Descargar la aplicación
29.16% A killer's Step || Tagalog Horror / Chapter 7: Chapter 6 : Birthday

Capítulo 7: Chapter 6 : Birthday

A Killer's Steps

Chapter 6 : Birthday

YEHAN POV

"Nandito na tayo!" exited na sabi ni Star kaya nagising nalang ako saka ako napatingin sa bintana ng Van na aming sinasakyan

Ang mga puno, daan, at ang bahay. Biglang nagflashback sa akin ang mga masasayang moments sa lugar na to. Gayundin ang mga masasakit at mga trahedyang nangyari

Bumuntong hininga nalang ako kasabay ang paghinto ng Van. Nandito ako sa pinakadulo ng Van. Sa tabi mismo ng bintana sa bandang kaliwa. Katabi ko si Theo na kasalukuyang natutulog sa balikat ko. Hays!

Niyugyog ko yung balikat niya dahilan para magising siya. Tinaasan ko siya ng kilay

"Unan ba tong balikat ko?" inis na taning ko sa kanya pero nag peace sign lang sya

"Guys tara na!" exited na sigaw ni Jhope saka sunod sunod silang bumaba ng sasakyan. Luhh di naman halatang exited sila no?

"Oh ano na? Di ka bababa?" tanong sa akin ni Theo na nakatayo na. Tumango nalang ako saka ako sumunod na bumaba

Pagapak ko palang sa lupa ay napatigil na agad ako

Ang bahay namin. Masyado nang matagal pero namiss ko na

"Tara na Guys! Ayusin na natin agad mga gamit natin lara makapag shopping tayo agad para sa birthday ni Yerin bukas " dinig king sabi ni Ate Wish pero di ko yun Ininda. Di ko namamalayan na naglalakad na pala ako

Di ko sinasadyang mapadpad sa likod bahay. Nakita ko yung puno kung saan ako unang magpunta nung bagong lipat palang kami dito.

Basement.

Oo tama! May basement pala dito. Lumingon ako sa likuran at nakita ko nga. Pero nakasarado siya. Lumapit ako doon para tignan kung di nakalock. Pero naka kandado siya at halatang luma na. Yung parang malapit nang masira yung kandado sa sobrang kalumaan

"Ano kayang meron dyan sa loob?" Halos matalon naman ako sa gulat nang biglang nagsalita si Nisha sa likuran ko kasama silang lahat. Oo ass in silang lahat

"Yerin alam mo ba kung anong meron dyan?" tanong ni Secret kaya umiling ako. Di pa nga ako nakakapasok diyan Kasi pinagbawalan kami ni Daddy noon

"Di ko alam" Tanging sabi ko saka ako yumuko

"Tara buksan natin" sabi ni Rheymond saka siya lumapit sa Kadenang nakatali sa lock. Bigla naman yung nasira. Kaya sabay sabay kaming nagtawanan. The God of Destruction is Here

"Grabe kayo ng iniisip. Di ba pwedeng masyadong luma yang kadena kaya mabilis nasira?" reklamo niya kaya napatango tango kami pero my halong pigil ng tawa hahaha

"Ang Dilim sa loob. Ang dilim pa sa labas. Wait kukuha lang ako ng Lampara" sabi ni Yuju saka tumakbo sa loob bahay kasama si Umji para kumuha ng lampara. Habang hinihintay bigla namang nagsalita si kuya Eujin

"Sure kang di pa nakakapasok dyan?" Nagtatakang tanong ni Kuya Eujin kaya napatango nalang ako. Alam ko ang iniisip niya. Kasi dito kami nakatira noon tapos ni isang beses ay di pa ako nakakapasok dyan

"Opo Kuya" tanging sagot ko kasabay ang pagdating nina Umji at yuju dala yung lampara. 7:00 pm narin kasi kaya madilim na. Idagdag niyo pa kasi walang ilaw sa bahay na to. Lahat de kandila lang. Pero yung pang mayaman. Yung parang chandelier pero kandila at nagkalat yung kandila sa bung bahay.

"Tara na" Aya ni Sugar. Saka siya nauna sa lalad. Sumunod naman si umji saka ako. May hagdan sa baba kaya dahan dahan kaming bumaba sa hagdan. Malay niyo marupok yan.

Hanggang sa nakababa na kaming lahat

Lumang piano, tables, Painting, at ano ano pa. Yun ang mga tumambad sa amin. Punong puno narin ng sapot ang paligid buti nalang may dalang walis tambo si Jimboy kaya yun ang ginagamit namin para tanggalin ang mga sapot na nagkalat sa paligid.

Maya maya pa ay napansing bagay si Star kaya agad niya yung kinuha

"Ano to?" sabi ni Star sabay kuha yung box na parang board games

"Guys. Gumagabi na rin. Bukas nalng natin tignan ang mga nandito sa basement" pag aanyaya ni Kuya Eujin. Kaya nagsitanguan nalang kami. Walang magagawa siya ang boss kasi siya ang pinakamatanda

***

"Happy Birthday! Yehan🎵, Happy Birthday Yehan🎵, Happy Birthday, Happy Birthday🎵, Happy Birthday Yehannnnnn!!🎵" Natawa naman ako sa eatilo ng pagkanta nila sa akin haha. Si Jimboy at si Yuju kasi binirit pa talaga yung huling part. Kaya sabay sabay kami napatakip ng tenga. Ang ingay kasi nila e.

"Whooo!" sigaw naman ni Jhope saka pinaputok yung party popper. Kasabay ang paglabas ni Kuya Eujin yung mga niluto niya at si Ate Wish na nagbake ng Cake

Napa Yes kaming lahat sa paglabas ng pagkain tuwang tuwa kami habang kumakain. Alam kong bukas pa ang birthday ko kaso mas maganda daw pag gabi kaya heto kami ngayon at nagcecelebrate kahit medyo madilim

Tawanan, kwentuhan, at Harutan ang peg namin habang kain kami ng kain. Malalagkit narin ang mga mukha namin dahil sa icing ng cake. Magaling kasi mag bake ng cake si Ate Wish at ang sarap sarap pa!

Ngayon ay tapos na kaming kumain kaya nagkwekwentuhan nalang kami. Ikwine kwento ni Theo ying buhay niya sa Ibang banaa. Kaya heto kami nakikinig. Actually close na kami niyan ni Theo Napakabait niya. Pero di parin maalis ang pagkailang ko sa kanya lalo nat feeling ko nagkita na kami noon pa. Sinusubukan kong ipag walang bahala pero wala talaga. Laging kumakabog ang dibdib ko pag malapit at kasama ko siya which is di ko alam kung bakit.

"Ayy guys wait lang. May kukunin lang ako" Sabi ni Star saka siya umalis. Hinayaan lang namin siya na kunin ang gusto at patuloy parin si Theo sa pag kwe kwento

"Oo! Napaka hearthrob ko doon! Pinagkakaguluhan ako~" pag kukwento niya pero di ako nakikinig dahil tinititigan ko siya. Pinipilit kong alalahanon kung saan at kailan ko siya nakita. Augh! Ang sakit sa ulo!

"Hey Guys!" Napalingon kaming lahat sa pagdating ni Star na may dalang Parang board games. Teka yan ba yung-

"Yan ba yung nakita mo sa basement?" tanong ko pero isang matamis na ngiti lang ang sinagot niya sa amin

"Tignan natin at laruin!" exite na sabi niya. Sabay lapag nun sa harapan namin. Bale kasi naka bilog kami e

Agad na binuksan yun ni Rheymond at tumambad sa amin ang isang shot glass. May sulat sa loob na parang mechanics ng games. Tumambad sa amin ang isang board na may letters A-Z at numbers 1-10 at Yes at no (Spirit of the glass)

Ano naman to?

Agad namang kinuha ni Kuya Eujin yung papel na parang mechanics saka niya binasa

"Spirit if the glass. Isang laro para makakita ng isang kaluluwa. Ang gagawin laman ay itapat ang dulo ng hintuturo at gitnang daliri sa baso ng lahat ng miyembrong sasali at sabay sabay na pipikit sabay sabi ng mahiwagang salita" Sabi ni Kuya Eujin at sabi rin nung 'mahiwagang salita-kuno'

"Wow Mukhang exiting! Tara laruin natin!" Exite na sabi ni Ate Wish saka sumangayon ang iba. Dibale sa akin

Bigla nalang kasi akong nanlamig. Feeling ko di tama na laruin ang Board game na nakita ni Star. Feeling ko may mangyayari pag lalaruin namin yan. Nakakatakot na charisma ang naramdaman ko

"Ahh Feeling ko di dapat natin laruin yan" Nanginginig na sabi ko. Ewan ko pero nanginginig ako. Nakakatakot

"Yerin naman. Masyado kang seryoso dyan. C'mon! Its just a game" Pagpipilit ni Kuya Eujin sa akin. Nakita ko namang ngumiti si Theo sa akin na katabi ko lang

"Wag kang matakot dyan" bulong ni sa tenga ko dahilan ng paninigas ng buong katawan ko at pag init ng pisngi ko

"s-sige" naginginig na sabi ko saka nanginginig na inilagay yung kamay ko sa baso kung saan nakalagay yung mga kamay nila

Dahan dahan kaming pumikit lahat saka namin sabay sabay na sinabi yung Magic words(di ko alam kung ano ang sasabihin dun haha. Di kasi ako naglalaro ng Spirit of the glass)

Dinig na dinig ko ang pagihip ng hangin. Sandaling napatigil kami sa pagsasalita. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Wala akong narinig kundi ang mga paghinga namin

"Ano bayan! Niloloko lang naman tayo e! Di nakaka exite!" Reklamo ni nisha na tinanggal yung kamay niya sa baso at nakapameywang na

"psst! Tigil ka kasi sa pag iinarte dyan! Masyado ka kasing exited!" inis na sabi naman ni Secret kaya umirap sa hangin si nisha saka bumalik sa pagkakaupo at ibinalik narin ang kamay niya sa baso.

Nagsipikitan uket kami saka sabi ulet ng mahiwagang salita. Paulit ulit namin yung sinabi hanggang sa maging 13x na. Yun kasi ang nakalagay sa sulat. 13 na beses daw.

Hangaang sa tumahimik ulet

Sabay sabay kaming bumuntong hininga na parang sumusuko na. Aalis na sana ako nang biglang

*Creeeek* (tunong ng pinto)

Nanigas ako kaya pinili kong di na tumayo at nanatiling nakapikit. Naramdaman din siguro nila Ate Wish yun

"May spirit na ba kaming kasama?" Biglaang tanong ni Umji. Nagulat nakang kami nang biglang gumalaw yung baso ng di namin ginagalaw. Napamulat kami at tinanggal yung kamay namin sa baso. Kitang kita namin kung paano yun tumapat sa salitang..

'Oo'

"Sabihin mo! Sino ka?!" pasigaw na tanong ni Yuju kaya biglang nag shake yung baso saka unti unting lumutang

"ahhhhh!" tili ni Star nang biglang tumapon sa ding ding yung baso kasabay ang paglag lag ng mga libro at lahat ng kagamitan sa kwartong iyon

Sabay sabay kaming napatayo

"A-anong nangyayari?" nanginginig na tanong ko pero may biglang humawak sa kamay mo. Pagtingin ko ay si Theo

Sabay sabay kamung yumuko sa lumipad na vace. Napaupo kaming lahat

Sabay sabay kaming tumili habang nagsisilaglagan lahat ng mga gamit sa kwartong iyon.

Pero mas nataranta kami nang biglang umangat yung kutsilyo

Nagtabi tabi silang lahat habang nahiwalay kaming dalawa ni Theo sa iba. Nasa ibang sulok kami ng kwarto na nakatitig lang sa lumulutang na kutsilyo.

"Ate" natatakot na sabi ni umji pero niyakap lang siya ni Sugar.

Akala namin ay itatapon iyon sa amin pero bigla yung imikot na para bang may hinahanap. Maya maya pa ay bigla yung humarap sa aming dalawa ni Theo. Bigla akong nanginig kasabay ang paghina ng tuhod ko. Babagsak na sana ako nang bigla akong alalayin ni Theo

"Its ok Yehan" sabi niya lumulutang paring na nakaharap sa amin yung kutsilyo

Maya maya pa ay bigla tong tumapon nga sa amin. Di ko alam pero biglang humarang si Theo sa harapan ko at tinitigan yung kutsilyo

"nababaliw kana ba Theo? Di mo masasalo yan!" naginginig na sabi ko pero di siya umimik. Nakita kong may binulong siya malapit na yung kutsiyo sa mukha niya pero sa isang iglap ay unti unting nalaglag yung kutsilyo at nagsitigil na rin sa paglaglagan lahat ng mga nandito sa kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Anong nangyari ngayon lang? Tama ba yung nakita ko? Pinigilan niya ang pagdapo nung kutsiyo sa mukha niya?

"Theo ayos ka lang?!" Sigaw ko nang makatakbo ako lalapit sa kanya. Bigla siyang nanghina at napaupo

"Anong nangyari ngayon lang?" naiiyak na tanong ni Star pero niyakap lang siya ni Kyle

***

Sabay sabay kaming nagpunta sa mga kwarto namin. Ka room mate ko si Secret. Nakaupo ako at tinitigan yung kisame

"Yerin Ayos ka lang?" biglaang tanong niya pero tumango ako. Umayos na ako ng higa. At nagdasal

Sana wala lang yung nangyari kanina

Ipipikit ko na sana yung mga mata ko nang bigla akong may naaninag na anino na nasa kwato namin. Pero di ko nalang pinansin yun at natulog na

***

Nagising ako nang may naramdaman akong malamig na bagay sa mukha ko. Madilim parin sa labas. Napatingin ako sa katabi ko pero tulog na tulog si Secret. Napahawak ako sa magkabilang braso ko nang makaramdam ako ng lamig.

Alas singko palang ng umaga. Agad kong kinuha yung jacket ko saka ako lumabas ng kwarto. Puno ng dilim ang paligid at tanging chandelier de kandila lang ang nagsisilbing ilaw at ang mga nagkalat na kandila. Bumaba ako sa hagdan. May napansin naman akong tao sa kusina

"Kuya Eujin? Ang aga mo namang magluto" natatawag sabi ko saka ako lumapit sa kanya. Pero di niya ako pinansin at parang busy sa pagtadtad ng kung ano hahah. Amoy na amoy ko yung mabangong ulam

"Hmmmm. Ang bango naman Kuya Eujin! Ano kayang ulam natin ngayon?" nakangiting sabi ko at iniharap siya sa akin.

Nanigas ako nang bigla kong nakita ang mukha niya. Or more exactly wala siyang mukha dalawang butas lang sa gitna ang nakikita ko kung saan nakalagay ang ilong niya. Napaupo ako nang bigla niyang itaas yung kutsilyo niya

"Ahhhhhhhh!" tili ko nang isasaksak na niya sa akin yun

"Uy yerin! Anong ginagawa mo dyan? Ang ingay ha?" napalingon ako sa dulo ng hagdan at nakita ko si Kuya Eujin na pababa. Napatingin ako sa harapan ko pero wala na

"Kuya Eujin" Nanginginig na sabi ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay sabay halo nung niluluto niya

"Anong ginagawa mo at nandyan ka sa baba umupo. Ang ingay mo! Natutulog pa sila oh?" nakakunot ang noong sabi niya pero tanging tingin lang ang naibigay ko sa kanya

"ay teka. Cr lang ako" sabi niya sabay alis sa harapan ko at diretso sa Cr. Saka lang ako napatayo at naghabol ng hininga

Anong tawag dun? Sigurado akong totoo ang nakita ko. Sigurado akong totoo yun. Yung mukha niya. Bakit ganun? Pilit akong naghabol ng hininga saka ako pumunta sa ref saka ko uminom ng tubig. Paubos na ang tubig na iniinom ko nang biglang may nakita akong lalaking nakatingin sa akin na walang mukha. Nabitawan ko yung baso ko. Napatingin ako sa tubig na iniinom ko nang biglang maging dugo yun

Nagsuka ako ng nagsuka para pilit ilabas yung dugong nainom ko iyak ako ng iyak at pilit isinusuka yun. Napatingin ako sa salamin na sobra kong pinagsisisihan.

Nakita ko ang sarili kong walang mukha at pinaliligiran ng mga ligaw na kaluluwa

"Ahhhhhhh!!" isang makas na tili ko kasabay ang pagbagsak ko at pag itim ng paningin ko

_______________________________

Done


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión