Umuwi nga kami ni Angelo pagkapasok noon ni Tita. Tumayo rin naman kasi si Karen para magsaing. Nagpaalam din naman sya. Kian is with us pero hindi ko maintindihan kung bakit parang nahihiya akong umupo rito ng matagal gayong sila. Abala sa mga gawaing bahay.
"Alis na kayo?." Kian guessed what we are planning. Di pa man kami nakaprente ng alis. Pinabalik nya na kami ng upo. "Antayin natin si Kaka rito." Anya while looking at the kitchen. Where his wife is. "Baka kasi mas madismaya sila kapag bigla nalang kayong umalis." Naiintindihan ko din naman ang sentimyento nya. Tama sya sapagkat pumarito nga ako para magpagood shot muli. Bakit ako aalis kung wala pa sila?. Kung kaya kong talikuran ang Mommy ko kapag may pinipilit syang babae para sakin. Sila?. Hindi ko yata kaya. Naiisip ko palang na kamumuhian na nila ang buong ako ng buong buo. Nasususka na ako!. I can still handle my Mom's wrath when she's mad bud this?. Them? Yung treatment pa nga lang nila ngayon?. Hindi ko na kaya. What's more diba? Yes. I have no right to question their actions. Who am I para magtanong bakit sila ganito?. Na alam ko din naman ang sagot diba. Gago. Alam ko na mali ako. Alam ko na di ko deserve ang magandang trato. Pero hindi ba nila kayang pakinggan muna ako kahit isang minuto lang?. Kahit iyon lang. Kung di man sila satisfied sa paliwanag ko. Then. Kailangan ko na sigurong umuwi na talaga. At, di ko rin alam kung kaya ko pa bang bumalik dito pagkatapos ng lahat o hanggang tingin at lingon nalang ako pagdating daan. Hindi lamang ako kay Tito nahihiya kundi mismo na rin sa sarili ko. I feel like an empty shell. Hindi alam ang gagawin.
Hinintay nga namin si Karen. Bumalik din naman sya pagkatapos isalang sa stove ang kaldero. Umupo sya't sinulyapan ang Nanay sa labas. Hindi pa rin ito pumapasok. I wonder why. Iniiwasan nya ba ako?. Galit ba sya sakin?. Sinong hinde Poro? Nagtanong ka pa kumag!. Natural! Nanay sya at lahat yata kaya nyang gawin para sa anak nyang nasaktan.
"Kuya." I heard Angelo's husky voice. Napakislot tuloy ako. Wala kasi sa isip ko na nasa tabi ko sya't muli nito akong kinalabit. Kingwang bata! Sarap batukan!
"Ahm.. Karen, magpapaalam na rin sana kami. May pupuntahan pa kasi itong si Angelo." Dadaan pa kaming flower shop. Bibili raw itong isa ng bulaklak. It's Liz birthday. At kung inaasahan ng lahat na ako ang magbibigay surpresa dito. Mali sila. Because here he is. Will take a risk kahit pa alam nyang hindi pa pwede. Ang sabi nya naman. Bahala na. Basta masabi nya lang na gusto nya si Liz. I know Liz is hoping for me to do what my Mom wishes to. But sorry for her. No is a no. She's my childhood friend. At kaibigan lang din ang kaya kong ibigay sa kanya. Nothing more.
Ganito pala ang pakiramdam ng may nasasaktan na tao? Parang laging may nakabara sa lalamunan mo kahit ang totoo ay wala naman. Kahit lumunok ka ay mahirap pa rin kahit na tubig pa ang dumaan dito.
We left Manalo's house at exactly five pm. Naiwan duon si Kian. Isang oras lang din ang paglagi namin duon kaso sa mga oras na iyon, hindi naging normal ang lahat sa akin.
"Babalik ka pa ba duon?." Angelo is now driving. I let him drive this time because I know myself that if I insist to manuever the car. Baka maibangga ko lang! I'm not in my normal self. Nakatitig lang ako sa kawalan. Walang laman ang utak. Hindi malaman ang sunod na gagawin. Knowing this happen. Nagdadalawang isip na ako kung iurong ko ng mas maaga ang flight namin kaysa hintayin pa ang araw na darating.
"Maybe.." iyon ay totoo. Sa lahat ng nararamdaman ko ngayon. Ito ang pinakatotoo sa lahat.
"Why?. Sumusuko ka na ba?. Saan napunta lahat ng kumpyansa mo?." He laughed a bit jokingly. Nagbibiro lang sya. I can see that. Pero wala ako sa mood to hear his annoying voice. Kapag si Liz tumanggi mamaya sa bulaklak nya. Ako naman ang mang-aasar! Hintayin nya lang!.
Hindi biro ang reaksyon nila kanina. Nalilito ako sa totoo lang. Si Tita. I understand her annoyance towards me. Of course! She should feel that way. Tutal hindi rin naman naging biro ang hirap ni Kendra. But can they just hear me first?. Pumaroon ako para magbigay ng paliwanag at maghingi ng sorry for what I did. Pero huli na yata ako?. They already judged me kahit pa hindi na ako magpaliwanag pa at kahit di na nila marinig o ang pakinggan pa ang dahilan ko. I'm frustrated. Galit sa totoo lang. I'm not mad to them. Galit ako sa sarili because I let everything controlled me. Hindi ko lubos naisip ang mga consequences tulad nito. I was wrong to think that they will hear me out. To think that they'll hear me out and give an sweet smile on their faces is just a dream while I'm awake. Nananaginip yata ako ng gising. Kasi kahit obvious na sa akin lahat na hindi tulad ng iniisip ko ang mangyayari sa reyalidad ay pinaniwalaan ko pa rin.
I'm too stupid for this.
Stupid, for being too confident that they'll treat me right despite the fact that I left Kendra.
"Hindi ba katanggap-tanggap ang ginawa ko?." Again Poro! You stupid asshat!. Kailan ka pa nag-isip ng walang kabuluhan?. Saan napunta ang common sense natin ha?.
Tinawanan lang naman ako ng walang hiya kong kapatid!
Kingina!
"Bwahahahahahahaha!!..."
Imbes patulan ang mapang-asar nyang tawa sa tanong ko. Hinayaan ko nalang sya. "Asking without using common sense is sometimes important.. hahaha.."
"You shut up;."
"Nyahahaha.. halatang kabado ka eh.." inaasar nya talaga ako.
"Sinong hinde gago?! Tignan ko lang mamaya yang yabang mo.." dito lang din humupa ng bahagya ang ngisi sa gilid ng kanyang labi. "Akala ko ba nagpapatulong ka to get the full attention of Liz?."
"Of course. Walang bawian bruh.."
Suminghal ako. Nguniwi din ang labi matapos malagpasan ang post ni Kian habang kumakain ng meryenda. He's with Karen and Kendra. They're all sitting on the floor mat. Nasa gitna nila ang maliit na mesa na may nakatayong mga inumin. It was not a hard liquor. It's just a whiskey. May pulutan din na barbeque at roasted chicken. The caption was, "Drinking the bad shot."
Akala ko ba magpapahinga sya?. Bakit umiinom sila ngayon?. Yan ba ang ibig sabihin nya ng mahabang pahinga?.
It was like, Kian is referring to me kahit hindi naman siguro. Naisip ko lang na ako ang tinutukoy nya dahil nga sa nararamdaman ko.
The expectations doesn't went well. That the reality is too far to my hopes and dreams.
Nakagat ko ang labi while letting a sigh. I heard Angelo's snorting. Ignored that. I typed my comment to his post. "Rest well.." Mali na kung mali ako dito. Gusto ko lang magpaliwanag at mapakinggan ang saloobin ko.
Yung gagong Kian! Tinawanan lang din yung comment ko. Bwiset!
Then I saw Kiona's comment too. "Akala ko ba nagpapahinga ka?. Gaga! Don't just drink. Get drunk!."
"Ate, wag ka nga! Ngayon na nga lang maglalaabas ng hinanakit sa mundo. Pipigilan mo pa!.." it's Karen.
"Mga gaga!. Tumahimik nga kayo!!.." and it was her with a rolling eyes emoji.
"Shuta!. This time. Choose yourself not your favorite soju.. hahaha.." Kiona is being hard here. I can help myself from reading. Damn!
Hindi na sya nagreply. Si Karen at ang Ate nalang nila ang nag-uusap sa comment section na puro pang-aasar na.
This time. I'm not promising. Pupunta ulit ako sa bahay nila. Kahit pa ipagtabuyan nila ako. I will stand still and explain everything to her.