"Sige na umuwi ka na marami pa akong pupuntahan nakaka abala ka na sa akin, alam mo ba kung bakit iniuwi ako dito ni nanay? Dahil gusto niyang maka pag pahinga ako dahil masyado akong na pressure nitong dumaan na mga taon, tapos ngayon imbes na i pamper mo ako para maka pag pahinga, ano itong ginagawa mo ngayon, dumagdag ka pa talaga sa mga problema ko, puwede ba Eli mag limutan na lang tayo, go on your own, and I'll go mine, para tapos na ang problema mo, wala ng kokontra sa mga desisyon mo,"
"Rey please don't make me feel like I'm so selfish, you know that I am always at your side and you're always my number one , I know that Junas cares for you so much too, It makes me feel proud because my wife has been always in the top of all her friends and loved ones, okey to make you feel calm, I'll announce our marriage tomorrow night and be with me at that time, to prove it right, is it okey with you?"
"Okey for my assurance that is suitable, sagot ni Rey kay Eli,"
"Pumasok muna tayo kasi masyado ng malamig dito Rey,"
"Di ba sabi ko sayo pupuntahan ko si Junas? kung ayaw mo akong samahan ako na lang ang pupunta, at ikaw umuwi ka na,"
"Rey gusto ko masolo kita ngayon ang tagal nating hindi nagkita, huwag mo namang ipagkait sa akin ang sandaling ito, miss na miss na kaya kita alam mo ba yun?,"
"Pakialam ko dun akala mo maloloko mo ako? palagi kang naka ngiti katabi ang iba't ibang babae sa mga picture mo sa magazine ako pang niloko mo?,"
"Rey purely showbiz lang ang mga yun , ikaw ang mahal ko kaya wala ng sinuman ang makakapasok pa sa puso ko, dahil tanging ikaw lang ang laman nito."
"Naka tiis ka ba naman? tingin ko kasi sayo ay nag mature kang masyado, mula ba nung umalis ako, hindi ka na naki pag date?,"
"Ni minsan ay hindi ko tinangka, dahil tingin ko sa mga babaeng nakilala ko lahat ay iyon lang ang hinihintay at saka ako tatalian,"
Lumipas ang mga sandali na walang imik ang dalawa , si Rey ay nagtitipa lang sa cellphone si Eli naman ay hindi malis alis ang tingin sa dalaga, sobra niya itong na miss kaya susulitin niya na ngayong gabi ay hindi siya aalis sa tabi nito.
"Hindi ka pa ba uuwi Eli? ayan o mag eight o clock na, hindi ka pa ba nagugutom?, o sige dito ka na kumain pagkatapos ay umuwi ka na,"
"Puwede bang dito na muna ako matulog Rey?"
"Eli sira ka ba?, ano na lang ang sasabihin ni Nanay Lagring."
"Rey alam ni Manang Lagring na kasal na tayo,"
"Kailan pa niya nalaman?,"
"Nung araw ng graduation mo sinabi sa kanya ng nanay Irene mo,"
"Ano ba (napasigaw pa siya) bakit ako lang ang walang alam sa lahat, ginawa ninyo akong tanga, nakakasakit kayo ng loob,"
Nakalabas bigla si Manang Lagring.
"Anong nangyari Rey?,"
"Wala po ,"sagot ni Eli,
"Akala ko kung napaano ka na Rey? O tara na kayo para kumain, Eli dito ka na maghapunan, para pag uwi mo ay matutulog ka na lang,"
"Hindi po ako uuwi ngayon dito po muna ako matutulog,"
"O, sige ikaw ang bahala doon ka na sa kuwarto ni Rey kami na lang ni Rey ang magsasama sa kuwarto ko, siyanga pala Eli kumusta ka ba ngayon?, nag asawa ka na ba?, ang iba ninyong kaibigan ay may mga asawa na rin, ikaw ba Eli ay wala pang balak na lumagay sa tahimik?,"
"Ayaw pa po kasi ni Rey, ako sana ay gusto ko ng kumarga ng anak, si Rey lang naman po ang hinihintay ko,"
"Bakit ako?, anong kinalaman ko sa gusto mong kumarga ng anak,"
"Ikaw ang asawa ko Rey kaya sa iyo ko gustong magka anak, mahirap ba yun?,"
"Oo mahirap Eli, dahil ayaw sa akin ng mama mo, at kung tatanungin mo din ako, mas lalong ayaw ko sa kanya, maghahalo ang balat sa tinalupan, kung maisasama mo ako sa bahay ninyo, kaya ang mas mabuti nating gawin ay ipawalang bisa na ang kasal natin para malaya ka na ring makakapag asawa, ng gusto ng mama mo para mapa ngasawa mo,"
" Rey hindi ba alam mo na ang mga sagot ko sa mga tanong mo?," na wala akong gustong makasama sa habang buhay kundi ikaw lang, at kung hindi ikaw mabuti pang maging binata ako hangang sa aking kamatayan,"
"Eli mangilabot ka nga sa mga pinagsasabi mo, ano kaya mo bang itakwil ang mama mo para sa magiging anak mo?, sumagot ka para mabigyan kita ng assurance pag balik ko dito sa Pilipinas, mabibigyan kita ng anak kung wala ka na sa poder ng mama mo, mamili ka na habang narito pa ako, dahil once na umalis ako magpatawaran na lang tayo, mag papakatandang dalaga na din ako,"
"Uy Rey ano bang pinagsasabi mo anak? bakit ba ganyan ka?, hindi ka ba nanghihinayang sa ganda ng lahi ninyo ni Eli siguradong magagandang mga bata ang mai po produce ninyo, at Rey sa akin ka lumaki di ba pinalaki kita ng mababang kalooban, bakit hindi mo mapatawad ang mama ni Eli? at bakit hindi pa rin mawala ang galit mo sa kanya hangang ngayon?, ano ba ang sobrang galit mo sa kanya?, sabihin mo nga sa akin, para maintindihan kita, kasi parang hindi ka na ang batang pinalaki ko yung marunong magpatawad at labis kung magmahal ng mga tao sa paligid niya,, kung paiiralin mo ang pag ibig sa kapwa mo siguradong mawawala ang galit na nararamdaman mo sa mama ni Eli,"
"Nay, kung hindi dahil sa kanya siguradong magkasama na kami ni Eli ngayon, at dahil din sa kanya muntik ko nang maging asawa ang hari ng Pandovara Kingdom dahil gusto ko nang mag rebelde noon, sa sobra kong pagka suklam sa kanya, at baka hindi na ako maka uwi dito at habang buhay kong pag sisisihan ang nagawa kong desisyon na yon, ang gusto ko lang naman ay ang simpleng buhay na kasama si Eli at ang mga magiging anak namin, yun lang sana, pero bakit kaya hindi ko magawa gawa yon, dahil kasi sa kanyang mama pareho kaming magdurusa, o ako na lang kaya Eli," mula ngayon ibinibigay ko na sa iyo ang iyong kalayaan, para maka buo ka na ng sarili mong pamilya,"
"Rey anuba paulit ulit na lang ba tayo?, ayoko nga ng ibang babae ikaw lang ang gusto ko, alam mo yun di ba?, ang tungkol sa mama huwag mo ng problemahin yun ako ng bahala doon,"
"Ikaw ang bahala at ako ang magiging kawawa? hindi ka ba naaawa sa akin Eli? gustong gusto ko nang makasama ka, kaya lang siya ang hadlang sa pangarap kong iyon , at hindi yan ang gusto kong marinig na sagot mo," na ikaw na ang bahala sa kanya," hindi yan ang gusto kong marinig na sagot mo," kaya sorry Eli maglimutan na lang tayo,"umuwi ka na nga nakaka irita ka,"
"Rey anak pakingan mong mabuti si Eli," baka naman may maganda siyang paliwanag o rason o kaya naman may binabalak na siyang gawin para sa problema ninyong iyon,"
"Nay hindi ko nga gusto ang sagot niya sa akin, kaya paano ko siyang pakikingan?"
*****************************************
— Un nuevo capítulo llegará pronto — Escribe una reseña