What is love?
Iyan ang palaging tanong ko noong bata pa ako. Dahil namulat sa isang hindi kumpletong pamilya, hindi natatapos ang isang araw na hindi ko naitatanong kay tatay kung bakit siya iniwan ng aking ina.
Kaya nagkaroon ako ng mga tanong gaya ng 'Ganoon ba ang pag-ibig?', 'Nang-iiwan?'
Lagi na ay isang magiliw na ngiti ang sagot niya sa akin saka ang paulit-ulit na "Ang tunay na pagmamahal ay pagpaparaya, Karina. Pinalaya ko ang ina mo dahil hindi siya magiging masaya sa akin. Pero higit pa sa saya ang ibinigay niya sa akin nang mahawakan kita sa mga bisig at marinig ko ang unang pag-iyak mo."
Hindi ko maintindihan si tatay noon at kahit na ngayon. I can't understand how one can surrender love that easily. Para sa akin, ang pag-ibig ay pakikibaka.
Mahina ka? Lalakas ka dahil sa pag-ibig. Malakas ka? Manghihina ka dahil dito. Mabait ka? Wait 'till someone or something threatens your relationship. Maldita ka? Matututo kang magpakumbaba.
See, love is only for the strong ones. Wala kang karapatang umibig kung palagi na ay pagpaparaya ang nasa isip mo. Sa kaso ko, nagparaya nga ako noong una but look where I am now. Nagbabalik ako para kunin ang para sa akin.
Letting go didn't do anything to me. And I heard from a reliable source that it didn't do any good to Cholo either in the first few years of my absence.
Nahinto ang pagbabalik-tanaw ko dahil sa isang katok sa salamin ng kotse. Pinindot ni Celeste, ang aking assistant, ang remote control at bumukas ito.
"Ma'am, hindi raw po kayo pwedeng pumasok sa loob ng event dahil wala po kayong invitation mula sa kompanya."
Blangko ang tingin na nagtaas ako ng ulo mula sa pinagmamasdan ko na magsing-irog sa kalye na magkahawak-kamay at binato ng isang matalim na tingin ang naka-uniform na lalaki na siyang humarang sa entourage ko kanina para makapasok kami sa entrance ng parking lot ng hotel kung saan kasalukuyang isinasagawa ang isang party.
I crossed my legs and tapped my thigh with my hands impatiently.
Nakuha naman agad ni Celeste ang ibig kong sabihin kaya ito na ang sumalo sa usapan.
"Hindi sanay si Ms. Karina na pinaghihintay, Mr. Mateo. Kung ako sa iyo, ihanda mo na ang red carpet para makalabas na siya. Milyon ang bawat segundo ni Ms. Karina kaya sino ka para harangan kami?"
"Right," I mumbled while still tapping my thigh.
Nagkamot ng ulo ang pobreng lalaki. "Ma'am, paano ko po maihahanda ang gusto niyo kung bawal nga po kayong pumasok sa loob? Exclusive lang po sa mga delegado ang event na ito. I-e-escort na po kayo ng guards paalis."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Parang may mga bell na nagkalampugan sa ulo ko dahil sa sinabi nito. Ang ayoko sa lahat ay iyong mga taong hindi nakakaintindi sa mga pangyayari. Nagdudumilat na nga ang katotohanan, ayaw pa ring maniwala at mas pipiliing magbaling ng tingin.
Itinaas ko ang kamay para pigilan si Celeste na makipagdiskusyon pa sa lalaki.
"It's okay. We'll leave," ani ko sa mahinahong tinig.
Tumaas pabalik ang salamin at agad namang binuhay ng driver ang makina at pinatakbo ang sasakyan palayo. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong nasa likod at harapan lang namin ang tiglilimang sasakyan na convoy namin.
Ipinagsalin ako ni Celeste ng wine sa baso at ibinigay sa akin. Tinanggap ko ito at sinaid.
"May mga tao ba tayo sa loob?" tanong ko habang nasa labas ang tingin.
Nakasisilaw ang liwanag ng kalsada na namumutiktik sa rami ng mga tao at sasakyan. Maaga pa ang gabi. Medyo hindi ako nasanay na ganito na ang aabutan kong Cerro Roca. Nakatanim pa rin kasi sa isip ko ang malalagong puno ng mangga sa gilid nang madilim at bako-bakong kalsada noon na ngayon ay napalitan na ng mga lamp posts at malawak na sementadong daanan.
"Yes, Ms. Karina. Isang tawag lang po natin ay wala pong magagawa ang organizer ng event kung ano ang gusto niyong mangyari."
"Celeste," tawag ko rito sa malambing na paraan.
Alerto naman nitong kinuha ang telepono at naghintay sa susunod na sasabihin ko.
"You know how I hate waiting, right? Saksi ka kung anong ginagawa ko sa mga taong pinaghihintay ako."
Lumunok muna ito bago tumango.
"I understand, Ms. Karina. What do you want me to do?"
"Call Louis. Tell him to prepare the helipad for my arrival."
"Did you mean?"
Humingi muna ako nang panibagong refill sa baso ko bago ito sinagot.
"The entrance is not the only opening we can enter. I was originally planning to announce my presence in the most discreet way possible but they leave me with no choice. Make it fast. I badly missed Cholo so much. Gusto ko na siyang makita at mayakap. Surely you don't want me to be sad, do you Celeste?"
Umiling ang babae. "No, Ms. Karina. Kabilin-bilinan po ni Chairman na gawin ang lahat ng gusto niyo at kung anumang makapagpapasaya sa iyo."
Hinaplos ko ang magandang mukha nito at ibinalik ang naligaw na hibla ng buhok sa likod ng tenga nito.
"Good answer, Celeste. That's why I personally asked for your assistance. Gusto ko ang mga tulad mo. You bring out the best in others by being the best yourself. Keep it up." I smiled at her and lazily toyed with my fingers.
"Thank you for the kind words, Ms. Karina."
Sa ilang segundong lumipas ay nakasampung tawag si Celeste. Sa bawat natatapos nitong tawag ay napapangiti na lang ako. This woman has been trained well by the Chairman.
When the car stopped at a huge clearing inside a hangar, the helicopter is already on its best appearance while perched meters from us.
Pinagbuksan ako ng pinto ng driver at inalalayan pababa. Nakalatag na rin ang red carpet na sinimulan kong lakaran. Sa dulo ay sinalubong ako ng piloto na bahagya pang yumuko sa akin.
"It's a pleasure to be able to take you into the air, Ms. Karina."
Tipid ko lang itong nginitian bago inabot ang kamay ng bodyguard ko para alalayan ako paakyat sa helicopter.
Ilang sandali pa ay nasa himpapawid na kami. I looked down and tasted bitterness in my mouth. Wala na talaga ang dating Cerro Roca na hinahanap-hanap ko. Gone are the big trees, the crystal-like ponds, and the silence I loved in this place.
Natanaw ko mula sa ere ang gahiganteng hotel kung saan nakasulat ang "Fuentebella Hotel" sa pinakaituktok ng building. I know the owner of this gigantic renowned establishment.
Maverick Fuentebella is a figure from my past I can't forget. Isa siya sa mga tumulong sa akin noon. I smiled at the memory. Kamakailan nga lang ay ikinasal na ito sa isang Alcantara.
It was the talk of the whole country which means it cannot be helped when people started uncovering again the past of the Alcantara clan. Sa ngayon ay nag-lie low muna ang mag-asawa dahil ayaw raw nitong mastress si Femella, ang asawa nito, dahil maselan ang pagbubuntis nito sa kambal na anak.
I learned it all from the chairman who loves to tell me all the stories he heard from his friends.
I'm happy for him. No matter how people perceived the great Maverick Fuentebella as the wolf in the industry, I still respect him for being Cholo's friend and for showing me his kindness.
Magkasabay na lumapag sa helipad ng hotel ang dalawang helicopter. Bumaba ang mga bodyguards sa kabilang sasakyan kasabay ang paglabas ng iba pang mga uniformed personnel sa exit door.
Kinuha ko ang compact mirror at sinipat ang sarili. Medyo nagulo na ng hangin kanina ang nakapusod ko na buhok kaya inilugay ko na lang ito giving it a natural curl in the process.
"Do I look good, Celeste?" I asked pertaining to my black mermaid cut off shoulder gown that stretches all the way down to the floor. I paired it up with my favorite six inch black platform heels. I have no jewelries in my body except the five-thousand peso ring in my finger.
"You look perfect, Ms. Karina. I'm sure sabik na sabik na sa iyo si Mr. Gastrell,"papuri nito.
"You think so?"
She nodded exuberantly. "I'm sure Ms. Karina. You are a goddess."
Nginitian ko lang ito bago itinaas ang isang kamay. Nagpatiuna na ito sa pagbaba. Kipkip ang laylayan ng gown sa isang kamay, inabot ko uli ang kamay ng head guard ko na si Vishen nang makitang tapos na sa paglalatag ng red carpet ang iilang staff.
Ibinigay sa akin ni Celeste ang pouch ko habang para akong movie star na binabaybay ang kulay pulang sahig papasok sa nakabukas na exit door. Nakapaligid sa akin ang buong security team na alerto ang bawat kilos.
"This way, Ms. Karina."
Ngunit bago ako pumasok sa nakabukas na private elevator ay nakuha ko pang lumingon para makita ang isang lalaking nakatayo sa dulo ng pasilyo at nakatitig sa akin. I recognized Jex, the longtime ally of Maverick.
Ilang segundo pang naghinang ang aming mga mata bago ako tuluyang tumalikod at pumasok sa elevator. Likod na lang nito ang nakita ko bago ako paligiran ng mga bodyguards.
Bumukas ang pinto ng elevator sa 27th floor kung saan kasalukuyang ipinagdiriwang ang bagong acquisition ng Gastrell Global Conglomerate. They ventured on oil trading this time. Aside from cementing its position as the top shipbuilding company here and overseas, the giant corporation is now heading to energy industry.
Not bad for a CEO who is on his late twenties.
Itinaas ko ang kamay nang akmang susunod sa akin ang mga bodyguards.
"Stay here. Vishen and Celeste will accompany me inside," utos ko sa kanila na agad ding namang nagsipagtugon.
Nagpatiuna ako sa paglalakad. Hindi ako nagkamali ng akala nang harangin kami ng security force. Vishen stepped in but before he could say a word, Jex cut through the scene and dismissed the guards.
Nagsukatan muna ng tingin ang dalawang lalaki bago nagsalita si Jex.
"Padaanin niyo si Mrs. Gastrell," wika nito habang nakatitig nang matiim kay Vishen.
Nakarinig muna kami ng singhapan bago nagkukumahog na binuksan ang dalawang malaking pintuan ng hall.
Taas ang noo na naglakad ako papasok. Sandali akong tumigil sa paglalakad nang madadaanan ko si Jex. He never changed. He's still the same cold guy I know. Those cold murderous eyes never failed to send shivers to me. Mula noon hanggang ngayon, iisang tao lang ang kilala kong nagawang tunawin ang makapal at malamig na baluti nito. Sadly, she's gone and so is his soul too.
Ibinaling ko pabalik sa silid ang tingin bago pa ako maglakbay uli sa nakaraan. Inalis ko ang anumang bakas ng kahinaan ko noon at nagpaskil ng ngiting mapanlinlang.
These people here don't deserve an inch of genuine expression. Here in this expensive golden cage lies the lions and wolves on the hunt for frail preys.
Unang tapak ko pa lang sa napakalambot na mamahaling carpet ay may naamoy na ako.
Amoy ng mga mayayaman na nagtatago sa kani-kanilang mga gintong rehas. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa mga higanteng ilaw at sa mga suot na alahas ng mga nagsisipagdalo.
My eyes surveyed the whole area. None. I went further into the middle of the crowd and there in the group of dignified men in the country is my one and only husband, Cholo Gastrell, proudly standing on his feet with a glass of whiskey on his hand while talking confidently to a man I know so well. His rock hard solid frame shows even on his admiral men's suit. Few buttons of his dress shirt are open and a part of his hairy chest was on display.
I licked my black lips when he took a sip of his drink. The urge to cross our distance and taste the liquor on his mouth is so strong I have to take a step back or else I'll devour him this instant.
My eyes went down to his luscious red lips.
The lips that kissed another woman's lips. The lips that took me countless of times to seventh heaven.
His lips are sinful but they were exactly perfect just the way I want it to be like. The lips that will make me crazy and will make me scream for more and more until we both pass out.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tinumbok ko ang kinatatayuan nito at nakangiting kumuha ng alak sa dumaraang waiter.
His gray eyes spotted me the same time I came right in front of him. Natigil ang pag-uusap ng mga nasa paligid at nabaling sa amin ang atensiyon ng karamihan.
I smiled sweetly at him. "Good evening, Cholo. I missed you, hubby."
Hindi ito nakapagsalita. Parang natuklaw ng ahas na nakaawang lang ito sa akin.