Pag pasok ko ulit sa bahay sumeryoso ang mukha ko saka sila tiningnan lahat.
Nag kaniya kaniya sila kuno ng ginagawa.
"Everyone in dining table!"
Nagulat silang lahat at dali daling lumayo sa'kin at pumunta sa dining table.
"Good morning babe"
She greeted me as if she didn't do anything wrong last night too.
I glared to each one of them.
They just avoiding my eyes.
I tap the table that makes them all shiver in surprise.
"Pinag kaisahan niyo 'ko. I almost look fool in front of her"
I greeted my teeth on them
"But you didn't because I arrange your messy-"
"Shut up Mika! You made her come here at that hour?"
Lalo lang sila nag iwas ng tingin
"I didn't do something-"-Yra
"You tolerate your crazy sister freak!"
She bit her inner lip
"I just opened a gate for her"-Tristan
Isa pa 'tong siraulong 'to
"You throw the keys in the garden last night, that's what Gab's said."
"C'mon Lexie, it's all favourable to you"-Troy
At some point they really gave a favor to me.
I spend a time with her and I hugged my Princess at the whole night.
"But still it's late hour, what if something happened to her?"
Mika shook her head
"Troy's bodyguard is following her"
Troy salute his 2 fingers to me.
Hindi pa rin ako kampante.
"You should all told me sooner that she'll be going here."
"You don't want to be disturb-"
"BUT SHE'S GAB!"
"Ok, I'll take that in my mind"
Mabilis na sagot ni Mika at saka tumahimik.
Huminga ako ng malalim nang mailabas ko ang lahat ng saloobin ko.
Nag lapag ako ng 2k sa mesa.
Halos mag ningning ang mga mata nila.
Agad hinawakan 'yon ni Tristan.
"Ako na mag oorder"
"Sama ako"
Mabilis na tumakbo ang dalawa papunta sa telepono para mag order.
Kapag may nagawa talaga silang nagustuhan ko kahit papaano ay nanlilibre ako ng gusto nilang kainin.
"But Gab cooks for us"
"Sa'kin lang lahat 'yon"
Unti unti sumilay ang ngiti nila.
Nasarapan talaga ako sa soup na 'yon and I'm planning to bring that soup in Pyrocyber for myself only.
"Kindly share with us your plan for her"-Troy
I sighed
"I'm still finalizing my plan."
"Tell us what is it, for sure we can do something about it"
Oo nga 'no? Why did I forgot that they are here.
I smirked because I think it's all settled.
YRA'S POV
Hindi pa rin namin sinasabi ang balita kay LJ pero nag sisimula na akong gawin ang trabahong saakin napunta.
Lumabas ako saglit para tingnan ang pakay ko sa isang coffee shop. Nasa Pyrocyber ang mga pinsan ko at ako lang ang lumabas sa kanila. Hawak namin ang oras namin basta ang pinaka mahalaga ay magagawa namin ang mga ibibigay sa'ming task.
I crossed my arm while watching this girl from afar. I don't think she's waiting for someone.
Malalim ang iniisip niya at feeling ko nag papalipas lang siya ng oras. I can see the sadness in her eyes.
Should I approach her?
But why would I?
I'm just here to guard her but not to be friend with her.
She hurt my cousin and I don't think we can get along.
Tumunog ang cellphone ko at nag text nanaman ang makulit kong manliligaw kaya napa irap nalang ako at binaba 'yon.
Ilang beses ko na binusted pero patuloy pa rin siya.
Ilang minuto ang lumipas ay tumungo 'yong babae at yumuyugyog ang balikat niya as sign na umiiyak siya.
Bigla akong naalarma.
Ang hirap naman mag bantay kung ang babantayan mo ay mapagkakamalang baliw ng ibang tao.
Umupo ako sa tabi niya medyo pinag titinginan na siya ng ibang mga tao.
"Miss?"
I offered my handkerchief to her.
She look at me with her wet face.
I immediately wife her face kasi parang ako ang nahihiya para sa kaniya.
"Who are you?"
Kinuha niya ang panyo ko at siya na ang nag punas ng mukha niya.
Should I tell my surname?
She might take me down if I say my surname.
"Yra Meldez, pinag titinginan ka na kasi nila, ayoko lang mag mukha kang weird sa kanila. This is a public place then you will suddenly cry?"
Umiling siya
"You can go back to your place miss, I don't want to talk to stranger."
Para akong napahiya doon ah.
"Can't I share a table with you?"
Tiningnan niya ako
"You don't like a attention seeker because of your pretty face, but why are you here?"
Lumapit ako sa kaniya at saka bumulong
"Malapit na ako matunaw sa tingin ng iba"
"Pfft.."
Did she just chuckled? Was that an insult?
"Why?"
"You're proud"
Hindi naman ah? She's asking and I'm answering what's wrong with it?
"No I'm not"
Tinawanan nanaman niya ako
"A lowkey big head"
"Well, there's something I should be confident to"
I raised my left eyebrow to support my confidence.
She showed me a weak smile.
"Ayoko na tanungin kung nakaka abala ako kasi gusto kong abalahin ka rin."
"I know you"
Kinabahan ako sa sinabi niya, kung kilala niya ako bakit niya pa tinanong kung sino ako.
"How?"
"I just know you"
Ha? May gano'n ba?
"Are you a fortune teller?"
Umiling siya sa'kin.
Then what? Alam na ba niya na pinsan ko si Lexie?
"I saw your face in a billboard for promotion of your school."
Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi niya alam kung sino talaga ako.
"I'm Fana Javier"
Of course I know.
"Nice to meet you"
Tumunog ang cellphone niya. Nag excuse siya saglit at sinagot ang tawag.
"Yes?.. I'm in coffee shop, same coffee shop.. yeah.. let's not talk about her.. I'm fine here.. stop mentioning LJ's name Thea.."
Oh? Nadamay babe ko. Sino naman kaya iniiyakan niya kanina?
Ilang segundo lang ay pinatay niya na ang tawag.
"Nice to meet you Yra, pahiram muna nito ibabalik ko nalang if ever magkita ulit tayo"
Mabilis siyang lumabas ng coffee shop.
Balita ko kauuwi niya mula sa ibang bansa ah?
After the incident of kidnapping her family migrated to other country to protect their daughters life.
Ilang oras ko ring hinanap ang pangalan niya sa kung saan saang lugar to trace where she is and now she's here leaving me with my handkerchief in her hand.
Ano kayang magiging reaksyon ni LJ kapag nalaman niyang bumalik na ang pinaka mamahal niyang best friend.
Nakangiti akong bumalik sa Pyrocyber. Tapos naman na ako sa task ko at hinihintay ko nalang silang matapos.
"Where have you been?"-LJ
Nandito nanaman kami sa strict niyang tono.
"I just meet someone downstairs, why?"
Mukha namang tapos na silang lahat dahil naka labas na si LJ sa lungga niya.
"There's a urgent call from old man"
Lolo? Why?
"What happen?"
Kinakabahan ako. Never pa sila nag pa urgent urgent ng ganito.
"I don't know, we need to go there ASAP"
Tiningnan ko silang lahat at mukhang nababahala rin ang mga mukha nila.
"Let me pack my things first."
GABRIELLE'S POV
Matapos ang laban nila Lexie sa volleyball nilapitan ako ng isa sa mga pinsan niya. Syempre naman kilala ko ang mga pinsan niya, fan ata ako ng pamilya nila pa'no ba naman lahat sila biniyayaan ng kagagandang mukha. No wonder na sikat na sikat ang pamilya nila sa buong school.
Nag aalangan pa akong mag sabi kay Mama na aalis ako no'ng nakaraan pero wala eh kailangan kong kumita ng pera.
Pinatos ko na agad nang sinabi nilang nahanapan na ako ni Lexie ng trabaho at mag usap nalang daw kami sa bahay nila. Doon na raw ako matulog sa kanila.
Syempre papayag ako kasi bukod sa kilala ko naman ang mag pipinsan at nabanggit pa ang pangalan niya, chance 'yon para makasama siya ulit.
Hanggang sa nangyari na nga ang mga naganap no'ng gabing 'yon. She's a provoker, seriously wala pa siyang ginagawa pero feeling ko pinoprovoke niya ako.
Naalimpungatan ako no'ng madaling araw kasi sumiksik siya sa'kin pero mabilis naman akong nakatulog no'n agad tapos napapanaginipan ko siya at tinatanong niya ako, syempre sasagutin ko siya. Minsan na nga lang kami mag usap tapos di ko pa siya sasagutin?
Nagising ulit ako nang marinig ko siyang tumawa. Feeling ko talaga nag salita siya no'ng gabing 'yon, feeling ko siya ang nag tatanong sa'kin kaya siya tumatawa no'n.
Nakakahiya kung sakali mang totoo.
Bago ako umalis ay binigay sa'kin ni ate Mika ang contact number ng magiging amo ko. Marunong naman ako makisama kaya alam kong kakayanin ko 'yon at fast learner ako plus may background na rin ako sa pag gagraphic design kaya pabor sa'kin ang lahat.
Hindi rin naman ako hahayaan ni Lexie mapunta ulit sa mapang abusong amo kasi kita ko sa mata niya ang galit no'ng sinasaktan ako ng manager ng convenient store. Hindi nga talaga nag bibiro si Lexie nang sinasabi niyang ipapakulong niya 'yong babae, balita ko kasi naka sara na talaga ang convenient store at hindi lang pala 'yon ang una nilang violation.
"Gavin?"
Pag pasok ko sa hospital nakita ko agad si Gavin na umiiyak. Bakit siya nandito? Sabi ko kay Tita huwag siyang papupuntahin dito eh, ayokong makita niya ang lagay ni Mama.
"Gavin!"
Agad akong lumapit sa kaniya. Hawak hawak niya ang truck truck-an niya habang umiiyak sa gilid ng hallway, medyo malayo sa pwesto ng kwarto ni Mama.
"Ate *sobs*"
Kinabahan ako sa itsura niya. Bakit? Anong nangyari?
"May nangyari ba? Nasaktan ka? Anong nangyari?"
Punong puno ng pag aalalang tanong ko.
"Ate *sobs* si Mama parang masakit ang dibdib niya kaya tumakbo ako palabas."
Nag kakarerahan sa pag pintig ang puso ko at sobrang sakit no'n.
"Ha?!"
"Eeeeennnngggkk.. sabi no'ng computer doon"
Para akong pinompyang sa sinabi niya.
Mabilis akong tumakbo hila hila ko siya para mag punta sa kwarto ni Mama.
Naiiyak na ako sa kaba.
Lumabas ang Doctor doon.
"Doc?! Ano pong nangyari?"
Nararamdaman kong pa tulo na ang luha ko habang nasa harap ko ang Doctor.
"She really needs a surgery ASAP-"
Napa upo nalang ako sa sobrang sakit ng puso ko. Nanghihina ang buong katawan ko, gusto kong manakit para maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko, gusto kong sumigaw sa buhay na meron ako ngayon.
Lahat na ata ng kamalasan nasakin na, unti unti nang kinukuha ang mga mahal ko sa buhay.
"- I'm really sorry hija but your mom has only 1 month to live if we didn't do a surgery."
Tinulungan niya ako tumayo habang ang kapatid ko panay banggit ng ate habang nasa lapag ako.
"Hindi ba pwedeng *sobs* operahan na si Mama? Mag babayad naman ako eh-"
"I'm really sorry Miss"
Tangina! Nag Doctor ba kayo para gumamot ng pasyente o nag Doctor kayo para sa pera?!
Gustong gusto ko 'yon isa tinig kung makitid lang utak ko, alam ko naman na ang mga gamit sa operation ay mahal pati na ang pag babayad sa Doctor pero kasi! Ayokong mawalan ng isa pang magulang!
Umiyak na yumakap sa'kin si Gavin.
"Ano pong nangyari kay Mama?"
Huminga ng malalim ang Doctor.
"Cardiac arrest pero agad naman naming naagapan kasi ang galing ng batang 'yan. Tumakbo agad siya sa'min at sinabing tingnan namin ang Mama mo kasi parang sumasakit daw ang dibdib. Pag tingin nga namin sa kwarto ni Mrs. Rhemzo she's having a cardiac arrest."
Anong gagawin ko?
Kailangan ko ng mabilisang pera. Puro ilegal trabaho ang pumasok sa isip ko.
Pinunasan ko ang pisngi ko.
"Pwede na po ba namin siyang makita?"
"Pwede na, hayaan niyo lang munang tingnan ng mga nurse ang lagay ng Mama mo. Excuse me"
Umalis na ang Doctor kaya mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto.
Kwarto palang napaka mahal.
"Magiging maayos na po ba siya?"
Tanong ko sa isang nurse
"Stable na po siya, hintayin nalang po natin siyang magising"
Tumango ako at nag pasalamat.
Maya maya ay lumabas na rin ang mga nurse.
"Sinong nag dala sa'yo dito Gavin?"
Naka sandal lang sa'kin si Gavin habang sumisinghot.
" 'Yong bagong kapitbahay natin, sabi niya kung gusto ko raw makita si Mama"
Bigla akong naalarma sa sinabi niya
"Sumama ka hindi mo pa gaano kilala?! Sinong kapitbahay at paano niya nalamang nandito si Mama?!"
Paano kung masamang tao 'yon?!
"Si kuya Ariel, 'yong nangungupahan ngayon kay Tita. Madalas akong ipaiwan kay kuya Ariel kapag namamalengke si Tita tapos nasa school si ate Belle."
Kahit na! Paano kung nag papakitang tao lang 'yon?
"Mabait si kuya Ariel ate, kumukuha raw siya ng order sa pinag tatrabahuan niya at pang gabi siya kaya kapag umaga kasama ko siya."
Mukhang sa bar ang trabaho niya.
"Hindi pa rin ganiyan ang tinuro namin sa'yo. Bakit naman niya naisip na dalhin ka dito-"
"Sabi ko kasi sa kaniya gusto kong makita si Mama, ako ang pumilit sa kaniya na dalhin ako dito ate, huwag kang magalit sa kaniya, mabait si kuya."
8 years old palang si Gavin syempre nasa edad pa niya ang pa tatantrums. Naiintindihan ko naman ang kagustuhan niyang makita si Mama pero hindi ngayon.
Biglang tumunog ang cellphone ko.
"Tita?"
Sagot ko kaagad pag sagot ko, malamang hinahanap na ni Tita si Gavin.
"Kasama mo ba si Gavin?"
Nababakas ko ang pag aalala sa tono niya.
"Opo Tita, pag dating ko dito sa hospital nandito na siya."
Para siyang naka hinga nang maluwag.
"Oh sige, diyan muna siya-"
"Tita inatake ulit si Mama"
"Ha?! Oh eh ano na raw ang lagay niya?"
"Stable na raw po ulit, pero tinaningan na po ng Doctor ang buhay niya"
Naiyak nanaman ako sa lagay namin.
Tanginang buhay to!
"Umuwi ka na muna dito Gab mag pahinga ka muna pupunta na ko diyan para palitan ka sa pag babantay"
Buti nalang talaga hindi evil witch ang Tita ko 'di gaya ng ibang Tita na minamaltrato ang sarili nilang pamangkin.
"Opo Tita"
Pinatay na niya ang tawag.
"Antayin nalang natin si Tita ah tapos uuwi na tayo"
Naawa na ako sa sarili ko.
'tong nararamdaman ko parang wala nang katapusan. Medyo angat nga ako sa lovelife dahil nakaka score ako sa isang dyosa pero itong nakaka baliw kong buhay bilang anak... Para akong uubanin agad dahil sa stress.
Kailangan ko ng isang bagsakang pera.
Bwiset paano ako magkakaroon ng gano'n?
Ito na ba 'yong sinasabi nilang kapag gipit sa patalim kumapit.
*1 message received*
(Ano Gab? Napag isipan mo na ba? Makakatulong yun sa mudra mo)
Kinabahan agad ako sa text na 'yon.
Si Vanessa 'yon, baklang gusto akong kunin bilang prostitute.
Nag aalangang tumingin ako sa cellphone ko.
"Sigurado ka ba na malaki ang makukuha ko diyan?"
Lumunok ako. Wala na sa isip ko kung tama ba 'to o mali, basta mabuhay si Mama.
(Mag kita tayo sa club mamaya. Mapag uusapan naman yan.)
Tumingin ako kay Mama pati na rin sa kapatid ko.
Wala na akong pakealam kung masira pa ang kinabukasan ko. Hindi naman masama ang makasama sila ng matagal diba? Kahit anong paraan pa basta huwag lang sila mahirapan pa at mawala sa'kin.
Hinalikan ko ang ulo ng kapatid ko.
Sorry Gavin, wala na talagang ibang choice si ate. Hindi pwedeng laging kay Mara ang takbo ko, may pera siya pero hindi pa singlaki ng bayarin ang nahahawakan niyang pera. Pero sa offer ni Van. pwede niyang mabayaran 'yon basta kapalit ang katawan ko.
Sobrang bigat ng puso ko.
Can somebody help me?
Mamamatay na ata ako sa problemang 'to.
Papa.. Tulong