Descargar la aplicación
12.5% My Brave Pilot Beauty / Chapter 3: Chapter 2

Capítulo 3: Chapter 2

"Meron ka nang fiancé Rob magagalit si Anjie sabi ni Clark"

"Puwede ba, Alam naman ninyo di ba?, Wala nga akong pakialam dun ,"

Kinabukasan ay pumunta nga ang grupo sa BSME department, pero minalas sila wala doon sina Jack, tinanong nila ang mga kaklase nito , ang sabi ay may practice daw ng ballet ang mga girls. Madalas ay sa library lang sina Jack tumatambay kasi bawal ang maingay dun, kaya hindi sila malalapitan ng mga makulkulit na lalaki sa school nila.'

Ayaw kasi nilang may lumapit na boys sa kanila naiirita sila binansagan na nga sila na mga manhater daw, Hindi nga sila gumagala sa loob ng campus kasi ayaw nilang may lumapit na mga lalaki sa kanila hindi naman sila suplada mababait sila pero wala pa talaga sa isip nila ang makipag mabutihan sa opposite sex.

Kaya nga pakalabas nila sa kani  kanilang sasakyan ay deretso lang sila sa classroom at hindi na sila lumalabas hangang uwian, minsan ay nasa gym sila kasi naglalaro nga ng basketball si Jack nanomood sila dito pero sa sulok sila pumu pwesto para hindi pansinin, Athlete si Jack , marunong siya nang Arnis at Archery May alam din siya sa TAEKWANDO ang Tito nya kasi ang nagturo nito sa kanya. Instructor ito ng taekwando.

Hindi na din sila nag pupuntang mall kasi isang beses na nagkasama sila ay may lumapit sa kanilang talent scout daw ito , at inalok silang mag artista pwedeng pwede daw sila ang kaso ay wala nga silang hilig sa showbiz.

Nasa umaandar na kotse ang magbabarkadang sina Robert , may umagaw sa kanilang pansin biglang bumaba ng kotse si Russell, isang babae na nagkukumpuni ng motorbike sa gilid ng kalsada, si  Jack ito , nilapitan siya ni Russell,"

"Miss kailangan mo ng tulong?", tanong dito ni Russell

" Ah ,hindi na tapos na naman ito nagluko Lang ang kadena,"

"Paalis na nga ako eh ,"

Pagtaas ni Jack ng ulo ay parang nakakita si Russell ng isang dyosa perpektong mukha ng isang babae iba ang kagandahan nito , mas maganda pala ito sa malapitan sa isip ni Russell nakikita kasi niya ito lagi sa malayo , Si Robert ay naka dungaw naman mula sa driver seat namangha siya sa ganda ng dalaga, Hindi ako makapaniwala may nabubuhay pa palang ganito kaganda nasa isip nya.

Isusuot na lang ni Jack ang kanyang helmet ng biglang pinigilan ni Russell ang kanyang kamay,

"Teka miss ako nga pala si Russell " ikaw anong pangalan mo?",

Hindi siya sinagot ni Jack at bigla na lang nitong pina arangkada ang dala nitong motorsiklo.

Pawis na pawis na si Jack pero wala syang tigil sa kakabalikbalik marami na kasi ang mga kumakain sa restaurant hindi na nakapagpalit ng uniform si Jack kasi marami na nga ang tao kita niya ang pagod sa mukha ng kanyang ate Dory . pumasok ang isang grupo ng mga binata wala pang mauupuan ang mga ito kaya sinalubong muna ito ng ate Dory niya tapos iniutos nito kay Jack na linisin ang isang mesa ng kaaalis Lang na mga kustomer nililinis pa niya ito ay nagsi upuan na ang limang binata   sina Robert ito, nakita nito si Jack na pawis na pawis pa kaya sinabihan niya ito .

Hoy miss umuwi ka na muna sa inyo ayan o hindi ka pa nga nakapagpalit ng uniform mo nagta trabaho ka na agad,"

"Tiningnan ito ni Jack ng masama ,"

Hindi pa nakuntento si Robert, tumayo ito sabay dukot ng panyo sa bulsa ng pantalon at akmang pupunasan sa mukha si Jack, pero naka iwas ito , hindi sumayad sa mukha niya ang kamay nitong may hawak na panyo .

"Bakit bawal ba ang mag serve  sa inyo ng naka school uniform pa? at pawisan?,"

Tapos bigla siyang tumalikod pumasok siya sa kusina at naghugas na lang siya ng mga pinggan, maya- maya ay may dumungaw sa kanya habang siya ay abala sa paghuhugas,

Ang pinaghuhugasan nila ay may maliit na bintana paharap sa restaurant, Ang dumungaw ay siRobert , umuwi ka na muna, pawis na pawis ka na, magkakasakit ka na niyan."

" Anu ka ba" " sinigawan  na niya ito , wala kang pakialam sa akin, hindi kita kilala," Kung magkasakit man ako , wala ka nang pakialam dun, nagta trabaho ako dito para may makain ako, kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan," Umalis ka na nakaka istorbo ka sa ginagawa Ko,"

Naasar na si Jack kaya umalis na siya sa pinaghuhugasan niya , lumabas siya sa restaurant papasok yon sa bahay nila. Pero hindi siya inaalisan ng tingin ni Robert, pagkapasok niya sa pinto ay isinara niya kaagad yon sinudan siya ni Robert pero hindi na siya nito naabutan.

Nasa school na si Jack naglalaro na siya ng basketball sa gym papasok naman sina Robert nasulyapan niya ang mga ito kaya bigla siyang umalis sa court pumunta siya sa mga kaibigan nya na nakaupo na naman sa sulok naupo siya sa pinaka sulok pa ,nagpupunas na siya ng pawis ng biglang sumulpot sa harapan niya si Robert umusog siya ng konti para umiwas dito kahit nagtatago na siya ay nilapitan pa siya nito ,

"Hoy,, mamaya kakain kami sa restaurant Ipag reserve mo na kami ng mesa ha!, " para hindi na kami maghintay ng matagal,"

Hindi lang niya ito pinansin," kasi nga napagod siya sa paglalaro ng basketball baka pag pinansin niya ito ay lalo siyang mapikon, pumihit pa sya patalikod dito, pero tumayo ito at niyukuan sya sa may mukha niya mismo , Kung titingnan sa malayo aakalain mo na hahalikan na siya nito,

"Sabi ko i reserve mo kami ng table kakain kami doon mamaya,"

"Hindi ako papasok ngayon pasensya na."

Pabigla siyang tumayo ngunit nahila nito ang kamay niya.

Anu ba, nasasaktan ako," sabi niya,"

"Sorry , "hindi ka kasi nakikinig, nakakapikon ka na, "at inalis na nito ang pagkakahila sa kamay niya ,"

Ang ginawa ni Jack ay niyaya na niyang umalis ang mga kaibigan at uuwi na sila, hinatid niya ang mga ito sa kanilang mga sasakyan at pumunta na rin siya sa pinag garahihan ng kanyang motor pero nahabol siya ni Robert " ano bang problema mo? may atraso ba ako sayo ?

"Wala ,"

"Eh wala naman pala, pwede tantanan mo na ako?,"

Paalis na si Jack ng may biglang tumawag kay Robert na babae .

"Robert  bakit mo ako pinagtataguan ?"

Nilingon ni Jack si Robert at nginitian niya ito  na parang nakaka insulto, pagkakita ni Robert sa mga ngiti ni Jack ay parang  tumibok ng malakas ang puso nya, pagkatapos ay nagmamadali na si Jack na umangkas sa motor niya at pina arangkada na ito, sa parteng paliko ay may biglang sumulpot na kotse muntik nang madigrasya si Jack, huminto siya at bumaba, bumaba na rin ang nagmamaneho ng kotse si Robert yon,

"Bakit na naman?", sigaw tanong ni Jack dito,

"Sakay na alok nito kay Jack ,"

"Sira ka ba?,"may sasakyan din ako, kaya bakit ako sasakay dyan?" "

"Sumakay ka na si Matthew na lang ang bahala sa motor mo ,"ulit ni Robert dito."

"Nasulyapan ni Jack ang babae na kumausap kanina kay Robert, palapit ito sa kotse, kaya kunwari ay papasok na siya sa kotse , bigla siya nitong tinulak at ito ang sumakay sa kotse",

"O, pano ba yan?, wala na akong  pwesto, sige na Matthew ako na ang bahala sa motor  ko,"

Pero hindi niya inaasahan na pinalabas ni Robert ang babae at biglang hinila nito si Jack at pina angkas na sa motor at umangkas din ito at ito na ang nagmaneho ng motor paalis, ideneretso nito ang motor sa restaurant doon siya nito inihatid, pagpasok nila, nakita siya ni ate Dory at pinabibihis na siya nito,

"Mamaya na po ate may kasama po ako ," sabi niya dito.

"Si Robert ay naupo na, binigyan niya ito ng tubig. Pagka inom ng tubig ay nagpaalam ito kay Jack na lalabas muna para hintayin ang mga kasama,

"Huwag kang aalis ha!' bilin nito sa kanya,

"Pag Talikod nito ay dali- dali siyang umalis dumaan siya sa pinto na papasok sa loob ng bahay nagdesisyon sya na wag na munang pumasok para maka iwas na dito, nagpalit na siya ng damit , short na maong at blouse na pula lang , lalong pumuti si Jack sa suot nito. Naglinis na lang si Jack ng bahay, pagkatapos ay nag answer na siya ng kanyang mga assignment, nakita niya paalis na ang kotse nina Robert, nakahinga siya ng maluwag, kaya pumasok na sya sa loob ng restaurant para maka tulong sa pag serve o kaya ay maghugas ng pinggan ng papasok na siya ay nakita nya si Robert sa loob hinihintay pala siya nito,"

"Saan ka galing?" tanong nito sa kanya, "

"Akala ko umalis na kayo," Nakita kong umalis na ang kotse mo, sabi ni Jack dito

"Pina una ko na sila ,Jack ,"balak mo talaga akong takasan ano?"

"Halata ba? Pang aasar niya dito,"

"Huwag kang ganyan Jack " sabi nito, "

"Kanino mo nalaman ang pangalan ko?" ,

"Hindi na importante yan, sabi nito, "bakit ganyan ang suot mo?, tanong nito kay Jack, ang ikli ng shorts mo,"

"Ano naman sayo eh sa ito ang gusto kong isuot ", sabi niya,

"Mag pants ka nga ," ikaw ang maghahatid sa akin ngayon,"

"Bakit driver mo ba ako?" tanong dito ni Jack, kung makautos ka dyan para kang kung sinong amo,"siniswelduhan mo ba ako?," manigas ka dyan, may mga taxi namang dumadaan dito sumakay ka na lang, at wag ako ang istorbohin mo,"Pagagalitan na ako ng boss ko, dalawang araw na akong hindi nakaka pasok, dahil sayo,"

"Ipag papaalam kita sa amo mo, at yong dalawang araw na sweldo mo, ako na ang magbibigay sayo,"

"Hoy! ikaw, dinuro na ito ni Jack , alam ko mapera ka pero wag mong ipagmalaki sa akin yon, kahit ganito ako, hindi ako mukhang pera," sabi niya,

"Hindi ganyan ang ibig kong sabihin paliwanag nito sa kanya ,"

Hinila nito ang kamay nya papunta sa counter nandoon si ate Dory at ipinagpaalam siya nito dito pumayag naman si ate Dory hawak pa rin siya nito sa kamay habang palabas ng restaurant ,

"Anu ba! "bitawan mo nga ako,"

"Hindi tatakas ka na naman, sumakay ka na dyan sa motor mo at umalis na tayo, sabi nito sa kanya ,"

"Teka,sabi niya , kukuha lang ako ng maisusuot,,"

"Akala ko ba yan na ang gusto mong isuot?"

"Ang swerte mo naman, aangkas ako dyan sa motor na ganito ang suot ko?,"sabi niya dito,"

"Hoy Jack strategy mo na naman yan para takasan ako ano?" tanong nito sa kanya,

"Bat mo alam?"pang aasar niya dito,"

"Jack, namumuro ka na sa akin, galit na sabi nito sa kanya, mang asar ka pa, ulit nito,"

"Bakit ? tinatakot mo ba ako?" tanong ni Jack kay Robert ,"

"Hindi hindi kita tinatakot sina sabi ko lang  halika na, sabi ni  Robert ,"

Naki pag hilahan ng kamay si Jack kay Robert,

"Ano ba Jack halika na ayan o gumagabi na sabi ulit ni Robert sa kanya,

"Sige hintayin mo lang ako dito promise babalik talaga ako, magpapalit lang ako ng suot ko,"

"Nag maong pants na lang si Jack at niyaya na niya si Robert,"

"Halika na sabi niya dito ako na ang mag drive ,"

"Jack, nakakahiya sa makakakita sa atin na babae ang pinag da drive ko" paliwanag nito sa kanya .

Dumating sila sa bahay nina Robert wala ang mga magulang nito nasa Canada, kasi may mga bussiness daw ito doon. Idineretso ni Robert ang motor sa loob ng garage,

"Ba't dyan mo pinasok ang motor ko?"tanong nya kay Robert, "uuwi na ako"kailangan ko na yan,"

"Hintayin muna natin ang mga boys, wala pa ang kotse ko, hindi naman kita papayagan na mag drive sa ganitong dis oras na ng gabi,"

"I'm tired and I'm hungry kailangan ko ng makauwi, paano na yan?,"

"Halika pumasok na tayo ipagluluto kita para makakain ka na,"

"Pagka luto ay kumain na sila, at masarap naman palang magluto ang loko, sa isip ni Jack in fairness, tinulungan niya itong maghugas, pagkatapos ay pumasok na sila sa sala,"

"Hoy! anu na?,"tanong niya kay Robert, uuwi na ako, inaantok na ako,"


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión