Descargar la aplicación

Capítulo 9: 9

ALTNF

9

Ben Cariaga's POV

Ilang linggo na rin ang lumipas at nakaalis na rin si kuya Japs papunta sa outing nila. At, oo, mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Mag-isang kumain, matulog, at wala lang akong ginagawa rito kundi magcellphone.

Madalas din akong pumunta sa bahay nina mang Tako. At alam ko rin na naiirita na sa akin si kuya Jay dahil palagi akong nasa kanila. Bukod kasi sa nakakabored na sa bahay ay gusto ko rin naman na mas makilala pa sila.

Am I nosy? Hindi naman siguro. Isa pa, palagi rin naman akong tinatawag ni Nico na pumunta sa kanila kaya umo-oo na lang ako. I even tend to have deep talks with him sometimes. Pero kapag si kuya Jay na ang kakausapin ko, wala na. Snob. Kala mo namang sobrang famousse.

I sigh.

Bi-nrowse ko na lang ang aking facebook gamit ang phone ko na regalo sa akin ni kuya noong grade 10 moving-up ko. Ilang beses na rin itong na-fall nang hindi nasasalo pero hindi pa naman siya nagb-breakdown. Kaya bilib ako sa phone ko na 'to dahil sobrang martir nya. Haha.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-scroll sa newsfeed ko nang may maisip akong isang ideya. Hmm. I-search ko kaya ang profile ni kuya Jay? Oo nga no? Tamang-tama, hindi ko pa sya naa-add. Laking Maynila siya so malamang sa malamang ee may facebook siya.

I type "Jay Marco Natividad" sa search bar then I clicked search. And, of course, maraming lumabas na profile.

Syempre ki-nlick ko 'yung account na may picture nya. 'Yung unang-una. Jay Natividad ang pangalan. Medyo nakakashucks nga na talagang unang-una pa siya sa search list e wala naman kaming mutual friends.

Tiningnan ko muna ang newsfeed nya at puro update profile picture lang. Naka-friends only lang siguro ang mga posts niya. At tamang stalk lang ako sa timeline niya nang may makita akong dalawang photo na naka-tag sa kanya.

---

Drew Ferrer is with Jay Natividad and 3 others.

---

Sa photo ay may limang poging kalalakihan. Ang una ay picture nila na nakajersey uniform. Pangalawang picture naman ay nakatoga silang lima. Wow naman, barkada goalz ata 'tong mga 'to.

Napatitig ako imahe ni kuya Jay. Parehas na parehas lang ang itsura niya sa dalawang picture. Hindi siya nakangiti. Seryoso lang siya. Pero pogi pa rin.

Napangiti ako. Tinigilan ko na ang pagi-scroll sa timeline niya at in-add friend ko na siya. Pagkatapos ko siyang i-add ay nagmessage ako sa kanya kahit hindi pa niya ako ina-accept.

"hello...!" Then I sent it with a sticker.

I waited for approximately a minute at maya-maya, nagulat ako nang magnotif ang chatbox namin.

"hello. :)" Reply niya.

Lah, for real? Shete. Nag-reply sya. Nag-reply sya! Ibig sabihin, hindi naman talaga sya galit o iritado sa akin. Nagpapabebe lang talaga siya kaya nagsusungit sa personal. Bakit kaya?

But I admit, bagay sa kanya ang rude aura.

"musta po.....???? 🙂" Tanong ko.

Tumunog uli ang phone ko.

"aus naman... eto busy." Reply niya.

Busy? Ano naman kayang pinagkakabusyhan nya?

Sinubukan kong tumingin sa bintana ko at sinilip ko ang bahay nila. And then there, I saw kuya Jay na nakaupo sa may bakuran nila, nakataas ang paa sa isang maliit na lamesa, at hawak ang kanyang phone ng naka-landscape.

Wait. Naka-landscape? Ibang klase siyang magfacebook. Haha. Ahh, alam ko na. Baka naglalaro kaya busy? Tapos messenger gamit nya.

"anong nilalaro mo" I asked.

"ha?" Reply nya.

"nakalandscape phone mo eh, naglalaro ka ba!" Tanong ko.

"ahh eh, paano mo nalaman..?" He asked.

"anu k ba, kita po kita dito sa may bintana namin tingin ka...!" Sabi ko. Sumilip ako kay kuya Jay at hinintay kong tumingin din siya dito sa gawi ko.

Hindi siya lumingon.

"bat di ka natingin" tanong ko.

Naghintay ako ng mga dalawang minuto pero hindi na siya nag-reply. Nagulat na lang ako, offline na siya.

Sinilip ko uli si kuya Jay at nakita kong tumayo na siya. Tinabi na niya ang phone niya sa bulsa niya. Ano kayang meron? Siguro natatae na siya. Sana naman sinabi niya man lang para aware ako, 'diba?

O siguro taeng-tae na siya to the point na hindi na sya makapagtype? I think so.

Nag-off na rin ako sa fb at lumabas ako ng kwarto ko. Napatingin ako sa paligid ng bahay. Sobrang linis. Nakakapanibago. Naglilinis lang kasi ako ng naglilinis kapag bored ako. At napunta ako kina kuya Jay. Daily routine ganern.

Tumingin ako sa orasan. It's 2pm. At oo, miss ko na kaagad si kuya Japs.

Ewan ko ba, kada titingin ako sa orasan, nami-miss ko si kuya. Pareho kasi kaming sobrang time-conscious. At saka palagi ko siyang hinihintay tuwing gabi.

I just sigh at uminom na lang ako ng tubig. At saka ako lumabas ng bahay.

Punta ako kina kuya Jay. Nakakabored. Hindi naman ako inaantok. Nakakatamad matulog. Anong oras na nga akong nagising kanina e. Huhu.

Hindi na sila nagulat pagkapasok ko ng gate nila dahil kagaya nga ng sinabi ko, palagi naman akong pumupunta dito. Hindi naman ako nagc-cause ng gulo. Haha.

Nakita ko si kuya Jay na palabas na uli ng bahay at nginitian ko siya nang makita niya ako.

Hindi siya ngumiti. Seryoso lang siya.

Parang kanina lang ka-chat ko siya ah? Sabihin man nating konti lang pinag-usapan namin, haha. Tapos ngayon magsusungit na naman siya?

"Bakit nag-off ka bigla kuya Jay?" Tanong ko sa kanya.

Bahagya naman siyang natigilan. Pero hindi siya nagsalita. Umupo na siya sa kung saan siya nakaupo kanina at ipinagpatuloy ang kung ano mang ginagawa niya.

"Ahh, mobile legends pala nilalaro mo." Sabi ko nang silipin ko ang nilalaro niya sa phone niya.

"What do you mean?" He asked, expressionless.

"H-ha?"

"Na nag off ako bigla." Sabi niya.

Napakunot naman ako ng noo. Hindi niya gets?

"Kanina. Diba magka-chat tayo?" Sabi ko.

Bahagya ulit siyang natigilan at tumingin siya sa akin.

"Hindi ako nag-o-online. Nakadeactivate ang facebook account ko." Sabi niya.

Ako naman ngayon ang natigilan.

Wait. Wait wait wait. Naka-deactivate ang account niya? Eh sino yung ka-chat ko kanina?

"If you're chatting with someone else, that's someone else. Hindi ako."

At bumalik na siya sa paglalaro.

"P-pero may nakatag na picture sa'yo. Kaklase mo ata dati 'yun." Sabi ko.

He sigh, at tumingin uli siya sa akin. "Huwag kang masyadong magpapaniwala sa mga nakikita mo sa social media. Not everything you see there is real. Kilala ko ang taong 'yon sa personal at alam ko rin ang picture na tinag niya but that account is not legit, as well as the account na sinasabi mong nakachat mo."

So, poser 'yung naka-chat ko? Wth.

"Famous naman pala." Sabi ko.

Hindi siya nagsalita.

"Change topic. Anong rank mo na diyan?" Tanong ko sa kanya.

Hindi uli siya sumagot. At sanay na ako sa kanya.

Nakita ko pang tapos na 'yung laban at sila ang victory.

Sa record, siya 'yung MVP. Si Granger ang gamit niya na hero. 'Yung mabaho ang hininga. 31 kills, 2 deaths, 19 assists ang stats niya.

Waw naman sa 31 kills. Killing machine ampeg.

At isa pang waw, Mythical glory na ang rank niya with 104 stars. Napakaangas naman po pala ng lolo nyo.

"Ang galing mo naman kuya Jay! Sana all! Anong build mo kay Granger? Patingin," Sabi ko at sinuri ko ang stats nya at tiningnan ko rin ang item build niya.

"W-wait, bakit naka-mage emblem ka?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na naka-mage emblem siya instead of custom marksman emblem. 'Yung level 40 pa ha.

"Nagkamali ako ng pindot." Sabi naman nya.

"Ha? E diba naka-default na dapat sa marksman emblem 'yun"

"Hindi ko naman main si Granger."

"But still--!"

"Naka-tank kanina. Sinubukan kong palitan kaya lang mage 'yung napindot ko." Sabi nya.

"Ahh. Ganun ba?" Sabi ko na lang. "Naglalaro rin kuya ko niyan eh. Mythic na siya, kapag nga nilalaro ko ml nun nagagalit sa akin 'yun eh, nababawasan kasi ng points, haha. Pero minsan lang naman. Pano rank game nilalaro ko. Tapos Odette pa ginagamit ko. Ang sarap kayang gamitin ni Odette. Taas ng winrate ko dun, ako lang nagamit. Pero sabi sa akin ni kuya classic na lang daw laruin ko. Para di sya nag-aalala sa rank points or star. Wala share ko lang." Dagdag ko pa.

"So?" Walang kagana-gana niyang reply.

"Wala! Share ko nga lang ee." Sabi ko naman.

Maya-maya ay tumayo na siya at pumasok na sa bahay nila. Sumunod naman ako.

"Kuya Jay, ahm. Can we talk? Nakakabored eh," I told him.

"Wala akong paki kung bored ka. Si Nico na lang kausapin mo, tutal mas close naman kayo non." Sabi niya.

"Bakit, selos ka kuya Jay?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa akin, "Selos? Yuck." Sabi niya. Nakakainis, ang pogi niya mainis! Haha.

Susundan ko pa sana siya sa paglalakad nang bigla siyang tumigil at masungit na tumingin sa akin.

"Get out of my sight." Kalmado niyang sabi.

Woaaaah. Para siyang hot jerk na heartthrob na basketball varsity player na may abs na tinitilian ng mga babae na casanova na cold na homophobe na sikat sa school.

"Wow." Sabi ko. "Pano ulit 'yung 'get out of my sight'? Ulitin mo nga? Ang hot kasi ng pagkakasabi mo. Hehe!" Sabi ko then I chuckled.

Nakikita ko naman sa mukha niya na parang unti-unti na siyang naiinis. At saka siya umupo sa sofa.

"Can you please just get out? You're annoying." Sabi niya.

"Ayoko. Boring sa bahay, wala akong kasama." Sabi ko at umupo ako may sa tapat niya.

"Kasalanan ko na wala kang kasama? Just because you are bored doesn't mean you have to stay here and annoy us all the time."

"Sus. Parang ikaw lang naman ang naa-annoy."

"Just--"

"Bakit, hindi lang naman pagtambay ang ginagawa ko dito ah. Minsan naghuhugas ako ng pinggan, nagwawalis. Minsan nga nagluluto pa ako eh," sabi ko.

"May nag-utos ba sa'yo na gawin ang mga 'yon?"

"Wala."

"That's it. Kaya umalis ka na dito." Sabi niya.

"Ayoko... Kwentuhan na lang tayo, please? Parang kwentuhan lang eh, magsasalita ka lang naman." I pleased him.

"Wala akong ikukwento sa'yo." Sabi nya.

"Edi ako na lang magku-kwento. Makinig ka na lang sa akin. Ok?" Sabi ko.

"Si Nico na lang kausapin mo. Hindi ako interesado sa sasabihin mo." Sabi niya.

Tumayo na siya at umakyat na papunta sa kanyang kwarto.

I sigh. Hay naku. Ang sungit talaga niya. Pero, alam nyo 'yun? Sa halip na ma-offend ako dahil sinusungitan niya ako, eh parang ang saya pa niyang asarin. Ang gwapo kasi niyang maasar.

At isa pa, ramdam ko rin na may kwento siya. Ramdam ko na gusto niyang may makinig sa kanya. Ewan ko ba sa kanya, nandito naman ako. Open naman ako. Bakit ayaw niya?

Ahh alam ko na. Baka wala siyang tiwala sa akin dahil madaldal ako. Baka iniisip niya na sa halip na i-disclose ko ang pinag-usapan naming dalawa e ipagkalat ko pa. Which is hindi ko naman gagawin. Kung ano mang pinag-usapan namin, amin na lang 'yun.

Kailangan ko bang mag-adjust? Kapag nag-adjust ba ako, magkakaroon ako ng oportunidad na mapakinggan ang kwento niya?

I heaved a deep sigh.

Bakit ba interesadong interesado ako sa kwento niya?

Maya-maya ay nakita ko si Nico na kakalabas lang ng banyo. Nakatapis ng towel ang kalahati ng katawan niya. He's topless, wet and it's obvious na kakatapos lang niyang maligo.

"Hi Ben!" Bati niya nang makita niya ako.

Ngumiti lang ako. Ewan ko ba. Iba 'yung interest ko kay kuya Jay kesa kay Nico.

Alam ko na kung bakit. Si Nico kasi, pala-kwento. Just...random things. Kahit hindi pa niya nakukwento ang dahilan kung bakit lumipat sila dito. At wala rin naman akong balak ipaalala sa kanya na ikuwento sa akin. At dahil sa mga na-ikwento niya, feeling ko kilalang kilala ko na siya.

Not kuya Jay. Kaya iba pa rin 'yung level of curiousity ko sa kanya.

"Ahm Nico, pwede ba akong pumunta sa taas nyo?" I asked him.

He smiled. "Why not?"

Ngumiti na lang ako.

Umakyat na ako sa taas nila. Alam ko yung kwarto ni kuya Jay eh. Katabi ng kwarto nina Mang Tako.

Pagkaakyat ko ay dumiretso na ako sa tapat ng kwarto niya. Kumatok muna ako at pinakiramdaman ko kung may magre-respond.

Wala.

"Kwarto ko 'yan. Hehe." Biglang sabi ni Nico na ngayon ay nasa likuran ko na.

"Ahh, ganun ba? Hehe.." sabi ko.

Napahiya ako ng very light.

Pumasok na si Nico sa kwarto niya at dumiretso sa kanyang drawer.

"Papasok ka ba?" Tanong niya.

Agad akong umiling, "Hindi, hindi. Hehe. Sige, magbihis ka na." Sabi ko. Ako na rin mismo ang nagsara ng pinto niya. Haha. Ang sama ko.

Pumunta ako sa kabilang kwarto at inisip ko muna kung ito na ba 'to.

Siguro ito na. Ito lang naman yung isa pang katabi ng kwarto nina mang Tako.

Kakatok na sana ako ng may maisip ako. Kakatok pa ba ako? Baka kasi isipin agad niyang ako 'to at baka lalong hindi niya ako pagbuksan ng pinto. Wag na lang siguro?

Hinawakan ko muna 'yung doorknob at inikot ko ito.

Shet. Hindi naka-lock!

Binuksan ko ng dahan-dahan 'yung pinto. 'Yung konting bukas lang.

Sumilip muna ako sa loob. Nakita ko si kuya Jay na nakahiga sa kama niya.

May binabasang magazine.

Medyo sinuri ko 'yung magazine na binabasa niya and one of the headlines caught my attention.

'ROSY-PUSSY, LICK 'EM ALL'.

?

---


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C9
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión