Jairus POV
"Dito ang magiging kwarto mo ihiniwalay ka sa'min kase lalaki ka." Sabi ni manang habang inililibot ako sa buong bahay.
"Ilapag mona yang mga gamit mo at ililibot pa kita." Tumango naman ako dahil sa sinabi nya at kaagad kong inilapag sa isang tabi ang bag ko.
"Yan, kwarto ni miss keilla at ni ser." Turo nya sakin dun sa brown na pintuan.
"Yan naman ang kwarto ng anak nila ma'am at sir walang iba kundi si joree." Paliwanag nya uli dyan pala sya nag ka-kwarto sa pink na pintuan.
"At eto ang library room, eto naman ang swimming pool at eto ang garden." Hiningingal nyang sabi.
"Pahinga muna tayo napapagod nako dyan kana muna kukuha lang akong maiinom." Sabi nya sabay lakad paalis.
Kaagad akong napatingin sa swimming pool at aba malaki ah pwede kaya kong maligo dito.
Umupo ako sa upuan na malapit sa swimming pool at nag muni-muni.
Ilang saglit pa nakarinig ako ng mga tawanan sa di kalayuan.
Pero wala akong pake.
"Oh my ghad anong ginagawa mo sa upuan ko!?" Sabi ng pamilyar na boses.
"Nakatayo." Pabalang kong sagot na ikinagalit nya lalo sino paba edi si joree.
"Joree sino sya?" Tanong nung naka swimsuit na kasama nyang babae na ka edad ko lang din siguro.
"Sya, sya yung kinukwento kong A.K.A body guard ko na mukang hoodlum." Pakilala ni joree sa'kin.
Kasunod ng pagsabi nya nun ang pagtawa ng kung sinong demonyo sa paligid.
"Who's hoodlum?" Natatawang tanong nung naka grey na short.
"Sya ba yung body guard mo?" Sabi naman nung naka maroon na short.
"Oo sya nga. Diba guys muka syang hoodlum?" Natatawang sabi ni joree.
Kaagad akong naglakad paalis hindi sa napipikon ako pero ayoko lang ng maingay.
"Yari ka joree iiyak nayun." Sabi nung naka grey na short.
"Umiiyak pala ang mga hoodlum." Sabay tawa.
Napatigil ako dahil dun at hinawakan ko kaagad yung upuan na inuupuan ko kanina.
Eto ihahagis ko sayo tapos kapag nasalo mo sasalubungin ka ng suntok ko.
Pero kaagad ko ding binitiwan yun dahil hindi dapat ako magpakita ng inis sa ginagawa nila.
"Oh body guard a.k.a hoodlum bat mo hinahawakan yung upuan wag mo sabihing ihahagis mo samin yan." Natatawang sabi ni joree.
"Bat ko kayo hahagisan nito kung ako tatanungin itutulak ko nalang kayo sa pool at hindi ko hahayaang makaahon kayo." Walang ekspresyon kong sabi.
"Abat anyabang mo ah." Pagsugod sa'kin nung grey na short pero pinigilan sya nung maroon na short.
"Hayaan mona pare ganyan talaga mga hoodlum." Sabi ng maroon na short.
"E anyabang wala naman sa'kin yan." Pagyayabang nya.
"Tingin mo hindi ka mayabang sa pagsugod sa'kin." Sabi ko at naglakad paalis.
"Namumuro kana!" Sigaw nya.
Humarap ako sa kanya at nakita kong susuntukin na nya ko.
Joree's POV
Nang tumalikod sya kaagad syang sinugod ni dylan my love.
Oo matagal na akong may gusto kay dylan at alam nila yun at ka love team ko din sya pagdating sa pag arte.
By the way balik sa topic kaagad nyang sinuntok yung hari ng mga hoodlum at hindi naman sya nakaiwas kaya tinamaan sya.
Napapala ng mayayabang.
Sige bugbugin mo sya dylan.
Yan ba yung gusto ni mamang gawing gwardya ko e ang lalampa-lampa.
Tignan mo hindi man lang naka porma kay dylan.
"ANONG NANGYAYARI DITO!?" Sigaw ni...
Shit...
Si papa.
Kaagad naman binitawan ni dylan si hari ng hoodlum na panget na nga mas lalo pang pumanget dahil sa pasang natamo nya.
"SINO KA!?" Sigaw ni papa kay hari ng hoodlum.
Pero hindi sya nag salita nagulat ako ng biglang lumabas si mom.
"Honey anong nangyayari dito?" Sabi ni mom.
"HONEY SINO YANG LALAKI NAYAN!?" Turo ni papa kay hari ng mga hoodlum.
"Teka jai anong nangyari bat andami mong pasa ha?" Tanong ni mom habang hinahawakan ang muka nya.
"Honey sya si jai kinuha kong body guard ng anak mo diba na pag usapan na natin ito?" Sabi ni mama.
"Pumayag ako pero yan ang kinuha mo? Mukang yan pa ang gagawa ng masama sa anak natin e!" Galit na sabi ni papa.
Kaagad namang tumayo si hari ng mga hoodlum.
"Ma'am pasensya na sa gulong nagawa ko mauna na po ako." Seryoso nyang sabi sabay talikod sa'min.
"BASTOS KANG BATA KA KINAKAUSAP KA!" Napahinto naman si hari ng hoodlum dahil sa sigaw ni papa.
"Pasensya na ser pero kung akala mong may gagawin akong masama sa anak mo pwes kung ganun kanina pa po kita inuna." Nagulat kaming lahat sa sinabi nya.
Pati si papa hindi makapagsalita dahil sa sinagot sa kanya ni hari ng hoodlum.
Kaagad tumakbo si brianna palapit kay king of hoodlum.
Bakit nya nilalapitan yun?
"Tulungan na kita." Pagpiprisinta nya.
"Kaya ko ang sarili ko samahan mo ang mga kaibigan mo." Sabi nya at kaagad pumasok sa loob ng bahay.
"ANAK, HONEY MAG USAP TAYO SA TAAS NOW!!!" Sigaw ni mommy.
Kung nakakatakot si dad ano pa kaya si mom.
Kaagad akong nag paalam sa mga kaibigan ko para sundan si mom.
Shit..
Kasalanan to ng hoodlum nayon.
Jairus POV
"Ano ba kaseng nangyari at andami mong pasa." Kasalukuyang ginagamot ni manang ang mga pasa ko.
"Pasensya kana at natagalan akong bumalik kanina may inutos kase si ma'am kaya inuna ko iyon." Sabi ni manang.
"Ayos na po ako manang salamat po sa pag gagamot." Sabi ko at naglakad paalis.
"Jai." Pagtawag ng kung sino kaagad ko itong hinarap at si ma'am lang pala.
"Pasensya kana sa mga kaibigan ng anak ko at sa nagawa-
"Miss keilla walang problema sa'kin yun tapos na po mauna na po ako." Seryoso kong sabi at nag lakad paalis.
Pumunta ko sa kwarto ko at nag ligpit ng mga gamit ko.
Maayos naman pala ang mga gamit dito kumpleto.
Nang maayos kona ang lahat kumuha ako ng damit ko dahil maliligo ako ngayon.
Dumiretso ako sa banyo dito sa kwarto ko at nag hubad para maligo.
Habang pumapadausdos pababa sa katawan ko ang tubig na nagmumula sa shower ay iniisip ko kung pa'no?
Pa'no ko magagawang hanapin ang mga yun kung ang trabaho ko ang bantayan ang isang artista nayan.
Pero kahit anong harang o sagabal pa'yan hinding hindi ko kayo titigilan.
Joree POV
Kasalukuyan akong nandito sa swimming pool at kasama ang mga kaibigan ko.
"Joree diba wala pang naglalakas loob na sagutin ng ganun ang tatay mo pero bakit yung hoodlum nayun ginanon nya lang." Sabi caleb sa'kin.
"Nagtataka ka pa e hoodlum nga diba." Natatawang sabi ni dylan.
"Dapat dylan hindi mo na sya binugbog." Sabi ni brianna.
"Dapat lang yun sa kanya para malaman ko kung hanggang sa'n ang kaya nya." Sabi ko.
Nagtataka nga ako dahil walang mababakasan na takot sa ityura nya ng makaharap nya si dad lalo na nung sinabi nya yun.
E samantalang halos lahat ng mga kaibigan ko takot na takot kay dad.
Nakakainis lang kase dahil bakit ba sa twing inaasar ko sya bakit parang wala lang sa kanya.
Yung imbis na sya yung mainis ako pa yung naiinis alam nyo yun?
"Guys sa'n tayo mamaya?" Tanong ni brianna.
"Bukas nalang tayo umalis." Natatawang sabi ni dylan.
"Oo nakakapagod din ang araw nato." Reklamo ni caleb.
"Oo nga guys bukas nalan-
Napahinto ako dahil narinig ko yung ring phone ko.
Kaagad kong kinuha iyon at nagtaka dahil sa tumatawag na unregistered ang number dahil sa kuryosidad kaagad kong sinagot at tinapat sa tenga ko yun.
"Hello?" Tanong ko pero walang nag salita at kaagad pinatay ang tawag.
Aba attitude sya na nga tong sinagot ibababa nya pa.
Kaagad akong naglakad pataas at nakita ko si mama sa sofa nanunuod ng netflix.
"Ahm mom kilala nyo po ba itong number nato?" Sabi ko kaagad namang tinignan yung number at tinignan nya din yung phone nya.
"Number ng body guard mo yan i-save mo nalang ako ang nagbigay sa kanya nyan in case of emergency." Paliwanag ni mom.
"So sya pala yung nag baba sa'kin." Naiinis kong sabi.
"Bakit pina check ko lang sa kanya kung gagana ba, bakit may gusto ka pa bang marinig sa kanya."Natatawang sabi ni mom.
"Of course not mom." Sabi ko tumango-tango naman si mom pero nakangiti parin.
"Wag mong sabihing nagkakagusto kana sa kanya." Sabi ni mom na ikinagulat ko.
"Mom, hoodlum ang taong yun at natatakot ako dun." Galit kong sabi.
Me?
Magkakagusto dun.
Spell yuck.
Kaagad akong nag paalam kay mom at pumuntang kwarto ni king of hoodlum.
Kaagad nyang binuksan yung pintuan na parang boring na boring.
"Ano?" Tanong nya pero dali-dali lang akong pumasok sa kwarto nya.
"Ang kapal din ng muka mo para babaan ako ng telepono." Direct to the point kong sabi.
"Yun ang pinunta mo dito?" Tanong nya.
"Hindi dahil may sasabihin ako. Bukas gumising ka ng maaga dahil may lakad ako/kami ng mga kaibigan ko pupunta kaming mall naintindihan mo?" Tanong ko.
"Kung yun lang pwes lumabas kana." Napanga-nga ako sa sagot nya at kaagad ding naka recover.
"Pa'no kung ayaw ko?" Mangaasar muna ako tignan ko kung pa'no mo ako mapapa-alis.
"Tatadyakan kita palabas." Nagulat nanaman ako sa sagot nya.
"Hoy boss mo ko kaya hindi mo pu-pwedeng-
"Labas." Naputol ang sasabihin ko dahil sa sinabi nya.
"A yo ko, ayoko." Sabi ko at nahiga sa kama nya.
Nagulat ako ng isarado nya yung pinto at ini-lock nya iyon.
Shit...
Sinara nya...
Ni-lock nya...
Tapos...
Tapos kaming dalawa dito sa kwarto.
Kaagad ko syang binato ng unan at natuwa ako dahil alam kong tatama yun sa pangit nyang muka pero nagulat nanaman ako ng iharang nya yung kamay nya sa muka nya ayun dun tumama yung unan.
Pero...
Pero alam kong tatamaan sya...
Papanong...
"ANONG GAGAWIN MO SA'KIN BAKIT INI-LOCK MO YUNG PINTO!?" Galit kong sigaw sa kanya at nagtakip ng kumot sa aking katawan.
"Ayaw mong lumabas pwes dito ka sakin." Sabi nya at humiga sa tabi ko.
Dug. Dug.
Dug. Dug
Dug. Dug
Dug. Dug
Shit nagdidrible yung puso ko.
Kaagad akong napabalingkwas patayo sa kama at tumakbo palayo sa kanya.
Kaagad kong binuksan yung pintuan at...
"PERVERT NA HARI NG MGA HOODLUM!" Sigaw ko at tuluyang lumabas at pumuntang kusina.
"Anyare sayo bat namumula ka?" Tanong ni brianna. Hindi ko sya pinansin at dali-daling uminom ng tubig na nahablot ko.
"Uhaw na uhaw ah." Natatawang sabi ni caleb pero hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy lang sa pag inom.
BAKIT ba namumula ko?
BAKIT ba kinakabahan ako e nilock nya lang yung pinto.
Erase.erase
Dapat talaga hindi ko na sya pinuntahan!
Bwisit may araw karin sa'kin.
Kaagad kong nilapag yung baso at tumingin sa kanila.
"San galing yung tubig." Tanong ko.
"Pandilig dun sa garden nyo." Pilit kong sinusuka yung ininom ko dahil sa sinabi ni dylan.
"Kidding." Sabi nya atyaka tumawa.
"Epal mo." Sabi ko.
"Epal mo." pang gagaya nya sa'kin.
"Ang cute mo mainis." Sabi ni dylan namula naman ako dahil dun.
"Enebe pere kenemeng tanga." Pabebe ko with matching ipit ng buhok sa tenga ko.
Natawa naman sila dahil dun.
"Labas." Shit bakit parang narinig ko syang sinabi nya yun.
Erase. Erase
Napapitlag ako ng may biglang silaw sa'kin.
"Bat moko pinictcuran!?" Sabi ko kay caleb.
"Yon ipopost ko to sa ig ko with caption nangiwi." Sabay tawa nyang sabi.
"Abnormal." Sabi ko.
Anyway maganda parin naman ako.
"Anong pangalan nung body guard mo?" Nagtaka ako sa binulong ni brianna sa'kin.
"Hoodlum." Natatawa kong sabi sa kanya pero natigil din ako ng seryoso sya.
"Jai." Sabi ko.
Kaagad nyang kinalikot yung phone nya at parang may hinahanap.
"Wala syang facebook, twitter, ig bakit kaya?" Nagtataka nyang sabi.
"Galing sa bundok iyon kaya wala sya nun." Sabi ko.
"Teka bakit mo ba sya hinahanap?" Tanong ko.
"Familiar kase sya e para bang nakita ko na sya hindi ko lang matandaan kung sa'n." Sabi nya.
"Baka naman hindi sya yun?" sabi ko.
"Teka nagugutom ako kakaisip." Sabi nya sabay punta sa ref.
Bakit kaya wala syang facebook?
Teka bakit ba inaalam ko yun.
Eh hari nga ng mga hoodlum yun.