Descargar la aplicación
90.9% Cassanova's Guardian / Chapter 10: Chapter 10: Ysabelle POV

Capítulo 10: Chapter 10: Ysabelle POV

Ysabelle POV

Nakailang biling na ko sa kama hindi talaga ako makatulog sa bahay na ito. Bumangon ako at tumingin sa bintana. It's 12 midnight pero ni dapo ng antok ay hindi ko maramdaman. Naisipan kong magtimpla ng gatas sa kusina, well gabi gabi na din na ganito ang routine ko since the first day.

 Malaki ang pinapasahod sa akin ng magulang ng babaero kong Amo. napakadali lang din naman ng trabaho ko. hindi din naman ganoon lumalabas si Arthur dahil mas lumalala ang mga dumating daw na Death Threat dito. 

Napadaan ako sa kwarto ni Arthur siguro ay tulog na ang lalaking yun. Napangisi ako ng maalala ko ang una naming pagkikita. hindi talaga maipagkakaila na babaero ang lalake, first day palang ay napalaban na siya dahil sa pagiging babaero nito. napapairap ako  kapag naalala yun. buti nalang at hindi sila parehas ng ugali ni Harold I mean Sir harold pala. 

Kinuha ko ang baso ko na bigay ni Manang Ising, namimiss ko na ang matanda, sa ilang araw palang nilang magkasama ni Manang ay talaga maluwag na ang loob ko dito, dahil laking lola din ako. I mean hindi naman siya mukhang lola na pero nakikita ko sa kanya ang lola ko na nag aalaga sa akin at ang way nang  pag-approach ay parehas din ng sa lola ko. Masarap din ito magluto. After ko magtimpla ng gatas ay nilibot ng mata ko ang malaking bahay na ito.

 Napaka successful ng mga Gamboa. ang bahay na ito ay hindi tinipid sa laki ng Chandelier  at ganda ng interior design. Ang mga sofa nilang mahihiya kang upuan dahil nakikita mo palang ay mamahalin na talaga. pati ang makikinis na mga vase nila ay parang ayaw mo ng hawakan at baka mabasag dahil sa sobrang kinang, siguradong mahal ang mga iyon. 

Napadako naman ang tingin ko sa Pictures na nasa table una kong napansin ay si Sir Harold. Ang matangos na ilong at mapungay na mata nito ang talagang nagpa-gwapo dito hindi maikakaila na maraming nagkakagusto sa kanya kahit na seryoso ito. Tumaas naman ang kilay ko ng makita ang picture ni Arthur na nakangisi, hindi sila ganoon magkahawig ni Harold siguro ay dahil magka-iba sila ng tatay.

 Ang mukha ni Arthur ay gwapo at sobrang ma-appeal sa babae lalo na kapag ngumiti ito. well hindi ako babae kung hindi ko sasabihin hindi ako nagwapuhan sa kanya. kahit ako ay na-attract sa ngiti niyang iyon. kaya hindi na ako magtataka kung habulin talaga siya ng babae. May pagkamahangin nga lang ang lalake at sobrang gwapong gwapo sa sarili. makita mo palang ang mukha ni Arthur ay red flag na. 

"Anong ginagawa mo?" sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang hawak kong picture Frame at nabasag ko iyon. Napatingin ako kay Arthur na nakahalukipkip at nakatitig sa akin. seryoso ang tingin nito na akala mo ay may ginawa akong masama. Mabilis kong pinulot ang picture frame na nabasag ko. 

"Hey! Don't touch it" awat nito sa akin pero huli na dahil nahiwa na ako sa bubog. Sobrang clumsy ko talaga minsan. arrg. 

"Masakit?" Tanong nito at kinuha ang kamay kong nasugatan. napairap ako sa tanong niya, malamang! ikaw kaya ang mahiwa hindi ka kaya masaktan dahil sayo yan kung hindi ka sana nang gugulat tsk. yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero baka bukas ay wala na akong trabaho. 

"okay lang ako" saad ko, mabilis ko naman kinuha ang kamay ko at hinugasan sa kusina. Nilagyan ko agad ng alcohol yun kahit na mahapdi nakita ko naman ang reaksyon ng mukha ni Arthur. Akala mo ay siya ang nasugatan. Kumuha siya ng Band Aid at ibinigay sa akin. 

"Bakit mo hawak yung picture ko?" Nakita ko ang kakaibang ngisi nito. hindi ko alam kung anong isasagot ko. "palihim ka palang sumisilay sa akin" nakita ko na naman  ang ngiting iyon ang ipin nitong perpekto. napailing naman ako sa naisip ko. 

"Masama bang tingnan ang picture ninyo? and besides hindi lang naman picture mo ang tinignan ko" Deretsahang sagot ko. nag iba naman ang timpla ng mukha nito. Kinuha niya ang tinimpla kong gatas at ininom yun. 

"May laway ko na yan, bat mo ininuman?" mahinahon kong tanong. 

"What? kaya pala masarap" malokong sagot nito. umirap ako, bwiset talaga ang lalaking ito. "Magtimpla ka nalang ulit ng sayo" wag nalang baka inumin mo pa ulit sa isip isip ko. 

"Hindi na, Inaantok na din naman ako." sabi ko at kumuha ng dustpan para walisin ang bubog sa sahig. sumunod naman ito sa akin. 

"Bibili nalang ako ng Picture frame na kapalit nito bukas, pasensya na at nabasag ko" kasalanan mo din naman tsk. Nagulat ako ng kuhanin niya sa kamay ko ang walis. 

"Bakit ang lamig mong sumagot sa akin?" Nagulat ako i sa tanong niya at ang itsura nito ay parang batang nagtatampo. Gusto ko sanang tumawa. "Pero kay Kuya Harold kung makangiti ka ay wagas tsk" Binitawan nito ang kamay niya, nabosesan ko ang tampo sa boses nya. Ano naman ngayon kung ganun ako sumagot? Bodyguard lang naman ako. sa isip isip ko ulit. 

"Starting today lagi ka ng ngingiti sa akin. Maliwanag ba?" kumunot ang noo parang isip bata talaga ang lalaking to. 

"hindi talaga ako palangiti" saad ko dito. kumunot naman ang noo nito sa akin. lumapit siya as in sobrang lapit. 

"Pilitin mong ngumiti Ysabelle sa akin  kapag kausap ako or else." tumingin ito sa mata ko pababa sa labi ko. nakita ko ang ngisi nya  at bumalik ulit sa mata ko ang tingin niya. 

"Sisiguraduhin kong pati 2nd kiss mo ay kukunin ko din" babala nito sa kanya. talagang hinahamon ako ng lalaking to. 

"Who said na ikaw ang 1st kiss ko?" maloko niyang tanong dito, gusto ko lang makita ang magiging reaction niya. Nabigla naman ito sa tanong ko at napanganga. ganoon na ba siya kabigla dahil hindi ito ang unang halik niya?. 

"kung ganoon puso mo nalang ang kukunin ko" Confident na sabi pa nito. sige nga at gawin mo Gamboa. hindi mo alam kung anong nasa puso at isip ko. wag ako. 

"No." tipid na sagot ko dito. tinitigan ako nito ng mabuti at pinagaralan ang mukha ko. magaling akong magtago ng emosyon anyway. simula kasi ng nawala ang tatay ko ay para na din akong tinanggalan ng emosyon.

Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni arthur mabilis akong sinandal nito sa table. 

"Don't try me, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko Ysabelle" itutulak ko sana ito pero nanlambot siya. hindi ko alam kung bakit ayaw makisama ng katawan ko ngayon. inipon ko ang lakas ko at tinulak siya, pero hindi sapat yun nakuha niya ang kamay ko at kinulong sa palad niya. pwede ko na siyang kasuhan ng harassment dahil sa ginagawa niya. 

"What? nasan na ang lakas mo? nagkadikit lang tayo ay nanlambot ka na" Saad pa nito. mabilis naman itong lumayo sa kanya. nakita niya ang pagbaba taas ng balikat nito na akala mo ay napagod sa ginawa niya. bumulong ito pero hindi ko marinig. 

"matulog ka na Ysabelle maaga pa tayo bukas" saad nito at umakyat na. napahawak naman ako sa dibdib ko halos hindi ako huminga ng ilang segundo dahil sa lalaking yun. Inayos ko na ang mga ginamit ko at umakyat na. Sana ay makatulog nga ako. 

***

A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C10
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión