KATHLEEN'S POV:
Maaga akong nagising pero si Andrea tulog parin, aakyat dapat ako ng hagdanan para pumunta sa kwarto at gisingin si Andrea pero tinatamad ako kaya sumigaw nalang ako.
"ANDREA BUMABA KANA DITO AALIS NA TAYO!!!!" Malakas kong sigaw at sigurado akong magigising yun.
*
*
ANDREA'S POV:
"ANDREA BUMABA KANA DITO AALIS NA TAYO!!!!" Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Kathleen, tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras na mag se-seven na pala.
Agad akong napabangon at napansin kong ako na lang ang nasa kwarto. Mabilis lang akong naligo, nag tooth brush, at nag bihis at agad akong bumaba, handa na silang umalis at ako na lang ang hinihintay.
Kasama din sila Derick at Jerick, sila yata ang mag tuturo sa daraanan namin.
"Ang tagal ba naman." Bulong ni Feebie na narinig ko naman, "Pa importante kasi." Sabat naman ni Jasmine. Inirapan ko lang silang dalawa, baka masampal ko pa sila.
Lumapit naman ako kay Kathleen, "Kathleen bakit di mo ko ginising ng maaga?" Pagtatanong ko kay Kathleen, "Alam mo besss ang aga kitang ginising pero ayaw mo naman bumangon umungot ungot ka pa dyan, kulang nalang buhusan na kita ng malamig na tubig para magising." Sagot ni Kathleen, "Sorry naman." Sabi ko kay Kathleen.
Nagsimula na kaming mag lakad. Alas otso na pero naglalakad parin kami, nagsisi ako na di ako gumising ng maaga.
"Ano ba yan ang init na, tumataas na ang araw." Daing ni Jasmine, "Kung maaga lang sana tayo nakaalis di tayo maabutan ng araw dito." Sabat naman ni Ryza at tumingin sakin sabay irap.
"Pinaparinggan mo ba ako Ryza?!" Lakas loob kong tanong sa kanya, kaya napatigil ang lahat sa paglalakad hinarap naman ako ni Ryza, "Bakit natamaan ka?" Natatawang tanong nya sakin, nang aasar ang bruha.
"Kung nag iinarte ka, sana nauna ka na lang!!!" Sigaw ko sa kanya, "Ano bang pinaglalaban mo Andrea? Talaga naman ah kung gumising ka ng maaga edi sana nakaalis din tayo ng maaga." Sabi sakin ni Ryza ng pataray.
"Aba kung makapag taray ka Ryza, kala mo perfect ka ah." Singit ni Kathleen sa pagbabatuhan namin ng mga salita. "Tumigil na nga kayo!!!" Malakas na sigaw ni Feebie, "Epal." Sabat ni Kathleen, napatingin si Feebie kay Kathleen, "Mas epal ka nakikisali ka nga sa gulo nila, eh ako nakisali lang para awatin sila." Ngiting plastic ang ginawa nito habang nakatingin kay Kathleen.
Alam kong inis na inis na si Kathleen. Nagsimula na syang humakbang at susugudin si Feebie.
Pero hinawakan sya ni Aaron sa kamay, napatigil sa paglalakad si Kathleen at nanlaki naman ang mga mata ni Feebie sa nakita. Sinamaan ng tingin ni Feebie si Kathleen pero inirapan naman sya Kathleen.
*
*
KATHLEEN'S POV:
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Aaron na dumampi sa malambot na palad ko at pinag-siklop nya ito. Nanlaki ang mga mata ni Feebie sa nakita dahil alam ko namang may gusto sya kay Aaron.
Sinamaan ako ng tingin ni Feebie at inirapan ko naman sya.
"Umalis na tayo!" Malakas na sigaw ni Ethan kaya naglakad ulit sila at nag pahuli kami ni Aaron.
Hindi parin binibitawan ni Aaron ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa, "Ah... Bitawan mo na ako Aaron." Sabi ko sa kanya, "Pwede bang hawakan ko muna ang mga kamay mo." Sa sinabing yun ni Aaron bumilis ang tibok ng puso ko at namula ang aking mga mukha. Dug dug dug dug.
"Bat namumula ka?" Pagtatanong ni Aaron, "Ha?... hindi ah." Sagot ko naman sa kanya, "Umamin ka nga sakin Kathleen, gusto mo ba ako?" Dug dug, dug dug, dug dug.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong nya. "Kathleen? Tinatanong kita? gusto mo ba ako?" Napatingin lang ako sa mga mata nya at hindi ko alam ang isasagot.
"Kung hindi mo ako gusto aalis nalang ako." Sabi ni Aaron at napayuko sya at mukang aalis na, "Teka lang!" Sa pagkasabi kong yun napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Aaron.
"Aaron gusto kita." Nahihiya kong sabi at napayuko ako, "Gusto din kita Kathleen, nung una palang." Kinikilig ako sa mga sinasabi nya whaaaaaa.
"Lumakas ang loob ko na sabihin sayo na gusto kita dahil nung nakita ko yung mga pictures ko ay naka save sa phone mo, naaalala mo pa ba nung kinuha ko yung phone mo at nag picture ako?" Pagtatanong sakin ni Aaron.
Nahihiya ako sa mga sinasabi nya, pero na pa "Oo" na lang ako at tumingin muli sa muka nya, ang gwapo talaga nya. "Mas nagustuhan kita nung iniligtas mo ang buhay ko nung mababanggaan ako ng truck, gustong gusto kita Kathleen." Kinikilig ako sa mga sinasabi nya kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso ko.
"Gusto din kita Aaron, ang gwapo mo talaga." Nakangiti kong sabi sa kanya at napangiti sya nung sinabi ko yun.
"Ikaw naman ang pinaka magandang babae saking mga mata." Napangiti ako sa sinabi ni Aaron.
"Tara na baka maiwan na nila tayo." Sabi ko kay Aaron, at madali naman kaming nag lakad ng mag kahawak kamay, at maya maya ay naabutan na namin sila.
Sobrang saya ng araw ko ngayon.