Descargar la aplicación
56.33% Broken Trust | Completed / Chapter 40: Chapter 38

Capítulo 40: Chapter 38

Chapter 38: Doubtful Feels to Reject Him

Gabi na ngayon at kasalukuyan pa akong nakatapat sa laptop ko habang nag-gru-group video call kami ng mga kaibigan ko. Masaya akong ibinalita sa kanila ang ginawang pag-amin ni Oliver sa akin. Sa kanila kong unang sinabi iyon dahil mga kaibigan ko naman sila.

"Okay," Kumunot ang noo ko nang sabihin ni Jess iyon pagkatapos kong magkuwento.

"Nakakagulat naman," Claire's reponsed in sarcastic tone.

"Ba't kayo ganiyan? Hindi manlang kayo magugulat? Kikiligin?" Unlike before, everytime na nagkukuwento ako sa kanila, they are too exaggerated to it. Pero bakit ngayon? Ganiyan ang reactions nila?

"Halata naman na gusto ka niya talaga, so we will not be surprised anymore," Sabi ni Jess.

"Paanong halata?"

"Bes, maganda ka sana kaso insensitive ka."

"Huh?"

"Let's try to figure out it why," Paninimula niya. "Hindi ba halata na gusto ka niya sa simpleng lagi kayong magkasama?"

"Slave niya naman ako noon. Kaya literal na lagi kaming magkasama."

"Tumpak. Ginawa kang alipin para lagi ka niyang kasama. Gosh. So slow, Jamilla. Duh," Saad ni Claire. Napaisip ako bigla, tama nga ba 'yong sinabi niya? Pero kahit hindi niya naman na akong slave ngayon ay palagi pa rin naman kaming magkasama. Ginamit ba ni Oliver 'yong paraan na iyon para mas lalo akong mapalapit sa kanya? Gosh. Ang slow mo nga, Jamilla.

"And at the same time, hatid-sundo ka niya palagi. Take note, your one week being slave on him has been over but he still make it routine to you everyday. Doon palang ay motibo na 'yon na gusto ka niya talaga."

"And this is the one thing that we've also noticed. Selos na selos siya everytime na napapalapit ka kay Prince at sa secret admirer mo. Halata mo na naman siguro iyon, 'di ba?"

"Oo naman. Pero tinanong ko naman siya, eh. At ang sabi niya'y oo pero biro lang daw. Ang gulo niya," Napasimangot ako. Kinuha ko ang unan na malapit sa akin at ipinatong ito sa magkabila kong hita para yumuko rito.

"Hay, naku!"

"So, kayo na ba?" Tinunghay ko agad ang ulo ko at gulat na tumingin sa kanila.

"Hindi pa," Napaisip ako bigla. Minsan na kapag may ginagawang hindi ko nagustuhan si Oliver, I've always keep telling to myself that I wouldn't fall in love with him but what happened? Why my words is now gradually missing and revoke it? Gosh. Nahuhulog na yata ako.

"E di, may chance si Oliver? Hindi kasi halata sa iyo na gusto mo siya," Sabi ni Jess.

"Gaga, hindi mo naalala 'yong inamin ni Jamilla no'ng nasa Laguna tayo? 'Yong pinagtripan natin silang dalawa ni Oliver? Inamin niyang kinilig daw siya doon nang slight lang, doon pa lang ay siguradong may chance na si Bebe Oliver," Gosh. Bakit naalala pa niya iyon sinabi ko? Limot ko na nga iyon, eh.

"Ay, oo nga pala!" Nanlaki ang mga mata niya na dulot sa pagkaalala niya rin."But let's go back to my question. May chance ba siya?"

"Oo nam-" Naputol ang isasagot ko nang sabay silang umirit nang malakas.

"Ayie! Dito kami kikiligin, Jamilla. Haha." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti dahil sa sinabi ni Jess.

"Kaso gusto kong patunayan niya muna na gusto niya talaga ako bago siyang sagutin," Biglang sabat ko.

"Nanliligaw na ba?" Natigilan ako sa tinanong ni Claire sa akin.

"Wala siyang nabanggit," Malungkot kong sabi. Ang lakas kong sabihin 'yong word na 'bago ko siyang sagutin' pero wala pa namang kasiguraduhan na nanliligaw na ba siya. Inalala ko 'yong pag-uusap naming dalawa ni Oliver kanina pero wala talaga akong maalala na may sinabi siyang liligawan niya ako.

"Nasa modern generation na tayo, Claire and Jamilla. So that, hindi na kailangan sabihin pa ni Oliver na liligawan niya si Jamilla because he will just do it through his act. Ganoon na ang mga lalaki ngayon," Sabat naman ni Jess. Napaisip ako bigla. May point din naman siya sa sinabi niya.

"Sabagay..."

Natahimik kami nang ilan sandali ngunit binasag ito ni Jess.

"May kuwento rin ako, Girls," Biglang sabi ni Jess. Hindi na kami nagsalita pa ni Claire at hinintay kung anong ikukuwento niya. "Si Rico," Panimula niya.

Kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ni Rico. Anong kalokohan na naman ginawa ng lalaki na iyon? Parang kinukulit si Jess. "Why?"

"Tinadtad ako ng chat kahapon at kaninang umaga. Ang daming tanong na parang akala mo'y magjowa kami. Nakakainis," Buladas niya.

"Nagrereply ka?"

"Hindi nga, eh."

"Replyan mo!" Sabay naming sabi ni Claire kaya tumawa kaming pareho.

"Ayaw ko nga. Baka hindi tumigil, mas mabuti nang huwag na lang."

"Jess, lovelife mo na iyong nakasalalay rito. Bahala ka."

"Nah. I don't need that."

"Sabagay, ikaw pa naman malaglagan ng mangga sa ulo. Haha."

"Gosh. Tumigil ka nga," Inasar ko lang siya nang inasar hanggang magyaya si Claire na matulog na.

"Inaantok na ako, may pasok pa bukas," Saad ni Claire.

"Me, too," Tugon din ni Jess habang humihikab na.

"Sige na nga. Tulog na tayo. Kita-kits na lang bukas."

"Bye, Jamilla. Sleep well pero mukhang hindi mo kayang matulog dahil alam kong mapupuyat ka at kikiligin ka pa. Haha."

"Matutulog ako, 'no," Depensa ko.

"Bye. Pustahan ang laki ng eyebags niyan ni Jamilla bukas," Pang-aasar naman sa akin ni Jess. Gosh. Gumaganti ang loka.

"Hindi, ah." Tumawa muna sila kaya sumabat na ulit ako para ma-end ko na 'yong video call. "Sige na nga, end ko na nga ito. Pinagtitripan niyo na naman ako, eh," Hindi ko na silang hinintay na magsalita pa dahil i-end ko na agad iyon para matapos na.

Inilagay ko na iyong laptop sa ibabaw ng table na tabi ng kama ko, bago bunutin 'yong chinarge kong phone kanina. I will just check my phone if I received some messages coming from Oliver. 4 messages ang natanggap ko mula sa kanya at 5 messages naman galing kay Rence. Naka-silent kasi 'yong phone ko kanina kaya hindi ko manlang namamalayan na may nag-te-text na pala sa akin.

Inuna kong basahin 'yong message ni Rence.

Rence:

Good Morning.

Time: 6:34 AM

Rence:

Kumain ka na, ha.

Time: 11:45 AM

Rence:

Busy siguro ito kaya hindi nag-rereply pero okay lang, basta ikaw.

Time: 4:12 PM

Rence:

Magandang hapon sa iyo! Alam mo tinititigan kita kanina, sobrang ganda mo sa malayuan at lalo na sa malapitan.

Time: 5:06 PM

Rence:

Good evening. Kumain ka na ba? O tulog ka na? Alam kong pagod ka.

Time: 8:27 PM

Nagdadalawang-isip pa ako kung rereplyan ko pa ba siya o huwag na. Alam ko sa sarili ko na sa unang pag-te-text pa lang namin ay gusto ako ng tao na 'to. Kaso hindi ko siya kilala. Kailan ba siya magpapakita?

Bumuntong-hininga ako at iniisip kung i-rereject ko na ba siya o huwag muna? Dahil sa katunayan, huli na siya sa laban, nauuna na si Oliver.

Rence is down to earth person. Oo, I know he's caring, he's sweet, he's always there when I need someone to talk to and actually, I can define him as a boyfriend material. Pero hindi pa iyan sapat para gustuhin ko siya katulad ng nais niya. Bakit kasi ayaw niya pang magpakita? Kung ganiyan siya, walang-wala siyang pag-asa para sa akin. Iyon ang pagiging disadvantage ng pagiging secret admirer niya sa akin.

Ayaw kong nang patagalin ito at kung masasaktan man siya, then okay lang iyon. Wala akong magagawa, ayaw ko nang patagalin pa ito kung wala rin naman patutunguhan.

Jamilla:

Huwag mo na akong i-message. Itigil mo na iyan. Pasensiya na. But thank you, thank you for eveything that you've given to me, most especially for your love. Kaso sorry kasi hindi ko kayang suklian iyan pagmamahal na ibinibigay mo. I know you'll find someone that more better than me. :<

Time: 9:02 PM

Jamilla:

Walang ilangan kapag makikita mo ako, ha? Please.

Time: 9:03 PM

Kinakabahan ako kung anong maaari niyang i-reply. Gosh. Sana walang conflict na mangyayari. Habang naghihintay ako ng message niya ay napagdesisyonan kong tingnan 'yong message naman ni Oliver sa akin.

Oliver:

Huy, ingat ka. Baka maaksidente ka. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo.

Time: 6:57 PM

Oliver:

Nakauwi ka na ba? Nag-aalala ako.

Time: 7:00 PM

Oliver:

Hey! Mag-reply ka. Nakakain ka na ba? Nakauwi ka na ba? I hope so. Plesase, do response.

Time: 7:56 PM

Oliver:

Tulog ka na nga siguro. Sleep well. Tutulog na rin ako.

Time: 8:39 PM

Napangiti ako nang mabasa ko 'yong message niya.

Jamilla:

Oo. Nakauwi't nakakain na ako. Sorry late reply. Nag-charge pa ako ng phone. Hehe.

Time: 9:05 PM

Hindi na ako mag-eexpect na mag-rereply pa siya dahil katulad ng sabi niya ay tutulog na raw siya. Baka tulog na siya sa mga oras na ito.

Papatayin ko na sana 'yong phone ko para matulog na rin ngunit bigla akong naka-receive ng message galing kay Rence. Kinakabahan kong binuksan 'yong inbox namin. Gosh. This is my first time to reject someone dahil sa may nagugustuhan akong iba, at sa text pa.

Rence:

Okay lang. Tanggap ko. Alam ko naman na sa una pa lang ay talo na ako. Okay lang, okay lang talaga. Masaya ako para sa iyo, para sa inyo. Pero kapag sinaktan ka niya, hahabol ako. Ipaglalaban kita. Pero kapag hindi, okay lang din. Ikaw ang kasiyahan ko na hindi ako ang kasiyahan mo. Hayaan mo, titigil na ako.

Time: 9:08 PM

Ramdam ko 'yong sakit sa reply niya kahit sinasabi niyang okay lang siya. Hays.

Hindi ko na siya ni-replyan pa dahil ayaw ko nang mag-create pa ng another arguement dahil alam kong mapapahaba pa iyon na where in baka mas lalo pa siyang masaktan. Inilagay ko na 'yong phone ko sa tabi ng kama ko at nahiga na sa kama.

Ang hirap mag-reject ng isang tao. Ang sakit makasakit.

Sa isang laban para sa minimithi, may matatalo at may mananalo. May susuko at may lalaban. But in my case, may sumaya at may malulungkot.

Sorry talaga, Rence.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C40
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión