Descargar la aplicación
43.75% Z0mbie Ap0calypse / Chapter 7: Chapter Seven

Capítulo 7: Chapter Seven

DREA'S POV:

"Dapat hindi na tayo mag stay dito, umalis na lang tayo." Sabi ni cessa.

"Pero wala tayong pupuntahan." Sabi ni kevin.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ni noah diba, walang tutulong dun satin sa kabilang city, hindi nila alam kung nasaan yung mga rescuer ngayon, hindi sila ni rescue at dinaanan lang sila." Sabi ni greyson.

"Edi sa ibang lugar tayo mag stay, wag dito, nagsasayang lang tayo ng oras, what if nag hihintay pa sila ng mga survivor sa iba't ibang lugar? May pag asa pa tayo." Sabi ni cessa.

"Imposibleng walang safe na lugar kung saan dinala yung mga rescue, wala tayong mapapala kung hindi natin hahanapin yun." Dugtong ni cessa.

"Sabi ni noah dinaanan lang sila ng mga rescuer diba, ibig sabihin kung makakalagpas tayo sa city na yun pwede nating mahanap kung nasaan yung mga nag rescue sa mga tao sa city natin." Dugtong nya ulit.

"Madali lang sabihin pero mahirap gawin." Sabi ni greyson.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan." Pag singit ko sa usapan nila kaya napatingin sila sakin.

"Hindi ba drea?" Sabi ni cessa.

"Oo, naiintindihan kita." Sabi ko.

"So ano ng plano nyo?" Pagtatanong ni allison.

"Hindi ko kayo pinipilit lahat, kung gusto nyong mag stay dito okay lang, alam kong sasama si sylus samin kaya hihintayin na muna namin syang gumaling bago umalis." Sabi ko.

Sigurado akong sasama si sylus dahil hinahanap din nya yung lolo nya.

"Ano kuya? Sasama ba tayo sa kanila? Si mama at papa ay nasa kabilang city pero hindi daw sila na i-rescue dun, wala din sila dito, ibig sabihin..." Sabi ni felix at hindi tinapos yung sasabihin nya.

"Patay na sila." Pagpapatuloy ni zayne sa sasabihin ni felix.

"Hindi ba kayo nalulungkot para sa magulang nyo?" Pagtatanong ni allison.

"Sinanay na nila kaming hindi sila nakikita ng ilang years, tawag lang sa phone at kamustahan." Sagot ni kevin.

"Sasama kami." Sabi naman ni zayne.

"Oo!" Sabi din ni felix.

"Sasama rin ako." Sabi ni allison.

"Ako rin, ikaw greyson?" Pagtatanong ni yvonne.

"May choice pa ba ako? Ayokong maiwan dito, sasama ako sainyo." Sagot ni greyson.

"Okay, uhm pag maayos na yung lagay ni sylus at okay na sya aalis na tayo dito." Sambit ko.

"Aalis kayo?" Pagtatanong ni sir noah na ikinagulat namin.

"A-ah oo." Medyo utal na sabi ni cessa.

"Sasabihin naman namin sayo yung tungkol dito, nag paplano lang kami." Sabi ko sa kanya.

"Hindi pwede, masyadong delikado para sainyo sa labas, mas mabuti kung mag stay na lang kayo dito at hintayin ang rescue." Sabi ni sir noah.

"Pero sir, kailangan naming hanapin yung pamilya namin, pag okay na yung kalagayan ni sylus aalis na kami dito." Sabi ko.

"Pwede naman nating hintayin ang mga rescuer, mas madali nyong makikita ang mga pamilya nyo." Sabi ni sir noah.

"Hindi nyo kami naiintindihan." Sabi naman ni allison.

"Naiintindihan ko kayo okay? Makinig kayo sakin, pwede ba yun?" Pagtatanong ni sir noah.

"Hindi pwedeng dito lang kami at mag quarantine ng ilang days, nakahawa na ng sakit yung kasama namin sa mga tao mo, kaya kailangan na talaga naming umalis dito." Sabi ni greyson.

"Hindi hindi, kaya nga kayo mag ka quarantine ng ilang days dito ay para mawala yung mga sakit nyo." Sabi ni sir noah.

"Hindi, wala kaming mga sakit o masamang nararamdaman, mas mabuti kung aalis na lang kami." Sabi ulit ni greyson.

"Sana maintindihan nyo." Sabi naman ni allison.

"Sige mag pahinga na kayo, bukas na ulit natin to pag usapan." Sabi ni sir noah at umalis na.

"Mukhang ayaw nya tayong paalisin." Sabi ni yvonne.

"Anong gagawin natin?" Pagtatanong ni kevin.

"Kung pipigilan tayong umalis ni sir noah, tatakas tayo." Sabi ko.

"May plano ka?" Pagtatanong ni kevin.

"Magpapatulong tayo kay na calista, caleb, rafael at thomas." Sabi ko.

"Tama, tama." Sabi ni felix.

"Oh, bakit nakatingin kayong lahat sakin?" Pagtatanong ni allison.

Agad namang kumuha si yvonne ng isang damit dun sa kahon at agad lumapit kay allison.

"B-bakit?" Nagtatakang pagtatanong ni allison.

"Wala ka bang nararamdaman?" Pagtatanong ni yvonne at agad pinunasan yung dugo sa ilong ni allison.

"Dalhin na natin sya sa clinic, baka andun si calista." Sabi ni kevin.

Bigla namang nawalan ng malay si allison at matutumba pa sana pero agad syang nasalo ni yvonne.

"Dalhin nyo na sya sa clinic." Sabi ni felix.

Binuhat naman ni zayne si allison.

-

-

-

"Kamusta na sya?" Pagtatanong ni yvonne.

"May lagnat na din sya." Sagot ni calista.

"Nahawaan ba sya ni sylus?" Pagtatanong naman ni cessa.

"Posible." Sagot ni calista.

Bigla naman kaming nakarinig ng putok ng baril at may nagsisigawan na kaya agad kaming nagtakbuhan palabas.

"Calista!" Sigaw ni vivian at papalapit samin.

"Anong nangyayari?" Pagtatanong ni calista.

"Namamaril ng mga tao yung isang pulis, pinipigilan na sya nila josephine, nasaan si sir noah?!" Natatarantang tanong ni vivian.

"Hindi ko alam, wait lang kailangan nating ilayo yung mga tao dun, tulungan nyo ko!" Sabi ni calista.

-

-

-

Napigilan nga nila josephine yung pulis na namamaril, lasing daw pala kaya ganin. Buti na lang wala syang natamaan, pero madaming sugatan dahil nag tulakan sila pababa ng hagdanan.

Kaya ginagamot namin yung mga sugatan ngayon. Ako, si caleb, zayne, yvonne, kevin, felix at cessa ang katulong ni calista ngayon dito sa clinic.

Si greyson naman ay andun kasama ni josephine.

"Drea, pwedeng ikaw na umasikaso dun sa isang lalaki sa dulo, may hiwa sya sa braso at may sugat sya sa may noo." Sabi ni calista.

"Oh sige." Sabi ko naman.

"Salamat." Sabi nya.

Pumunta na nga ako dun sa lalaki.

"Hi?" Sabi ko sa lalaki.

"Hello, ako si derrick." Pagpapakilala nung lalaki.

"Ako si drea." Pagpapakilala ko naman.

"Parehas pa tayo ng letter ng first name haha." Sabi ni derrick at napangiti naman ako.

"Dahan dahan lang masakit, natulak kasi ako nung isang lalaki dun pababa ng hagdan." Sabi ni derrick kaya napatango naman ako.

"May boyfriend ka?" Pagtatanong ni derrick.

"W-wala.... Bakit mo natanong? Ikaw may girlfriend ka ba?" Pagtatanong ko.

"Wala din, boyfriend meron ako haha, pero matagal na yun, siguro patay na sya ngayon. Nakakulong sya sa kulungan eh, pinatay nya kasi yung kapatid ko 4 years ago." Sabi ni derrick.

"Oh? Paano?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko alam, paggising daw nya nakita nya yung katawan nung kapatid kong babae na puro saksak sa dibdib, basta mahabang kwento, na trauma na ako, ayoko nang umulit, pero kung ikaw bakit hindi." Sagot nya.

"Gaga." Sabi ko kaya naman natawa si derrick.

"Anong pangalan nung lalaking yun?" Pagtatanong ni derrick.

"Sino? Ayun bang matangkad?" Pagtatanong ko at tinuro si zayne.

"Ah si zayne yun, ang gwapo no?" Sabi ko.

"May feelings ka sa kanya?" Pagtatanong nya.

"Wala ah." Sabi ko at diniinan yung pag punas nung bulak sa may noo nya, kaya napadaing sya.

"Aray." Si derrick at napatawa naman ako ng mahina.

"Nakatingin yung zayne, nag seselos siguro." Sabi ni derrick.

"Wag mo tingnan." Sabi ko naman.

"Bakit?" Pagtatanong nya.

"Wala, tumahimik ka na lang." Sabi ko.

"Okay, paano pala kayo nakapunta dito?" Pagtatanong nya.

"Sabi ko manahimik ka na, pero nakapunta kami dito dahil kay na rafael at thomas, kilala mo sila?" Pagtatanong ko naman.

"Oo, mga kaibigan ko yun." Sagot ni derrick at natatawa.

"Bakit? Anong nakakatawa?" Pagtatanong ko ulit.

"Yung zayne natingin." Sagot ni derrick.

"Hayaan mo sya, tumahimik ka na." Sabi ko.

"Okay okay." Sabi nya.

"Nasaan na kaya si sir noah, nagkakagulo na yung mga tao pero wala sya dito, hindi ba nya narinig yung mga putok ng baril." Sabi ni vivian.

"Alam mo ang ingay mo." Sabi naman ni cessa kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong sabi mo?" Pagtatanong ni vivian at tinignan si cessa.

"Hindi mo ba narinig? O bingi ka?" Pagtatanong naman ni cessa.

"Ulitin mo yung sinabi mo!" Sigaw ni vivian.

"Sabi ko ang ingay mo! Oh ano? Okay ka na?" Sabi ni cessa.

"Nakahanap na si vivian ng katapat." Sabi ni derrick sakin.

"Lahat na lang kasi inaaway ng babaeng yan haha, eh ngayon lang may lumaban pabalik sa kanya." Dugtong ni derrick.

"Oh, masama nga ang ugali ni vivian, nakabunggo ko sya at galit na galit sya kahit nag sorry na ako." Sabi ko.

"Anong pangalan nung kaaway ni vivian?" Pagtatanong nya.

"Si cessa, bestfriend ko, laging natataranta kapag hinahabol kami ng mga zombie." Sabi ko at napatango naman si derrick.

"Hindi mo ba sya pipigilan?" Pagtatanong nya ulit.

"Hindi na, para manahimik na sya sa susunod." Sagot ko at natawa naman si derrick.

"Eh sino ka ba? Ang lakas naman ng loob mong sabihan ako ng maingay eh hindi naman kita kilala." Sabi ni vivian.

"Hindi din naman kita kilala, so patas lang, sino ka rin ba?" Sabi naman ni cessa.

"Tama na yan girls, nakakahiya sa mga tao." Pagsingit ni calista.

"Cessa wag mo nang patulan." Sabi ni felix.

Nakaalis na nga yung mga tao at bumalik na sa mga room nila, at si derrick na lang yung pasyenteng naiwan dito, dito muna daw sya. Si sylus at allison tulog pa rin, pati yung isang lalaking naunang magsuka at dumugo yung ilong.

"Nakakapagod." Sabi ni caleb.

"Kukuha lang ako ng tubig at pagkain, baka nagugutom na kayo." Sabi naman ni calista.

"Tulungan na kita ate." Sabi ni caleb.

Bigla namang bumukas yung pinto at may dala ng mga biscuits at tubig sila greyson at josephine.

"Ayan na pala sila." Sabi ni caleb.

"Thank you." Sabi naman ni calista.

"Wala parin si noah?" Pagtatanong ni josephine.

"Wala pa rin." Sagot ni calista.

"Kumain na muna kayo." Sabi ni josephine.

"Okay wala na yung mga tao, so pwede na nating ituloy yung away?" Pagtatanong ni vivian.

"Tumigil ka na vivian." Sabi ni calista.

"Wag ka makisali dito calista." Sabi naman ni vivian.

"Pwede ba tumigil ka na?" Pagtatanong ni cessa.

"Ikaw yung nagsimula diba? Tapos papatigilin mo ako?" Pagtatanong naman nya.

"Okay." Sabi ni cessa.

"Okay? Kanina ang dami dami mong sinasabi diba tapos ngayon "okay" lang? Ano nag papabida ka lang sa mga tao? Papansin?" Sunod-sunod na pagtatanong ni vivian.

"Sumusobra ka na." Sabi ni yvonne.

"Manahimik ka." Sabi naman ni vivian.

Magsasalita na sana ako pero pinigilan ako ni cessa.

"Ang ingay mo, kanina ka pa, wala ka bang balak tumigil? Hindi ba napapagod yang bunganga mo?!" Sigaw ni cessa kay vivian.

"Ang ingay mo na nga wala ka pang ambag, lahat kami nagpapakahirap asikasuhin yung mga tao tapos ikaw nakaupo lang at nagsasalita ng kung ano ano, baliw ka ba?" Dugtong pa ni cessa.

"Itigil nyo na yan." Sabi ni josephine.

"Oh bakit hindi ka nagsasalita? Pagod na ba yang bunganga mo?" Pagtatanong ni cessa.

"Umalis ka na nga dito!" Sigaw ni cessa.

"Wow? Ako pa ang paaalisin mo? Eh kayo nga tong dapat umalis dito, nung wala naman kayo dito maayos lang, hindi magulo, pero nung dumating kayo ang gulo na." Sabi ni vivian.

"Umalis ka nga sa harapan ko, baka kung ano pang magawa ko sayo, walang kwenta." Sabi naman ni cessa.

"Hindi pa tayo tapos." Sabi ni vivian.

"Wala akong pake." Sabi ni cessa.

Lumabas na nga ng clinic si vivian.

"Kumain na kayo." Sabi ni calista.

"Oh ito tubig, para sa lahat." Sabi naman ni caleb.

Nagpahinga na nga kami dito sa clinic at maya maya pa dumating na si sir noah.

"Sir noah!" Sabi ni caleb.

"Saan ka galing?" Pagtatanong ni josephine.

"Anong nangyari?" Pagtatanong naman ni sir noah.

"Okay na, nagkagulo lang at isa sa mga kasamahan nating pulis ang nagpaputok ng baril." Sagot ni josephine.

"Tanggalan mo ng baril, yung mga tao okay ba?" Pagtatanong ni sir noah.

"Maraming tao yung sugatan." Sabi ni calista.

"Kamusta sila?" Pagtatanong ulit ni sir noah.

"Okay na, nagamot na namin sila." Sagot ni calista.

"Okay ka lang ba? Parang may kakaiba sayo." Pagtatanong ni josephine kay sir noah.

"Parang hindi ka mapakali, kanina ka pa wala." Sabi pa ni josephine.

"Nakagat ako." Sabi ni sir noah na ikinagulat namin.

"Ha?! Paanong nakagat?" Pagtatanong ni josephine.

"Hindi ko alam kung paano ko ikikwento sa inyo." Sagot ni sir noah.

"Anong gagawin natin sa kanya?" Pagtatanong ni derrick kaya napatingin kami sa kanya.

"Aalis ako dito." Sabi ni sir noah.

"Ha? Hindi pwede! Hindi namin alam ang gagawin kung wala ka." Sabi naman ni josephine.

"Pero nakagat ako." Sabi ni sir noah.

"Ha? N-nakagat ka?" Pagtatanong ni vivian na ikinagulat namin. Agad naman syang tumakbo ulit paalis.

"Bwisit." Sambit ni cessa at agad hinabol si vivian, sumunod din sila felix at kevin.

"Sigurado akong sasabihin yun ni vivian sa mga tao, magkakagulo ulit ang lahat." Sabi ni calista.

"Kaya kailangan ko nang umalis, pakalmahin nyo yung mga tao kung malaman man nila." Sabi naman ni sir noah.

"Kayo na muna ang bahala dito." Dugtong pa ni sir noah.

Agad namang tumakbo palabas si josephine, susundan nya yata sila cessa.

"Umalis ka na agad." Sabi ni derrick.

Lumabas na nga si sir noah.

"Dito lang kayo, susundan ko sila josephine, kailangan naming pigilan si vivian." Sabi ni calista at lumabas na rin.

"Susundan ko si sir noah hanggang labas." Sabi naman ni greyson.

*

*

RAFAEL'S POV:

Laking gulat na lang namin ni thomas ng biglang may rumaragasang sasakyan na binangga yung mga kotseng nakaharang sa daan.

"Shit." Sabi ni thomas.

Hindi lang isang sasakyan madami sila, tinigil din nila yung mga sasakyan nila.

Nagbabaan yung mga tao dun, may mga baril sila.

"Shhh." Sabi ni thomas at nag sign na wag maingay.

"Gago anong gagawin natin?" Mahinang pagtatanong ko kay thomas.

"Shh ka lang." Sabi ni thomas.

Maya maya pa naglabas ng flashlight yung isa sa kanila at tinutok yung flashlight samin.

"Gago." Sabi ko.

"Hindi nila tayo makikita." Mahinang sabi ni thomas.

Kinakabahan ako.

*

*

CESSA'S POV:

"Hoy! Sabihin mo sa kanila nakagat si noah!" Sigaw ni vivian dun sa mga babae at agad naman silang nagtakbuhan.

"Impakta ka talaga eh no." Sabi ko kay vivian.

"Eh anong pake mo ba? Gusto mong mamatay tayong lahat dito?" Pagtatanong nya.

"May iba pang paraan." Sabi ni kevin.

"Tumahimik ka." Sabi naman ni vivian.

"Sumusobra ka na ha." Sabi ko at agad sinuntok ng malakas sa mukha si vivian at agad syang bumagsak.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ni calista.

"Puntahan nyo na yung mga tao, nasabi na ni vivian, kami na ang bahala dito kay vivian." Sabi ni felix.

"Sige." Sabi ni calista.

"Tara na." Sabi naman ni josephine.

*

*

RAFAEL'S POV:

Nakaluhod na kami ngayon ni thomas sa harap nila at tinututukan nila kami ng baril.

Nakita nila kami sa loob ng sasakyan at pinalabas nila kami ng sasakyan.

"Sino nag harang nung mga sasakyan dyan?" Pagtatanong nung lalaki, boss yata nila to.

"Sagot!" Sigaw nya na ikinagulat ko.

Kinakabahan ako gago.

"M-mga tauhan ni noah." Sagot ni thomas.

"Sinong noah?" Pagtatanong ulit nung lalaki.

"M-mga tau-" Nauutal na sagot ni thomas kaya nagsalita na ako, uulitin nya lang din yung sagot nya kanina.

"Si noah yung namumuno sa amin, isa syang pulis." Sabi ko.

"Tinatakot mo ba kami na may kasama kayong pulis?" Pagtatanong ulit nung lalaki.

"Hindi, kasi totoo naman yung sinasabi ko at saka tinanong mo kung sino si noah sinag- " Isang malakas na sipa sa mukha ko ang natanggap ko galing dun sa lalaking nagtatanong samin.

"Rafael!" Sigaw ni thomas.

"Nagtatanong ako ng maayos sana sumagot ka ng maayos." Sabi nung lalaki.

"Sinagot naman nya yung tanong mo ng maayos, pero bakit mo sya sinipa?!" Sambit ni thomas.

"Para sakin di maayos yun, nayayabangan ako sa sagot nya, rafael ang pangalan nya? Ikaw?" Pagtatanong ulit nung lalaki.

"T-thomas."

Nakaluhod pa rin kami at medyo nahilo ako dun.

Dumudugo din yung ilong ko at gilid ng labi, ang sakit.

"Ako si lucius, may gusto lang akong itanong at sana sumagot kayo ng maayos." Sabi nung lucius.

"Bakit ba kayo naka yuko? I-angat nyo yang mga ulo nyo!" Sigaw nung lucius.

Tumingin naman sakin si thomas.

"Rafa? O-okay ka lang?" Pagtatanong ni thomas at tumango naman ako.

"Umalis na kayo, hindi kami mag susumbong." Sabi ni thomas.

"Bakit? May magagawa ba yang leader nyong pulis?" Pagtatanong nung lucius.

"Ayaw namin ng gulo." Sabi naman ni thomas.

"Ayaw din namin, kaya sasagot kayo ng ayos sa tanong namin, okay ba yun?" Sabi nya.

"Sagot!" Sigaw ni lucius.

"O-oo." Sabi ni thomas, ramdam ko sa boses nya na natatakot sya.

Anong gagawin namin?

"Saan yung lungga nyo?" Pagtatanong ni lucius.

"Sa s-" Sasagot na sana ako ng biglang sumigaw si thomas.

"Wag! Wag mong sabihin rafael, hindi natin alam kung anong gagawin nila dun, baka mapahamak ang mga tao." Sabi ni thomas.

Isang malakas na sipa rin ang natanggap sa mukha ni thomas.

"Wag? May usapan tayong sasagot kayo ng maayos kung ayaw nyong mapahamak diba? Eh anong ginagawa nyo?" Pagtatanong ni lucius.

"Sasabihin ko naman, wag kang mag alala." Sabi ko at tinignan si lucius.

"Wag mo akong binibigyan ng malamig na titig." Sabi ni lucius.

"Edi wag kang tumingin." Sabi ko.

Agad naman nya akong kinuwelyuhan at hinila patayo, isang malakas na suntok ang natanggap ko galing sa kanya.

"Rafael!!" Sigaw ni thomas tatayo pa sana sya pero tinutukan sya nung isang lalaki ng baril.

"Ano?!" Sigaw ni lucius sa mukha ko at galit na galit sya.

"Tangina mo! Bitawan mo si rafael! Ako ang harapin mo!" Galit na sigaw ni thomas.

Agad naman akong binitawan ni lucius at tinulak.

"Hawakan nyo sya!" Sigaw ni lucius.

"Teka!" Sigaw ko.

"Manood ka na lang paano mag hirap yung kaibigan mo haha." Sabi ni lucius.

Nagulat na lang ako ng bigla akong tutukan ng baril sa ulo nung isang lalaking nasa likod.

"Subukan mong gumalaw, sasabog yang ulo mo." Sabi pa nya sakin.

Hawak hawak na nga nung isang lalaki si thomas at sinimulan na ngang pagsusuntukin sya ni lucius sa mukha.

Walang nagawa si thomas kundi dumating sa sakit.

Puro dugo na yung mukha nya.

Wala akong magawa.

Anong gagawin ko?

-

-

-

Wala ng lakas tumayo si thomas kaya binitawan na sya nung lalaki, agad naman akong tumakbo papunta kay thomas.

Hindi na napigilang tumulo ng mga luha ko.

"T-tu-t-tu-tuma-m-mak-b-bo k-k-ka-kana." Nauutal na sabi ni thomas.

"Shhh, w-wag ka nang mag salita, aalis tayo dito." Umiiyak kong sabi.

"G-ga-go k-ka, u-umi-iyak k-ka?" Nauutal na pagtatanong nya at umiling naman ako.

"Bibigyan ko kayo ng ilang minuto para lumayo, tumakbo kayo, umalis na kayo." Sabi ni lucius kaya napatingin ako sa kanya.

"I-iwa-iwanan m-mo n-na a-ako." Sabi ni thomas at umiling naman ako. Inalalayan ko syang tumayo, ini-akbay ko yung kaliwang braso nya sa balikat ko at inalalayan ko syang maglakad.

"Hindi kita pwedeng iwan gago ka ba?" Sabi ko habang umiiyak.

"W-wag k-ka n-ngang u-umi-miyak." Nauutal pa na sabi ni thomas.

"Wag ka nang magsalita gago ka, hindi kita iiwan dito ng ganyan lang." Sabi ko at naiiyak.

Maya maya pa umiyak na din si thomas kaya lalo akong napaiyak.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa kanila ng biglang.....

*BAANNGG!*

*BAANNGG!*

*BAANNGG!*

Tatlong putok ng baril ang narinig ko kaya agad akong napalingon.

Napatigil naman sa paglalakad si thomas kaya tumingin ako sa kanya.

"R-rafael." Sabi ni thomas at tumingin sakin.

Tuluyan na syang bumagsak sa mga braso ko habang nakahiga sya sa gitna ng daan.

Natamaan sya.

Nakatingin lang sya sakin.

"T-thomas?!" Sabi ko habang naiiyak.

"Thomas?" Pagtawag ko ulit sa kanya at inilapit ko yung ulo ko sa dibdib nya, pinakinggan ko yung tibok ng puso nya.

Hindi na yun tumitibok.

"Thomas! Thomas!" Sabi ko habang umiiyak, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"T-thomas! I'm sorry." Sabi ko habang humahagulgol sa pag iyak, nanginginig yung mga kamay ko.

Hindi ko alam ang gagawin, hindi na humihinga si thomas.

Agad ko syang hinila papunta sa gilid ng kalsada, babalikan ko sya bukas.

Ayaw ko syang iwan pero kailangan malaman to nila noah, oh kung sinong unang makita ko.

May alam akong shortcut papunta sa school.

Agad akong bumalik papunta sa gitna ng kalsada at tumakbo.

*BAANNGG!*

*BAANNGG!*

*BAANNGG!*

*BAANNGG!*

Pinapaputukan nila ako ng pero nakalayo layo na ako sa kanila kaya hindi ako natamaan.

Kailangan sundan nila ako para wala na silang gawin kay thomas.

Lumingon ako at hindi ko na sila makita, agad na akong pumasok sa gubat.

*

*

LUCIUS'S POV:

"Nakalayo na sya boss."

"Ang tatanga nyo kasi bumaril." Inis na sabi ko sa kanila.

"Anong gagawin natin sa katawan nung isa?" Pagtatanong ng isa sa mga tauhan ko.

"Hayaan nyo na yan, bilisan nyo at habulin yung lalaking yun, hindi pa yun nakakalayo." Sabi ko.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión