Descargar la aplicación
60.27% The Badass Twins / Chapter 44: Chapter 43

Capítulo 44: Chapter 43

Godee's POV

Pinuntahan ko si Ozi sa kwarto nito upang tignan kung maayos na ba ang lagay niya. Wala na si Desdes dito dahil nag-re-review ito para sa exam namin bukas.

"Ozi, maayos na ba pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. Hindi na siya nakabalot ng kumot kaya nakikita ko na ang unti unting paghupa ng mga pulang pantal sa mukha at katawan niya. Nakangiti itong tumango sa'kin kaya napangiti rin ako. At least, ok na siya. Hindi na mag-alala si Heaven. Ewan ko ba doon, alam kong salbahe siyang tao pero kapag may nasaktan siya at kasalanan niya. Hindi siya mapakali at na-gi-guilty pa siya. "Ano pa lang pakiramdam kapag may allergy ka sa katawan, Ozi?" tanong ko rito.

"Makati at mahapdi, ayon ang nararamdaman ko. Kapag hindi ko na kaya, nilalagnat ako. Mabuti na lang at mabisa ang binigay na gamot ni Heaven."

"Isang milyon bili niya sa gamot mo."

"Eh?"

"Bayaran mo na lang daw ako ng isang black card. Sabi niya."

"Eh, Hindi pa nilagayan nila mommy ng pera ang black card ko."

"Edi, manghiram ka kay Desdes."

Minsan ko na siyang nakasama sa mall at masasabi kong ang yaman ni Desdes pagdating sa Black card niya. Limpak limpak na milyones ang laman nito.

"Hindi pwede, ipon niya yun. Pinaghirapan niyang ipunin yun."

"Di ba may allowance naman sila ni Dana. Monthly naghuhulog ng pera ang parents nila sa mga Black card nila."

"Ano kase... Kay Dana lang ang hinuhulugan. Hindi siya kasali."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi kase ok si Deisiree sa mga magulang niya. Pansin mo naman di ba noong nandito sila tita Dianne at Tito Dusk. Hindi siya nakipag-usap sa mga ito."

Oo nga napansin ko rin iyon. Hindi nga siya lumapit sa mga ito para magbless o maki-beso man.

"Ahh, baka ugali na talaga ni Desdes yun." sabi ko. Umiling si Ozi kaya kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa may bathroom nila ng lumabas si Jun doon. Tanging towel lang ang suot nito. Siya pa ang nagulat ng makita ako rito sa kwarto nila. Ngumisi ako at umiling sa kanya. Hahahhaha! Nagmamadali itong pumunta sa closet nila upang magbihis.

"Malaki din pala katawan ni Jun. Akala ko patpatin din siya tulad ni Dk."

"Araw araw siya nag - exercise. Nakikipag kompetansya sa kuya niyo."

"Hahahahhaha! Kay kuya? Bakit naman?"

"Syempre, alam mo naman. Baliw si Dana kay Blade at ito namang si Jun may gusto kay Dana."

"Oh? Hahahahaha! Anong nagustuhan niya kay Dana?"

"Hindi nga namin alam eh. Sa dinami dami ng babae, si Dana pa ang nagustuhan niya."

"Maybe, ginayuma siya ni Dana gamit ang mga bake nitong cupcake."

"Siguro"

"Hahahahahha!"

Nagtawanan kami ni Ozi ng lumabas na si Jun sa closet nila. Nakabihis pantulog na ito. Pilyo itong ngumiti sa'kin kaya napa-iling ako at natawa.

"Cute naman ng Spongebob mo hahahahaha!" puri ko sa suot niyang pajama terno ito at may design na Spongebob Squarepants.

"My favorite cartoon character." pilyong sabi nito. Nasa kilos na talaga ni Jun ang pagiging mischievously. Kaya, kapag titignan siya ng hindi nakakilala sa kanya ay mamasabi nilang pervert ang isang ito. Pero hindi naman talaga.

"Pareho kayo ni Twin paborito niya rin si Spongebob while me naman is si Dana ay si Dora pala hahahahha!" natawa kami ni Ozi habang si Jun naman ay napakamot sa ulo niya. Sabay kaming tumingin sa pinto ng bumukas ito at bumungad si Kuya Blade.

"Godee, let's talk. Hihintayin kita sa veranda." saad ni Kuya saka siya umalis. Nagpaalam ako kanila Ozi at Jun at saka ako sumunod kay kuya sa Veranda. Tamad akong humiga sa may duyan namin dito na gawa sa Buri Palm. Habang si kuya naman ay parang babaeng nakaupo sa solong sofa.

"So? Anong chismis, kuya?" tanong ko sa kanya. Kalmado ang mukha nitong tumingin sa kalangitan na ang daming mga bituin. Huwag niyang sabihing pinapunta niya ako rito upang panoorin siyang magmuni muni.

"Si Heaven, tulog na ba?"

Bakit hindi niya puntahan sa kwarto namin. Tsh. Tamad akong tumango. Though, baka nakipagkarera na yun sa Race Track ngayon.

"King Adam Imperial, do you know him?" malamang member ng ACES ang isang yun.

"Yeah? Why?"

"His your fiance." hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

"Then?" nagtatakang tumingin sa'kin si kuya pero kalauna'y bumugtong hininga.

"Alam mo na pala ang tungkol sa fiance mo."

"It's a natural thing na ginagawa ng clan natin. What's new?"

"Hindi ka lalaban? Hindi ka magrerebelde? Ayos lang sayo na magkaroon ka ng fiance?" Alam ko ang pinapahiwatig ni kuya. I know, ayaw niyang magkaroon ako ng Fiance. Noon pa man against na siya rito. "Masamang sumuway sa utos pero this time gusto ko lumaban ka. Tumutol ka, Godee." aniya pa.

"Ayos lang naman sa'kin kuya at saka kilala ko naman si Adam."

"Kahit na! Kung si Heaven pa ang magkaroon ng fiance. I'm sure, magwawala ang isang yun at papasabugin ang kingdom natin sa Russia." Hindi lang yun ang kaya niyang gawin baka maubos pa ang lahi natin kuya. Hahahahahaha!

"Kambal kami ni Heaven pero magka-iba pa rin kami ng ugali, Kuya. Kung siya minsan lang takot kay mom at sayo rin minsan lang din siya takot. Well, ako takot talaga sa ina natin. Tayong dalawa takot sa kanya." tumango si kuya tipong wala na siyang magawa. Iba kase magalit ang ina namin kapag hindi masunod ang utos ng isang yun.

"Pero, hindi ko talaga tanggap na magkaroon ka ng fiance, Godee at sigurado akong pagtungtong mo ng bente uno. Magsasama na kayo ni Adam sa iisang bubong. God damn it. Hindi ko kaya iyon."

Naintindihan ko si Kuya ganyan niya kami kamahal at kaprotektado. Hindi niya hinahayaan na may lumalapit sa'min na mga lalaki. Pero si Worth nakakalusot kay Heaven. Hahahahahaha!

"Wala eh, ito na nakatadhana sa'kin. Hahahahahaha! Isang taon na lang pala ang kalayaan ko." dahil sa darating na November 1. Araw ng kamatayan namin ni twin este Birthday pala namin ni twin iyon at 21 years old na kami.

"No, I will find ways, baby. Gagawa ako ng paraan upang hindi matuloy ang engagement niyo ni Adam. Tsk. Babaero pa naman ang isang yun kaya big NO talaga sa kanya. Hindi ako papayag na siya ang magiging asawa mo. Kahit sino pang lalaki hindi ako papayag. Saka lang ako papayag na may manligaw sa inyo kapag 30 years old na kayo o 100 years old na lang."

"Hahahahhaha! You're insane over protective, kuya. But, thanks for that. I love you." Tanggap ko na ang nakatadhana sa'kin kuya at wala na tayong magagawa. Hindi ko kayang suwayin ang nag-iisang utos sa'kin ni mom. I love our mother so much. At hindi ko siya kayang saktan dahil lang sa simpleng utos niya na hindi ko pa magawa.

Nagpaalam si Kuya na pumanik na sa taas habang ako naman ay nagpaiwan muna dito sa veranda. Tamang isip lang ng kinabukasan ko hahahahaha!

"Imperial is our neighborhood. Anytime, pwede kayong magkita ni Adam dito sa Skyline Village."

Wika ni Ryder. Alam kong narinig niya lahat ang pinag-usapan namin ni Kuya. Kahit anong tago niya sa presensya niya. Nararamdaman pa rin ito ng isang Hunterose.

"I don't think so. Pagkakaalam ko madalang lang siya umuwe sa mansion ng lolo nila kaya malabong magkita kami dito."

"Payag ka maging fiancee niya?"

"Yeah? Why not?"

Tamad kong tanong. Nag-iwas ng tingin si Ryder sa'kin at madilim ang tingin sa madilim na kalangitan. Hahahhhaaha! Ano na naman kaya ang problema ng baklang ito?

"Hindi mo siya mahal, Godee."

"Pffffftttt... Hindi ko naman kailangan magmahal ng isang lalaki para maging fiance ko. As long as, kung anong pinag-uutos ng ina namin. I will follow it."

"Paano naman kung may mahal ka na? Hindi mo ba siya ipaglalaban? Paano kung may isang lalaki na handa kang ipaglaban sa pamilya mo?"

"Then fight. Basic. Hahahahahaha! Basta ba, kaya niyang harapin ang ina namin. Tapatan niya ang tapang ng kambal ko. Sure win na hahahahaha!"

Ryder's POV

Kumuyom ang kamao ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Paano niya magawang tumawa sa gitna ng malaking problema na hinaharap niya? Yeah. Para sa'kin sobrang malaking problema ito. Mahirap kalabanin ang magulang niya lalo na ang ina nilang amo ng mga demonyo. Minsan ko ng nakasalamuha ang Reyna ng mga Hunterose at masasabi kong: ikaw na mismo ang tatakbo papalayo sa kanya. Nakwento rin sa akin ng mga magulang ko na hindi nila matatagalan ang presensya ng ina nila Blade. Sa lahat daw ng Hunterose ito ang pinakamapanganib at pinakadelikadong kalabanin na namana ni Heaven. Natawa pa ako noon bago ako sumali sa ACES ng sinabi sa'kin ng ama ko na mag-ingat daw ako sa kambal na anak ng Reyna.

My father is one of the Rytsar. The knights of Hunterose Queen. Master at kaibigan niya ang ina nila Blade kaya kilala niya ang ugali nito pero minsan daw hindi nila ma-predict ang tumatakbo sa utak nito.

"So? May kilala ka bang pwedeng tumutol sa mother namin? Hahahahaha!"

Bumalik ang tingin ko kay Godee. Ang galing niyang magtago ng emosyon niya. Masaya ba talaga siya? "Nga pala, kailan mo balak magpagupit ng buhok?" pag-iiba niya sa usapan namin. Bumugtong hininga ako at tumingin muli sa kalangitan. It's my Sky. My Godee. Madilim munit nagniningning ang mga bituin.

"21"

Sagot ko sa tanong niya.

"Ah, sa debut mo pala."

21 is debut ng mga lalaki habang sa mga babae naman ay pagsapit ng 18 nila. "I'm sure, engrande ang debut mo dahil nag-iisang anak ka na lang nila Tito Ride at Tita Key. Anong gusto mong theme? Princess? Dora? Barbie? Hahahahhahaha!" Tss. Gusto ko ring matawa pero pinigilan ko ang sarili ko kaya masungit ang mukha kong tinignan siya.

"You and your imaginations are nonsense." masungit kong wika. Natawa lang siya kaya umiwas muli ako ng tingin sa kanya. In my peripheral vision nakita ko siyang umalis sa duyan at nag-unat unat pa siya ng katawan niya bago umayos ng tindig.

"May exam pa tayo bukas, Beautiful Ryder. Kailangan kong mag-review muli sa Accounting. Mauna na ako sayo."

"Uh- sige." tinakpan ko ang dismayado kong boses. Gusto ko pa siyang makasama at maka-usap ngunit malalim na rin ang gabi. Napalunok ako ng laway ng tumingkayad siya at isang pulgada na lang ang pagitan ng mukha namin. Ang mga mata niyang kasing dilim ng gabi at malalim kung tumingin. Hinihigop nito ang hangin sa dibdib ko at dumudoble ang nararamdaman kong kaba.

"Goodnight, hon." pilyang wika nito at patawa tawa siyang pumanik sa taas. Tsk. She's really a walking Temptress.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C44
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión