Descargar la aplicación
52.45% Revenge Journey Of The Phoenix (Tagalog) / Chapter 32: GRADUATION CEREMONY

Capítulo 32: GRADUATION CEREMONY

Nakarating sa mansion ng mga Sanchez sina Jenny at David makalipas lang ang 15 minutong byahe. Kinausap ng dalaga ang binata na wag banggitin pa sa kanyang ina ang nangyari sa kabayanan.

Pumayag naman ang binata basta daw lagi na syang mag-dadala ng bodyguards nya. Sumang-ayon na lang si Jenny para hindi na humaba pa ang debate.

Tuwang-tuwa ang kanyang ina ng makita si David. May dala pala itong bulaklak para sa dalawang ginang na masayang tumanggap. Hindi nya napansin ang bulaklak na dala nito. Niloko nya pa ang binata kung bakit wala silang bulaklak ni Lui. Hindi naman ito naka sagot agad kaya nagkunwari sila ni Lui na nagtampo. Tinawanan lang sila ng mga magulang.

"2 days from now is your Graduation ceremony." Maya ay sambit ni David.

Kapwa natigilan ang dalawang dalagita. Nagkatitigan. Bakit ba nila nakalimutan yun?

"Nakalimutan na namin ni Jen-jen!" Ani Lui.

"Well, dahil naging busy din tayong dalawa." Sang-ayon ni Jenny.

"Kailangan nating bumili ng bago nyong isusuot." Ani naman ng ina ni Jenny.

Muling nagkatitigan ang dalawang dalagita. Saka sabay na napabuga ng hangin.

"Auntie, andami pa naming bagong damit na hindi pa nga namin nasusuot." Si lui.

Napasulyap naman ang kanyang ina kay Aling Sely na inayunan ang sinabi ni Lui.

"Mas makabubuti siguro kung maghanda na lang kayong tatlo kasama si Tatay Leo (Ama ni Lui) para sabay-sabay na lang tayong pumunta sa Caloocan. Wala namang problema sa matutuluyan dahil pwede tayong mag-stay sa Golden Phoenix Hotel." Ani Jenny.

Tatawagan nya na lang si Kiel mamaya para makapag book ng kwarto.

"Ayun naman pala eh." Ani ni Mang Leo. "Mag si asikaso na lang tayo. Si Jenny na bahala dun sa tutuluyan natin. Ang mahalaga, dapat lahat doon tayo." Dugtong pa nito.

Napatango si Jenny sa sinabi ng Ama ni Lui. Nilingon nya si David.

"Dito kana matulog ngayong araw para sa'yo na kami ni Lui sasabay bukas. Sa isang sasakyan sila Mama at magulang ni Lui."

"Alright.. Nakakapagod din magbyahe ng balikan."

Tinawag ni Jenny si Lore. Isa sa tatlong babae na isinama ni Tommy sa mansion. Kinuha nya na itong katulong doon dahil ayaw nadin daw ng mga ito mag-aral. Msyado na daw silang huli sa karunungan.

"Paki linis yung guest room natin. Gagamitin ni David." Magalang na utos nya dito.

That's Jenny. Hindi nya itinuturing na basta katulong lang ang kanyang mga tauhan. Kahit nung si Margaret pa sya ay ganyan na kung itrato nya ang mga tauhan nya.

"Opo. Miss Jenny" nakangiting sagot ng kasambahay. Saka tumalikod na upang sundin ang ipinapagawa nya.

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nakuha nya ang loob ng mga kasambahay sa Mansion ng mga Reyes.

Doon na nga nagpalipas ng Gabi si David. Lihim nya pa itong nakainuman sa may terrace.

"You drink wine like it's normal for you." Pansin nito sa kanya.

"Iniinom lang naman 'to, kailangan ba may paraan pa kung paano inumin? Tanung nya dito saka nya sinimsim ang red wine na nasa kanyang kopita.

" nah... Not really. It's just that you look used to it."

Nagkibit balikat lang si Jenny. She already 25 as Margaret. Kaya syempre, marami na syang puntahang bar. Even abroad.

"So, tell me. How's my driver's license?" Pagpapalit nya ng topic dito.

Umayos naman ng upo si David saka dumukot sa bulsa.

"Pumunta ako dito para ibigay talaga to sayo." Anito habang inaabot sa kanya ang kanyang drivers license.

Inabot yun ng dalaga saka tiningnan. Nang makontinto ay inilagay yun sa bulsa ng pajama na suot nya.

"Thank you."

"Do you know how to drive?" Tanong ni David.

"Hindi ako magpapakuha sayo ng license kung hindi ako marunong." Sagot nya habang muling naglagay ng red wine sa kanyang baso.

"I see, but. Where did you learn it?"

David is really curious. Alam nyang mahirap lang noon ang Pamilya ni Jenny. Walang sasakyan na pwede nitong pag-practice-an. So kung totoong marunong ito mag drive.. Paano?

"I just knew." Tipid na sagot ng dalaga.

"I can teach you if you want to." Hindi maniwala na marunong ang dalagita.

"Then, bet with me." Hamon ni Jenny dito.

"What?

"Pustahan tayo kung marunong ba ako o hindi mag drive."

Paghahamon ni Jenny sa binata.

"Hindi na kailangan ng pustahan, just show it to me."

Natawa si Jenny saka sumagot ng Okay sa binata. Tumagal pa sila ng kalahating oras bago pumasok sa loob at dumiritso sa kanya-kanyang kwarto.

Kinaumagahan ay si Jenny ang unang nagising. Maaga sya bumangon para tumakbo sa sementong patag sa garden na nasa harap ng Mansion. Sa mahigit tatlong ektarayang lupain na sakop ng buong bakod ng Mansion, hindi iyon sapat para kay Jenny upang mag-pagawa ng kanyang sariling training ground. Kailangan nyang makahanap ng malapad na lupain para sa plano nya. Ipapatanong nya pa kay Atty. Lopez kung pwede nyang bilihin lupain sa likod ng kanyang nasasakupan.

Pawisan na sya ng makita nya sa terrace si David. Naka suot parin ito ng night robe nito. Ang banayad at kulay mala orange na sikat ng araw tumatama sa gwapo nitong mukha. Habang ang buhok nito na medyo magulo pa ay nilalaro ng mahinang hangin.

"What a sight." Bulong ni Jenny. Ki-aga-aga binubusog na ang kanyang mga mata ng napakagandang tanawin.

Napatikhim sya. Maaga pa para maging marumi ang kanyang utak. Kumaway sya kay David na nakatitig lang sa kanya habang pinapanood sya. Kumaway din ito sa kanya bilang ganti. Naka-isang ikot pa sya ulit ng takbo bago sya nagpahinga. Kinuha nya ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa. Tinawagan nya si Kiel.

"Good morning my little Sister." Masayang bati nito. Mukhang bagong gising din ang lalake.

"Morning." Maikling sagot nya.

"What makes you call this early in the morning?"

"Book me a rooms." Mabilis nyang sagot.

Dinampot ni Jenny ang twalya na nakasampay sa upuan.

"Same as before? We have 3 available presidential suites."

"Yeah. 2 rooms."

"Kailan mo i-occupy?

"Tonight."

Pagkatapos nitong sabihin na itatawag na sa Hotel ay nag-usap pa sila ng ilang minuto. Tinanung lang nito kung ano gagawin nya sa Manila. So sinabi nya ang Graduation ceremony nya na gaganapin sunod na bukas. Bago naputol ang pag-uusap nila ay nagsabi pa ito na aattend daw ito ng graduation ceremony nya. Wala naman syang choice kundi pumayag na dahil nagpupumilit talaga ito.

After nilang mag-almusal ay mabilisan na silang nag asikaso para sa kanilang pag-alis. Si Tommy at ang kasama nitong limang tauhan ang isasama nila sa Manila. Iniwan nya ang bahay sa matandang Mayordoma ng Mansion. Magiliw silang nag-paalam sa mga ito. Nauna ang sasakyan na sinasakyan ng dalawang ginang at isang ginoo kasama ang tauhan ni Tommy. Habang sa sasakyan ni David ay kasama nya ang lalake at si Lui, ganun din ang dalawang bodyguards nila.

"Tulad ng napagkasunduan, give me the key." Ani Jenny kay David.

"Si Jenny mag da-drive?" Nag-aalalang tanong ni Lui.

"Young Miss. Ako na lang mag drive." Sambit naman ni Edgar na kasama nila.

Napahalakhak si David. Saka pinag-cross ang mga braso sa may dibdib. Parang sinasabi nitong 'sorry girl, they don't trust you.'

Napa taas lang ng kilay si Jenny saka mabilis na naagaw ang susi sa kamay ng nagulat ding si David.

"Get in!" Utos nya dito ng nakaupo na sya sa loob.

"Seriously? You can drive? Ayaw ko pang mamatay ng maaga! Wala pang magpapalaganap ng Dugo ko." Sunod-sunod na pahayag ni David.

Napahalakhak naman ang mga kasama nya sa loob kasama si Lui.

"Shut up and get in." Aniya. Nag-aalangan pa ang binata na sumakay. Inayos nito ang seat belt at saka kumapit sa handle sa may uluhan.

Napa smirk si Jenny. Pasadya nyang tinapakan ang selinyador ng sasakyan at saka biglang brake.

Napasigaw naman ang mga sakay nya. An lakas ng naging halakhak nya sa loob ng sasakyan. Sinubukan ni David na agawin ang drivers seat sa kanya at nagkukulit din si Edgar na ito na daw ang mag drive. Patuloy lang sya sa pag tawa. Maya-maya pa ang tumigil na din sya saka mina-ni-obra ang sasakyan.

Banayad silang nakalabas sa Mansion. Nakahinga naman ng maluwag ang mga pasahero nya.

"Marunong ka pala mag drive Jen-jen." Si Lui.

"Akala ko nagkukunwari ka lang na marunong." Si David.

Hagikgik lang ang isinagot nya sa mga ito. Sya ang nag drive hanggang makarating sila sa Manila. Nag-uusap lang sila ni David. Hindi ito makapaniwala na marunong nga sya mag drive. Nang marating nila ang Hotel. Nagulat pa ang sakay ng Van ng makitang sya ang nagdadala ng sasakyan. Panay tanong sa kanya ng Ina.

Sinalubong naman siya ng mga staffs ng Hotel. Kiel is also there. Sinalubong sya nito ng yakap. Saka nya pinakilala dito ang mga kasama nya.

"I forgot to mention na marami pala kami." Aniya dito habang pumapasok sa loob. Sa kanan nya si David at kaliwa naman si Kiel. "Available paba ang isa pang kwarto?"

"Swerte mo. Yes." Sagot ni Kiel na palihim na sinusulyapan ang si David. Tinawag nito ang secretary na nakasunod sa kanila at inutusan na ilagay sa pangalan nya ang isa pang kwarto. Tumango naman ito mabilis na tinawagan ang front desk.

Sumakay sila sa elevator. Pag dating sa taas.. Natuwa si Jenny dahil magkakatabi ang kwarto. Pagkatapos nyang ibigay sa mga ito ang kwartong tutuluyan ng mga ito. Kanya-kanya narin namang tumalima ang mga ito. Everything inside the rooms are okay. Natuwa naman si Kiel.

Tinungo nya ang kwarto nilang dalawa na mag-ina.

Nakasunod parin sa kanya ang dalawang binata. Nang mag okay na sya ay saka lang inutusan ni Kiel ang mga tauhan na tulungan na ang Mama nya na mag tabi ng mga gamit. Dumiritso naman silang tatlo sa conference room pagkatapos nyang mag-paalam sa ina.

"Stop looking at David." Pansin nya kay Kiel. "He's my family's personal doctor, he is the director of Caloocan Medical Hospital, and a close friend." Aniya. "David, this is Kiel. The President of this Hotel."

Pormal ng nagkamay ang dalawa. David ang Kiel are both thinking the same thing at that moment. Paanong naging ganito ka lapit ang relasyon ni Jenny sa malalaking tao?

"Anong oras ang ceremony?" Tanong ni Kiel.

"8:00 AM ang start. "

"I'll be there at exact time." Ani David.

"I'm gonna be late, I think. I'll have a meeting at 8:00 am, but I'll make it early to attend." Sabi naman ni Kiel.

Napangiti si Jenny. Na imagine na nya ang mga mata ng mga kaklase nya pag nagkataon. Lalo na ang magkapatid na Sarah at Joseph. The Bullies.

"Okay. Hindi ko naman kayo mapipigilan, eh!". Aniya habang sumisipsip ng juice na inabot sa kanila kanina ng dumating sila.

Nagkwentuhan pa sila ng ilang minuto. Nagpapalagayan ng loob ang dalawang lalake. Habang paminsan-minsan naman si Jenny sumasagot.

Ilang sandali pa ay lumabas narin sila. Nag-paalam narin si David na uuwi na at babalik na lang sa araw ng graduation ceremony.

Two nights past.

8:15 am ng dumating sa School campus ang sasakyan nila Jenny. Kasunod ang sasakyan ni David na dinaanan na sila sa Hotel ng sabihin nyang nagbibihis pa lang sya.

Hindi nga sya nagkamali. Everyone is looking at them. Naka pulupot lang naman ang braso nila ni Lui sa braso ng gwapong doctor na escort nila ngayon. Habang ang mga magulang nila ay nakasunod together with their 5 bodyguards. Kahit ang mga teachers at City officials na bisita ay napatayo ng makita sila. Lahat ng City officials na naroon ay di-inaasahang nakilala si David. Tumayo pa ang mga ito at lumapit sa kanila saka nakipag kamay. Inimbitahan narin ang doctor na umupo sa taas ng stage para daw special guest.

Di mapigilan ni Jenny ang mapa hagikgik. Halata kasi sa mukha ni David na napilitan lang ito. Inihatid muna sila ng lalake sa upuan nila ni Lui, habang umupo narin ang mga magulang nila sa kabilang side.

Nasa tabi naman ang kanyang mga bodyguards.

Public schools Graduation ceremony is really enjoyable. Mararanasan mo talaga ang saya sa mukha ng mga magulang kapag tiningnan mo sila. Syempre, dahil yun kahit papano ay nakikita nila ang pinaghirapan ng ilang taon.

Middle school graduation palang yan. Paano na lang kung sa kolehiyo? Lihim na humans si Jenny sa mga magulang na nandun.

Umikot ang kanyang mata. At tumigil yun sa isang pares na mata na nakatingin sa kanya.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C32
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión