Descargar la aplicación
29.16% Tanging Ikaw Lamang / Chapter 7: Chapter 7

Capítulo 7: Chapter 7

SI DEXTER LENARES nga ba itong kasama niya? Hanggang ngayon ay ayaw niyang paniwalaan. At nasasanay na siya sa mga ginagawa nitong pagsurpresa sa kanya.

May dahilan na ako para ngumiti at ma-inspire sa araw-araw. Hindi niya pa naranasan na maging masaya tulad ng nararanasan niya ngayon. Simple things can actually bring so much happiness.

"Balot?"

Napangiwi ito habang tinitingnan ang itlog na itinuro niya. Sa hetsura nito parang nandidiri ito.

"Masarap 'to," sabi niya at tila kinukumbensi ito.

"Kumakain ka niyan?"

"Minsan kapag ginaganahan. Bakit, hindi ka kumakain nito?"

"Hindi ko pa nasusubukan at wala akong balak subukan. Hindi ko ma-imagine na kinakain iyong..." Napalunok ito. "Sisiw sa loob niyan."

"Sisiw ka diyan. Itik po!"

"Basta! Iyon na iyon."

Hindi niya na lamang pinilit ito. Mga mayayaman talaga! Pero bilib rin naman siya rito kahit papaano dahil sinubukan nito ang mga bagay na hindi pa nito nagagawa.

Siya na ang pumili ng kakainin nila. Atay ng manok, paa ng manok, bituka ng manok, barbecue at siyempre kaning nakabalot sa dahon ng niyog. Sa tingin niya naman gusto nito ang pagkain dahil marami itong naubos.

Nang matapos sila at makapagbayad ay naisipan nilang maglakad-lakad na muna. Bitbit ang softdrinks na nasa plastic ay tinungo nila ang pinakamalapit na parke. Nasa sentro sila ng San Ferrer at madalas dinudumog ng maraming tao ang parke lalo na kapag gabi.

Hindi maiwasang mapatingin siya sa mga nagdidate. Meron pang nagkakantahan, naghaharutan, nagpipicnic. At laking gulat niya ng may madaanan silang naghahalikan!

Eh? Public talaga? Naisip niya tuloy kung ano kaya ang pakiramdam na mahalikan nitong kasama niya.

"So, what are your plans after graduation?" biglang basag nito sa katahimikang namayani bigla sa pagitan nila.

"I don't have plans yet."

"What? Ilang buwan na lang at gagraduate ka and yet wala ka pang plano? You should have plans ahead of you, Danelle."

"I do have plans in life, of course. Kaya lang ang plano ko after graduation ay hindi ko pa napagdesisyonan."

"Ano bang desisyon?"

"Sa kung saang kompanya ako mag-a-apply."

"Bakit hindi ka sa kompanya mag-apply. Pwede kang i-recommend ni Ate Vhivian."

Kung magtatrabaho ako sa kompanya niyo, hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko. Nandiyan ka kasi, eh! Napakibit balikat siya. "Ewan ko," sabi niya. "I don't think I would fit in there."

"At bakit mo naisip iyan?"

"Naisip ko lang."

"Negative thoughts. Kaya marami ang hindi nagiging successful sa buhay dahil hindi pa nga nangyayari, inuunahan na ng negatibong pananaw."

Ouch! She can consider that as a strike! Hindi niya na tuloy alam kung ano ang sasabihin.

"Alam mo ba na ikaw ang may pinakamataas na rating sa inyong lahat?"

Yes of course alam niya. Ngunit hindi niya alam kung bakit alam nito.

"Just give it a try, Danelle. Malaki ang chance mo sa kompanya."

"Are you in a hiring?" tanong niya ulit.

"Yes. Maybe next month. Sa department ni Ate Vhivian. May aalis kasi sa mga tao niya."

Nabigla siya. May aalis sa Marketing Department. "Sino?"

"Si Helen."

"Why?"

"Magma-migrate sila ng pamilya nila. And of course, kailangang makahanap agad ni Mrs. Robles ng kapalit niya. She can't afford to lose someone who plays an important role in her office. At alam mo iyan."

Oo alam niyang hindi madali ang maging isang secretary. Nagawa niya ring panghawakan ang papel ni Helen noong intern pa siya. Multitasking, pinakaimportante.

"You'll stay in one work and it's full time. Hindi iyong part time lang. "

"Pag-iisipan ko."

"Mas maaga, mas maganda. I will make your application letter. Pirmahan mo na lang."

Galit na napalingon siya rito. "What? That's not fair!"

"Just kidding." At natawa ito. Ilang saglit ay huminto ito sa paglalakad. "Wait."

"What's wrong?"

Hinila siya nito patungo sa bakanteng bench at naupo. "Pahinga muna tayo. Sumasakit na ang mga paa ko."

Oo nga pala. Kanina pa sila naglalakad. Hindi na nila namalayang ang layo ng nalakad nila.

"You've mentioned about your half-brother," pagsasalita pa nito. "Why half-brother?"

So, this all about me now? Getting to know me better? Ayaw niyang nagkukwento tungkol sa mga bagay na ito. Pero mukhang kampante siya na ito ang pagkukwentohan niya.

Kinuha nito ang supot na hawak niya at inihagis iyon sa kalapitang basurahan. Shoot!

"Wow! Nagbabasketball ka?" Curious lang siya.

"Yes, morning and night."

Napatitig siya rito. And he laughs. Bakit ba palagi siya nitong binibigla sa ilang bagay?

"You are really funny, Danelle," natatawang sabi nito. She can actually see his face. Nasa gitna lang naman kasi sila ng dalawang poste ng ilaw.

Basketball day and night? At ano ang ibig niyang sabihin? Kung ano ang bigla niyang naisip.

"Don't think that way. Napakadirty minded mo."

Naalarma siya sa sinabi nito. "At bakit mo nasabing dirty minded ako?"

"I know what you are thinking. You are thinking the other way around. Kaya ganoon ka nalang kung makatitig sa akin nang sabihin kong naglalaro ako ng basketball day and night."

Pinamulahan siya ng mukha. Halata ba sa naging reaksiyon niya kanina?

"Bakit, kailangang sa araw lang nilalaro ang basketball? Sumasali kami sa basketball league dito sa bayan at kadalasan sa gabi nangyayari ang game."

Inirapan niya na lamang ito.

"So, bumalik tayo sayo. Paanong naging half brother mo siya?"

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. This time nakabawi na siya sa pagkahiya. "Anak siya ng ama ko sa ibang babae. Hindi pa man lang ako ipinagbubuntis ni Mama, isinilang na siya."

"I see." Naramdaman niya ang biglaang pagtahimik nito.

Nagpatuloy siya. "Naghiwalay ang mga magulang ko, officially, when I was eleven years old. Tamang-tama na siguro ang edad kong iyon para malaman kung ano ang siyang nangyayari sa pamilya ko. Ang pamilyang inaakala kong maganda, buo, at masaya."

"Alam mo ang dahilan ng paghihiwalay nila?"

Bahagya siyang tumango. "My father never loved her. Just for my sake, nanatili siya sa buhay namin sa loob ng labing isang taon. Napilitan lamang siyang pakasalan si Mama dahil nabuo na ako. But throughout their marriage, he never did loved her. Hindi niya man lang sinubukan.

"Hindi niya maiwan ang first love and true love niya noon na asawa niya na ngayon. Ito ang dahilan kung bakit palagi kong nahuhuli ang Mama ko na umiiyak. When I was six, naalala ko pa sa tuwing tinatanong ko siya kung ano ang masakit sa kanya kung bakit siya umiiyak, lagi niyang tinuturo ang dibdib niya. I had no idea kung ano ang mga nangyayari.

When I was nine, things started to be more clearer to me. I knew, everything was just part of the game. They wanted me to see and believe na buo kami, na masaya kami, na nagmamahalan kami. Pero lahat ng iyon pawang kasinungalingan at pagpapanggap lamang. Iyon ay dahil sa kagustohan ni Mama.

"There was one time, naglalakad ako pauwi galing school, nakita ko si Papa sa isang secondary school malapit sa school ko. I was very excited and I wanted to surprise him. Pero ako iyong nasurpresa when I saw this boy, na mahigpit niyang niyayakap. I followed them hanggang makarating kami sa isang bahay. And I saw him and this woman, they hugged and they kissed. I asked myself, why is he kissing this woman and who is she? Dapat si Mama lang iyong kinikiss niya. And who's this boy?

"Hindi ako makatulog kinagabihan. Hindi mawala sa isip ko iyong nakita ko. It was late in the evening and pumasok si Papa. Nagtulogtulogan ako. He kissed me at lumabas na ng kwarto ko. Afterwards, I heard them fighting. At ilang sandali niyan, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

"Ilang beses ko ring nakita si Papa na pabalik-balik sa bahay na iyon. When I turned ten, kung anu-ano na lamang tsismis ang naririnig ko sa mga kapitbahay namin. Na may kalaguyo ang papa ko, na may ibang pamilya. At ang palaging sinasabi sa akin ni Mama, huwag akong makinig dahil hindi totoo iyon. Naiinggit lang silang lahat dahil buo kami. Hanggang sa nalaman ko na lang na sa gabi sa pagtulog ko, umaalis ang Papa at sa umaga bago ako magising, umuuwi siya galing sa kabila."

Pansamantala niyang inihinto ang pagkukwento. Hindi niya na napigilan ang sariling maging emosyonal. Nagsimula ng dumaloy ang mga luha niya.

"Galit na galit ako sa kanila. Kasi, hinayaan nila ako na paniwalaan ang lahat. Hinayaan nila akong makulong sa kasinungalingan at pagpapanggap nila. Galit ako sa Papa ko dahil nagawa niyang saktan ang Mama ko. At galit ako sa Mama ko dahil hinayaan niyang masira ang pamilya namin at wala man lang siyang ginawa para ipaglaban iyon. Alam mo iyong pakiramdam na, wala kang mapuntahan kasi hindi ka sigurado kung kanino ka aasa?

"Nang iwan nila ako sa Lola ko, wala na akong narinig pa mula sa kanila. Ilang birthdays, pasko, bagong taon ang dumaan, ni anino nila hindi ko na makita. Naisip ko nga, kung gusto nilang kalimutan ang isa't isa, ako rin ba na naging anak nila ay kakalimutan na rin? Kay Lola ko na nga lang nalaman na nag-asawa na rin si Mama."

Nagsalita na si Dexter. "Hindi ba sila tumatawag sayo?"

"Minsan. Pero ayaw ko silang makausap ng matagal. Gusto ko lang na kung sakaling balak nilang umuwi ng bansa at makita ako, gusto ko na makita nilang successful akong tao kahit wala sa tabi ko ang mga magulang ko. Na kaya ko pa rin maging masaya kahit mag-isa lang ako."

Tumayo si Dexter. May dinukot itong panyo sa bulsa ng jeans nito sa likuran at inabot sa kanya.Tinanggap niya iyon at pinunasan ang basang mukha.

"I'm sorry," sambit nito.

"It's okay. Mabuti na rin iyong may napagsasabihan."

"Come." Inilahad nito ang palad sa kanya. "It's getting late. I'll take you home."

Without hesitation, inabot niya ang kamay nito at hawak kamay nilang nilakad ang kinaroroonan ng sasakyan nito.

Hindi masama ang magtiwala agad. Pero alam niya, nararamdaman niyang mapagkakatiwalaan si Dexter.

Nang makarating silang pad ay tinawagan niya agad si Carla upang alamin kung nakauwi na ba ito. Ngunit mukhang malabong mangyari iyon dahil kasama nito ang boyfriend nito.

Pinagbuksan siya ni Dexter ng pintuan. Inalalayan siya nito sa pagbaba. "Thanks," sabi niya.

"Ihahatid na kita hanggang itaas."

"Hindi na kailangan. Kaya ko na. Salamat na lang."

"Let's go."

Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito papasok sa building.

"Hindi ko gustong paiyakin ka, Danelle," sabi nito habang nasa elevator pa sila. "I'm really sorry. "

"Wala iyon."

Una siya nitong pinalabas nang makarating sila. Agad niyang dinukot ang susi sa loob ng bag niya at binuksan ang pinto.

She doesn't know what to say. Yayayain niya ba ito sa loob? Ngunit sila lang dalawa?

"I wanted to stay for a while but it's late," sabi nito. "You need to rest. Thank you for this day, Danelle. I really had fun."

Ngumiti siya. "Ako rin. Akala ko nga hindi na mauulit 'to, eh!"

"Bakit naman hindi? I like going out with you."

Humakbang ito papalapit sa kanya. Kinabahan agad siya. Sa hindi malaman ang gagawin ay humakbang siya paatras. All of a sudden naramdaman niya ang pinto sa likuran niya. Dahil sa pagkakataranta, isinandal niya ang buong bigat niya roon without thinking na nagawa niya na iyong buksan.

Nawalan siya ng panimbang nang tuluyang bumukas ang pinto. Hinawakan siya agad ni Dexter sa magkabilang braso niya but it's too late. Magkasama silang dalawang natumba at sahig.

Gusto niyang matawa dahil sa pagiging clumsy niya and at the same time maiyak dahil masakit ang likuran niya sa pagkakabagsak. Ngunit seeing the face of this man closer to hers, her world turns upside down.

He's on top of me! Yes, at hindi maalis-alis ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.

"Danelle..." mahinang sambit nito sa pangalan niya. "Can I..."

What? Hindi niya magawang magsalita!

Dahan-dahan, inilapit nito ang mukha sa kanya.

He's going to kiss me! Nagpapanic ang isip niya. Gusto niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas na gawin iyon.

And then, there he goes, tuluyan na ngang natawid ang pagitan sa mga labi niya. He's kissing her, softly and gently.

What am I supposed to do? For God's sake I don't have any idea!

Nanatiling dilat ang mga mata niya. Inaalam at pinapakiramdaman ang ginagawa nito sa mga labi niya.Seconds, minute, she's not really sure sa itinagal ng halik na iyon.Ilang sandali pa ay pinakawalan na nito ang mga labi niya. Nanatili siyang tulala, speechless, hindi makagalaw.

Biglang natawa si Dexter sa reaksiyong ipinakita niya. Dinampian siya nito ng halik sa mga labi bago umalis sa pagkakadagan sa kanya. Tumayo na ito. "Come."

Hinawakan siya nito sa magkabilang kamay at tinulungang makatayo. Nanatili pa siyang nakatitig rito. What just happened?

"I'll go ahead," sabi nito. "Good night."

Hindi siya sigurado pero halos isang minuto siyang nanatiling nakatayo sa may pintuan. Wala na si Dexter ngunit ganoon pa rin siya.

He kissed me! He. Just. Kissed. Me! Mariin niyang ipinikit ang mga mata. At nang manumbalik ang sariling katinuan, bigla siyang napasigaw!

Sa sobrang saya!

*** *** ***

SOMETHING'S WRONG. At hindi maalis kay Dexter ang mabahala. Napakahaba ng araw na ito para hintayin niya ang sagot ni Danelle sa mga text messages at tawag niya. Kahapon pa hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Hindi kaya ay galit ito sa kanya dahil sa ginawa niyang paghalik dito nitong nagdaang gabi?

Paano niya malalaman kung ganitong ayaw nga nitong sagutin ang mga tawag niya?

Naisipan niyang tawagan si Carla. Ito na lang siguro ang tatanungin niya.

"Oh, why, Mr. Lenares? Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo at napatawag kayo?"

She likes Carla. Masyado kasi itong palabiro. "Are you busy?"

"Hindi pa. Kaya may oras pa ako para makipag-chikahan sayo. Why?"

"I just want to ask something."

"About what?"

"About Danelle." Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok. Tama bang ito ang tanungin niya?

"Okay."

Bumuntong hininga siya. "Itatanong ko lang kung may nabanggit ba siya sayo na galit siya sa akin."

"Wait. Gusto mong malaman kung galit ba siya sayo? Well, I don't know. At kung galit nga, sa ano namang dahilan? Teka nga muna, ano bang ginawa ko sa kaibigan ko, ha, para magalit siya?"

Alright, alam niyang kaibigan nga itong talaga ni Danelle. "I am not sure kung galit nga ba siya. Gusto ko lang makasiguro. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko."

"Magkasama kayo last Saturday. Ano ba ang nangyari?"

"I-I kissed her," pag-amin niya.

"You what?"

"I kissed Danelle. "

"Really?"

Bahagya niyang nailayo sa tenga niya ang cellphone nang marinig ang pagtili nito. That's weird.

"Are you serious? " tanong pa nito sa kanya.

"Yes. I didn't asked her permission kaya baka galit siya. Baka iniisip niyang nabastos ko siya."

"Ay! Kung gusto mong halikan ang isang tao kailangan ba talagang humingi ng permiso? Tiyak hindi papayag iyon pag nagkataon!" Napatawa ito. "You are the best, Dexter!"

"Ha?"

"Sa wakas ay nagawa mo ring basagin ang kabirhenan ng mga labi ng kaibigan ko."

Napanganga siya. Tama ba ang narinig niya? "Y-You mean, hindi pa nahahalikan si Danelle?"

"Never!"

Oh. That was unexpected. Hindi niya maiwasang mapangiti sa rebelasyong iyon.

"And considering the fact nga first kiss ka niya, I am so happy for her! "

"Seryoso ka ba Carla? "

"Listen, matagal na kaming magkaibigan ni Danelle and I know her ever since. Ewan ko ba doon, may balak yatang tumandang dalaga. Marami ang nanliligaw ngunit wala namang sinasagot. O baka lang hindi niya nakikita sa mga ito gusto niya sa isang lalake kaya handa siyang maghintay na lamang."

"At hindi pa siya magkakaboyfriend? "

"Yup. Kaya napakainosente ng kaibigan ko. Never been touched, never been kissed. But of course, nahalikan na kaya touched na lang ang wala pa." Napahagikhik ito.

Siya rin ay natawa sa biro nito.

"Alam mo ba magmula ng makilala ka niya, parang ang laki na ng ipinagbago niya. She's very energetic, inspired, at palaging nakangiti. Maswerte ka dahil ikaw ang 'first' niya in everything. First crush, first date, first guy na lagi siyang ginugulat sa surprises, first kiss and first love na rin siguro."

First love. Hindi siya sigurado. Hindi niya alam kung saan aabot ang samahan nilang dalawa ni Danelle pero iisang bagay lang ang alam niya, walang 'love' na mangyayari.

Ilang babae na rin kasi ang nagdaan sa buhay niya. At ni isa sa kanila walang seryosong relasyon ang naganap. Ayaw niya kasing magkaroon pa ng panibagong commitment. Nakakapagod.

But there is something about Danelle na nahihirapan siyang iwasan. She's special. At gusto niyang panatilihin ang pagkaespesyal nito sa kanya.

"Ngayong alam mo na ang tungkol dito, sana hindi mo pagsasamantalahan ang kahinaan ng kaibigan ko," pagpapatuloy ni Carla. "She likes you, Dexter, at alam ko na nahahalata mo iyon."

Oo, he can actually see that. Mos of the times ay iniiwasan nito ang mga titig niya, her gestures whenever she's with him, ang pagiging tense nito, every little thing she does nagpapahiwatig na may pagtingin nga sa kanya ang dalaga.

Gusto niya na lamang umiwas. Ngunit parang mahirap sa kanya na gawin iyon.

"Don't worry, Carla," aniya. "You can trust me. "

"Good. Mas mabuti na iyong maliwanag kaysa madilim."

"Carla!"

Kung hindi man siya nagkakamali, kilala niya ang boses na iyon. Danelle!

"I have to go now, okay? Bye!"

Naloko na! Hindi niya alam kung galit nga ba si Danelle sa kanya. Nawala na sa isip niya na itanong ulit iyon. Ilang segundo ang nakalipas ay nagtext si Carla.

She's fine. She's not angry. Busy lng kmi ksi final defens nmn 2day sa marketing research nmn. Wish us luck!

At nabunutan siya ng tinik sa nalaman. And now, he is bored. Lumabas siya ng opisina at bumaba patungong opisina ni Vhivian.

"Unexpected visitor!"ang siyang agad na sinalubong nito sa kanya. "What brought you here, Mr. Lenares?"

"Binibisita ka at ang opisina mo." Naupo siya.

"Wow! Thank you."

"Kailan mo gusto na gawin ko ang posting sa job vacancy rito?"

"Three weeks bago umalis si Helen. Para may panahon siyang itrain ang newbie."

"I can recommend someone."

Itinigil nito ang ginagawa at tiningnan siya. "Alright?"

"She knows the job."

Napasandal si Vhivian sa swivel chair nito. Nakinig sa mga sasabihin niya pa.

"No need for further training."

"At sino naman 'to?"

"Daniella Elleiza Salvan. "

Napatitig sa kanya ng husto si Vhivian. Nagtatanong ang mga mata nito. Nanatili ito ng ganoon sa loob ng ilang segundo. Pagkatapos ay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "She's good," sabi nito.

"She's excellent, "sabi naman niya.

Hindi maitago ang amusement sa mukha ng kapatid. "You like her?"

"Yes."

Pinaikot nito ang mga mata. "Hay naku, Dexter! Hindi ko alam kung ano ang gagawin sayo. Alam ko kung saan patungo itong kalokohan mo. Hindi ba pupwedeng huwag mo na lamang isali sa listahan mo si Danelle?"

"Malinis ang hangarin ko kay Danelle, Ate," sabi niya. "She's different. That's why I like her."

"Really?"

"Look, I am here para ipaalam sayo na mukhang desidido si Danelle na magtrabaho sa atin."

"I'll think about it. "

"Let me know then." Tumayo na siya.

"Sa resort natin isi-celebrate ang birthday ni Manuel bukas. Isama mo si Danelle para na rin makapag-usap kami."

"Sure," at lumabas na siya ng opisina nito.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión