Descargar la aplicación
21.27% THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 10: EPISODE 10

Capítulo 10: EPISODE 10

"KAMBAL na BUWAN (Part3)"

ANG NAKARAAN,

Nakita na nina Samuel si Julio At ano naman kaya ang papel ni Julio sa buhay ni Jules?

ANG KARUGTUNG,

"Mag damit ka nga Li!" Sabi ni Sam sabay abot sa kaibigan ng isang tuwalya. Habang nanginginig na kinuha sa kamay ni Sam ang tuwalya.

Nilapitan sila ni Jules at tinanong si Liam.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? At bakit pa nangyari ang mga to!" Galit na tanong ni Jules.

"At akala ko ba Nana Ella sarado na ang pintuan sa kwarto ni Julio. Ano to? Bat nakalabas si Julio?" Naiinis na sabi ni Jules sa kanyang kasambahay.

"Anong klaseng nilalang ba sya? Siya ba ang pumapatay sa mga P.A mo?" Tanong ni Sam.

Sasagot na sana si Jules nang biglang sumulpot sina Aira, Xavier at Joshua.

"Dahil, nakipag sundo sya sa nilalang ng dilim!" Sabi ni Aira.

"Sino kayo??" Sigaw ni Nana Ella.

"Ilabas mo ang halimaw sa buwan!" Sigaw ni Xavier.

Habang si Joshua naman ay agad nyang nilapitan si Sam at kinamusta.

"Mahal ayus ka lang ba? Nasaktan kaba?" Pag-aalalang Tanong ni Joshua.

"Ayus lang ako Josh. Si Li~" Nang Lingunin nya si Liam ay bigla itong natumba at nangi-ngisay.

"Anong nangyayari! Li! Li? Naririnig mo ba ako??" Sabi ni Sam.

"Huli na tayo! Naging Alay na si Liam sa Kakambal ko!" Sabi ni Jules.

"Kakambal?" Sambit ni Sam.

"Oo, Kakambal ko si Julio!" Sagot ni Jules.

"Hindi mo sya kakambal Jules. Yan ang katangian ng mga Mahiwagang nilalang ng Jamais. Sila ang tinatawag na Alenca.

Isang nilalang na kumukuha ng dugo at Kaluluwa ng kanyang mga nibibiktima. Nanggagaling ang kanilang lakas at kapangyarihan sa Liwanag ng buwan!" Salaysay ni Aira at hinawakan naman ni Xavier ang noo ni Jules.

Samantala...

Sa Jamais, sa kuta ni Binibining Selena.

"Masamang balita Mahal na Prinsesa, nasakop na ng mga alagad ni Hex ang kanlurang bayan ng Jamais. Kilala ang bayan na yun na tapat sa inyong yumaong ama. At ngayon ay...." Di natapos ang sasabihin ng kaibigan ni Selena ng biglang nakaramdam sya ng pag ikot sa kanyang paligid.

"Ayus lang ba kayo??" Tanong nito sakanya.

"May masamang nangyari sa mga tagapagbantay Hindi ito maari!" Sagot nya.

"Sino po sa mga prinsepe at Prinsesa?" Tanong ng kanyang kaibigan.

Sa Kaharian ng Harte...

"Nasa Mundo naba ng mga Tao si Zandro.?" Tanong ni Hex sa kanyang mga tauhan.

Lumapit ang kanyang tauhan na si Via.

"Kasalukuyang naghahanap ng paraan si Zandro. Ngunit hindi ko lubos maintindihan Panginoon kung bakit gusto nyo pa syang ibalik sa mundo ng mga tao.? Kung Alam mo na ~ Hindi na saatin ang katapatan ng Prinsepe ng Hestia.?" Sabi ni Via.

"Alam ko Via! Kaya nga pinalabas kita sa iyong kulungan upang maging mata at tenga ko! Sa oras na magbukas ang Lagusan. Sumama ka kay Zandro at Patayin mo ang Anak Nina Gerald at Anya. Sumunod ka sa plano natin!" Sabi ni Hex.

"Oo naman Panginoon! Oras na para makaganti sa anak ng aking mortal na kaaway!" Sabi ni Via sabay tanggal ng kalahating maskara na nasa kanang bahagi ng kanyang mukha.

At mula doon ay nakita ni Hex ang kagimbal-gimbal na sumpa na ipanataw ng dating Hari at Reyna ng Lakur.

Balik sa Bahay ni Jules...

"Jules makinig ka! Traydor ang mga Alenca! Pagkatapos nilang magsawa sa mga Kaluluwa ng kanyang naging biktima. Isusunod ka nya! Iligtas mo ang buhay mo!" Sabi ni Joshua.

"Umalis na kayo dito sa bahay ko! Maayus na ang kalagayan ng kaibigan nyo! Umalis na kayo!!" Sigaw ni Jules.

"Tandaan mo, Yan ang magpapahamak sayo. Kaya wag kang hihingi ng tulong kapag napahamak ka dahil sa Alencar." Sabi ni Xavier akmang susuntukin na Sana nya si Jules buti nalang pinigilan sya ni Aira.

"Tama na! Sapat nang binalaan natin sya!" Sabi ni Aira.

"Ito ba kelangan nyo?" Sambit ng isang pamilyar na boses sa likuran ni Jules.

"Julio? Bat ka nagpakita sa kanila!" Tanong ni Jules.

"Nais ko sanang ibigay sainyo ang simbolo ng Aera. Bilang tanda ng aking pagbago. Hindi ko niloko si Jules o pinaniwala.

Noong napadpad ako sa mundo ng mga mortal sina Jules at ang kanyang mga magulang ang kumupkup saakin. At pumayag din sila na gayahin ko ang mukha ng kanilang anak. Ngunit lilinawin ko Lang! Hindi ako ang kumukuha ng mga Kaluluwa ng mga naging biktima ko. Tanging kakaunting dugo lamang ang aking nakukuha sakanila. Tama ka Prinsesa Aira, yun ang katangian ng mga Alencar doon sa Jamais. Ngunit maniwala kayo. Kaya kung mabuhay na dugo lang ng hayup at paminsan minsan dugo ng tao." Sabi ni Julio.

"Kilala moko??" Tanong ni Aira.

"Oo, kahit nasa Mundo ako ng mga mortal naririnig ko ang mga usapan at mga nangyari sa Jamais. Alam ko din na magtutungo kayo dito para sa bagay na ito!" Sabi ni Julio.

"Ngunit Julio, si~sino ang kumukuha ng mga Kaluluwa?" Tanong ni Sam.

"Sa pagkakatanda noong inatake ko Ang P.A ni Jules . May isang nilalang akong nakita. Ngunit Hindi ko makita ang kanyang itsura. Papasikat na ang araw nun! Kaya hindi ko na mausisa kung ano yun! Pero may nakita akong marka. Marka iyong ng kaharian ng Hestia." Sabi ni Julio at inabot nya kay Sam ang diamante na may simbolo ng Aera.

"Maraming salamat." Sambit ni Sam.

"Hindi na ako magtatagal, nanghihina ako kapag may araw pa. Wag kayong mag aalala. Hindi ko sinasadyang saktan ang kaibigan ninyo. " Sabi ni Julio at dahan dahan syang naglaho sa harapan nila.

"Malakas na ako ulit. Di ko kasi mapigilan ang sarap nya." Sabi ni Liam.

"Malandi ka! Tayo na!" Sabi ni Xavier at agad silang naglaho. Sumunod naman sina Aira, Joshua at Samuel.

Pagkauwi nilang lima ay agad humilata sa sofa si Samuel. na agad naman syang hinalikan ni Joshua sa noo sabay sabing.

"Napagud ba ang Mahal ko? Gusto mo ipagluto Kita ng paborito mo?"

"Sige!" Sagot ni Sam nang aksidenteng nahulog ang kanyang wallet sa sahig at nakita nila ang larawan ni Sam kasama si ~

"Zandro?" Sabi ni Xavier.

"Kilala mo sya?" Sabi ni Sam.

"Oo kilala namin sya Mahal, sya ang kapatid ni Xavier na matagal ng namayapa. Pero bat may larawan ka kasama sya?" Tanong ni Joshua.

"Patay na? Eh nung isang linggo nagkita pa kami sa may Eskinita nung muntik na akong mabangga hinila nya ako mabuti nalang." Sabi ni Sam.

"Buhay si Zandro?? Pero papano? Eh nakita ko sa dalawa kung mata Kung papano sya namatay?" Sabi ni Liam.

"Tama ka Li, kasama ko din sya nung nasa Jamais kami bago sya namatay!" Sabi ni Aira.

"Teka! Teka! Baka nagkakamali lang kayo! Maraming Zandro ang pangalan. Baka nagkakamali lang kayo. Isa pa ni isang Majika ay wala akong nakita na senyales kay Zandro. Sa katunayan ay naging nobyo ko sya" Sabi ni Sam.

"Ano??? " Gulat na Sabi Nina Xavier at Aira.

Habang Sina Joshua at Liam ay nakatingin lang Kay Sam.

"Oo nung mga magkasama pa kami. Hindi ako nakaramdam ng wierd. I'm sure Hindi sya ang sinasabi nyong Kapatid ni Xavier." Sabi ni Sam.

"Siya ang kapatid ko! Hindi ako nagkakamali ang suot nyang kwentas ay galing sa Hestia. Bigay yan ng aming ina. " Sabi ni Xavier at ipinakita nya kay Sam ang kwentas na katulad ng nasa larawan na suot ni Zandro.

"Nakakaloka kayo! Hindi na pala ako nagugutom. Daming rebelasyon bes! Mabuti nalang hindi harsh ang Alenca na nakalaban natin." Sabi ni Sam at nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto nya.

"Aira Kung buhay ang kapatid ko. Dapat maging masaya ako!" Sambit ni Xavier.

"Pero natatandaan nyo ba ang sinabi ni Julio. Baka si Zandro ang kumukuha ng mga kaluluwa." Sabi ni Liam.

"Wag naman sana. Mahigpit na ipinagbabawal ng mga taga Hestia ang pagkuha ng kaluluwa dahil sainyong kaharian nagmumula ang unang pagsubok. Kayo din ang huling nag dedesisyon Kung karapat dapat bang bigyan ng reinkarnasyon ang kaluluwa." Sabi ni Joshua.

Itutuloy...

Stay safe mga Mahal 😘


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C10
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión