Descargar la aplicación
18.75% Z0mbie Ap0calypse / Chapter 3: Chapter Three

Capítulo 3: Chapter Three

Kevin's pov:

Kanina ko pa naririnig na may naglalakad kaya agad akong lumabas ng kwarto baka sila ate drea at ate cessa yun. Tinawag ko na rin yung mga pangalan nila, pero hindi sila sumagot.

Papunta na ako sa kwarto nila.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at laking gulat ko ng makita ko yung dalawang lalaking nasa harapan ko. Agad akong tinutukan ng baril nung isa, yung isa namang lalaki ay tinutukan ako ng kutsilyo.

Paano sila nakapasok dito.

Kinakabahan ako.

Nasaan sila ate drea.

"Bakit kayo nandito? Sino kayo?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Sinong kasama mo dito? Ilan kayo?" Pagtatanong nung isang lalaki. (Boy 1)

"Wala ako lang..." Sabi ko.

"Sinungaling." (Boy 1)

Agad kong nakitang lumabas sina ate drea at cessa sa ilalim ng higaan.

Doon pala sila nagtago.

"Lima kayong nandito, kanina pa namin kayo sinusundan, magsisinungaling ka pa ah." (Boy 1)

Akmang sasaksakin nya na ako pero agad yung natulak ni ate drea, napakagat naman ako sa labi ko dahil nadaplisan ako nung kutsilyo at nagkahiwa sa braso.

Agad namang inagaw ni cessa yung baril dun sa lalaki (Boy 2), pero nahablot nito yung buhok ni cessa.

"Aaahhh! Bitawan mo ko!" Sigaw ni cessa.

Agad namang tinulak nung isang lalaki (Boy 1) si ate drea kaya natumba sya.

Agad naman akong lumapit dun sa isang lalaking sumasabunot kay cessa at agad kong sinuntok yun sa mukha, nabitawan naman nya si cessa.

Tumakbo naman palabas ng kwarto si cessa.

Agad naman akong nabawian ng suntok nung lalaki (Boy 2) sa mukha kaya natumba ako at napaupo.

"Aaaahhhh t-tangina mo!" Sigaw ni (Boy 1) sa sakit dahil sinaksak sya ni ate drea sa binti.

Agad namang sinipa nung lalaki (Boy 1) sa mukha si ate drea kaya agad kong hinugot yung kutsilyo sa binti nya at sinaksak yun sa hita nya.

Tuluyan na syang napaluhod at dumaing sa sakit.

Nagulat naman ako ng bigla akong tutukan ng baril nung isang lalaki (Boy 2).

"Ibaba mo yan." Walang emosyon na boses ni kuya zayne at nakatutok kay (Boy 2) yung shotgun ni kuya zayne.

Agad kinuha ni felix yung hawak na baril ni (Boy 2), lumapit naman si cessa kay ate drea.

"Bhe ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" Tanong ni cessa kay drea.

Dumudugo yung ilong nya at labi.

Agad naman akong tumayo at binawian ng sipa sa mukha si (Boy 1) kaya napahiga sya.

"Hayop ka! Anong ginawa mo kay drea!" Sigaw ni cessa at pinagsisipa sa mukha at ulo si (Boy 1)

Hindi ko na sya inawat, galit na galit kasi sya. Maya maya pa ay tumigil nadin si cessa.

Putok na yung labi at dumudugo na yung bunganga ni (Boy 1) dumudugo rin yung ilong nya.

"Anong gagawin natin sa kanila?" Pagtatanong ko kay kay kuya zayne.

"Hindi pa ba natin sila papatayin? Tignan nyo yung ginawa nya kay drea at kevin, tapos yang lalaki na yan ay sinabunutan ako." Sabi ni cessa at galit na galit.

Ang hapdi ng braso ko shit.

"Ma.. maa... awa.. Ma.. awa kayo..." Si (Boy 1), duguan na yung mukha nya.

"Maawa? Ang kapal naman ng mukha nyo? Nanahimik kami dito tapos guguluhin nyo kami, tignan mo yung ginawa mo kay drea, yung ginawa nyo samin. Ang kapal naman ng mukha mong manghingi ng awa eh halos patayin nyo na kami." Sabi ni cessa.

Galit na galit sya.

"Ano bang kailangan nyo?" Tanong ni zayne.

"Pagkain..." Si (Boy 2)

"Pagkain? Maghanap kayo ng sa iny- " Sabi ni cessa pero nagsalita si kuya zayne.

"Ubos na, naubos na yung kinuha namin kaninang umaga, sakto lang yun para samin." Sabi ni kuya zayne.

"Nasaan yung isa naming kasama? Pumasok din sya dito." Sabi ni (Boy 2).

"Nandun sa kwarto ko, walang malay, umalis na kayo dito bago pa nagbago ang isip ko." Sabi ni kuya zayne.

"Huh? Paaalisin mo lang sila? Dapat sa kanila pinapatay, paano kung tayo yung napatay nila?" Sunod-sunod na tanong ni cessa.

"Hayaan mo na sila bhe." Sabi ni ate drea.

"Umalis na kayo dito at iwan nyo yung babaeng kasama nyo." Sabi ni zayne.

"Babae? Babae yung isang kasama nila?" Pagtatanong ko.

"Oo, mamaya ko na ipapaliwanag." Sabi ni kuya zayne.

"Sige, sa inyo na yung babae na yun at aalis na kami dito." Sabi ni (Boy 2).

Tinulungan nyang makatayo si (Boy 1) at inalalayan nya ito, hinatid naman sila nila kuya zayne at kuya felix palabas.

Maya maya pa dumating na si kuya zayne.

"Nakaalis na ba sila?" Pagtatanong ko.

"Oo, kamusta yang braso mo?" Tanong ni kuya felix.

"Okay lang to, yung babae pala? Bakit mo sya pinaiwan kuya zayne?" Pagtatanong ko.

"Humihingi sya ng tulong kanina, hindi daw nya kasama yung dalawang lalaki at pinilit lang sya, hindi ko alam kung maniniwala ako kaya tinanggalan ko ng malay." Paliwanag ni kuya zayne.

"Totoo naman siguro yung sinasabi nya, kasi basta basta na lang din syang iniwan nung dalawa." Sabi ko.

Ginagamot naman ni cessa si ate drea.

"Pagkatapos ko dito kay drea yang sugat mo naman yang lilinisin at gagamutin ko." Sabi ni cessa.

"Salamat!" Sabi ko.

-

-

-

Drea's pov:

Kinabukasan agad naming pinuntahan yung babae dun sa kwarto.

"Nasaan sila?" Pagtatanong ng babae.

"Wala na sila, umalis na sila." Sabi ni felix.

"Sabi ni kuya humingi ka daw nang tulong sa kanya." Sabi ni kevin.

"Oo, pero hindi sya naniwala at hinampas ako ng baril." Sabi ng babae.

"Kamusta ka na?" Pagtatanong ko.

"Okay naman, ayos lang ba kayo? Pasensya na sa nangyari, natatakot kasi ako kung anong gawin nila sakin kaya sinunod ko na lang yung mga inuutos nila." Sabi nung babae.

"Pasensya na kayo, i'm sorry." Sabi nga ulit at yumuko samin.

"Okay lang." Sabi ni felix.

"Anong okay? Paano kung namatay tayo kagabi okay ba yun." Sabi ni cessa.

"I'm sorry talaga, wag kayong magalala tutulong ako sainyo." Sabi ng babae.

"Dapat lang." Sabi ni cessa at umalis.

"Pagpasensyahan mo na yun ah, mabait naman talaga yun." Sabi ko.

"Hindi, okay, naiintindihan ko naman sya." Sabi nya.

"Kumain ka muna." Sabi ko.

"Teka, kukuha ako." Sabi ni kevin.

-

-

-

Cessa's pov:

Haysst.

Wala akong tiwala sa babaeng yun, pag may ginawa syang hindi maganda malalagot sya sakin.

Pumunta naman ako kung saan nagaayos ng sasakyan si zayne.

"Gising na sya?" Tanong ni zayne.

"Oo, kinakausap nung dalawa, wala akong tiwala sa babaeng yun. Hindi ba natin sya paaalisin?" Pagtatanong ko.

"Wala ata syang balak umalis, wala rin naman akong tiwala sa inyong tatlo, maliban lang kay felix at kevin." Sabi ni zayne.

"Syempre kapatid mo yung mga yun at tama ka naman wala pa nga tayong isang linggong magkakasama." Sabi ko.

"Patapos ka na ba dyan?" Pagtatanong ko.

"Oo, pwede na kayong pumunta sa city, sabihan mo na sila." Sabi ni zayne.

"Okay." Sabi ko.

-

-

Drea's pov:

"Pumunta na daw tayo sa city sabi ni zayne." Sabi ni cessa tapos lumabas na ulit ng kwarto.

"Okay mag aayos na kami." Sabi ni kevin.

"Sa city? Anong gagawin nyo dun?" Tanong ng babae.

"Kukuha kami ng gasolina, sasama ka ba?" Pagtatanong ni felix.

"Sige, tutulungan ko kayo." Sabi ko.

"Ako si felix at ito si kevin."

"Ako si drea, tapos si cessa yung babae kanina." Sabi ko.

"Ako si allison, pasensya ulit sa nangyari." Pagpapakilala nya.

"Pupunta kami sa kabilang city, sasama ka ba? May pupuntahan kasi kami dun." Sabi ni kevin.

"Sige, sasama ako sa inyo, wala na rin naman akong pupuntahan, naiwan ako nung nag rescue sila ng mga tao, sila mama at papa nakagat ng mga zombie habang nagkakagulo, tapos ayun nakita ako nung dalawang lalaki at pinilit akong sumama sa kanila, sinunod ko lang yung mga utos nila para hindi ako masaktan." Sabi ni allison.

"Kami hindi na binalikan nung mga rescuer, kaya ilang linggo kaming nag stay dito." Sabi ni felix.

Bigla namang pumasok si cessa ng kwarto.

"Tara na." Sabi ni cessa at lumabas na ulit.

Galit talaga sya kay allison dahil sa nangyari kagabi?


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión