Descargar la aplicación
35.08% Pagdating Ng Panahon / Chapter 20: Chapter 20: Tatay ko

Capítulo 20: Chapter 20: Tatay ko

Pasado alas otso na kami nakaalis ng bahay. Sa gitna ng madilim nang paligid. Isang mahinang tugtog lang ang naging ingay samin. Di ko alam kung nagkakahiyaan lang kaming magsalita o talagang naging awkward nalang basta ang paligid. I bit my lower lip upon thinking what would be that thing awkward. Pareho naman kaming kinausap ni Papa at Mama kanina bago lumarga. That!. Naisip kong dahil ata yun sa sinabi ni Mama na, "Enjoy your date.." ay suskopo! Ngayon ko lang din napagtanto na, napaka-akward pala nun. Siguro. Kaya din sya tahimik dahil nag-iisip. Ano mga bang dapat nyang isipin?. To actually do the date thing?. Eh?. Ang tanong ko pa sa sarili ko kung type ba ako ng taong to o nakikisama lang sa on the go na ugali ni Papa. Baka pa nga. Naiinis na rin sya sakin pero tinitiis nya lang para kay Papa. Kung ayaw nya talaga sakin. Why not say it verbally to my Father. Hindi yung tatango sya't papayag sa gusto ng ibang tao para sa kanya. Grrr.. Minsan pa naman. Di ko matagalan ang tumambay sa isang awkward moment. Lalo na pag kasama ang taong di ko close. Nye!

"Alam mo.." he started. Nilingon ko sya. Tutok ang mata nya sa kalsada at seryosong seryoso kung humawak ng manibela.

"Ang alin?. Hindi ko alam.. wala akong alam.." umiling pa ako sapagkat wala nga akong ideya sa sinasabi nyang alam ko.

E kung pakinggan mo kasi muna sya't manahimik Kendra?. Di yung, bunganga mo agad ang ibibida. Tanga!

Hay., Oo na! Mananahimik na!

Nakita kong nilingon nya ako. Ngunit saglit lang dahil sa hindi pwedeng mawala sa daan ang kanyang paningin. Tapos pa, malalagot sya kay Papa kapag may nangyaring masama sa kanyang isang Prinsesa. So, that's right bro!. You're doing great there.

"Haha ." Tumawa syang hindi ko alam ang dahilan. Kumunot ang noo ko nang tapunan muli sya ng tingin. Binaba ko din ang phone na kinuha sa bulsa ng jacket kanina para i-check kung may text nga si Jane. And yes. Meron nga. She's asking if Papa let me have my night life tonight. Simple ko lang na tugon sa kanya. 'Yes. With Poro..' alam kong di ito mapapakali mamaya. O baka pa nga. Sumugod ng Rooftop kahit di sya payagan dahil kailangan nyang magbantay ng ospital. Isinugod Lola nya nung tanghali. But knowing her?. Gagawin nito ang nasa isip ko. At isa pa. Here's Troy. He sent me a message that, he will do anything, everything just to have me back. Honestly. Natakot ako. Kinabahan din. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kanyang isip habang tinitipa ang mga ito. Baliw na ba sya o hibang na?. Di kaya, obsessed?. Ewan din. Hindi naman sya ganun. But who knows nga diba? People change when they first felt the feeling of being in love. Lalo na, heartbreaks. Pero sino bang may kasalanan samin?. Hindi ba sya?. Kaya bakit nya pa guguluhin tahimik kong buhay?. Wala ba syang magawa?.

"HAHA.." ginaya ko din sya. Diniinan ko pa nga para malaman nyang sarkastiko ito.

Nagtaka sya't nilingon na ako ng tuluyan. Eksakto din kasing, nagred na yung stop light.

Mataman nya akong tinignan. Pagkatapos, "Ahahhahahahaha!." He burst in laughter.

Pinukpok pa nya yung manibela to contain his laughs. Kumunot ang noo ko't naglaro ang mga kilay habang tinitignan sya.

"Baliw ka na ba?. Anong nakakatawa?." Wala talaga akong ideya sa pinagtatawanan nya. May nakikita ba syang hindi ko nakikita?. O may naririnig syang di ko marinig?.

"Ano ba?!. Anong nakakatawa?. Baliw na to!." Halos tumirik na ang mga mata ko sa pag-irap rito tapos sya?. Jusko!

Tinignan nya ako tas tumawa muli. This time. Hawak na ang tyan. Sumandal na din sya sa may bintana. Hulog na hulog ang buong katawan sa upuan. Parang anumang oras. Mahuhulog na sya sa naghalong mainit at malamig na kalsada.

"Nakadroga ka ba ha?." Naiinis na ako. Kung di pa sya titigil rito. Bababa na ako.

Nag-go na kaya kinabig ko sya. Mabuti naman at may isip pa sya't alam ang ginagawa. Hinawakan nya muli ang manibela saka nagmaneho.

"Nakakainis ka, alam mo ba yun?."

Di sya umimik. Parang meron pa sa kanya yung tawa na hindi maalis-alis kanina. Umikot ang mata ko. 360 degrees. Then I saw his damn lips, smirks.

"Kasi naman.. may sinasabi ako.. alangan naman alam mo agad yun, syempre hinde.. hahahaha.."

"Sige.. pagtawanan mo pa ako.." naging masama na ang itsura ng mukha ko. Kaasar!. I greeted my teeth knowing that he's this so happy tas ako?. Umuusok na ang ilong. Eto ba?. Sya ba ang boto nila Mama na gwapong batang abogado!. Hay naku!.. Yung propesyon lang naman ang pinuri nila. Hindi mismo sya.

Nawala bigla ang tawa nya. 'Isusumbong kita kay Papa.' sa likod ng isip ko ito.

PARANG BATA KEN!! NAKAKAHIYA!!!

"Hinde kasi.. alam mo.."

"Alam mo.." putol ko sa sasabihin nya. Gumalaw pa ako para humarap sa kanya. Nagkabanggaan pa ang binti nya't tuhod ko. Di ko na yun pinansin pa dahil hindi naman iyon ang concern ko ngayon. "Halos umapoy na ang ilong ko dito dahil dyan sa 'alam mo' na yan tapos inulit mo pa?.." he raised his both hands. Nawala iyon sa manibela. Tinuro ko iyon. Kinabahan. Kingina! Nagmamaneho sya! Ngunit mabilis lang din naman iyon. Natawa pa nga sya! Baliw na to! Wala pa namang sampung segundo iyon pero halos malagot na ang hininga ko. "Pwede namang ideretso mo nalang ang sasabihin kaysa..."

"You look like Tito.." dito na sya sumingit sa sinasabi ko. Iyon ba yun?. Malamang, Tatay ko yung tao!. Yun lang ba sasabihin nya?. Ay suskopo! Sumasakit ulo ko!

"Nagtataka ka pa ba?. Anak nya ako. Tatay ko sya.." hindi ko man gustong maging sarkastiko rito pero naging tunog sarkasmo naman na ito dahil sa inis ko.

"Yeah.. I know.. kaya nga ako natutuwa, not laughing at you." klaro nya. Ha? Ganun ba yun?. "And it's because you're with me today.. pampatanggal ng stress ko.."

Ano raw?. Ako?. Ginawang therapist nya?. Sabe?!.

"Bat di mo kasi agad sinabi?." Gustong kumawala ng ngiti sa labi ko. Kingwa! Wag kang umasa! Gaga!!.

"Sinapawan mo na ako e. Hahaha.." tawa na naman nya. Nakamot ko nalang ang ulo sa kinauupuan ko. Oo nga naman. Mali ako sa parteng yun. Ugali ko din kasi minsan ang sumapaw. Ngayon ko lang mismo natanto na, pangit pala ang ganun.

"Sorry.. ikaw naman kasi.. ang bagal.. irekta mo na kasi agad kapag may gusto kang sabihin para di na mag-isip pa ang kausap mo.." ang sungit mo na naman Ken!. Yung bangs mo. Pag yan nahati sa dalawa. Tignan ko lang yabang mo!

"Ganun ba gusto mo sa isang lalaki?."

"Ha?." Anong konek?.

Nagkamot ito ng batok. Sinulyapan din ako saglit bago nagpatuloy. "Yung straight forward?." Nabulol pa sya. Seriously?. Bat ito naisip nya tungkol sa sinabi ko?. Para sakin. That's for general. Hindi iyon sa specific na tao lang.

"No. for me, that's for general.. maliit lang kasi pasensya ko pagdating sa drama.."

"So, you don't like dramas?."

Matindi akong tumango. "I can't phatom that thing.. mas gusto kong natatawa o tahimik kaysa sa kahit na anong drama.. sakit sa mata ang ganun.."

"Kakaiba ka talaga.. hindi ba hilig ng mga babae ang manood ng drama?."

"Well. Ibahin mo ako.."

"Talagang iba ka, dahil anak ka ng Papa mo.." mura ba iyon o ano?. Sandali kaming nagkatinginan saka sabay ng natawa.

Hahaha! Isa din pala syang baliw!.

Oo nga naman!. Anak ako ni Papa at Tatay ko yun. Malamang, iba ako sa lahat.

And take note. Lahat naman magkakaiba. Kasarian na nga lang. Iba iba na. May babae, lalaki, bakla at tomboy. May matangkad rin at maliit. May maputi at itim. May maganda at gwapo. Kami yun! Kapal! At syempre, may lonely at alone. Lahat talaga, dinisenyong magkakaiba para maging pantay ito. You know what I mean? Ganito yan. Syempre. May positive at negative. Hindi magkakaroon ng ilaw ang isang bulb kung wala ang positive at negative ng battery. Parang sa buhay lang. Hindi nakikitang maganda ang isang bagay kung walang pangit sa mundo. Ibig sabihin. Lahat talaga, may kapares. Walang, wala. Para balanse lang.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C20
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión