Descargar la aplicación
100% BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE) / Chapter 41: EPILOGUE

Capítulo 41: EPILOGUE

Spencer Pascual POV 🐼

"Nahanap mo siya?" Tanong ni Ginang Mervie sa anak na naka upo sa swivel chair na nakatutok sa screen ng kaniyang laptop.

"It's too late mom. Wala na siya sa province. Sabi ng source, lumayas daw dahil hindi kinaya ang hirap ng buhay..." saad ng binata habang sinasalat ang bibig ng wineglass.

Tila gulat ang ginang sa narinig. Bakas sa kaniyang mukha ang pagka habag sa sinapit ng dalaga.

"Nag hirap ang pamilya Amorine? Nakakalungkot na balita hijo..." Usal ng Ginang bago naupo sa sofa ng opisina ng anak.

"Kung sana hindi ako nahuli. Sana hindi ganito ang mangyayari!" Gigil na sabi ng binata.

"Nasaan kaya si Natasha? Makikilala pa kaya niya tayo?" Tanong ng ginang.

"I don't think so. Lalo ka na Mom. After mo mag undergo sa surgery because of car accident, I don't think makikilala ka niya. The way you talk and--it's different..."

"Sir may naghahanap sa inyo si Hio Buenaventura raw?" Saad ng sekretarya ng binata.

"Papasukin mo."

"Good evening Sir."

"Ikaw ang agent na pinadala dito ni Vince Vegas?"

"Yes Sir. Wednesday duty po ako. Maasahan niyo ho kami ng female buddy ko na si Joah."

"Good. May infornation ka na ba?" Tanong ng binata sa secret agent.

"Yes sir. Base sa source, spotted ang Clue na sumakay ng bus terminal papuntang Maynila."

Tila nabuhayan ng pag-asa ang binata sa narinig. Isinara ang laptop saka pinatapos ang paliwanag ng secret agent.

"Nasundan ba ang Clue?" Tanong ng binata.

"Yes Sir. Clue spotted five thirty this afternoon. Sa Mariago resort..."

Agad kinuha ni Spencer Pascual Vahrmaux ang phone sa bulsa.

"Mario? May pupuntahan tayo. Paki handa ang Van." Utos ng binata saka dali daling tumayo.

Isinuot ang shades at humalik sa kaniyang ina bago lumabas ng opisina.

"Mag iingat ka Son." Usal ng Ginang.

"Yes mom."

"Tacco? Just make sure na walang mintis." Saad ni Spencer.

Bumukas ang elevator. Isang babaeng ang nagmamadaling pumasok sa elevator. Ngunit bigla siyang pinigilan ng dalawang lalaki. Sumisigaw ng saklolo ang babae na siyang nag bigay bagabag kay Spencer. Halos mapipi ang binata nang makita ang kanang braso ng babae na mayroong pamilyar na pilat.

"Natasha!" Hiyaw nito ngunit bigla naman nag sara ang elevator.

"Fuck! She's here!" Usal ng binata. "Balikan natin siya!" Utos ni Spencer.

Incoming call from Hio...

"Sir nasa hallway ang Clue. Sa private room ng isang Governor." Saad ni Hio na kasalukuyang nasa Operator room para imonitor ang Clue (Natasha).

Ended call.

Spencer P. Vahrmaux

"I found her mom. I saved her from monsters!" Text message-

"I am so proud of you Spencer." Mervie-

Ayaw kitang mag hirap ash. Kaya ngayon pa lang gagawa na ako ng paraan para isalba ka. I told you hahanapin kita.

Nag sublin akon Natasha. Ajay pangako ko kanyam kita tinupad kon sapulin ka... (Ilocano)

"Nag-balik ako Natasha. Tinupad ko ang aking pangako na hanapin ka... "

Sambit ko habang pinagmamasdan siyang matulog.

Nag balik ako hindi para maging alipin mo. Nag balik ako para buksan ang puso mo sa akin. Old Spencer is gone. I am Spencer Vahrmaux now. I don't wanna be a slave. I want to be your man.

Hindi na ako kailanman luluhod bilang isang alipin na nag kasala sa iyo. Dahil pinangako ko sa sarili ko na sa huling pagkakataon na luluhod ako, ay siyang tamang panahon habang isinusuot ko sa iyo itong singsing... sana lang ay magkasya...

🐼🐼🐼

Araw ng dumalaw si Mommy Mervie sa bahay kung saan naabutan niya kami ni Natasha sa bathroom na magkasama.

Hindi ko makakalimutan yung itsura ni Natasha na sobrang hiya dahil sa sinabi ko kay Mom na kakatapos lang namin.

Habang hinihintay namin si Ash, nag usap kami ni Mom sa kusina habang pumapapak ng home-made sumpia.

"Paano si Trixie?"

"Si Natasha ang mahal ko mom..."

"Sana ay matanggap siya ng dad mo."

"Sana nga makita rin ni dad ang katangian na minahal ko kay Natasha mom..."

"Kaya mo ba siyang Ipaglaban sa Dad mo?"

"Sana mom. Sana."

🌹

Araw kung saan nagkaroon ng Dinner sa Demetrix Resort. Siyang araw ng kakabalik lamang namin galing CEBU.

"Is she your girlfriend?" Tanong ni dad noong habulin niya palabas ang kaniyang parents.

"She's my everything Dad. I can't imagined my future without her." Pag tatapat ko sa harap ni Tita kasandra.

"What about my daughter?" Galit na tanong ni Tita kasandra.

"Trixie is just a friend of mine. Tita."

"You have to marry her! Generoso, this cannot be! Tenemos an acuerdo Gener!" Saad niya saka binuntungan ng kamao ang mesa.

"Spencer! Naghihirap lang siya kaya ka niya gusto! Nabubulag ka lang!" Saad ni Tita kasandra.

"Handa akong bumitiw sa posisyon as CEO. Sanay ako sa hirap. Kaya kong mag bungkal ng lupa. Mag tanim ng kamote at mangisda sa araw-araw kung kapalit naman non ay ang makasama ko ang babaeng Mahal ko. Sigurado akong sa kabila ng pag hihirap ko, hindi siya mag sisisi na ako ang pinili niya." Saad ko habang diretsyong naka tingin kay kasandra.

"Ikaw Tita. Ipapakasal mo pa rin ba sa akin ang anak mong may malaking pangalan sa industriya ng karera niya? Kahit pa walang wala na ako? Pera, lupa o bahay man lang? I can't marry her. I will marry a woman whom I loved wholeheartedly Dad. Submissive with a pure heart. What is marriage without love?"

Matapos ko iyong sabihin...

Naabutan ko naman ang masasakit na salitang sinabi sa akin ni Natasha kay Trixie. Pero alam ko na dala lamang ng galit iyon. Kaya minabuti ko siyang pauwiin pero mali ang interpretasyon niya.

Natulog siya sa bahay ni Tyrone. Desisyon na bumago sa takbo ng aming buhay.

Bumalik nga ako pero siya naman ang kailangan umalis. Handang mag sakripisyo para sa aking anak.

Ayoko na siyang mahirapan pa kaya naman pumayag ako sa gusto niya. Siguro ay hindi pa talaga tama ang pagkakataon para sa amin.

Pag labas ko ng building ng condo ni Ash, bumangga ako sa lalaking hindi ko inaasahan.

"Ikaw?" Gulat kong sabi.

"Where is Ash?" Natatranta niyang tanong.

"She's gone." Sambit ko.

"I'm sorry! Ngayon ko lang nalaman! You have to know the truth! Something happened between Trixie and I. Sa Cebu! I saw her crying! While watching you two on the beach! Spencer there's a possibility na ako ang Ama! Nawala na sa akin noon ang mag ina ko dahil sa akin! Huwag naman na sana maulit! Natasha is suffering I know! Please call her now!"

"Tyrone! Bakit ngayon lang---?"

The number you have dialed is not yet in service or out of coverage area. Please try again later..

Lumipas ang oras, araw, linggo at buwan na paghahanap ko kay Natasha pero bigo akong makita pa siyang muli...

After one year...

--------------------------------------------------------------------

BOOK II is NOW OPEN CHARM'S ANGEL ♥

Follow me on fb @ Charm Demetrix ☺

TMS BOOK II CHAPTER 3 (PAG TATAGPO)

"Anong name ng Artist?" Tanong ni Spencer.

"Nasa mismong painting ang pangalan niya..."

"Abo? Ash? Right! Abo in english is Ash." Dinig kong sambit ni Spencer. Tumango naman ang babaeng kausap niya.

"What about this one?" Turo niya sa pangatlong painting. "Tree of Promise"

"It's all about, memories. Na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ng batang babae sa larawan. Kasing higpit na lamang ng hawak niya sa eroplanong papel. Sa pag lipas ng panahon, unti-unti ng namamaalam ang puno pero hindi ang mga alaala na habang buhay siyang ikinulong. Mga pangako na walang kasiguruhan kung matutupad pa ba pero nananatili pa rin siyang nag hihintay."

"Bakit tila hindi tapos ang pinta? Napansin ko lang kasi yung saranggola sa likod ng babae. May tali pero walang may hawak?.." takang tanong ni Spencer habang naka titig sa babae.

"Tsaka paano mo alam ang lahat ng ito?" Tanong niyang muli. Napahawak ang babae sa suot niyang earbuds habang sinisipat ang tinutukoy ni Spencer.

Mabilis na sinalpak ni Spencer ang earbuds sa kaniyang tainga. Medyo nagulat ako dahil sa ginawa niya. Pero ipinag patuloy ko pa rin ang pag sasalita.

"The reason why, is because the girl had thought that his man never came back for her. Pero bumalik ka. At iniwan kita..."

"Ash..." Sambit niya habang palinga-linga sa paligid.

Sumandal ako sa division para hindi niya ako makita.

"Hindi tapos ang Obra na iyan because you are the missing piece. Spencer Pascual Vahrmaux..." Sambit ko saka siya sinilip.

Inalis niya ang earbuds. Sinisigaw ang aking pangalan, nang makahanap ako ng tamang timing, mabilis akong tumakbo palabas ng exhibit. Sakto naman at huminto ang kotse ni Miss Ramos sa aking tapat.

-ENJOY- ♥


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C41
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión