Descargar la aplicación
22.22% Legends of God's Children / Chapter 2: Chapter II

Capítulo 2: Chapter II

Chapter II. Shawn's Birthday

LUMIPAS ang isang taon nang mailigtas sa gumuhong gusali ang munting bata na si Shawn. Hindi niya makalimutan ang pagkakaligtas sa kaniya ng isang God's Children. Dati rati ay na ikukwento lamang ito ng kaniyang mga magulang pero siya mismo'y nailigtas ng isa sa mga ito. At naging Kuya kuyahan pa niya ito.

Sa lumipas na Taon ay palagi niyang nakikita si Edrian. Tila binabantayan siya nito pero hindi iyun masyadong pinapansin ng bata. Sa mga lumipas na araw ay nakikita ni shawn ang binatilyong si Edrian na nakikipag laban sa mga diyablo.

Wala pa siyang alam sa mga nangyayare pero siya'y humahanga kay Edrian. Sa pamamaraan nito sa pakikipaglaban. Hinihiling niya na sana maging katulad siya nito.

Gusto niyang maging malakas katulad ng kaniya kuya kuyahan. sa ngayon ay pumapasok siya sa elementarya malayo siya sa kaniyang mga kaedarang bata. Hindi siya palakaibigan dahil sa isang dahilan.

Ayaw ng mga ito madamay sa gulong kinakaharap niya. Dahil si Shawn ay nakakaranas ng pambubully mula sa kaniyang kaklase. At ang pambubully nito ay sadya namang hindi katanggap tanggap. Pero ganun pa man ay walang makapag sumbong dahil sa mga pagbabanta na idadamay sila kapag nakialam sila.

Ngayon ay naglalakad si Shawn sa Hallway papunta sa kaniyang classroom. Mapapansing tahimik na sa daan dahil malapit nang mag simula ng unang klase. Sa isang gilid kung saan nandoon ang kaniyang section na kinabibilangan ay mayroong isang grupo ng mga kabataan ang mga nagtatawanan.

"Ikaw? Ito gagawin mo ngayon! Dapat nakakatawa ah!" Sabi ng batang lalake.

"Oo, naman ako pa hahaha!" Tawa naman ng isa pang bata.

"Oy! Ikaw Jay-ar baka naman! Sali ako ah!" Sabi naman ng isang batang lalake sa nagngangalang Jay-ar.

"Oo naman tol! Kaya dapat galingan natin ngayon para nakakatawa" Sabi ng batang si Jay-ar at may tiningnan sa kaniyang hawak na telepono.

"Hehe tingnan natin ngayon to! Grey Go dali!" Sabi ni Jay-ar at agad kumaripas ng takbo si Grey patungo sa naglalakad na si Shawn.

"Shawn! Shawn Tulong! Kailangan namin ng tulong mo Si Jay-ar!!!!" Nagmamakaawang sigaw ni Grey.

"Oh! Bakit anong kailangan mo?" Tanong ni Shawn.

"Si Jay-ar binugbug nasa baba siya ngayon kailangan namin ng tulong mo dali tara" Sabi ni Grey at agad hinawakan ang kamay ni Shawn. Agad niyang hinila si Shawn dahilan kaya mapatakbo ito.

Pababa sila ngayon sa isang hagdan pababa ay maayos silang nakababa hanggang sa sa susunod na hagdan ay may nakatapon palang mantika sa mismong sahig nito.

Nagulat si Shawn ng makita ang kaniyang dadaanan Gusto niyang bumitaw sa pag kakahawak ni Grey ngunit napaka higpit noon.

"Kahit kailan uto-uto ka talaga Shawn!" Sabi ni Grey at itinulak si Shawn sa hagdanan.

Pabagsak na si Shawn ng may galamay nang tubig ang pumulupot sa katawan ni Shawn. Nagulat si Shawn ng makita ang isang lalake na nakalutang sa Ere habang napapalibutan ng Tubig ang buong katawan.

"Isang God's Children!!!" Sigaw ni Grey at agad napakaripas ng takbo. Bumaling naman si Shawn sa pinanggalingan ng Galamay ng tubig at doon nga ay nakita niya ang kaniyang Kuya kuyahan.

"Kuya Edrian!" Maluha luhang sambit ni Shawn at mapapansin ang luha sa kaniyang mga mata.

"Hindi ko mapapalagpas ang ginawa sayo ng batang iyun!, bakit nila sayo ginagawa yun?" Tanong ni Edrian kay shawn.

"H-hindi ko po alam kuya!, Ang Alam ko lang nilalayuan nila ako at ayaw nila saakin!" Umiiyak habang nagsasalita si Shawn.

"Shhhh! Wag kana umiyak nandito si Kuya! Ihahatid na kita sa classroom mo okay!" Sabi ni Edrian at iniangat si shawn pabalik sa palapag kung saan naroroon ang classroom ng bata. Sumunod siya kay Shawn at sinamahan itong maglakad papunta sa classroom nito.

Kumatok si Edrian at pinagbuksan siya ng isang babae at ito ang guro ni Shawn.

"Ma'am Pasensya na po kung Nahuli ang Kapatid ko sa pag pasok niya may nangyari po kasi kaya siya nahuli pag pasensyahan niyo na sana" Sabi ng binata ang guro naman ni Shawn ay napatulala sa Itsura ng binata. "Ang Gwapo!"

Lumipas ang ilang oras ay papauwi na si Shawn wala namang gaanong nangyari sa eskwela maliban lang sa nangyari kaninang umaga. Umuwi na siya sa kanilang bahay. Nakita niya ang kaniyang ina sa kusina. Nakita niya naman ang kaniyang kaniyang tiya at mga pinsan.

"Hello Shawn nakauwi kana pala!" Bati ng batang babae.

"Kumain kana ba?" Tanong naman ng isang pang batang babae.

"Hindi Pa Aimee pagod ako!" Sabi naman ni Shawn at agad umakyat papunta sa kaniyang kwarto. Doon tumambad sa kaniya ang malinis na silid agad niyang hinanap ang kaniyang kama at agad siyang humiga doon.

Napatitig siya sa kisame at napabulong nalang.

"Bakit! Bakit ako pa!, Sa lahat ng bata bakit ako pa!" Paulit ulit niyang ibinubulong iyun hanggang sa may biglang pumasok sa kaniyang silid.

"Uyyy Shawn halika laro tayo!" Pag yayaya ng pinsan niyang si Jonna.

Umiwas siya ng tingin sa pinsan niya at pinunasan ang luhang muntikan ng pumatak sa mga mata niya.

"Jonna wala akong gana makipag laro pwede bukas nalang!" Sabi ni shawn at bumalik sa pag kakahiga.

"Kapag di ka nakipag laro saakin isusumbong kita kay Tita Na umiiyak ka dito sa kwarto mo" Sabi ni Jonna at napangisi ito dahil napansin nga niya ang pag iyak ng kaniyang pinsan kani kanina lang.

"Hayst! Wala ako sa mood!" Sabi ni Shawn at nahiga patagilid sa kaniyang kama.

Kinabukasan ay maagang nagising ang ina ni Shawn pati narin ang kaniyang tita. Dahil ngayon ang 10th birthday ni Shawn Nag kabit ng mga palamuti sa paligid at may nakalagay na "Happy birthday Shawn." Sa silid naman ni Shawn may kakaibang nangyayari sa kaniyang katawan.

Napapalibutan ito ng Itim na Enerhiya. Sa loob naman ng kaniyang panaginip ay nasa isang Madilim na silid si Shawn. Nagtataka siyang tiningnan ang paligid.

"Anong ginagawa ko rito!, Nasaan ako?" Tanong ni Shawn at tumingin sa kaniyang harapan. Sa direksyon kung saan siya nakatingin ay may isang imahe nang lalake ang papalapit sa kaniya. Nagtaka siya sa kakaibang itsura ng lalake dahil nag liliyab ang ulo nito.

"Sino ka?" Nagtatakang Tanong ni Shawn.

"Sino ako? Para sa mga tao wala ka yatang alam patungkol sa Akin bata" Sabi ng lalake

"Ako ang Diyos ng Kadiliman at ng Underworld ako si Hades ang diyos nang kadiliman" Pagpapakilala ng lalakeng nag-ngangalang Hades.

"Marahil ay alam mo na ang tungkol sa tinatawag na GOD'S CHILDREN? Tanong ng lalake na agad naman sinagot ni shawn.

"Opo alam ko nga po Diba sila ang mga batang pinalad na magkaroon ng kapangyarihan" sabi ni shawn na ikina mangha naman ng lalake.

"Hmm tama ka sa iyong sinabi bata pero may mas malaking rason kung bakit nagkaroon ng God's Children sa mundo. Dahil ito sa Pag Aaklas ng mga diyablo at paglaban ng mga ito sa kagustuhan ng Mga diyos. Ako At ang ibang Diyos ay naatasang maghanap ng mga karapat dapat na mag kamit ng aming mga kapangyarihan, Ngayon ikaw na isang batang paslit ang aking magiging tagapag mana ng aking kapangyarihan" Maraming binanggit si Hades na nagpatahimik kay Shawn.

Siya Ay magiging Isang God's Children.

"Bata marami pa akong gustong sabihin sayo ngunit kailangan ko nang umalis. Ikaw na ang bahalang umalam ng iyong kakayahan sa ngayon ito lang ang aking maipapayo. Huwag kang magpapatalo sa mga Diyablo" Sabi ni Hades at sa isang Iglap ay nagising si shawn.

Tagaktak ang pawis niya at hinahabol ang hininga. Sa mga Sandaling iyun ay isa lang ang kaniyang nasa Isip. Ito Na Ba Ang Sagot Nang May Kapal Ang Tuparin Ang Pangarap kong Maging Isang God's Children...


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
Deredskert Deredskert

Vote and Comment

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión