Descargar la aplicación
61.11% Who's The Impostor? / Chapter 11: Another Victim Again

Capítulo 11: Another Victim Again

Chapter 11

Naalimpungatan si Erick dahil sa sinang ng araw na tumatama sa muhka nya. Dahan-dahan syang gumalaw at nakamdaman nyang may gumalaw din sa tabi nya. Dahan-dahan nyang nilingon ang katabi at nagulat ng makitang katabi nya si Scarlett.

Masarap ang tulog nito habang unti-unting yumayakap sa kanya. Napansin nya ding wala silang suot pareho. Bigla syang nanlumo at hindi alam kung anong mararamdaman nya.

"Gising ka na?" Biglang tanong ni Scarlett. Agad syang napalingon dito at nakita nyang kinukuha na nito ang kumot at itinakip sa katawan nito.

"A-Anong nangyari?" Nauutal nyang tanong.

"May nangyari sa atin." Sabi nito na parang wala lang.

"A-Anong..."

"Shh. Tumahimik ka nalang. Basta, may nangyari kagabi at tapos." Pagtatapos nito sa usapan nilang dalawa bago tumayo.

"N-Nasan ang damit mo?" Tanong nya.

"Nasa labas. Pahiram muna ng kumot." Sabi nito tapos naglakad na palabas. Masasabi nyang may nangyari nga kagabi dahil sa amoy pawis at s*milya ang kwarto pero gusto parin nyang makasiguro.

Pilit nyang inalala ang nangyari kagabi at napapikit ng maalalang sya ang nagyaya sa kanilang dalawa. Napahampas nalang sya sa noo nya tapos napahiga sa kama nya.

"Ohh." Biglang sabi ni Scarlett tapos itinapon sa kanya ang mga damit nya.

"A-Ahh, Scar———"

"Tumayo ka na dyan, malalate ka na." Sabi nito tapos ngumiti at kinindatan sya tapos umalis. Sya naman ay naiwang tulala.

A Few Moments Later. . .

Naupo sya sa lamesa at nakita nyang nagluluto si Scarlett. Nakabihis at nakaligo na sya at handa nang pumasok ng trabaho pero napatigil sya ng makita nya si Scarlett.

Nakamaikling short na puti ito at nakasando habang nakaipit ng pa-bon ang buhok nito. Masasabi nyang maganda talaga ito kahit nakatalikod. Pero mas maganda kapag nakaharap.

"Bakit nagluluto ka? Pwede naman ako nalang ako ang gumawa nya." Sabi nya, hindi parin nakakabawi sa pagkagulat.

"Hayaan mo na ako. First time kong magluto ng pagkain para sa ibang tao." Sabi nito. Tumango-tango naman sya at naupo sa lamesa. Pagkatapos inilapag nito ang pagkain at sabay silang kumain.

"Wala ka talagang kasama sa bahay na to?" Tanong nya.

"Oo, ehh. Simula kasi nung maghiwalay kami ng asawa ko, mag-isa na ako." Sabi nito.

"Mahal mo pa ba sya?" Tanong nya. Tumitig sa kanya si Scarlett at akmang sasagot na pero walang lumabas s bibig nito. "So, ginagamit mo lang ako?" Malungkot nyang tanong. Si Scarlett naman ay nag-iwas lang ng tingin. Tumayo sya at uminom na ng tubig. "Tapos na ako." Sabi nya tapos umalis na.

____________________________

"Ano?!" Gulat na tanong ni Camille. "May nangyari sa inyo?!"

"Oo..." Nahihiyang sabi ni Scarlett.

"Magkakababy na ba kayo?" Tanong naman ni Annie.

"Paano tayo magkakababy kung apat na lalaki ang t*mitira sa atin?!" Galit na sigaw ni Camille.

"Ehh, lasing naman kasi ako kagabi. Tyaka, init lang talaga ng katawan yon." Sabi nya.

"Wag ka sa akin magpaliwanag, t*nga. Sa asawa mo." Galit paring sabi ni Camille.

