Descargar la aplicación
18.18% Away from My Smile (Book 1: The Nolmians) / Chapter 2: Chapter 1

Capítulo 2: Chapter 1

Rouge Alfonso Bautista, 28 years old. Isa siyang mahusay na detective. Matangkad around 5'9, katamtaman ang laki ng ilong, brown ang kulay ng buhok at mata, at higit sa lahat...SINGLE. Wala kasi siyang oras sa mga ganitong bagay. Nakatira lang siya sa isang maliit na bahay ngunit kumpleto, na binigay ng kanyang ama bilang regalo sa pagiging detective.

Si Liane Reyes Avilla naman ang isa sa kasamahan niya sa serbisyo. Mas maliit siya ng kaunti kaysa kay Rouge, about 5'7 siya ngunit makisig na lalaki. Masipag at palaging nangunguna sa kanilang seksyon. Nasa abroad ang pamilya nito at nag-iisa rin sa tahanang naipundar niya.

(-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)+

{[ROUGE's POV]}

Sa loob ng aking kwartong napakakalat, ako na naman ay magpapahinga. Isang mahabang pahinga ang akin na namang madarama.

Bago pa ako maupo sa upuan ay tumunog ang aking CP dahilan upang magsalubong ang aking mga kilay.

*KRINGG* *KRIING*

Si Liane, isa sa mga kasamahan ko. Biglaan na lang itong tumawag sa aking telepono.

Naiinis kong sinagot ang tawag. Badtrip!

"Ano na naman?! Diba ngayon ang rest time ko?!" pagsagot ko sa kaniya sabay haplos sa aking mukha.

"Pasensiya na. Emergency ito! Isang truck ang nawalan daw ng kontrol at sumalpok," magmamadaling pagsasalaysay niya sa mga nangyari.

"Sige, saan ba yan?" tanong ko sa kaniya habang isinusuot ko ang aking jacket.

"Northern Voulude, Steri street, no.076," halatang nagmamadali na nga ito dahil medyo paputol-putol na ang linya dahil siguro sa paggalaw-galaw niya.

Agad akong pumunta roon dahil emergency daw.

Kinuha ko muna ang susi ng aking kotse bago pumunta sa lugar na sinasabi ni Liane.

Habang ako'y nagmamaneho papunta sa lugar, may napansin akong kakaiba. Bigla na lang akong napatingin sa aking kanan at tumayo ang aking mga balahibo.

Parang may isang bagay na kumuha sa atensiyon ko at napatingin na lang bigla. Binaliwala ko na lang ito at baka guni-guni ko lang iyon.

Inapakan ko bigla ang preno at nanlaki ang mata nang may isang hugis taong dumaan sa harapang salamin ng kotse ko.

Lumabas ako sa aking kotse at tiningnan ko kung ano ito. Tumingin ako sa itaas at sa direksyon kung saan ito nagtungo. Wala akong nakitang mga bakas sa salamin kaya pumasok na lang ako sa aking kotse.

Siguro nga pagod lang talaga ako. Ngunit 'di ko maalis sa aking isipan ang mga pangyayari kanina. Ano 'to may sumusunod sa'kin?

...

Nasa lugar na 'ko no'n, nakita ko si Liane sa madugong bahagi ng kalsada. Lumapit ako sa kaniya para tanungin ang mga bumabagabag sa aking isipan.

"Wala ka bang napapansing kakaiba sa lugar na 'to?" pabulong kong tanong sa kaniya.

"Meron," agad niyang sagot habang tinitingnan niya ang mga dugo.

"Ano?!" tanong ko pa.

"Ikaw!" sagot niya habang tumitingin pa rin sa dugo na parang may nalalaman.

Tumingin ako sa kaniyang mukha habang nakapoker face.

"Ba't ang tagal mo? 2 mins kang late," galing niyang tanong na tila nanay.

Natawa ako, "Luh! Parang di ka sanay sakin ah? HAHAHA! At saka, rest time ko ngayon, aber," paliwanag ko sabay hawak ko sa balikat ni Liane.

Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakapatong sa kaniyang balikat at binugaw niya ako na parang lamok.

"Ikaw na bahala sa nasa truck," pag-utos niya sakin na iritado na ang mukha.

"Sige, pupunta na," at pumunta nga ako sa truck para maghanap ng mga clues.

Naabutan ko pa ang mga rescuers habang inaalis nila ang lalaking nakaupo sa driver's seat.

Mulat ang mga mata at bibig nito habang nakakapit sa manibela ng sasakyan. Gulat na gulat ang mukha ng lalaki. Namumula pa ang mga mata niya.

Pagakatapos kong pumunta roon ay nagtanong-tanong ako sa mga nakakita sa pangyayari. Iilan lamang ang saksi sa pangyayari at nakakahilo dahil magkakaiba ang kanilang mga kuwento.

Sabi nung nauna kong napagtanungan, nawalan daw ng kontrol ang sasakyan dahil sa bigat ng karga nito.

Ang pangalawa naman, dahil mabilis daw ang sasakyan.

Habang ang pangatlo naman, sinabi niyang dahil daw ito sa madulas na kalsada.

Habang ang panghuli, sinabi niyang may isang naglalakad na babae ang nagtangkang magpakamatay at umiwas lamang daw ang truck at piniling ibunggo ang sasakyan sa gilid.

Hindi ko alam kung ano sa mga sagot nila ang tunay. Kaya tumingala ako at tumingin sa mga gusali. Baka sakaling makahanap ng puwedeng makatulong sa pagresolba ng kaso.

Sa aking paglingon-lingon ay nakita ko na ang CCTV camera ng isang gusali na nakaharap mismo sa truck.

Tinawagan ko ang nakita kong numero na nakapaskil sa mga poste roon.

*KRIING* *KRIING*

"Hello, sino po ito?" tanong agad sa kabilang linya.

"Police Officer Bautista po. Kayo po ba ang may-ari sa convenient store, dito po sa Northern Voulude, Steri street? G Market po pangalan. " tanong ko sa sumagot.

"Opo, bakit sir?" tanong pa niya.

"Maaari bang matingnan ang CCTV camera ninyo?" tanong ko pa sa kabilang linya.

"Sige sir, papunta na po." at pinatay na ang linya.

Bumaba na ang babae lulan sa isang kotse at binuksan kaagad ng babae ang lock at pinapasok ako. Pumunta siya sa monitor kasama ko.

Habang pinapanood namin ang footage, napansin ko ang isang babaeng nasa gitna. Parang baliw na tumatawa at tumitigil-tigil pa.

Siguro nga tama yung sinabi ng lalaki kanina. Pero parang wala naman siyang balak magpakamatay ah?

"Teka lang, paki pause muna at paki zoom," pakiusap ko habang nagsusulat sa aking papel.

Hindi makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod siya rito.

Pinagpatuloy niya rin naman agad ang video.

-The end of chapter 1-

+(-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)

Sigurado akong naiklihan ka! U are only at 2 out of 29+!

"Gusto ko na namang magsaya at makaalis sa mga kadena."


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión