"Ma'am, hindi po ba tayo mag-eelect ng mga bagong class officers?" One of her students suddenly asked this question. Napalingon si Ma'am Wakano sa kanyang klase at napansin niya ang kakababa lang na kamay ni Haruko.
"Anong pangalan mo nak?" bigla niyang tanong sa naturang estudyante.
"Haruko Akagi po." tugon naman ni Haruko sa kanya.
"Osige. Para hindi tayo masyadong magtagal, ikaw na lang ang class representative ng section niyo. Okay lang ba sa inyo iyon class?" ayon kay Ma'am Wakano but Bridgette insisted otherwise.
The maiden suddenly said, "Wait lang po. Parang unfair naman po ata iyan sa iba." Being an attention-seeker herself ay hindi na niya napigilan pa ang pang-uudyok sa kanila upang pumanig kay Bridgette ang boto ng masa.
Samantala, hindi inaasahan ni Ma'am Wakano na mayroon pang kokontra sa kanyang ideya for their class. "Bakit mo naman nasabi ate?" she asked her student in the most decent behavior while sitting at her chair.
"Dahil, I nominate myself po to be the class representative of this section. Selective po kasi masyado ang diskarte niyo ma'am. Lilinawin ko lang po na hindi po ako galit pero sadyang nagpapaliwanag lang po ng maayos." deretchahang sagot ni Bridgette at doon na nagsimula ang bulungan ng kanyang mga classmates.
"Huy! Anong klaseng kadramahan iyan?!" naiinis na tanong ni Matsui kay Bridgette mula sa third row.
"Hayaan mo na lang siya na ipahiya ang sarili niya. Alam mo namang bida-bida at attention seeker iyan since birth." bulong na komento ni Fujii na nakatalikod sa kanyang pwesto habang kausap si Matsui.
Sa last row naman ay hindi niya alintana ang nakakarinding ingay mula sa kanyang paligid. "Mabuti pa si Rukawa, ang sarap ng tulog kahit maingay dito." napakomento na lang si Mito sa kanyang napapansin. While the girls were so busy with their debates, the boys remained speechless on how rowdy their female classmates can be tuwing sinasapian ng bad trip.
"Okay, That's enough! I get your point kaya para maging patas ang resulta ng botohan, magtaas ng kamay kung sino ang pabor na maging class representative si Ms. Bridgette?" ani Ma'am Wakano and as expected, three out of thirty students raised their hands including the self vote from the candidate herself.
Nang makita nilang tatlo na wala na bukod sa kanila ang nagtaas ng kamay, ibinaling na lang ni Arisa ang kanyang sama ng loob towards their classmates. "How absurd?! Kami lang ba talaga? Ganyan pala kayo pumili ng class representative niyo, doon pa sa isang ubod ng landi." nababanas na komento ni Arisa sa mga taong hindi sumasang-ayon sa kanila habang siya naman ay sobrang abala sa paninira kay Haruko.
"Hindi ba kayo nahihiya kay Bridgette, guys? Siya na mismo ang nagvolunteer to do the dirty work para sa atin tapos hindi niyo pa iaacknowledge ang pagiging martyr niya." katwiran naman ni Char and the whole class felt the power of silence for a second thought.
The red headed tensai felt confused as to why they were acting strange at nalalayo na ang topic nila sa tunay na agenda. "Sandali lang naman. Ano bang martyr ang pinagsasabi mo dyan?" Paninita ni Sakuragi kay Char sa tila wala sa lugar niyang pagpapantasya sa sariling mundo.
"Sorry pero hindi ko kasi obligasyon na patulan ka dahil you're out of my league." Char said to him in reply, feeling overconfident while flexing her newly done nails with a polka print on it.
"Aysus… Dadaanin mo pa kami sa pangongonsensya." Sabat naman ni Ohkusu habang nakasalampak ang kanyang paa sa lamesa niya.
"Kasalanan ba namin na mukha kayong mga bisugo sa paningin namin?" tugon naman ni Takamiya na bigla na lang pumatol sa inis na kanyang nararamdaman.
"Wow naman sayo kuya. Coming from you eh di hamak namang mas maayos itsura ko kesa sa inyong mga napaglipasan na ng panahon." Snobbish as ever, Arisa never backed down to the challenge of dissing boys that showed no mercy towards her feelings.
"At saka ang alam ko sa eleksyon eh kusang loob ang pagboto at hindi sapilitan. Pero sa inaasal niyo sa amin ngayon, pinapatunayan niyo lang na hindi namin kayo mapagkakatiwalaan, lalo na siya, na magagawa nga niya ng matino ang trabahong inihahabilin sa kanya ng mga maestra." seryosong saad ni Noma from the back seat.
"Mga bwisit kayo! How dare you speak to me like that?! Palibhasa kasi napakababa ng standards niyo sa mga binoboto niyo." Bridgette tries to defend herself ngunit nagbabackfire sa kanya lagi ang resulta ng kanyang mga adhikain.
"At least si Haruko, may legitimate na track record - iyong kayang ipagyabang ang leadership skills as an achievement kaysa naman sa grupo mo na walang ibang bukang-bibig kundi pangalan lang ni Rukawa sa mga practices and official games nila sa ibang lugar." ani Matsui na tila hindi mapigilan ang ratsada ng bibig.
Haruko grabbed her friend's blouse at sinusubukang pakalmahin ang buong sitwasyon. "Tama na iyan, Matsui." aniya habang nakaupo sa tabi niya.
Napatayo bigla si Char sa kanyang kinauupuan na parang nanghahamon ng away. "What did you just say?" Biglang sumbat niya sa kanilang argumento, feeling offended mula sa narinig sa kanyang classmate.
"Huminahon muna kayo. Hindi naman sa ayaw ka naming maging class representative ng section natin pero subok na kasi ang pagiging manager ni Haruko pagdating sa basketball team at sa palagay ko eh magagamit niya ang mga experiences niya doon para sa ikabubuti ng klase natin, diba?" paliwanag naman ni Toki Kuwata sa posibleng dahilan kung bakit mas pumapanig ang karamihan sa kanila kay Haruko.
Seeing that there is no tomorrow in their bickering, agad ng pinalitan ni Ma'am Wakano ang kanilang topic of discussion. "So, nakamove on na ba ang lahat?" tanong niya sa buong klase na nakapukaw sa atensyon ng lahat maliban lang kay Rukawa.
"Obviously, not for me." padabog na sabi ni Bridgette at lantaran na lang naiinis dahil sa sobrang inggit nito sa katawan.
After that barbaric scene within the students ay nakapagdesisyon si Ma'am Wakano na gawin din ang parehong pamamaraan in order to validate who is the legit class representative and may also work as their class president per se. She also let her students choose kung sino nga ba ang iluluklok nila sa posisyon and majority of them raised their hands for Haruko Akagi.
"Well then, mukhang may nanalo na. Congratulations, Ms. Haruko, and for you, Ms. Bridgette, bumawi ka na lang sa next life mo para may chance ka pa sa character development mo." Pagbati ni Ma'am Wakano sa kanyang nahirang na estudyante. Habang ang iba ay nagdiriwang ng panalo, hindi din maikakaila na tila harap-harapan ang pamamahiya ng guro sa nadawit na pangalan. Bridgette was so pissed about the teacher's comment.
"Sino ba siya sa akala niya?" Standing in shame, her eyes felt so diluted dahil sa natatagong aggression sa guro.
"If there's no more questions, you may take your break na. See you all next meeting." ani Ma'am Wakano at nauna na siyang umalis kahit hindi pa nito nauubos ang kanilang allotted time sa kanilang morning schedule.
"Goodbye ma'am." pamamaalam ng lahat sa kanilang kakaalis na guro ngunit sadyang may iilang topakin na naiiba sa lahat.
"ARGH! I HATE HER." Bridgette was already throwing tantrums at pinagbabato niya ang kanyang mga notebook sa teachers' table.
"Mamsh… sorry kung wala nagawa ang votes namin." ani Char na sinusubukang pakalmahin ang kaibigan niya.
"Mygosh! Katanda mo na, ganyan ka pa din umasal." pamumunang saad ni Fujii na halos nasa likod lang ni Bridgette.
Napatayo si Haruko upang pumunta sa girl's restroom at para na din pagsabihan ang naturang dalaga na may attitude problem. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo pero as soon as possible, linisin mo iyang kinalat mo hah. I won't tolerate lame excuses pero mahiya ka naman sa next teacher na papasok dito." she speaks with authority at seryoso siyang nakatingin kay Bridgette bago siya nawala sa paningin ng naturang teenager.
"Isa ka pang sipsip…" ani Bridgette sa sarili niya habang napapairap siya sa tuwing nakikita ang mukha ni Haruko. "Tsk! Kairita talaga." dagdag nitong pahayag ngunit hindi na lang siya pinasin ng taong pinariringgan niya.
[Kaede Rukawa…]
Lagi naman akong komportable sa sakop ng teritoryo ko pwera lang ngayon na nagagambala ako sa mga himutok nila sa buhay. Nakasubsob pa ang mukha ko sa lamesa and my eyes contradicts what I really want. Idlip na nga lang ang silbi nun sa akin pero mababalewala din pala.
Napabangon ang ulo ko sa lamesa at namalayan kong konti na lang ang tao sa loob ng classroom. "Tapos na ba ang klase?" kakong ganyan sa harap ko na nakasalamin pero iba ang sumagot sa tanong ko.
"Hindi. Nasa locker room na ang mga kaklase nating babae para sa PE subject. Nagbibihis ng pamalit nilang damit." kwento sa akin ni Sasaoka habang gayak na gayak silang tatlo ng mga kasama niya sa bench.
"Ganun ba? Anong oras na ba?" tanong ko sa kanila habang nahihikab at napapakamot pa ako sa aking sintido.
"12:30 ng hapon. Pasensya na pero hindi ka na namin ginising dahil alam naming hindi ka din makakapagconcentrate sa pag-aaral kung iistorbuhin ka ng sapilitan. Wala din naman magagawa sina ma'am at sir kung wala ka sa matinong huwisyo." Mabuti at alam mo iyan Isshi. Hindi nga din naman kita naging kaklase para sa wala.
"Osige mauna na ako sa inyo." pamamaalam ko sa kanila at nagbabalak na akong umalis sa classroom pero masyado lang siguro sila mausyoso sa buhay ko.
"Teka, hindi ka ba papasok?" tanong sa akin ni Kuwata and I left immediately since there's no point of explaining myself to them. Halos bulong na lang ang naririnig ko sa usapan nila but their conversation still never gets old. Sila ay mga usisero talaga sa mga plano kong gawin sa buhay.
"Hayaan mo na si Rukawa. Baka may pinoproblema lang siya na hindi natin alam." paalalang saad ni Isshi at may katwiran talaga ang kanyang hula.
Gaya ng alam nila, madalas akong tumatambay sa rooftop ng Shohoku para sa pinakamasarap na tulog na pwede kong matamasa. Kahit medyo naaalikabukan ang sahig doon, that was still my best comfort place. Matagal-tagal ko na din hindi naranasan iyon dahil sa walang katapusang bungangaan nilang dalawa ni ante Roannes kasama ang mapagpanggap nitong kabiyak ng puso na si Harry kaya naman napakasaya talaga sa pakiramdam na ilang hakbang lang ang kailangan kong pagdaanan sa pagkakataong ito para lang makarating sa gusto kong destinasyon sa paaralang ito maliban pa dyan sa basketball court.
I barged out through the exit door but my ultimate excitement got spoiled rotten. "Sabi na nga ba at dito ka din pupunta…" Hay nako buhay! May galit ka ba sa akin kaya mo ako pinapahirapan ng ganito?!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Halata sa tindig ko na literal akong naiimbiyerna sa mukha ng Harry na ito. Ang lakas pa ng loob na magyosi dito sa harap ko samantalang binawal na sa kanya iyan ng asawa niya.
Nakaupo lang siya sa sahig habang ang isang kamay niya na may hawak ng yosi ay nakapatong sa kanang binti niya. "May klase ka pa diba?! Lunch break pa naman Rukawa at kung ako sa'yo eh sisimulan ko ng magpalit ng uniporme para sa subject na papasukan mo lalo na't marami kayong gagawing drills sa araw na ito." At kung makautos ito akala mo naman nabili na niya eskwelahan na ito para pumanig sa kanya ang pabor ng tadhana.
Sinubukan ko siyang hindi pansinin pero sadyang he already pull the trigger inside my wrath. Mag-iisang taon na din akong nakagapos sa pakikisama sa gaya niya kaya minsan ay lumalabas na ako pa ang bastos sa paningin ng asawa niya gayong he always causing me trouble with or without the presence ni ante Roannes.
I'm still eager about ignoring him nang ipamukha niya sa akin ang mga walang katuturang pambibintang. "So, totoo nga ang sinasabi ng faculty tungkol sa'yo sa pagiging batugan mo sa klase at halata namang wala kang mararating sa buhay dahil sa ganyang klase ng habit." You're the one to talk. Tumatawa pa siya sa harap ko at ang hilig niya pang magmalinis.
"Kaya ka pala nasisante sa mga eskwelahan kung saan ka dating nagtuturo." Sinampal ko talaga sa mukha ni Harry ang masakit na katotohanan na kami lang ni ante Roannes ang nakakaalam about his past life sa Shizuoka. Doon pa kasi nabuo ang kumag na ito at napili namang maghasik ng lagim sa paaralang ito.
Bigla siyang napalingon sa akin nang marinig ang mga kataga kung saan siya pinakasensitibo. "Aba… Bastos kang bata ka!" Sobrang napakamatampuhin naman nito ni Harry at hindi ko mapigilang hindi matawa sa mukha niya kung paano magalit sa estudyanteng wala naman ginagawang masama sa kanya.
Aminin na lang kasi niya na walang ni isang estudyante ang gugustuhing maging guro ang katulad niya. Pinapatunayan niya ding hindi lahat ng lisensyadong professional ay karapat dapat na magturo sa mga estudyante na musmos pa ang kamalayan sa kalupitan ng tunay na mundo.
"Hmmp… Subukan mo namang humarap sa salamin para kilabutan ka naman sa pinagsasasabi mo." I left immediately after saying that at dumiretcho na ako sa clinic with some lame excuses para papasukin nila ako doon.
Pusta ko na wala siyang mababago sa pangit niyang ugali dahil lagi namang may tama sa utak niya - iniisip na laging siya ang tama sa lahat ng pagkakataon, but in fact, it was totally the opposite.