Nang araw na 'yon ay naisipan na umuwi ng maaga si Samarra galing sa eskwelahan dahil ilang araw na rin siyang late na nakakauwi mula sa Buenavista Corporation, medyo hindi na rin sila nagkakasama ni Zachary dahil katulad niya ay may pinagkakaabalahan na rin ito. Wala naman kaso sa kaniya kung may trabaho man ito o wala, dahil alam niya na nag-aaral pa rin ito. Wala pa ng mga oras na 'yon si Zachary. Hindi kasi fix ang oras ng pasok nito sa school, may hanggang alas dos lang ng hapon o 'di kaya hanggang alas kuwatro. Samantalang siya ay fix mula alas nuebe ng umaga hanggang alas tres lang ng hapon. Isang subject lang sila magkaklase at tuwing Monday at Thursday lang.
Pagkatapos magpalit ng damit ni Samarra ay agad niyang hinayon ang staircase pababa, ngunit hindi pa siya nakakababa nang tuluyan ay sinalubong na agad siya ni Zachary na kakapasok lang sa bahay nila, walang habas na hinalikan siya sa labi na bagay na ikinagulat niya. Hindi pa nakontento ito binuhat pa siya at inikot-ikot. Tiningnan niya ang masayang mukha ni Zachary na umabot sa mata nito.
"Why are you happy?" agad na tanong ni Samarra nang tumigil si Zachary sa pag-ikot habang buhat siya.
"You know what?"
"What?"
"Remember 'yong car design na-i-post natin sa Car Market?"
Agad na tumango si Samarra dahil siya mismo ang pumilit kay Zachary para ma-i-post 'yon sa online. Ayaw pa nga sana ni Zachary pero pinilit niya ito.
Ibinaba muna siya ni Zachary mula sa pagkakabuhat at tumingin ito nang diresto sa kaniyang mata. Kitang-kita ni Samarra kung gaano ito kasaya tila bang wala na itong mapaglagyan.
"Wala pang thirty nang ma-i-post 'yon ay may tumawag na agad. Noong una nag-aalinlangan ako kasi masyadong mataas ang in-i-offer niyang presyo para sa baguhin na katulad ko. Akala ko scam lang. Pero kanina, nag-deposit na sila, talagang napatalon talaga ako sa saya. Sobrang saya ko talaga. At salamat, kasi alam ko kaya mas naging maganda ang design ko, ay dahil inayos mo ang kulay. Thank you, love," madamdaming pasasalamat ni Zachary sa kaniya, kaya naman hindi na napigilan ni Samarra ang mapayakap sa asawa dahil masaya rin siya sa bagong achievement nito. Masaya ang pakiramdam niya dahil sa magandang balita na inihatid nito at masaya siya dahil sa kaniya unang ibinahagi 'yon. Gusto niya na sa bawat tagumpay na nararating ni Zachary ay siya ang nasa tabi nito.
"I'm so happy for you, love."
Agad na kumalas si Zachary pagkakayap sa kaniya pagkuwan ay siniil siya ng halik sa labi kung 'di lang may tumikhim sa kanilang likuran ay baka mapalalim pa 'yon.
"Baka gusto niyong pakainin mo na ako."
Naitukod ni Samarra ang dalawang kamay sa malapad na dibdib ni Zachary para magkaroon ng espasyo sa kanilang pagitan. Sabay pa silang napalingon kung saan nakatayo ang isang lalaki na sa hamba ng pintuan nakahalukipkip ito at nakatingin lang sa kanila ng seryoso.
Mula sa pintuan ay mabilis na naibaling niya ang tingin kay Zachary na tila nahuhulaan naman nito ang pagtataka niya kung bakit kasama na naman nito si Vince sa bahay nila. Hindi naman porque ang pamilya nito ang nagmamay-ari ng buong Villa Escaler ay malaya na itong magpunta-punta sa bahay nila at makakain. Though, alam naman ni Samarra na nagbibiro ito.
"Bakit kasi hindi ka na lang umuwi sa inyo, Vince," pagtataboy ni Zachary sa kaibigan na basta na lang silang nilampasan at hinayon ang kanilang sala.
Sabay pa ang pagkunot ng noo nila at huminga nang malalim bago sumunod sa 'bisita' kuno nila na nauna pang umupo sa kanila.
"Vince, alam mo naiistorbo mo na kaming mag-asawa. Umuwi ka na kaya sa inyo," ani ni Zachary nang inalalayan pa si Samarra na umupo sa katapat na upuan ng kanilang bisita.
"Tsk, inistorbo mo rin ako kanina," pambabara naman ni Travis na tila hindi ito naaapektuhan sa hayagan na pagtataboy ni Zachary.
"Dito ka na mag-dinner," pag-aaya ni Samarra kay Travis na agad naman tinutulan ni Zachary.
"Love, mas maraming pagkain 'yan sa bahay nila. Tiningnan mo." Inilapit pa sa kaniya ni Zachary ang relo na suot para ipakita ang oras. Alas kuwatro pa lang ng mga oras na 'yon at tama nga naman si Zachary na medyo malayo pa para maghapunan sila. Pero, alangan naman na paalis niya ang bisita na hindi man lang kumakain.
"Matagal pa bago magtayo mag-dinner, ibig sabihin magtatagal pa 'yan sa bahay natin."
Napakunot-noo si Samarra hindi dahil sa sinabi ni Zachary kundi sa paghalakhak ni Travis, tila na ikinatutuwa pa nito ang nakikitang inis sa mukha ni Zachary.
"Tss, umuwi ka na kaya."
Tinapik ni Samarra ang balikat ni Zachary para ipahiwatig na 'wag itong masyadong rude sa kaibigan. Kahit papaano nahihiya siya sa iniaasta nito, at kahit pa na kaibigan nito si Travis ay hindi maganda ang pinapakita nitong ugali.
"It's okay, Sam. Hayaan mo 'yang asawa mo. By the way, uuwi na rin naman ako."
Napatingala si Samarra nang tumayo si Travis at ngumiti sa kaniya bago ito tumango kay Zachary.
"Hindi mo ba pipigilan 'yang kaibigan mo?" bulong niyang tanong kay Zachary at humawak sa kamay nito para alalayan siyang tumayo. Agad na umiling si Zachary sa tanong niya at bumaling ang tingin nito sa kaibigan.
"Vince, 'yong sinabi ko sa'yo," paalala pa ni Zachary sa kaibigan na papalabas ng pintuan nila.
"Travis, magmeryenda ka muna bago ka umuwi. 'Wag mong pansin si Cadden," pagpigil ni Samarra sa papalabas na binata.
"Are you sure?"
Nakangiting tumango si Samarra na agad ngumisi ito kay Zachary na tila nag-uumpisa na naman mang-asar.
"Love."
Agad na napakamot sa batok si Zachary nang pinandilatan niya ito ng mata para tumigil sa kung ano man ang sasabihin nito. Narinig pa ni Samarra ang pinakawalan nito na buntong-hininga bago tumango at sumunod sa kanila habang hinahayon nila ang dining area.
Iniwan ni Samarra ang dalawang binata sa dining area para makapag-usap ang mga ito at siya naman ay tinungo ang kitchen para makapag-prepare ng makakain. Simpleng tuna sandwich lang ang ginawa niya dahil 'yon lang ang madaling gawin. For sure, hindi naman siya mapapahiya sa bisita nila.
Naabutan niyang nag-uusap ang dalawa na tila seryoso ang pinag-uusapan nang binalikan niya ang mga ito.
"Pasensiya ka na Travis kung 'yan lang ang nagawa ko. 'Yan lang kasi mabilis na gawin," alanganin niyang wika habang nilalapag ang tray na naglalaman ng meryenda nila.
"No, it's okay. Actually, I love tuna sandwiches," ani pa ni Travis na kumagat agad sa sandwich. Kita niyang tumatango-tango pa ito habang ngumunguya.
"Vince, kausapin mo na lang 'yong kakilala mo, ako na kamu ang bibili ng puwesto na 'yon." Tanging isang tango lang ang pinakawalan ni Travis.
"Anong puwesto?" hindi niya mapigilan na tanong dahil sa mukha ni Zachary na parang namomroblema ito.
"'Yong pagtatayuan ng kaniyang shop."
Mula kay Zachary ay napunta ang tingin niya kay Travis nang ito ang sumagot sa itinatanong niya.
"Nakahanap ka ng puwesto? Para sa shop mo?"
Nakangiting tumango sa kaniya si Zachary at tiningnan pa siya sa mata na parang siya lang ang nakikita nito ng mga oras na 'yon.
"I will promise you that I will succeed, and I want you to be proud of me."
Napatingin si Samarra nang hawakan ni Zachary ang kaniyang mukha at tiningnan siya sa mata, ramdam niya ang sinseridad nito.
"I will be proud of you in whatever you do, as long as you remember that you should be happy with what you do."
— Un nuevo capítulo llegará pronto — Escribe una reseña