"Ayoko nga. Baka patayin nya pa yung tao." Pagtanggi ni Scarlett.

"Sana inisip mo muna yan bago ka nagpakasarap kasama yung pulis na yon." Sabi ni Camille.

"Oo na. Susubukan ko." Sabi ni Scarlett.

"Scarlett, wag mong sabihing... may bago nanaman?" Tanong ni Camille.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung may bago nanaman o talagang may bago lang talaga sa akin." Mahinang sabi ni Scarlett.

"Tsk. Tsk. Tsk." Umiiling na sabi ni Camille. "By the way, kumusta yung trabaho mo kahapon?" Tanong ni Camille.

"Maayos. Burado na si Marvin sa mundo." Sabi nito habang may maliit na ngisi sa labi.

"Mabuti naman." Nakangiting sabi ni Camille.

__________________________

Nang magising si Nash ay natutulog pa si Annie. Dahan-dahan syang tumayo at nagpunta ng banyo. Nang makalabas sya at nakita nyang gising na ito at parang kakatapos lang makatanggap ng tawag.

"Sinong tumawag sayo ng ganitong kaaga?" Tanong nya.

"Kaibigan ko po." Nakangiting sagot nito.

"Anong sabi?" Tanong nya.

"May pupuntahan daw po kami." Nakangiting sabi pa nito.

"Sino ba yan?"

"Si Scarlett at Camille po."

"Mapagkatiwalaan ba ang mga yan? Baka naman binubully ka lang nila kaya ka sumasama sa kanila?" Tanong nya. Agad naman itong umiling. "Sige, mag-iingat kayo, ha? Aalis na ako." Sabi nya tapos hinalikan ito sa noo. "Uuwi ako mamayang lunch." Sabi nya bago umalis.

_________________________

Tahimik na naglalakad si Travis habang papasok sya ng elevator. Ngayon ay magkakaroon sya ng deal kay Mr. Reid. Alam nyang magaling na businessman ito pero ngayon palamg nya ito makikita.

Mag-isa syang naghintay sa elevator at may biglang dumating na babae. Sa una ay hindi nya ito pinansin at nang makapasok na sya at sumara ang pinto ng elevator ay gulat nya itong nilingon.

"Scarlett?!" Gulat nyang tanong kasabay ng paglingon dito. Napakunot ang noo nito at tinaasan sya ng kilay bago sya tinignan mula ulo hanggang paa.

"Excuse me?" Mataray na tanong nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noo din nyang tanong.

"Who are you to ask me——— ohh. Is it you the guy that claim me as his wife." Sabi nito. Bigla nyang naalala ang nangyari sa mall. "Ikaw yon, diba?" Tanong nito.

"A-Ahh..." Bigla syang natahimik. "Ikaw pala yan. Akala ko, asawa ko." Sabi nya tapos nag-iwas ng tingin.

"Ahh... Do I really look like her?" Nang-aasar nitong tanong habang nakangisi.

"Ahh, yeah." Naiilang nyang sabi.

"Well, I guess." Sabi nito tapos nagkibit-balikat at natigil na sila ng bumukas ang pinto. Sabay silang lumabas at lumapit sya sa front desk.

Nang malaman na nya ang office ni Mr. Reid ay agad nya din itong natunton. Kumatok sya bago pumasok. Pagpasok nya ay nandoon ang babaeng kamuhka ng asawa nya at ang fiancé nito. Napabuntong-hininga sya at palihim na napairap sa hangin.

'Juskong buhay to.'

"Yes? You must be... Mr. Omega?" Tanong sa kanya ng lalaki. Ngumiti sya at nabali iyon ng makita ang babaeng nakatingin sa kanya.

"Yeah. I am." Sabi nya tapos dahan-dahang naglakad papalapit dito. Biglang kumunot ang noo ng lalaki at itinuro sya. "Ikaw yung lalaki sa mall, diba?" Tanong ng lalaki.

"Hmm." Naiilang nyang sabi. Marahan naman itong natawa.

"Small world. By the way, I want to introduce myself first. I'm Spencer Reid, you can call me Spencer." Nakangiting sabi nito at inabot ang kamay sa kanya.

"Travis." Maikli nyang sabi.

"Travis, this is my wife, Camille." Sabi nito tapos itinuro ang babae sa tabi nya.

"Nagkita kami kanina sa elevator, akala nya nanaman ako yung wife nya." Natatawang sabi nito sya naman ay naiilang na nakitawa sa mga ito. Lumabas na ang asawa nyang kamuhka ng asawa nya tapos nag-usap na sila tungkol sa business na gagawin nila.

___________________________

Tahimik na naglalakad sila Spencer habang magkahawak ang kamay nila ng asawa. Pupunta sila ngayon sa restaurant na malapit sa building nila at doon kakain.

Nakangiti silang dalawa habang papasok at nag-uusap. Nang makahanap sila ng pwesto ay agad silang umupo at tumawag ng waiter. Nang makuha na ang order nila ay umalis na agad ang waiter at nagsabing babalik pagkalipas ng ilang minuto..

"Really? I'm so happy for you." Pagbati ni Camille sa asawa.

"Yeah. I know. Thank you." Nakangiting sabi ni Spencer.

"By the way, may kailangan akong puntahan mamaya. I think, hindi ako makakauwi mamaya." Paalam ni Camille sa asawa.

"Is it really that urgent?" Tanong naman ni Spencer.

"Yeah. I'm sorry." Malungkot na sabi ni Camille tapos yumakap sa asawa.

"It's ok." Nakangiting sabi ni Spencer habang yakap ang asawa.

________________________________

Papunta ngayon si Erick sa office ng detective. Bago sya pumasok ay kumatok muna sya. Nang makapasok sya ay nakita nyang may ginagawa ito ngayon. Dahan-dahan syang naglakad papalapit dito habang naroon ito malapit sa bangkay ng bagong biktima.

"May lead na ba?" Tanong nya dito. By the way, best friend nya ang detective na to.

"Wala pa." Seryosong sagot nito. "Pero may napansin ako." Sabi pa nito tapos humarap sa kanya.

"Ano?" Tanong nya. Naglakad ang detective at lumapit sa harap ng laptop. Tapos may pinakitang footage ng CCTV, at pi-nause.

"Nakikita mo ba tong babaeng to?" Tanong nito tapos itinuro ang babaeng nakatalikod sa CCTV. Nagulat sya dahil pamilyar ang likod ng babaeng iyon. "Palagi syang nakikita sa mga footage na nakukuha natin. Sa una, hindi ko lang muna pinansin kasi anong malay kio, baka dumaan lang. Pero lahat ng mga namamatay nitong nakaraan ay palagi syang nakikita na nakatalikod." Sabi nito.

"Ibig mong sabihin, pwedeng sya yung killer?" Tanong nya.

"Pwede. Pero kailangan parin nating mag-imbistiga pa." Sabi nito tapos bumalik na ulit sa bangkay na sinusuri nito.

"Ano namang nangyari dyan?" Tanong nya pa.

"Isang saksak lang meron sa lalaking to." Sagot nito. "Pero may lason yung isinaksak sa kanya kaya mabilis syang nawalan ng buhay." Dagdag pa nito. Sya naman ay tumango-tango nalang sa sagot nito.

"Paano kung makumpirma na yung babae nga ang suspect?" Tanong nya pa.

"Malamang, huhulihin natin sya. Hindi tayo pwedeng magpabaya at hayaan nalang syang malaya dahil marami lang syang magiging biktima. Kailangan nating tuldukan yung ginagawa nya." Sagot naman nito sa kanya. Si Erick naman ay napatango-tango. Habang ang kaibigan nya ay lihim na nagtaka dahil parang bago pa lang ito sa trabaho nya kung makatanong.

_________________________

Tahimik na naglalakad si Emerald habang may kausap sya sa telepono. Habang ang taong nakasunod sa kanya ay nakangisi.

"Tapos ka na." Nakangiting sabi nito tapos unti-unting lumapit dito.

- To Be Countinued -

(Sat, August 28, 2021)


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión