Descargar la aplicación
46.66% The Probinsyana and the Heartless CEO / Chapter 7: Chapter seven

Capítulo 7: Chapter seven

Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya kinabahan ako at napatingin sa paligid.

Napakunot ang noo ko nang makita ko na iba ang kwarto na kinalalagyan ko kaya ginalaw ko ang katawan ko.

Si Gabriel pala ang katabi ko at nakaramdam ako ng inis kaya tumayo ako.

Nandito na ako sa silid niya ang naalala ko lang ay nasa kwarto ako ng mga bata. Napailing na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto.

Maaga pa naman kaya alam ko na wala pang gising at lumipat ulit ako sa kwarto ng mga bata.

Tulog na tulog pa sila kaya napangiti ako at kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ko ang temperatura nito.

Inayos ko ang kumot ni Anthony at napangiti ako, napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi talaga kamukha ni Gabriel ang mga anak niya.

Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nang masiguro ko na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.

Bumaba na ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pumunta na ng kusina.

Naabutan ko si tiya at Carla na nagluluyo na ng almusal kaya nang mapatingin sa akin si Carla ay nilaputan niya ako agad.

"Kumusta ang mga bata?" Tanong niya kaya ngumiti lang ako at binati sila ng magandang umaga.

"Okay naman nakatulog ng maaga hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako at hindi na nakababa." Sabi ko sa kanya kaya tumango lang siya.

Nagulat rin sila kahapon dahil sa pamamalo ni Gabriel sa mga bata.

"Bihirang magalit ng ganyan si Sir Gabriel, minsan kase ay may pagkapasaway rin yang kambal." Sabi ni Carla na naiiling na lang.

"Pero hindi na bago na napapalo ni Gabriel ang dalawang bata." Sabi naman ni tiya kaya napatango ako at lihim na napabuntong hininga.

Pinagbubuhatan pala niya ng mga kamay ang dalawang bata kaya marahil ay hindi malapit ang dalawa sa kanilang ama.

Nag-agahan na kami ni tiya at Carla dahil maaga pa ay nagsimula na ako sa trabaho ko, tinulungan ko si Carla na maglinis ng attic dahil ayaw niyang mag-isa doon.

Inutusan siya kanina ni Ma'am Cynthia na linisin ang attic pinapatapon na ang mga gamit roon na mga nakasalansan.

Ang mga canvas raw iyon kaya sinunod na lang siya ni Carla, masama ang tingin nito sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin pa.

Napaubo ako dahil maalikabok na at may mga agiw na rin dito at napakaraming gamit pero mga naka-plastic naman.

"Ilang taon na itong hindi nalilinisan mula ng mamatay ang asawa ni Sir Gabriel." Sabi ni Carla kaya napatingin ako sa kanya at nilibot ang tingin ko sa malawak na silid.

"Bakit? Dito ba siya naglalagi?" Tanong ko kaya tumango si Carla.

"Ilang taon na ako rito at narinig ko na ang kwento tungkol sa dating asawa ng amo natin." Sabi niya na napahinga ng malalim.

"Mahilig raw iyong magpinta at tumugtog ng piano, dito siya madalas mamalagi lalo na nang pinagbubuntis pa lang niya ang kambal." Kwento ni Carla may iba pa siyang sinabi pero nakuha ng pansin ko ay ang nakasalansan na mga canvas at halos pare-pareho lang lahat ang naka-pinta dito.

Karagatan at bundok at may isang lalake na nakatalikod at nakapamulsa.

"Si Sir Gabriel yan, mahal na mahal niya ang amo natin kaya lagi niya raw yan na pinipinta." Sabi ni Carla kaya napatango ako at napatitig dito.

Base sa pagkakatitig ko ay mas matangkad ang lalake kaysa kay Gabriel at tila may pumapasok sa isip ko na hindi ito si Gabriel.

Napahinga na lang ako ng maluwag at nagsimula na akong maglinis dahil masyadong madumi ay nahirapan kami ni Carla.

Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas kaya nagulat pa ako ng makita ko Gabriel.

"Sino ang nagutos na linisin ang attic?" Kinabahan ako at napatingin kay Carla kaya napalapit siya sa akin.

"Pinalinis ho ni madam ipapatapon na raw niya ang ilan sa mga gamit dito na naiwan ng kapatid niya." Sagot ni Carla kaya nagulat kami ng magmura ang amo namin kaya napatingin ako sa kanya.

"That woman is testing my patient." Galit niya na turan saka lumabas ng kwarto kaya nagkatinginan kami ni Carla.

"Away na naman ito ng malala." Sabi ni Carla na pinaligpit na ako at saka na niya ako niyaya na lumabas na.

Bago ako lumabas ay tinignan ko pa ang buong silid at pakiramdam ko ay napakalungkot talaga ng lugar na ito.

Naabutan namin na nag-aaway na naman ang amo namin at ngayon nga ay tuluyan na nito na pinaalis ang sister-in law niya.

Dito ko nakita kung paano magalit si Gabriel kaya niyaya na muna ako ni Carla na bumalik sa kwarto namin.

Papanhik ako mamaya kapag gising na ang kambal, nag-tetext naman si Angelo kapag gising na ito.

"Napuno na talaga ang boss natin." Komento ni Carla kaya napailing na lang ako at napahinga ng malalim.

"Sinabi mo pa pero kawawa ang alaga ko." Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya at huminga ng malalim.

"Halika na nga magsimula na tayo ulit magtrabaho." Niyaya na ako ni Carla na lumabas muli ng kwarto namin kaya nagpahila na lang ako sa kanya.

Sumapit ang tanghali na hindi bumaba ang kambal dahil bawal sila lumabas utos ng ama nila kaya kahit ako ay walang nagawa.

Hindi ko rin ito pinapansin dahil naiinis ako dito kaya ginagawa ko ay lagi akong nakabuntot kay Carla at ginagawa ko na busy ang sarili ko.

"Okay na ang tanghalian ng mga bata?" Tanong ko kay Carla kaya tumango siya at inayos ang tray na may laman ng pagkain.

"Tulungan na kita iakyat ito para hindi ka na bumalik." Sabi ni Carla kaya tumango ako.

Habang paakyat kami ay siya naman na pagsulpot ni Gabriel kaya nagulat ako at napayuko.

"Ihahatid niyo ba yan sa mga bata?" Tanong nito na sinagot naman agad ni Carla.

"Ako na nito Carla sige na." Sabi nito na kinuha ang dala ni Carla kaya nagulat ito, maging ako ay ganun rin.

"Come on Sonata." Sabi nito kaya napasunod ako sa kanya sinenyasan na lang ko ni Carla na bababa na siya kaya tumango ako sa kanya.

"Mag-usap tayo mamaya Sonata!" Sabi ni Gabriel kaya napahinto ako kaya napatitig siya sa akin at napatango na lang ako.

Ayoko nang dagdagan pa ang galit niya ngayong araw kaya tumango na lang ako sa kanya, saka na ako sumunod papasok sa kwarto ng mga bata.

Iniwan na kami ni Gabriel dahil alam ko na hindi makakain ng maayos ang dalawang bata kung nandito ang daddy nila.

"Kain na kayo wala ang daddy niyo." Masaya ko na turan sa dalawa kaya pareho na silang umupo dito sa lamesa.

Pinaghimay ko sila ng isda at maya't maya ay sinusubuan ko si Angelo na naglalambing na naman.

"I wish you are our mom." Biglang sabi ni Anthony kaya napatingin ako sa kanya at napangiti.

Sana nga ito ang nasa isip ko dahil sino ba ang hindi gugustuhin na maging anak ang dalawang ito.

"Pwede niyo naman akong maging mama pero wag niyong papalitan ang mommy niyo." Sabi ko sa kanya kaya nakita ko ang ngiti ni Anthony na hindi umabot sa mga mata niya.

Sinubo ko na sa kanya ang huling nasa kutsara at bahagyang pinisil ang pisngi nito.

"Mula ngayon hindi ka na namin tatawagin na nanny, mama na po pero kapag tayong tatlo lang." Masaya na turan ni Angelo kaya napatawa ako sa sinabi at tumango.

Nang matapos ko na pakainin ang mga bata ay naghugas ako ng kamay dito sa banyo nila at napahinga ako ng malalim.

Naaawa ako sa mga bata dahil lumaki sila na walang ina at ni hindi nga nila gusto na banggitin ang pangalan nito.

Paglabas ko ay nandito na sa kwarto si Gabriel at pinagsasabihan ang dalawang bata na parehong nakayuko kaya napailing na lang ako.

Lumapit ako dito at tinabihan ang dalawang bata kaya tila nakahinga ng maluwag ang dalawa.

"Sa susunod na may gawin pa kayo na ikapapahamak ni Sonata ay pauuwiin ko na siya sa bahay nila at hindi niyo na siya makikita pa." Seryoso nito na turan sa dalawa kaya napailing na lang ako.

"Maliwanag ba?" Tanong nito na may kasama nang pagbabanta sa boses kaya napatitig ako sa kanya na nakatingin rin pala sa akin.

Dapat talaga kaming mag-usap ng lalakeng ito bata pa lang ang mga anak niya pero baka magkaroon na ang dalawa ng sakit puso dahil sa nyerbyos.

"Wag niyo intindihin ang sinabi ng daddy niyo okay." Lambing ko na lang sa dalawa na pareho kong hinalikan sa pisngi matapos kong pagsepilyuhin at pinunasan po pareho ang mga basa nila na pisngi.

"Takot pa rin po kami ganyan po magsalita si daddy." Sabi ni Angelo na naglalambing na yumakap sa akin kaya napailing na lang ako.

Matapos kong maibaba ang mga pinagkainan ng dalawa ay bumalik ulit ako dito sa taas, nagpaalam ako kay tiya na may pinapagawa ang amo namin na masungit.

Huminga muna ako ng maluwag saka kumatok sa pinto ng kwarto ni Gabriel nang bumukas ito ay agad niya akong hinila papasok.

Pero kasabay nito ay ang paghalik niya sa akin kaya nabigla ako at napaungol na lang sa ginagawa niya.

Mukhang hindi lang pag-uusap ang gahawin niya kundi ang papakin na rin ang labi ko.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión