Kapwa sila napalingon sa pinanggagalingan ng tinig. Habang mahigpit pa ring kinakapitan ni Benjie si Joyce at nakatutok ang balisong na hawak nito sa bandang leeg ng babae. Isang naka- sibilyang nilalang ang kasalukuyang nakaharap sa kanila na may hawak na 9mm pistol. Nang mapagsino ni Joyce ang lalaking biglang bumulwag sa roof top ay saka niya napagtantong ang kaibigang si Francis pala ang nagmamay- ari ng awtoritibong boses.
"Benjie, wala ka ng pupuntahan. You'll never get away with this." sabi ni Francis habang unti- unting lumalapit sa kinaroroonan nila. "The police are on the run now. Hindi man ako ang makadisgrasya sa iyo, siguradong isa sa mga kasama ko ang tutumba sa'yo sa isang maling galaw mo..."
Namutawi ang nakakalokong ngisi sa kausap nito.
"Kaya kung ako sa'yo. Pakawalan mo si Joyce at sumuko ka na lang ng maayos. Para hindi na madagdagan pa ang mga kasong kakaharapin mo!"
"Sinong niloko mo, akala mo maniniwala ako sa'yo. Alam ko may shoot to kill order na ko. Pero bago mangyari yan, hayaan mong makaganti muna ako sa babaeng 'to, malaki ang atraso nito sa 'kin eh..."
Mas tinodo nito ang pagkakahawak kay Joyce. They seem to be in a hostage taking scene. Francis don't know what the hostage taker will do next so he decided to lay low. Ibinaba niya ang nakatutok na baril kay Benjie. Ang may mangyaring masama kay Joyce ang isang bagay na hinding- hindi niya mapapayagan.
"Teka, teka Benjie, patung- patong na ang kasong kinakaharap mo sa ngayon. Huwag mo ng dagdagan pa ang pananagutan mo sa batas. Pakiusap, pakawalan mo na si Joyce..."
Nagpalabas ito ng nakakalokong tawa bago nagsalita. "Wait, bakit kilala mo 'to? Kaano- ano mo siya Joyce, huh? Magkamag- anak ba kayo? Or..., ohhh, well, I guess... you must be the boyfriend. Am I right? The one who keeps on calling,...ahhh, that was so sweet..."
Impit na iyak ang itinugon ni Joyce sa lalaki. Sa totoo lang, hindi pa rin napapawi ang kabang bumabalot sa kaniya ngayon sa pagdating ni Francis. Sapagkat bihag pa rin siya ni Benjie at hindi niya alam kung anong maaaring susunod nitong gagawin sa kaniya.
"Paano kaya kung itulad ko ang kapalaran ng babaeng ito sa mga naging kliyente ko, sigurado papatayin mo din ako 'no? Pero okay lang, ang mahalaga nagawa ko ang gusto kong gawin!"
Pagkasabi nito ay mas idinait pa ni Benjie ang patalim sa leeg ni Joyce. Sapat upang bahagyang mahiwa ang kaniyang balat sa parteng iyon. Lalo siyang binalot ng takot ng maramdaman ang hapdi dulot ng pagkakahiwa. Pakiramdam niya ay halos mawalan ng malay sa nerbiyos na dulot ng pagiging marahas ng lalaking nasa likuran niya ngayon. Wala na siyamg nagawa pa kundi ang umiyak.
"Hey, hey Benjie, stop! Stop! Or I will-" awat ni Francis.
"No you stop talking and put your gun down..." sigaw nito. "Or I will stab this girl on the neck! Come on, I'm f--king serious, man!"
Sa narinig sa sinabi nito ay agad ibinaba ni Francis ang baril. Alam niyang hindi ito nagbibiro at ang masiguro ang kaligtasan ng bihag ang unang- unang isinaaalang- alang sa mga tulad ng ganitong sitwasyon. He knows how to handle a crisis management like this because he have been through a lot of this before. He have to comply with all the demand of the hostage taker to ensure the safety of the girl he loves.
"Now put your hands behind your back!" muling utos nito.
Ginawa niya ang sinasabi nito. "Ginawa ko na ang gusto mo. Ngayon naman, pwede bang bitiwan mo na si Joyce..."
"Ahhh, tingnan mo Joyce oh, talagang mahal na mahal ka ng pulis na 'to, oh..."
"Now Benjie please palayain mo na siya, pakiusap..." anito habang muli ay unti- unti itong lumalapit sa kanila na halos ilang metro na lang ang layo. "Pwede bang alisin mo na 'yang balisong na nakatutok sa leeg niya,..."
"Uhmmm.... no!" biglang sagot nito.
Kumunot ang noo ni Francis. Lalo siyang nanggigil sa lalaki. Parang gusto na niya itong dambahin saka magpambuno na lamang sila kung maaari. Akmang lalakad pa muli siyang palapit dito ng may biglang sigaw na umalingawngaw sa kanilang kinaroroonan.
"Put your weapon down!"
Napalingon silang lahat. Ang mga tropa ng kapulisan na nagsisilbing back-up ni Francis ay nakarating na. Isa- isang nagsipaghanay ang mga ito habang nakatututok ang mga baril sa direksyon ni Benjie.
"Walang magpapaputok! Walang magpapaputok!" awat ni Francis sa mga kabaro bago muling hinarap si Benjie. "Bitawan mo na si Joyce, Benjie tapos sumuko ka na lang sa amin ng maayos."
Tila nagulantang naman ito sa presensya ng maraming pulis. Unti- unti itong umatras papalayo sa kanila. Palinga- linga na tila ba naghahanap ng maaari nitong malusutan. Bakas ang labis nitong pagkabalisa sa sitwasyong kinakaharap. Hanggang sa tila nagitla ito ng mapahampas ang likod sa steel fence ng roof top. Tanda ng wala na itong pupuntahan pa. It was indeed the end of the line for him. Napansin nitong tila umaaabante ang tropan ng kapulisan papalapit aa kaniya. Habang si Francis naman ay parang may sinasabi ngunit hindi na nito iyon maulinigan. Parang biglang- bigla ay nawalan siya ng pandinig. Tanging ugong sa kaniyang tenga ang kaniyang naririnig. Dala ng labis na pagkabigla at pagkataranta ay tila wala na itong naisip na ibang paraan upang matakasan ang kinakaharap na sitwasyon. Hanggang sa ang hawak nitong patalim ay inunday ng saksak sa tiyan ng babaeng bihag.
"Bang!!!"
Isang nakabibinging putok ng baril ang tumama sa sentido ni Benjie. Napatimbuwang siya sa sahig habang napaupo naman si Joyce. Dagling nagsilapit ang mga kapulisan sa nabaril na lalaki samantalang si Francis naman ay agad na umagapay sa babaeng nasaksak.
Sapo ni Joyce ang tiyan. Magkasamang kirot at pangingilo sa bahaging iyon ang kaniyang nararamdaman. Nang iangat niya ang nanginginig na kamay na inihawak sa natamong saksak ay tumulo ang kaniyang sariling dugo sa mga daliri. Nang makita nito ang duguang kamay ay tila namutla ito at waring mawawalan ng malay.
"I got you, Joyce..." sabi ni Francis. Saka pinunit ang manggas ng suot nitong jacket at saka itinali sa kaniyang tiyan upang maampat ang pagdudugo nito. "Come on, let's get outta here..."
Francis carries her towards the stairs. Constantly telling her to stay with him. That's the last thing she can remember until she loses her consciousness.
-oOo-
It was a bright sunday morning. The wind breeze softly touches her face as she approaches the tomb of her lost friend. With her is a bunch of white carnation. She put it on the tombstone right beside the candle holder near it.
Isang taon na rin naman ang lumipas ng maganap ang pangyayaring hinding- hindi niya malilimutan. Kung saan kinasangkutan niya at ng dating kaibigan. Sa nakalipas na isang taon, ganap ng naghilom ang sugat na nililkha ng pagkakasaksak sa kaniya nito ngunit ang usig ng kaniyang konsensya ay tila hinding- hindi mawala-wala. Patuloy pa rin siyang dinadalaw ng alaala kung saan ay hindi niya maiwasang isipin kung siya nga ba ang dahilan ng pagkamatay nito. Na sa kaibuturan ng kaniyang puso ay para bang sinisingil siya ng kaniyang budhi sa pamamagitan ng hindi pagkakatulog ng mahimbing paminsan- minsan.
Dumaan na siya sa psychological theraphy upang ma-over come niya ang psychological trauma na dulot ng nasabing pangyayari ngunit tila hindi pa ito sapat upang ganap na mapanatag ang kaniyang kalooban. Para bang kulang pa ito para masabi niyang talagang nakarecover na siya sa pangyayari. At ngayon ngang nasa harap siya ng puntod ni Benjie ay tila nakakaramdam siya ng kaunting luwag sa kaniyang dibdib. Para bang may hatid na ginhawa ang kaniyang pagpunta sa unang anibersaryo ng kamatayan nito.
Mula sa kaniyamg kinaroroonan ay abot- tanaw niya si Francis na nakatayo sa tabi ng motorsiklo nito. Gusto niyang mapag-isa sa pagdalaw ng libingan ng pumanaw na dating kababata kaya minabuti niyang manatili na lamang ang boyfriend na pulis sa entrada ng sementeryo.
"White flowers, Benjie..." sabi ni Joyce. "Peace offering. Oo.... kasi alam ko, hindi mo pa ako talaga ganap na napatawad n'ung nabubuhay ka pa..."
Umupo siya sa mismong harap ng puntod nito. "You know what Benjie, ang labis na nagpahirap sa iyo, ay iyong inipon mong sama ng loob...iyong iningatan mong galit sa puso mo..."
"Oo Benjie, inaamin ko, nilagay talaga kita sa alanganin noon. At talagang dinala ko iyon ng maraming taon sa buhay ko. Sa puso ko, iyong guilt sobra... kaya nu'ng magkita tayo ulit, gan'un na lang ang saya ko kasi finally makakahingi na rin ako ng tawad sa iyo..."
"I thought that you already forgiven me the moment when you said bygones should be bygones.. pero nagkamali ako, hindi mo pa pala ako lubusang pinatawad..."
Lumuhod siya sa puntod nito. "This time Benjie, sana patawarin mo na ako ng buong- buo...again, I'm sorry... for all the things I've done ..."
Parang nangingilid ang kaniyang luha sa paghingi ng tawad dito. Iniisip niya kasing marahil kung hindi sila nagkatagpo pang muli ni Benjie matapos ang mahabang taon baka buhay pa ito ngayon. Isa na naman iyong burden sa panig niya. Isang baggage na dinadala ng kaniyang dibdib at gusto na niya ngayong ganap na pakawalan. Tumindig siya.
"Now Benjie, kung talagang pinatatawad mo na ako, show me a sign that I am already forgiven..."
Wala siyang ideya sa kung anong senyales ang kaniyang hinihiling. Basta gusto niyang makaranas ng anumang bagay na kakaiba. Pinakiramdaman niya ang hangin. Ang mga bagay sa kaniyang paligid kung gagalaw ba ngunit wala siyang napansing kakaiba. Napabuntong- hininga siya.
"Then I guess,... what I did was really unforgivable." sabi niya. "I think I should go-"
Sa pagkakasabi ng huling katagang iyon ay tila may isang himala na bigla na lamang bumuhos ang ulan sa gitna ng napakatinding sikat ng araw. At tila baga sa kaniya lamang kinatatayuan nagkakaroon ng mga pagpatak ng ulan sapagkat sa pagtanaw niya kay Francis mula sa kinaroroonan niya ay tila hindi man lang ito natitinag sa ulan o di kaya'y ipinapandong ang kamay sa ulo. Tumingala siya saka pumikit. Nais niyang damhin ang ginhawang idinudulot ng ulan na ilang segundo lamang ay agad din namang tumila.
"Salamat, Benjie... salamat..."
Sa kaniyang pagbalik papalapit kay Francis ay matamis na ngiti ang kaniyang isinalubong rito.
"Alis na tayo?" tanong nito habang unti- unti ng sumasampa sa motorsiklo.
"Yes, let's hit the road, baby..." sagot niya habang umaangkas sa likod nito.
"Alright. Hold on tight, baby." sabi naman nito.
Kumapit siya sa baywang nito. Ilang sandali pa'y ganap na silang nakalabas ng sementeryo. Sa kanilang patuloy na pagbagtas ng daan ay may pagtaas ng dalawang kamay si Joyce sa hangin. Tila ba ganap na siyang lumaya mula sa matagal ng pagkakaroon ng mabigat na pasanin sa kaniyang dibdib. Hindi man niya maibabalik pa ang nakaraan alam niyang isa na lamang itong bahagi ng kaniyang buhay. She finally let bygones be bygones....
-oOo THE END oOo-
— Fin — Escribe una reseña