Pagka galing nila sa restaurant, nagpalit kasi ng unifom si Jack, ay dinala ni Robert si Jack sa hangout place nila sa school isa iyong malaking kwarto sa bandang kanan ay may billiard table kababakasan ng karangyaan ang lugar na yon napaka ganda ng sala set na naroon , "
"Dito ba kayo palagi Robert? "
"Oo minsan nga ay dito na kami natutulog yang lima na kabinet na yan sa aming lima na mga damit ang nandyan at doon naman sa kaliwa ay ang CR," alam mo Jack ikaw pa lang ang nakapasok na babae dito,"
"Bolero ka talaga Robert paano si Anjie hindi pa ba yon nakakapasok dito?"
"Hindi pa at "off limits siya dito,"sabi ni Robert
Paalis na sila ay nakasalubong nila ang apat na kaibigan ni Robert,
"lhahatid ko lang si Jack sa room nila,"
Nagtaka ang apat na kaibigan ni Robert ,
"Ba't magkasama ang dalawang yon,"? sabi ng mga ito,
Palapit na sila sa department nina Jack daraanan nila ang HRM department , ng dumaan sila ay nagtinginan ang lahat ng estudyante, karamihan ay ang mga babae naingit sila kay Jack kasi ito lang ang pinansin ni Robert sa paaralan na iyon dahil ang alam nila ay wala itong hilig sa mga babae katunayan ay hindi nito pina pansin ang kahit na sino , pagdating nila sa ME department ay nagtaka din ang mga kaibigan ni Jack "
"Ba't magkasama ang dalawang iyan? bulong ni Margie kay Rose,"
"Ewan ko "sabi nito,
Pagkaalis ni Robert ay tinanong siya ng mga kaibigan.
"Jack sino yon ? ang gwapo ah!,"tanong ni Chie sa kanya.
"Si Robert yon boyfriend ko daw ,"
Anu? boyfriend mo daw? bakit? sabay sabay pang tanong ng mga ito sa kanya, Jack tatlong araw lang tayong hindi nagkita nagka boyfriend ka na agad?,
"Secret lang natin to sabi ni Jack,"nagtutok ng baril sa sintido ang ungas na yon kaya ayon napasagot niya agad ako," kasi paano kung mamatay yon sa harapan ko "hay" nakakikilabot,"
"Saan kaya ako pwedeng tumuloy mamaya iiwasan ko na ang lalaking yon,"
"Sa amin ka na matulog Jack tutal weekend na bukas pupunta kami ng beach sumama ka na lang sa amin sabi ni Rose,"
Iyon na nga ang nangyari, ang motor niya ay nasa school lang sumakay siya sa kotse ni Rose ng patago, Galit na galit si Robert kasi hindi niya mahanap si Jack hindi ito makausap ng matino laging lasing, "
"Ano bang nangyayari dyan?"
Tanong ni Clark sa mga kaibigan, "
"Ewan?, "ngayon lang yan nagpaka miserable ng ganyan, huwag na muna natin siyang iwan, baka kung anong misipang gawin niyan"
Lunes nasa library lang silang magkakaibigan, kaya hindi siya makita ni Robert dahil sa sulok sila pumu pwesto.
Pero hindi na makapagtago si Jack dahil oras ng klase ay naghintay na ito sa labas ng classroom nila, pag labasan ay sinabayan siya nito, kasama niya ang mga kaibigan, kaya wala na siyang nagawa ipinakilala niya dito ang mga kaibigan niya,
" Guys this is Robert boyfriend ko, "Robert sila ang mga kaibigan ko, si Margie, Rose, at si Chie" sabi dito ni Jack",
"Hi Girls nice to meet you all " saan na ang punta ninyo?, tanong ni Robert
"May ballet class pa kami Robert sabi niya dito,
"Ihatid ko na kayo,"
Pero tumangi sina Margie kasi may mga sasakyan naman sila salamat na lang Robert sabi ng mga ito,
Nice to meet you again sabi ni Chie, si Jack na lang ang ihatid mo ", sige Jack hintayin ka na lang namin sa gym para sa practice natin",
"Okey girls bye"sabi ni Jack pagka alis ng mga kaibigan niya ay inakay na siya ni Robert patungo sa sasakyan nito .
"Bakit hindi ka pumasok sa klase ninyo Robert? "tanong niya dito .
"Kung pumasok ba ako makikita ba kita? hindi, di ba?, "pinagtataguan mo kasi ako" sabi ni Robert sa kanya,"
"Tanongin mo si Anjie kung bakit kita iniiwasan"
"Tapusin na natin ito Robert, namamangka ka sa dalawang ilog", ako ang lugi dito Robert, sinasayang ko ang oras ko sayo Anong panghahawakan ko sa relasyon nating ito samantalang may fiancé ka na, wala akong panghahawakan di ba? kaya hangang dito na lang tayo Robert,"
"Mahal na mahal kita Jack yan ang panghawakan mo, magtiwala ka lang sa akin hindi kita pababayaan,"
"Natatakot ako Robert , pakiramdam ko paiiyakin mo lang ako,"
"Kaya nga magpakasal na tayo Jack,"
"Pumayag naman kaya ang mga magulang mo?"tanong ni Jack dito ," hindi, di ba? kaya para ano pa na magpakasal tayo ,unang- una minors pa tayo,
"Maawa ka naman sa akin Jack " ikaw na lang ang rason para ako mabuhay, kung hihiwalayan mo ako para mo na rin akong pinatay,"
Umiiyak na ito hindi man lang ito nahiya sa mga dumaraan na mga estudyante lumuhod pa ito sa paanan niya at umiyak ng umiyak, si Jack na ang nahiya sa mga taong dumaraan may mga teacher pang napapa hinto at pinatatayo ito pero ni hindi ito nakikinig sa mga ito, papalapit ang Dean ng BSBA kaya pinatayo na niya ito at inakay patungo sa kotse nito, doon niya ito senermunan,
"Ano ka ba naman Robert may fiancé ka na, para ano pa ako sayo "dismayadong sabi ni Jack, "
"Ikaw nga ang buhay ko Jack, "hindi mo ba ako naiintindihan?" tanong nito sa kanya."
Habang humihikbi pa, naawa siya dito dagdag pa na mahal na rin niya ito kaya, pinagbigyan niya ito ulit,
"Sige na Robert pupunta na muna ako sa gym at ikaw bumalik ka na sa klase mo hintayin mo na lang ako mamaya," sabi dito ni Jack,
"O heto Jack ikaw na ang humawak sa susi ng kotse para hintayin mo rin ako, kung ikaw ang unang matatapos,"
"Hoy, Robert wala ka bang tiwala sa akin?
"Meron akong tiwala sayo kasi love mo ako di ba? biro sa kanya ni Robert.
Sabay takbo nito,napatawa na lang siya ng mahina, pagdating ni Robert sa classroom nila ay kinantiyawan siya ng katakot takot ng mga ka klase niya,
"Robert "ganun mo ba siya kamahal?"tanong sa kanya ni Russell, "
"Oo, ganun katindi yon,"sagot ni Robert sa mga ito ,
Maganda na ang samahan nila, sa canteen sila kumakain pag nasa school sila, ang mga kaibigan niya ay umuuwi may mga sasakyan naman kasi sila, sa uwian ay lagi na siya nitong inihahatid, hindi na pinadadala sa kanya ang motor niya ni Robert kasi gusto nito na sa kotse nalang siya sasakay, nagbibigay ito sa kanya ng oras para sa mga kaibigan niya kung may pupuntahan silang magkakaibigan hindi ito tumututol , kung sila naman ang magkasama ay madalas na kasama nito ang mga kaibigan minsan nagbibilyard sila minsan naman ay nagta target shooting mababait naman ang mga kaibigan nito maliban kay Russell na lagi lang itong tahimik pero masaya na "ito"kasi malapit lang sa kanya si Jack .
Ngunit parang nadurog ang puso ni Russell ng isang araw ay sumugod sila sa bahay nina Robert detetso sila sa kwarto nito bigla silang nagulat naroon si Jack tulog na tulog katabi ang tulog din na si Robert dahil sa ingay ng mga ito ay nagising si Jack napabalikwas ito hawak ang kumot na pantakip sa katawan niya napatayo din si Robert top less ito naka pajama pants lang,"
"Lumabas nga kayo"sabi ni Robert sa mga ito "Jack magbihis ka na ihahatid na kita may pupuntahan yata kami, biglang napasugod "eh"
"Saan naman? tanong ni Jack dito,"
"Ewan ko sa kanila"
"Sige na wag mo na akong ihatid magta taxi na lang ako" sabi niya dito,
pagka alis ni Jack ay nagtanungan ang mga kaibigan ni Robert,"may nangyari ba sa inyo ni Jack Robert?" tanong ni Russell kay Robert, "
"Siyempre alangan naman na sayangin ko ang pagkakataon para hindi na siya mawala sa akin at siya naman ang maghahabol sa akin ngayon"
"Talaga lang ha! sabi naman ni Clark."
"Nalasing kasi si Jack kagabi nag inuman kami nagsuka siya kaya naligo na siya agad yong damit nya ay nilabhan ko na kaya suot na niya iyon kanina. paliwanag ni Robert sa mga ito ,"
"Si Russell ay pumunta na naman sa tambayan niya pag nalulungkot siya, doon niya isinisigaw ang sobrang lungkot at galit niya , galit na galit siya kasi baka masaktan si Jack ni Robert kung lokohin lang ito nito. Baka masaktan din niya itong si Robert .pag nagkataon, sobrang mahal niya si Jack kung sakaling iwan Ito ni Robert hindi siya mag aatubili na tangapin niya ito sa buhay niya mahal na mahal talaga niya ito.
Umuwi muna si Jack para maligo at magpalit ng uniform,pumasok na siya sa school, at nang uwian na at naihatid na din niya ang mga kaibigan sa mga sasakyan nito, siya ay sa motor niya sumakay ngunit bago siya nakaalis ay nakita niya si Russell palapit sa kanya.
"Jack uuwi kana ba? tanong sa kanya ni Russell,
"Oo,bakit?
"Kain muna tayo Jack kahit sa canteen lang , gutom na kasi ako "
"Sige sabi niya dito,"
Kumakain na sila ng biglang sumulpot si Robert,
"Jack hinahanap kita , nandito ka lang pala,"
"Robert halika kain kana rin" sabi dito ni Russell,
"Bakit magkasama kayo? tanong ni Robert kay Russell,
"Niyaya ko si Jack nagutom kasi ako nakita ko siya kaya niyaya ko na lang siya,"
"Jack halika na iuuwi na kita sabi ni Robert"
"Hindi na Robert dala ko naman ang motor ko,"sabi dito ni Jack ,"
"Sige na Jack sumama ka na sa kanya akinang susi ng motor mo ako na lang ang maghahatid sa bahay ,"
Ibinigay ni Jack ang susi dito ,"
"Ito,Russell "salamat ha" sabi dito ni Jack,"
Nasa kotse na sila ni Robert ay nagsalita ito may kasalanan ako sayo Jack ikwenento dito ni Robert ang ginawa nya, kasi naman Jack baka kantyawan ako ng mga yon hinging paumanhin sa kanya ni Robert, basta tayo Jack alam natin na hindi totoo yun,
Tinatanaw na lang sila ni Russell paalis , para na naman siyang iiyak iyon nga ang nangyari tuloy tuloy ang tulo ng kanyang mga luha,hindi niya ito mapigilan, kumuha na lang siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinahiran ang kanyang mga mata ,Jack ba't si Robert pa ang yung minahal ba't hindi nalang ako, mahal na mahal kita Jack marami nang babae ang dumaan sa buhay ko piro sayo lang ako nakaramdam ng ganito siguro hangang sa mamatay ako ikaw na lang ang iibigin ko,alam ko na hindi mo ako mapapansin pero hindi ako susuko mamahalin at mamahalin kita hangang kamatayan Jack, he still quivering as he struggled to fight back the tears again that were now flowing freely from his eyes again and again.