y inginuso nito ang isang lalaking noon ay lumabas sa isang sekretong pintuan sa loob ng silid na iyon.

Nakasuot ito ng itim na jacket na may malaking hood na nakasuot sa ulo nito, at pulang maskara na may desenyong scratch mark sa gitna ng mukha. May hawak din itong baston dahilan nang katandaan. Sa tantiya niya sa katawan at tindig nito'y nasa mid-fifties pa lamang ito. Ngunit, tila may iniinda itong kapansanan sa kaliwang binti kaya kinailangan ng gumamit ng tungkod.

"Sino ka? Anong kalokohan 'to?" Nawiwirduhan siya sa hitsura't kilos nito.

"Malalaman mo rin kapag nagkaroon ka pa ng pagkakataon," tipid na sagot ng lalaking naka-maskara.

"Hindi ko kayo maintindihan. At wala akong alam sa mga sinasabi niyo! Kaya, puwede ba, pakawalan niyo na ako dito?!" Pilit siyang kumakawala sa pagkakaposas ngunit hindi niya magawa.

"Magnanakaw ang ama mo! Traydor! Ninakaw niya ang dapat na sa akin! Ninakaw niya ang tagumpay na buong buhay kong pinaghirapan! Sinira niya ang mga pangarap ko! Inagaw niya sa akin ang buhay ko!" Nanggagalaiti sa galit ang lalaking nakamaskara. Damang-dama ang puot sa bawat salitang binitawan nito.

"Hindi magnanakaw ang ama ko!" mariin naman niyang tanggi. Ano ba ang alam ng lalaking ito sa kanya ama?

Tumawa nang malakas ang lalaki ngunit, naroon pa rin ang pait na nararamdaman nito.

"Of course! Of course!" Pinakatitigan muna siya nito bago muling nagsalita. "Lahat naniniwala sa kanya dahil akala nila magaling siya!" may gigil sa boses na sabi nito. Pagkuwa'y lumapit ito kay Carl. "At sa akin? Walang naniniwala... dahil isa na akong kawawang talunan! Walang ibang nararapat sa akin kundi ang pangungutya at pagtatawa ng mga tao!" Huminto ito sa pagsasalita at tumayo ng tuwid.

"Pero ngayon, makikita ninyong lahat ang buong katotohanan. Malalaman mo rin kung ano ang ninakaw ng ama mo sa akin! Makikita ninyong lahat!"  may pagbabanta sa boses na sabi nito.

Matapos iyon ay mabilis na nitong nilisan ang silid.

"Thanks sa moment, Baby… ang sarap mo pala sa kama!" mayamaya'y bulong ni Alicia. Para na naman itong higad kung makadikit kay Carl.

''Walang hiya ka! Pakawalan mo 'ko dito! Ano ba?'' inis na sigaw niya.

Ngunit, tanging nakakalokong tawa lang ang isinagot nito sa kanya. Mariin pa nitong muling hinalikan ang kanyang mga labi. Pagkuwa'y naramdaman na lamang niya ang kirot na dulot nang pagbaon ng maliit na karayom sa kanyang braso at unti-unti na siyang nawalan ng malay.

Iyon lamang ang tangi niyang naaalala. Ngunit, hindi niya magawang sabihin sa kanyang nobya ang mga iyon.

...to be continued


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión