Descargar la aplicación
10.71% Bintang (Accused) / Chapter 3: X Mark The Spot

Capítulo 3: X Mark The Spot

( Recommended song while reading this chapter- The Guilottine by Khoma)

Wala ng namutawi pang salita sa kanya simula ng mapapayag niya ang babae sa gusto. Ang mga sumunod niyang hakbang ay naging mabilis at marahas. Agad niyang tinakpan ang bibig nito ng duck tape. Magmula sa kanang cheekbones pababa sa may kaliwang panga. Gayundin naman, magmula sa kaliwang cheekbones papunta sa kanang panga ang isa pa. Tila naka X mark na packaging tape ang ngayo'y nagkukubli sa bibig ng babae. Tiningnan niya ito sa mata. Wala siyang nababanaag na takot. Waring lubusan niyang nakuha ang tiwala nito. Napaniwala na tanging isang pagtupad lamang sa kaniyang pantasya ang kanilang gagawin. Lingid sa kaalaman nito ay mas masahol pa roon ang kaniyang gagawin.

Iginiya niya sa kama ang babae. Inalalayan niya itong sumampa at saka ipinosisyon ng nakatuwad habang ang mga nakataling kamay ang nagsisilbing tukod nito sa ibabaw ng kama. Normal na ang ganitong posisyon ng pagtatalik sa kanila sapagkat ginagawa na naman nila ito noon kayat wala itong pagtanggi sa kaniyang nais.

"Wait,… lets play some music on the background…"

He connected his cellphone on the bluetooth enable speaker inside the room. Then the music 'Guilottin' plays as he approaches her. He turned the volume high so that no other sound can be heard inside and outside the room. Ang alindog na kanyang nalikha sa mahigit isang taong pag-tratrain sa babae ay talaga namang kapuna-puna. Ang hubog ng katawan nitong nag-aanyaya ay mahirap tanggihan ng isang lalaki. Ang kaniyang pagkalalaki ay tila nais nang magwala at tuluyan ng sakupin ang pagkababae nito. Hindi maitatanging arouse na arouse na siya sa hitsura nito ngayon subalit mas nananaig ang galit na nakakintal sa kanyang puso. Ang poot sa kanyang dibdib ay isang bulkang sasabog.

'It's now or never,..' bulong niya sa sarili.

Naging marahas na ang mga sumunod na tagpo. Habang nasa likod ng babae ay buong pwersa niyang hinila ang buhok nito pababa na halos ikabali na ng leeg nito. Nagulat ito sa kanyang ginawa kayat tinangka nitong lingunin siya ngunit hindi niya ito binigyan ng pagkakataon. Samantalang nakasabunot ang isa niyang kamay ay madiing nakasakal naman ang isa sa leeg nito. Mula sa pagkakatuwad ay awtomatikong napaluhod ang babae sa kama habang siya naman ay nananatili sa likuran nito. Dinaganan ng kaniyang mga tuhod ang magkabila nitong nakatuping mga binti. Bakas na ang pagkalito sa mukha nito. Nais man nitong magsalita ay hindi na nito magagawa kung kayat tanging mahihinang ungol lamang ang kumakawala sa bibig nito.

"Sam, you told me I'm harsh, right? Well let me show you what being harsh is all about…"

Ngayo'y panay na ang palag nito sa kanya. Pilit itong kumakawala sa pagkakasakal ngunit hindi nito kayang tumbasan ang lakas na nagmumula sa kanya. Dagli niyang pinakawalan ang leeg nito upang damputin ang straight razor sa kama. Nang mapansin ito ng babae ay mas tumindi ang paglalayon nitong makaalpas ngunit sadyang daig siya ng lakas ng lalaki. Sunod-sunod ang ginawa nitong pag-ungol na hindi naman niya pinapansin. Itinutok niya sa leeg nito ang patalim.

"Ohh, Sam, you were blinded by love,.. or should I say…, by lust!"

Mga pag-iyak at pagluha ang naging tugon sa kanya nito. Wari itong nagmamakaawa sa kanya bagaman hindi ito makaimik. Marahil nga sa kalagayan nito ngayon ay abot- abot ang panalangin nitong itigil na niya ang ginagawa.

"I want you to beg for your life, Sam…" tila wala sa sariling bulong niya sa tenga nito. "Magmakaawa ka sa akin, sige, magmakaawa ka sa akin!"

Halos mabingi ito sa sigaw niya. Tanging pagtangis ang naisagot nito sa kanya. Bakas na rin ang panghihina nito na tila nauubusan na ng lakas sa pagsusumikap na mapalaya ang sarili mula sa kanya.

"Pare- pareho kayong mga babae, kapag hindi kayo pinapatulan, marami kayong satsat, madami kayong sinasabi! Ano, imik! Umimik ka!"

Bahagya ng lumapat ang labaha sa leeg nito. Dala marahil ng biglang pagkakahiwa ay lalong nagpupumiglas ito. Tila mas malakas ang pinakawalan nitong pwersa kumpara kanina kung kayat mas dinoble naman niya ang lakas upang ganap itong magapi.

Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Para bang wala siyang naririnig sa kaniyang paligid bagaman ang impit na iyak ng babaeng nakatakip ang mga bibig ay patuloy at tila walang patid. Tanging mga boses ng kung sinu- sinong babae ang waring bumubulong sa kanya.

"Isusumbong kita sa nanay mo,,,"

"Buwisit kang bata ka,perwisyo kang talaga!"

` "Hindi po ako, si Benjie po, siya po ang gumawa."

"Talagang wala ka ng ginawang matino ano, Benjie?!"

" Siya po si Benjie po, siya po,… siya po…!"

Tila naglalabu- labo ang mga tinig sa kaniyang ulo. Napapikit ng todo si Benjie. Nagngangalit ang kaniyang mga bagang. Ang galit na kanina pa gustong kumawala sa kaniya ngayo'y tuluyan na niyang pinawalan.

"Ughhh!" biglang sigaw niya.

Kasabay nito ay ang pag- igkas ng kanyang braso. Tanda ng tuluyang paggilit sa leeg ng babae. Ibinaon niya ng malalim ang matalas na talim ng labaha. Lalim na sapat upang bumaon at malagot ang arterial carotid nito. Sumirit ang dugo sa iba't- ibang parte ng kama. Sa headboard, bed sheet, kumot at sa mga unan habang ang nagilitan naman ay tila manok na nangingisay- ngisay. Bulwak ang dugong dumaloy paibaba sa katawan nito. Maya-maya pa'y tila tuluyan na itong nawalan ng malay kung kayat tumigil na ito sa pagkibo. Nang matiyak niyang wala ng hininga ang babae ay saka niya lamang ito pinawalan at hinayaang matumbang nakadapa sa kama.

Para bang walang anuman na tinungo niya ang banyo. Hinugasan ang labaha at kamay sa gripong may sensory system. Pagkalabas ay agad siyang nagbihis ng mga bagong damit sa loob ng kaniyang back pack kabilang na ang isang itim na hoodie at isang pares ng hand gloves. Isinilid niya sa bag ang mga damit na kanina'y suot gayundin ang natirang packaging tape at labaha. Ilang saglit pa ay binuklat niya ang gamit ng babae sa bag nito saka kinuha ang cellphone sa loob. Wala ng pinatagal na sandali at madali siyang lumabas sa pinto ng kuwarto. Iniwan niya ang key card sa loob habang ang mga hand gloves na suot ay agad na rin niyang isinilid sa bulsa ng pantalong suot.

"Sir, check- out na po ba?"tanong ng receptionist sa kanyang pagdaan sa lobby.

"No,.. I just have to buy something,.." sagot niyang nakangiti sa babae.

Tumango naman ito sa kanya at hindi na nag-usisa pa.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa tuluyang malisan ang motel. Hindi siya kababakasan ng anumang panghihinayang o pagsisisi sa ginawa. Dahil sa totoo lang, kakaiba ang ibinibigay nitong fulfillment sa kanya. Tila may isang bagay sa kaniyang pagkatao ang napupunan sa kanyang bawat pagkitil ng buhay. Tila nagkakaroon siya ng katuwiran sa mga ganitong uri ng pagpaslang sa naging buhay niya noon. Na masasabi niya sa kaniyang sarili na hindi siya mahina, talunan o api. Sa kada pagtali niya ng mga kamay ay pakiramdam niya'y nakakaganti sa mga taong nanduduro sa kaniya noon. Gayundin naman sa kada pagtakip niya ng bibig ay tila nawawala ang mga tinig ng pagsasakdal na umaalingawngaw sa kaniyang tenga. At sa bawat paggilit niya ng leeg ay napapawing lahat ang mga tinamong sugat, latay at iniwang pilat sa kaniyang katawan at pagkatao mula sa malupit na ina.

Wala pang isang oras sa kaniyang paglalakad mula sa motel ay narating din niya ang kahabaan ng Roxas Blvd. Nang marating ang lugar ay ipinasya niyang lakdangan ang nagsisilbing barrier nito saka naglakad sa baybay ng dagat.Tuloy- tuloy niyang nilusong ang maduming karagatan. Di alintana ang mga basurang sumasalubong sa kanya sa bawat paghampas ng alon. Nang halos basa na ang kalahati ng kanyang katawan ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Lampas ng hating- gabi kung kayat halos wala ng makikitang tao sa paligid niya. Kaniyang inilabas ang kinuhang cellphone ng babae mula sa kaniyang backpack at saka malakas itong inihagis sa gitna ng karagatan.

"Ooops, I drop it,.." mahina niyang imik habang napapangisi.

____________o O o __________________

'The same mark…, same way of killing…, and again a female.'

Titig na titig ni Francis sa mga litratong kuha sa crime scene sa isang motel. Isang biyernes ng umaga noon at kasalukuyan siyang nagkakape sa Station 5 ng Manila Police District. Hindi pa siya nakakakukuha ng magandang tulog simula ng rumesponde sa lugar ng insidente noong miyerkules ng gabi. Kahalintulad sa isa pang motel sa Maynila noon, ganitong- ganito rin ang hitsura ng biktima. Hubad na nakadapa sa kama, nakatali ang mga kamay ng isang uri ng zip tie, may tila X mark na duck tape ang tumatakip sa bibig at may malalim na gilit sa leeg. Bagaman, maaga pa para sa ginagawa niyang imbestigasyon na bumuo ng isang konklusyon, naniniwala siyang may posibilidad na isa lamang ang suspect sa mga naturang krimen. Sa ngayon isa lamang ang kaniyang nasisiguro, 'may o may mga' serial killer na nambibiktima ng mga babae. Lubhang napakadekilado nito, naisip niya. Hindi niya maiwasang mangamba lalo pa at mayroon din siyang nakababatang kapatid na babae. Isa pa'y mayroon siyang babaeng napupusuan. Sa pagkakasagi sa isipan ay agad nitong hinawakan ang kanyang cellphone at sinimulang tawagan ang nililigawan.

"Hi,.." pagbati niya ng sagutin na ang tawag. "Am I not interrupting you of something..?"

He said that just to be polite but he really wanted to hear her voice and talk to her. Medyo nami- miss na rin naman niya ang babae sapagkat bihirang- bihira naman talaga silang magkita ni magkausap dahil pareho silang mga abala sa kani- kanilang trabaho.

"No, not really,.." sagot nito. "I'm actually having a break,.."

Medyo natuwa naman siya sa sinabi ng nasa linya. Kapag kasi abala itong masyado ay napipilitan na lamang siyang idaan sa text ang pag-aaya ditong lumabas na kadalasan ay dini-decline naman nito ang kanyang mga imbitasyon. Ngayon ay alam niyang mahihiya itong tumanggi habang kausap siya nito.

"I ahh, I wonder if we can go out tomorrow night? I mean, if, if it's okay with you,.."

"Uhmmm… okay,"

Ikinatuwa niya ang sagot nito.

"But only for an hour, okay? Ang dami ko kasing area na iau-audit bukas tapos malalayo pa…"

Hindi siya agad nakasagot. 'Isang oras? Seryoso ba siya!' Nasabi niya sa sarili.

"…kaya mga gabi na rin ako matatapos 'nun…" dagdag nito. "Hello..?"

"Ahh, yes I'm still here,.." dagli niyang sagot. "Okay, no problem,…"

" Pasensya na. Talagang busy lang,.."

"Nah, it's okay, I know how you value your job.."

"Okay. I'll see you tomorrow, bye."

Iyon lang at natapos na ang kanilang pag-uusap. Ni hindi niya naitanong kung saan at anong oras sila magtatagpo. Marahil hindi rin nito masabi kung anong oras ito matatapos sa pag-aaudit at sa kung saang outlet matatapos kaya hindi nagbigay ng oras at lugar ang babae, pagkumbinsi niya sa sarili. Siguro mag-tetext na lang ito sa kanya. Isang taon na niya itong sinusuyo at hanggang ngayon nga'y hindi pa rin niya nakukuha ang matamis nitong oo. Masuwerte na nga kung magkita sila ng isang beses sa isang buwan bungsod ng kanilang mga busy schedules. Gayunpaman, wala siyang balak na tumigil sa panunuyo sa dalaga.

Kaklase niya ito noong high school na naging kaibigan na rin at simula pa noon ay talagang may gusto na siya rito. Nang magkaroon na siya ng matatag na trabaho ay saka siya nagkalakas ng loob na ligawan ito. Ayaw niya kasing may masabi ang mga magulang nito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa mga ito na kaya niyang buhayin ang babae at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang magiging pamilya. Kumpiyansa siyang kaunting tiyaga na lamang at makukuha rin niya ang loob nito at mapapasagot ito ng tuluyan.

"Sergeant, nareview mo na ba ang CCTV Footage ng motel?"

Napukaw ang kanyang pagmumuni- muni sa pagdating ng kaniyang kapwa pulis sa cubicle niya.

"Oo, kahapon pa, pero walang anumang clue na maaaring makatulong upang ma-identify ang suspect." sagot niya.

"Tama ka."

"Halos hindi makita ang mukha nito dahil nakasuot ng baseball cap." pagpapatuloy niya. "Nang lumabas naman, naka black hoodie na,.."

Nagkatinginan sila ng kausap na para bang parehong walang mai- komento sa pinag-uusapang kuha ng CCTV.

Napaisip siya. Ngayon pa lamang siya makahahawak ng kasong katulad nito kung saan ay unidentified ang suspect. Isang malaking hamon kung papaano niya mareresolba ang kaso ngunit isa lang ang alam niya, there's no such thing as perfect crime…


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión